Chapter 6
SAVANA'S POV
NAGISING si Savana na may isang napaka laking ngiti sa labi. Hindi iyon mapuknit kahit ang ang ulam niya ay toyo at mantika lamang.
Paano ba naman kasi, napanaginipan niya si Hugo at hindi lang iyon basta lang panaginip. Hinalikan siya nito!
Ramdam niya ang pag-init ng magkabilaan niyang pisngi at napaimpit din siya ng tili.
Mabuti na lang at nag iisa siya dahil kung may makaka kita man sa kalagayan niya ngayon paniguradong mapagkakamalan siyang baliw.
Baliw kay Hugo.
Napa hagikhik na lamang siya sa kagagahan niya. Mukhang tama nga si Charise nahawa na siya kay Avelea .
Pero hindi parin maalis sa isipan niya ang itim na kotseng humarurot sa harapan nila.
Napaka bastos naman ng may ari non, kitang may nag-uusap biglang haharurot take note ah napaka lapit pa nito sa kanila.
Agad akont tumayo at humarap sa salamin at marahang hinampas ang aking mga pisngi.
"This is it Savana, oras na naman para harapin ang bangungot mo kada umaga" Ani ko sa akin sarili at agad na lumabas ng bahay.
At tama nga siya. Umagang tapat binabangungot siya.
Napa ismid na lang siya ng makita si Guryo sa harapan niya.
"Good morning byutipol Savana" Bati nito sa kaniya.
Isang pilit na ngiti lamang ang iginawad niya dito at umalis na.
Sana naman ay huwag na siyang sundan ni Guryo. Malas kasi 'to sa buhay niya, sa tuwing nakikita niya ito ay minamalas siya.
Bakit ba kasi ang ganda ko? Iyan tuloy baliw na baliw sakin si Guryong papikit pikit ang mata.
Binilisan niya ang paglakad ng maramdaman niyang may naka sunod sa kaniya.
Jusko naman talaga! Kailan kaya siya titigilan nito?
Huminga siya ng malalim at hinarap ang walang hiyang panay ang sunod sa kaniya.
"ANO NA NAMAN BA ANG KAILANGAN MO GURYO?!" Sigaw niya ngunit siya ay nabigla ng makitang hindi ito si Guryo kundi ang anak ni Mang Lito na naka limutan niya na ang pangalan at wala siyang pakealam.
"Easy, ang puso mo" Naka ngiting ani nito.
Hindi niya alam pero mas lalo lang siyang nainis sa paraan ng pag ngiti nito.
"Wala kang pakealam." Ani ko at nagpa tuloy na ulit sa paglalakad.
Bakit ba ang daming epal sa mundo? Hindi ba nila alam ang mind your own business? Nakaka urat mga mukhang burat!
She mentally rolled her eyes ng makitang nasa unahan niya na ito at malawak parin ang ngiti sa labi.
Ang sarap basagin ng mukha.
"Umalis ka sa harapan ko." Seryosong ani ko dito.
Ngumiti lamang ito at mas humarang pa sa harapan ko na siyang ikina init ng aking ulo.
Pambihira. Bakit ba ang daming tao na kagaya nito?
At dahil nasira na ang magandang mood niya ng dahil kay Guryo at nang dahil dito ay walang pasubali niya itong nilapitan at tinadyakan ang pagkalalaki nito na siyang ikina tumba nito at ikina pilipit ng dahil sa sakit.
"Serves you tight?" Naka ngisi kong sabi at nginitian pa ito ng pagka tamis tamis.
Muli ay lumakad siya habang may matamis na ngiti sa labi.
I'm so happy.
---
ALTAIR'S POV
SAMANTALANG sa kabilang dako naman ay naka ngising naka tingin ang binatang may asul na mata sa lalaking kasalukoyang namimilipit sa sakit na nadarama.
Agad siyang bumaba sa kotseng kaniyang sinasakyan at walang imik na nilapitan ito.
"Masakit?" Walang emosyon niyang tanong dito.
Agad naman itong paulit-ulit na tumango na siyang mas lalong ikina lawak ng ngisi niya.
"Gusto mo bang tulongan kita?" Ani niya habang naka ngisi.
"O-oo" Utal utal na sagot nito habang sapo sapo parin ang pagka lalaki nitong tinadyakan ng moya koroleva niya.
Bahagya siyang yumukod upang makapantay ang mukha nito at walang pasubaling sinuntok ito sa mukha dahilan para mawalan ito ng malay.
Napatahimik niya na ang isa ngayon ay may isa pa.
