ALTAIR'S POV
WALANG emosyon na nag mamaneho ang binatang si Altair na ani mo ay wala man lang nangyari. Hindi din alintana dito ang dumudugo nitong kaliwang kamay.
Iniisip niya rin kung sino ang posibleng nagpa dala sa dalawang lalaking iyon.
At kung sino man ito, napaka tanga niyang hayop siya.
Kung gusto nito na siya ay mamatay, dapat isang batalyon ang ipinadala nito hindi dalawang tatanga tangang tao lang.
At dahil medyo malayo na rin ang kaniyang nararating at pasado alas onse nang umaga na rin.
Inilibot niya ang kaniyang paningin at nakita niyang may parke sa kabilang gilid, hindi na sana niya iyon papansinin kaso lang ay may nahagip ang kaniyang mga asul na mata.
It's his moya koroleva.
She looks so stunning and cute at the same time. Pinapalibutan ito ng mga batang naroroon habang ito naman ay tumatawa.
At kitang kita rin ng asul niyang mga mata kung paano ito titigan ng mga lalaking naroroon.
Hindi niya alam pero he have an urge to kill those bastards one by one.
Hindi niya alam kung anong pumasok niya pero mukhang mabisa itong paraan.
Agad niyang kinuha ang magnum 45 niya at walang pag dadalawang isip niyang binaril ang kaniyang kanang binti at nang makita niyang madami na ang dugong kumakalat ay agad niyang itinago ang kaniyang baril at walang pag aatubling ibinangga ang pinakamamahal niyang kotse sa posteng matibay ng parke at sinigurado niya munang mapapalingon ang moya koroleva sa kaniyang gawi bago pumikit at nag kunwari.
---
SAVANA'S POV
SAMANTALA ang kaninang lumulutang na utak ni Savana ay bumalik na sa katawang lupa niya at idagdag mo pang siya ay sumaya sa kadahilanang nililibang siya ng mga cute na batang nag lalaro sa park.
Siguro napag kakamalan din siyang bata ng mga ito.
"Ate! Ate! Ang ganda mo po" Sabi ni Ana ang batang babaeng naka pig tails.
Ngumiti naman siya ng malawak ng dahil sa sinabi nito.
Sabi nga ng mga nakakatanda hindi nag sisinungaling ang mga bata.
Kaya magand talaga siya.
"Salamat" Naka ngiti kong sabi at marahang kinurot ang namumula nitong pisngi.
"Ate pag laki ko papakasalan kita!" Sigaw naman ng batang si Hiro na sa palagay ko ay anim ja taong gulang na.
Ginulo ko lamang ang buhok nito at sinabing. "Okay, sige. Aantayin kita
"Sinabi mo yan ate ah!" Ani pa nito at muli na namang tumakbo.
Masaya niyang pinag mamasdan ito hanggang sa maka rinig siya ng isang malakas na lagabog na ani mo ay isang pag sabog.
Agad namang nag panic ang mga taong naroroon ngunit hindi ito naging alintana para ito ay kaniyang malapitan.
Merong nag tutulak sa kaniya na puntahan ang bumanggang sasakyan. Habang papalapit siya ay bumibilis din ang pintig ng puso niya.
Halos mapugto ang kaniyang hininga ng masilayan ang tao sa loob ng mamahaling sasakyan.
Ito ay ang lalaking kasama ni Hugo!
At ito rin ang lalaking naging laman ng panaginip ko.
Hindi ko alam pero inatake ako ng kaba, naging aligaga rin ako at nasigawan ko pa ang mga taong naroroon.
"ANONG TINI-TINGIN TINGIN NIYO DIYAN? TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!" Gigil na gigil kong sigaw sa mga taong nanonood.
Imbes ba naman kasi na tumawag ng ambulansya mas inuna pa ang chismis at pag papakalat ng nangyari sa social media.
At dahil mukhang wala namang balak ang mga ito na gumalaw siya na lang ang gumawa ng paraan.
Padarag niyang binuksan ang pinto ng kotse nito at walang sabi sabing inakay niya ang lalaki. At halos mapahiga siya ng dahil sa sobrang bigat nito at idagdag mo pang napaka tangkad nito kaya ito siya ngayon para pasan ang mundo.
At mukhang nakaramdam naman ang mga tao sa paligid at agad siyang tinulongan sa pag alalay sa lalaki. At dahil malapit lang naman ang bahay niya sa pinangyarihan ng aksidente ay doon na rin niya iyon pinatuloy.
