Chereads / STRIP SERIES 1: SAVANA / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 3

SAVANA'S POV

SA tanang buhay niya ngayon lang siya kinabahan ng ganito. Ang bilis bilis din nang pintig ng kaniyang puso at pinagpapawisan din siya ng malapot.

Jusko hindi pa 'to ang enterview ah pero halos maihi na siya sa kaba.

Agad kong pinunasan ang mga butil ng pawis na namumuo sa aking ilong. Ganito ako pag kinakabahan, namamawis ang ilong.

Huminga siya ng malalim at lumapit sa nakatayong guard sa bungad ng mall.

"Magandang umaga po kuya" Naka ngiti niyang bati dito.

Ngumiti naman ito at tiningnan siya mula paa hanggang ulo.

"Magandang Umaga rin bata, kasama mo ba nanay mo?" Ani nito na siyang kina-init ng kaniyang ulo.

Kalma lang Savana...Kalma.

Huminga siya ng malalim at inilabas ang mga dokumentong dala-dala.

Ito na naman tayo.

Napagkamalan na naman siyang bata.

"Mag aapply po ako ng trabaho" Seryosong ani ko na siyang ikina tawa nito.

"Masyado ka pang bata para mag trabaho, baka makasohan pa ang mall kapag tinanggap ka dito" Ani nito habang tumatawa.

Grrrr napupundi na talaga siya.

"Hindi na nga ho kasi ako bata!" Pasada ko. "Tingnan niyo po kasi ang mga dokumentong dala ko na nagpapatunay na hindi na ako bata!" Dugtong ko pa.

Agad naman itong tumalima at tiningnan ang mga dokumento niyang dala.

Halos maka ilang ulit din itong pabalik balik ng tingin sa dokumentong dala niya at sa kaniya.

"Naniniwala kana ho ba?" Taas kilay kong tanong dito na siyang ikina-tango naman nito.

"Oo" Tipid na turan nito at pinapasok na siya sa loob ng mall.

Halos mag bunyi naman siya ng dahil dito pero kinimkim niya na lamang dahil kinakabahan na naman siya ng lubos.

"Potangina kaba,lubayan mo ako"Ani ko sa aking sarili.

Wala naman ng bago, lagi naman talaga siyang kabado.

Agad siyang nagtungo sa Clive Wine Enterprise kung saan niya balak mag apply. Balita niya kasi'y malaki mag bigay ng sahod ang may ari nito kahit na isang stoll pa lang ang meron ito sa bayan nila.

Balita pa ay isang foreigner ang may ari ng enterprise na 'to at kakasimula lang nitong maglagay ng branch sa pilipinas. Which is good kasi mukhang wala pang gaanong empleyado dito.

Ngunit lahat ng pag-asa niya ay biglang naglaho.

Isang napakahabang pila lang naman ang tumambad sa maganda niyang mukha and take note halos ng mga nandoon ay mga babaeng MATATANGKAD.

Oo. Matatangkad.

Pota.

Mukhang isa ata sa mga requirements para makapag apply dito ay pang Miss Universe ang height which is wala ako.

At hindi nga siya nagkaka mali dahil may naka paskil doon na ang tinatanggap lamang nila ay ang may average height na 5'6-5'8

"Ei pano naman ako?" Nanlulumo kong usal.

Wala na. Sira na ang plano niya.

Mukhang wala talaga akong pag-asa.

Bakit ba kasi ako pinanganak na pungok?! Natutulog naman ako ng tanghali kasi sabi tatangkad pero wala namang epekto.

Mangiyak ngiyak siyang naglalakad lakad sa loob ng mall. Hindi niya na mapigilan ang emosyon niya.

Naupo siya sa isang bench na nakapalibot sa munting fountain nitong mall.

Maganda iyon pero naniniwala siyang mas maganda siya.

Marahan niyang pinunasan ang butil ng luhang dumaloy sa kaniyang mukha.

Umiiyak siya.