Good. Wala ng sagabal sa mga plano niya.
Agad siyang sumakay sa kaniyang kotse at nagtungo na sa lugar na kaniyang pupuntahan.
Hindi niya sinasadyang makita ang dalaga at ang kaninang masamang timpla niya ngayon ay maayos na.
He is grinning ear to ear nang dahil sa nasaksihan niya.
His moya koroleva is feisty. And she looks so hot with that damn simple plain pink shirt and jeans.
He will make her mine soon, but now all he need to do is to finish his business her in the Philippines and then he's going to pursue her until he scores then dump her afterwards.
Well, that's how he play.
Maaalis lang ang babaeng iyon sa sistema niya sa oras na maipunta niya na ito sa kama.
Simple as that.
---
WALANG katok katok akong pumasok sa bahay nila Avelea, sana'y na naman ito sa kaniya at saka ang tagal na nilang magkaka kilala.
Feel at home kumbaga.
Agad siyang naupo sa kahoy na upoan ng mga ito at kinuha ang kapeng naka lagay sa ibabaw ng mesa at agad itong ininom.
"Magandang umaga Tita, si Avelea po?" Ani ko habang nag aalmusal na.
Walang hiya hiya sa babaeng gutom na kagaya niya.
"Naliligo na ija, saan ba kayo pupunta?" Mahabang kintaya ni Tita Ave, ang mama ni Avelea habang binibigyan siya ng bibingka na siyang agad niya ring tinanggap at agarang kinain.
Nagutom siya ng dahil sa dalawang pesteng lalaking sumira ng araw niya.
"Mag hahanap ho kami ng trabaho, hindi naman po kasi pupwedeng doon lang kami sa palengke e mahina na ang bintahan" Mahaba niyang lintaya na sinang ayonan naman nito.
"Maigi iyan, basta mag iingat kayong dalawa. Mahirap na madami pa namang mga sira-ulo ngayon" Habilin nito.
"Opo..." Ani ko. "Pahingi pa po bibingka Tita, gutom po talaga ako e" Dugtong ko pa na ikina tawa nito.
"Oh siya kumain ka lang ng kumain diyan" Ani nito at nag punta na ng kusina.
Pagkaraan ng ilang minuto ay may narinig siyang yabag at nakakarinding boses na kilalang kilala niya.
"MA, BAKIT MAY BIIK DITO?!" Sigaw ni Avelea at kinutongan pa siya.
"Hindi ako biik!" Ani ko at sinamaan ito ng tingin.
Tinawanan lamang ako nito at inagaw ang bibingkang hawak hawak ko.
"Aba naman talaga!" Singhal ko.
"Oh ano? Papalag ka? Ipasok kita sa sako e" Pang asar ni Avelea sa kaniya.
Sanay na naman siya sa pang aasar nito na minsan nga ay paulit ulit lang ang sinasabi jito kaya minsan ay nakaka umay na.
"TITA SI AVELEA OH!" Pasigaw na sumbong ko kay Tita Ave kaya pinandilatan ako ni Avelea ng mata dahil paniguradong sesermonan na naman ito.
Hindi pa man nagsisimula ang pag rap ni Tita Ave ay hinila na ako ni Avelea papalabas ng bahay nila at walang humpay itong tumakbo habang hila hila siya.
Pagkaraan ng ilang minuto ay tumigil na sila kapwang pawis na pawis at tumatawa.
"Ano biik pala ah?" Pang asar niya dito.
"Hindi na nga e" Ani ni Avelea habang nag pupunas ng pawis.
"Wala ka pala e" Ani ko habang sinusundot sundot ang tagiliran nito.
"Madaya ka e, ang lakas ng kapit mo kay mama!" Atungal nito ja siyang aking ikina tawa.
Kinalma ko ang aking sarili at binalingan ang kaibigan kong si Avelea.
"So saan tayo ngayon?" Tanong niya dito.
Tiningnan naman siya nito ng may pagtatanong.
"Pambihira! Wala kang plano?!" Gulat na gulat na tanong nito na siyang kaniyang ikina tango.
E sa totoo namang wala siyang plano e, basta ang mahalaga maka hanap sila ng trabaho. Kahit na saan at kahit na ano.
Naupo sila sa umpok na simento at nag isip ng posibleng tao na mapag kukuhanan nila ng impormasyon tungkol sa trabaho.
Napabaling sila sa isa't isa at sabay binigkas ang pangalan ni....
"SI CHARISE!"
"SI CHARISE NA LOKA LOKA!"
----
@eut_channn