Pagkarating nila ng bahay niya ay agad nila itong pinahiga sa sofa na gawa sa kawayan at halos ang kalahating katawan lang nito ang nag kasya doon.
"Sigurado ka bang dito mo iyan papatuloyon ija?" Tanong ni Mang Lito na isa sa mga nakiki echoso at ramdam niya ang pag-aalala sa boses nito.
Walang pag dadalawang isip naman ako na tumango. "Opo"
Himinga naman ng malalim si Mang Lito at sinabing,"Oh siya sige, tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka" ani nito at iniwan na siya.
Napuno naman ng katahimikan ang paligid at napa sapo na lamang siya ng kaniyang noo.
Katangahan.
Wala nga pala siyang gamit pang gamot dito.
Taimtim kong pinag masdan ang lalaking naka higa sa gawa sa kahoy kong sofa, habang tumatagal ay mas lalo itong pomo-pogi sa harapan niya.
Agad niya namang iwinaksi ito sa kaniyang isipan dahil imbes na gamot niya ito ay lumalandi pa siya.
Agad akong nag tungo ng banyo at kinuha ang banyerang may lamang tubig at kumuha na rin ako ng bimpo pamunas sa dugong nagkalat sa katawan nito.
Pag balik ko ay ako ay nagulantang ng makitang naka upo na ito sa kaniyang sofa na gawa sa kawayan at dahil din doon ay nabitawan niya ang hawak na banyerang may laman na tubig.
"D-Diyos ko!" Singhal ko at agad na lumapit dito. "Bakit ka naman bumangon?!" Dugtong ko pa at sinapo ito sa mukha.
Kitang kita niya ang bumalatay na gulat sa matapang at gawapo nitong mukha nang dahil sa kaniyang ginawa.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko dito.
"Y-yes" Sagot naman nito.
Imagination ko lang ata na nautal ito sa pananalita.
"At bakit ka nga pala bumangon ha?" Taas kilay kong tanong na siyang ikina-lunok laway nit.
At shemayyyyy....ang hot!
Savana napaka landi mong bobita ka! Akala ko ba may Hugo kana? Kastigo sakin ng utak ko.
Tama, tama. May Hugo na siya, gwapo na mabait pa!
"Ahmm...pupunasan ko lang ang mga dugo mo sa katawan pero hindi ko matatanggal ang balang naka baon kasi wala naman akong alam tungkol sa ganyan" Mahaba kong lintaya habang naka tingin ng deretso dito.
Kita naman niya ang bahagyang pag ngiti nito na siyang ikina-bilis ng pintig nang kaniyang puso.
Huwag naman sana.
"You look adorable" Seryosong ani nito dahilan para umit ang magkabilaan kong pisngi.
"Huwag mo akong bulahin" Ani ko. At halos halikan ko na ang sahig dahil hindi ako nautal ng sinasabi ko ang mga katagang iyon.
"Hindi kita binubola" Ani ulit nito.
"Oo na" Simpleng ani ko at pinunasan na ang kaliwang kamay nito na may dugo.
Ano kaya ang nangyari dito at may tama ito ng baril? Isa ba itong sikat na personalidad kaya may nangyari ang bagay na 'to? Malalaman ko lang lahat ng sagot sa mga katanongan ko kapag tinanong ko ang lalaking ito.
Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa ngunit ramdam niya ang tagos sa butong mga titig nito sa kaniya.
Hindi siya naiilang, sa totoo nga'y gusto niya ang paraan ng pag titig nito na para bang siya lang ang nag-iisang babae sa mundo.
"Haba ng hair gurl ah?!" Ani ng aking isip na siyang aking ikina-hagikhik.
Nababaliw na nga siya, oras na ata para mag hanap ng bagong kaibigan ng mapalitan na si Avelea. Hawang hawa na siya sa kabaliwan ng kaibigan niya.
"Sorry..."
Rinig kong sabi nito kaya agad akong napa angat ng tingin at kita ko naman ang senseridad sa mga mata nito kaya ginawaran ko ito ng isang malawak na ngiti.
"Wala iyon" Ani ko dito kasabay ang paglahad ng kaliwa kong kamay. "Savana nga pala" dugtong ko pa.
Panandalian nitong tiningnan ang kaniyang nakalahad na kamay at pagka gayon at tinanngap rin ito.
"Nice to meet you moya koroleva, Altair Coldwell is my name" Malambing nitong saad kasabay ang marahang pag halik nito sa likod ng palad niya.
Hindi siya makapag salita.
Nakain niya na ata ang kaniyang dila.
Altair Coldwell...kay gandang pangalan.