Chereads / STRIP SERIES 1: SAVANA / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

SAVANA'S POV

"SI CHARISE!"

"SI CHARISE NA LOKA LOKA!"

Sabay nilang sigaw na siyang kanilang ikin-tawa at nag apir pa talaga sila.

Tama nga lamang na magkaibigan sila dahil parehas silang loka loka.

Agad silang tumayo at agarang tinungo ang bahay nila Charise. Kinatok nila ito ng paulit ulit hanggang sa tuloyan na ngang lumabas ang may laway pa sa pisngi na si Charise.

"GOOD MORNING!" Sabay nilang bati ni Avelea dito.

Bumalatay naman ang gulat sa mukha ni Charise at mukhang nagising din ang natutulog nitong diwa ng dahil sa sigaw nila si Avelea.

"Jusko naman! Ang aga-aga ang iingay nyo" Atungal ni Charise na hindi nila pinansin.

"Tanghali na gaga ka, saan ka ba kasi nag pupupunta?" Mahabang lintaya ni Avelea na siyang kaniyang ikina-tangi.

"Kaya nga, saan kaba nag tungo at ngayon ka lang nagising?" Segunda ko pa.

"Tanghali na ba sa inyo ang alas nuebe ah?!" Atungal nito at binuksan ng malaki ang siwang ng pinto upang makapasok sila ni Avelea.

Walang pag dadalawang isip naman silang pumasok sa loob at naupo sa may kutsyon na couch nito.

Sosyalin iba talaga pag madaming raket.

"At anong kailangan nyo't napa gawi kayo sa bahay ko?" Ani nito habang naka pamewang oa sa kanilang harapan.

Kung may makaka kita sa kanila ngayon ay baka mapagkamalan silang mag iina. Si Charise ang nanay at silang dalawa ni Avelea ang pasaway na anak na pinag sasabihan nito.

"Nag hahanap kasi kami ni Avelea ng trabaho, baka gusto mo kaming tulongan?" Mahaba kong lintaya.

"Oo nga, isama mo kami sa rakit mo baka pwede pa" Dungtong pa ni Avelea.

Tiningnan sila kami ni Charise ng taimtim na siyang ikinalunok ko ng laway.

Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan.

"Sigurado ba kayo sa mga sinasabi nyo?" Seryosong tanong ni Charise dahilan para magtinginan silang dalawa ni Avelea.

Lumunok ako ng mariin at nakipag titigan sa seryosong si Charise.

"Oo, sigurado kaming dalawa. Pero una sa lahat gusto naming malaman kung ano ang trabaho mo"  Mahaba kung lintaya.

Nakita ko naman ang pagdaan ng kaba sa mukha ni Charise na aking ikina-bahala.

"Tama si Guryo" Mahinang turan ni Charise.

"Ha ano iyon? Paki ulit?" Sunod sunod niyang tanong dito.

Huminga naman ng malalim si Charise at muling nagsalita.

"Tama si Guryo, isa akong bayaran" Ani nito at ngumiti ng alanganin, kitang kita rin ang sakit at kahihiyan sa mukha nito.

Halos hindi siya makapag salita sa kaniyang nalaman. Nalunok na rin ata niya ang kanyang dila. Titig na titig parin siya sa mukha ng kaniyang kaibigan, agad siyang lumapit dito at hinawakan ang dalawang nanlalamig na kamay nito.

"Wala ako sa posisyon para questionin ka at pagsabihan ka dahil alam ko na may rason ka kung bakit mo pinasok ang ganitong uri ng trabaho, kahit anong mangyari nandito lang kami ni Avelea para sayo" Sensero kong lintaya habang taimtim na naka titig kay Charise.

"Hindi ba Avelea?" Dugtong ko pa.

Sunod sunod naman ang ginawang pag tango ni Avelea dahilan para mapaiyak si Charise ba siyang ikina panic namin.

Baka kasi mamaya ay mayroon na lamang pumasok at mapag bintangan silang dalawa ni Avelea na inaaway si Charise.

"T-tahan na jusko wag ka ng umiyak" Nagkanda utal utal na turan ko ng dahil sa sobrang kaba.

Samantalang si Avelea naman ay agad na kumuh ng tubig para ipainom sa umiiyak na si Charise.

Inalalayan nila ito papaupo sa couch at pinay payan na rin.

"Kalmado ka na ba?" Tanong ko dito.

"Oo, pasensya na nag alala lang kasi ako na baka husgahan niyo rin ako kagaya ng mga ginawa nila" Ani ni Charise at bahagyang ngumiti.