Sobrang bigat ng nararamdaman niya daig niya pa ang broken hearted kung makapag drama.

Isang tapik mula sa balikat ang nagpa balik sa kaniya sa kaniyang ulirat.

Binalingan niya ito ng tingin at doon tumambad sa kaniya ang isang napaka gwapong nilalang ng Diyos.

Santisima! mukhang malalaglag pa ang panty niya.

Ang lalaki ay may asul na mga mata, matangos din ng ilobg nito at may kunting freckles pa sa mukha.

Baka ito talaga ang Diyos ng kakisigan na si Adonis, nakakapanlaglag panga naman talaga ang kakisigan nitong taglay.

"Ayos ka lang ba?" Malambing nitong ani na siyang ikina-bilis nang tibok ng puso niya.

Boom! Wala na, mukhang tuloyan niya ng naging crush ang binata.

Ngumiti naman ako at paulit ulit na tumango.

"Oo, ayos lang ako" Ani ko.

"Good. Then let's look for your mother" Naka ngiting ani nito habang naka lahad ang kamay.

Tatanggapin niya na sana ito ng biglang rumehistro sa kaniyang isipan ang mga katagang sinabi nito.

Ano daw? Let's look for your mother?!

Aba naman talaga! Lagi na lang siya napagkakamalang bata.

Padabog akong tumayo at agad itong dinuro.

"Hoy lalaki hindi na ako bata!" Singhal ko.

Dahil naka tayo ako ay mas lalo akong nanliit dahil sa sobrang tangkad nito. Mukhang 6' flat ang height nito at ako ay halos kapantay lang ng maskuladong dibdib nito.

Pota. Nag mumukha talaga siyang paslit na bata.

"Calm down, ms. I'm sorry" Pang hingi nito ng pasensya at bago pa man siya makapag salita ay may nauna na.

"What's going on here?" Ani ng isang malalim at napaka lamig na tinig kaya agad niyang ibinaling ang tingin doon.

Ang bagong dating na lalaki ay higit na mas gwapo kesa sa nauna. Ito ay may kulay asul din na mga mata at kitang kita na may ibang lahi ito batay na rin sa pananalita nito.

At kung kanina ay nanliliit siya. Mas lalo siyang nang liit dito.

Kung ang unang lalaki ay 6' flat mukhang ang lalaking bagong dating ay 6'2 at hanggang sa matipunong tyan lang siya nito.

Pambihira!

Mukhang sinalo ng dalawang to lahat ng height ng nagpa ulan si Kristo.

"Oh nothing man, akala ko kasi nawawala ang batang 'to--este dalagang 'to" Ani ng lalaking may asul na mata at may freckles.

Bumaling naman sa kaniya ang tingin ng lalaking 6'2 ng height na may asul na mata.

Malay niya ba sa mga pangalan nito kaya ganito na lang muna.

"Huwag mong patolan baka ma-child abuse ka" Ani nito at tumalikod na.

"Aba't---" Gigil niyang turan.

"Let's go Hugo, your wasting my time" Ani ng bastos na lalaking may asul na mata na agad namang sinunod ni Hugo na crush niya.

"I'm sorry again Ms" Ani ni Hugo at iniwan na rin siya.

Hugo.

Kay gandang pangalan.

"When ko kaya ulit siya ma-mi-meet?" Nalolokang ani niya sa sarili.

Mukhang napana siya ni Kupido.

Well, wala namang masama paghanga lang naman ang nararamdaman niya sa binata bonus na lang ang pagiging pogi nito.

Pag iyon naging jowa niya naku ikukulong niya talaga para walang maka kitang iba.

Napahagikhik na lang ako sa mga kapilyahang aking naiisip.

Agad akong nag gayak at lumabas na rin ng mall habang may malawak na ngiti sa labi.

Bigo man siyang makahanap ng trabaho at least nakilala niya naman si Hugo.

"Kalandian mo Savana!" Kastigo niya sa sarili habang tumatawa.

Naku delikado, nababaliw na siya.

-----

@eut_channn