"Naku, wag kang mag iisip ng ganyan. Kahit na anong mangyari at kahit na ano ka pa kaibigan parin kita--magkakaibigan parin tayo" Mahaba kong lintaya at mabilisang niyakap ang dalawa.

"Saka gurl, mas mukh pang bayaran iyong mga nang chi-chismis sayo" Ani ni Avelea ja siyang kanilang ikinatawa.

Kahit kailan talaga ay walang preno ang bibig nito, lahat ng laman ng isip nito'y nagagawa nitong sabihin lahat.

"So mabalik tayo, bakit kailangan nyo ng trabaho?" Tanong ni Charise.

"Balak ko kasi na muling mag-aral at dahil kulang ang kinikita ko sa palengke napag isipan kong mag apply" Sagot ko naman dito.

Bumaling naman ang tingin ni Charise kay Avelea na mukhang inaasahan niya na ang sagot.

"Ah ako? Trip ko lang" Naka ngiting sabi ni Avelea dahilan para mapa facepalm siya.

Talaga nga namang ang utak jito ay may diperesnya.

"Pero hindi marangal ang trabaho ko kaya wala rin naman akong maitutulong sa inyo" Mahabang lintaya ni Charise na siyang ikina tahimik nila.

Napaisip siya ng taimtim ng dahil sa sinabi nito.

May punto ang kaibigan niya, karangalan at pangalan nila ang naka salalay dito.

"Hindi ko alam pero, wala akong pakealam kung hindi marangal ang trabahong papasokan ko ang mahalaga ay legal iyon at sigurado ang kaligtasan ko" Walang paligoy ligoy kong saan.

Siguro dahil ay gipit na siya kaya niya nasasabi ang mga katagang iyon.

Wala na siyang pake sa sasabihin ng iba ang mahalaga ay makapag tapos siya at makaahon sa lusak na kinalalagyan niya.

Ayaw kong mamatay ng gutom at dilat.

"Hindi ko kayo basta bastang maipapasok roon dahil may mga requirements din dito kagaya ng isang normal na trabaho at isa pa sa maynila ito. Kung gusto niyo talagang magkaroon ng pagkakakitaan kahit ang pagbebenta ng laman, pumunta kayo sa bahay ko pagka lipas ng tatlong buwan." Mahaba nitong lintaya at ginawaran sila ng isang simpleng ngiti.

Tatlong buwan.

May tatlong buwan pa siya para makapag-isip ng masinsinan.

Sa loob ng tatlong buwan na iyon naka ukit ang kaniyang kapalaran. Kung siya ba ay makaka ahon sa lusak o mamamatay na lamang na kagaya ng isdang dilat?

Bakit ba kasi hindi siya pinanganak na may gintong kutsara sa bibig?

Hindi naman sa sinisisi niya ang mga magulang niga pero--- why naman kasi ganon?!

Huminga siya ng malalim at binigyan ng makabulohang ngiti si Charise.

"Sige, malalaman mo rin ang desisyon ko sa loob ng tatlong buwan. Sa ngayon ay mag iisip muna ako ng mga posibleng dahilan at mga bagay bagay" Mahabang lintaya ko ay lumabas ka sa bahay nito.

Iniwanan na rin niya si Avelea sa loob at dere-deretso na lamang na naglakad papunta sa isang malapit na parke dito sa kanilang baryo.

Pagka rating niya sa parke ay agad siyang naupo sa duyan na naroroon.

Kasalukoyang madami ang tao sa parke at karamihan ay halos mga bata. Masasaya ang mga ito habang nag lalaro at nagtatawanan na ani mo ay walang problemang pinapasan.

Minsan iniisip ko na sana ay bata na lamang ako. Para ang prinoproblema ko lang ay ang paghuhugas ng plato, pag gawa ng assignment at kung bakit palagi akong sinusundan ng buwan kahit saan man ako magpunta.

Napabuntong hininga na lamang siya at muling napa tingin sa kawalan.

Ang hirap talaga ng buhay. Ang daming balakid at pasakit bago mo makamtan ang kasiyahan na inaasam.

Isama mo pa ang mapagbiro at mapaglarong tadhana.

Mabuti na lang at hindi siya pinana ni kupido ng malalim kaya kampante siyang walang ni sino man ang makakapanakit at bibiyak sa puso niya.

Ipinikit ko ang aking mga mata ng humampas ang malamig na hangin sa aking mukha at sa aking pag pikit ay may nakita akong mukha.

Hindi iyon si Hugo kundi ang lalaking kasama nito na may asul na mata, malamig na boses at umiigting na mga panga.

"Inpernes gwapo talaga siya"