Chereads / STRIP SERIES 1: SAVANA / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 2

SAVANA'S POV

PAGKA tapos ng nangyari sa palengke ay umuwi na siya sa kaniyang bahay. Malaki ito para sa kaniya sa kadahilanang nag-iisa na lamang siya.

Bahagya namang kumirot ang kaniyang puso ng maalala kung paano siya sinasalubong ng yakap ng kaniyang namayapang ina.

Napabuntong hininga na lamang siya at pumunga ng banyo upang maligo at mag gayak. Balak niya ngayong humanap ulit ng bagong trabaho.

Kontento na naman siya sa palengke pero balak niya sana ulit at mag-aral. Kaya naman niyang mag working student kaya nagbabakasakali siya.

"Wala namang mawawala kung susubokan ko" Ani niya sa sarili habang naka tingin sa kaniyang munting salamin sa loob ng banyo.

Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang nagtungo sa kaniyang silid upang magpalit ng damit dahil nga siya ay mag hahanap ng trabaho. Agad niyang kinuha ang regalong puting dress sa kaniya ng kaniyang Ina nong siya ay nag labing-anim na taong gulang.

Wala namang pinagbago sa katawan niya kaya nasisigurado niyang kasya pa ito sa kaniya.

Naglagay siya ng pulbos at kunting kolorete sa mukha at agad na kinuha ang mga dokumentong kaniyang kakailanganin pagka laon ay lumabas na siya ng kaniyang munting bahay. Isinarado niya ito ng maayos dahil mahirap na baka may umumit ng puting mahiwagang panty niya.

Napahagikhik na lamang siya sa kaniyang isipan ng dahil sa kaniyang kapilyahan.

Habang siya ay naglalakad sa eskeneta ay samo't saring tao ang bumabati sa kaniya, halos karamihan doon ay lalaki na pilit na pumapasok sa nakasaradong puso niya.

Binigyan niya na lamang ng simpleng ngiti ang mga ito at muling nagpatuloy hanggang sa marating niya na ang sakayan ng jeep. Agad na hinanap ng mata niya ang jeep na palagi niyang sinasakyan at iyon ay ang jeep ni Mang Lito. Nang makita niya ito ay dali dali siyang lumapit dito.

"Magandang umaga Mang Lito" Naka ngiti niyang bati dito.

"Oh ija ikaw pala, magandang umaga rin" Naka ngiting ani nito na siyang mas ikinalawak ng ngiti niya.

Si Mang Lito ay kaibigan ng Papa niya, dito siya hinabilin ng mga magulang niya bago sila mawalan ng buhay ngunit siya ang nagpupumilit na umalis sa puder nito na hindi niya naman pinagsisihan.

"Pasakay po ako Mang Lito, doon lang po ako sa may SM mabini" Aniya at sumakay na sa loob mg jeep nito na malapit ng mapuno ng pasahero.

Habang hindi pa umaabante ang sasakyan ay iniinsayo niya na sa utak niya ang kaniyang dapat sabihin sa oras ng interview ngunit ang pag iinsayo niya ay nagimbal ng may biglang sumigaw.

"IYONG BATANG NAKA PUTING BISTIDA KANDONGIN NYO NA OH! PARA MAKA-ALIS NA" Ani ng isang tinig na hindi pamilyar sa kaniya.

Umuusok ang ilong niya ng ibinaling niya ang tingin dito. Ang mukha nito ay pamilyar, may pagkakahawig ito sa mukha ni Mang Lito pero mukhang konduktor ito.

Inismiran niya ito at inilabas ang birth certificate na dala dala niya.

"KITA MO 'TO?" Ani niya at inilapit sa mukha nito ng birth certificate na kaniyang dala dala.

"BIRTH CERTIFICATE 'TO AT ANG SINASAAD DITO TWENTY-TWO YEARS OLD NA AKO." Nanggigigil na dugtong niya na ikina ngiti naman nito.

"Bakit ka naka ngiti?" Taas kilay kong tanong dito.

Tiningnan siya nito sa mukha at tiningnan muli ang berth certificate niyang dala.

"Wala naman, hindi lang kapa-kapaniwala. Mukha ka kasing elementarya" Nang aasar nitong ani.

"ABA'T BASTOS KA AH?!" Sigaw ko dahilan para mapabaling sa kaniya lahat ng atensyon ng mga taong naroroon kasama na rin dito ang atensyon ni Mang Lito na kasalukoyang naka kunot noo.

"Ano bang nangyayari diyan, Savana?" Tanong nito sa kaniya.

"Ito po kasing konduktor mo Mang Lito, nang iinis!" Sumbong niya dito kaya napabaling ang tingin nito sa konduktor na may malawak na ngiti sa labi.

Pogi sana nakaka asar naman.

Pinaliit ni Mang Lito ang kaniyang mga mata upang maaninag ang mukha ng lalaking nang aasar sa kaniya. Bahagya namang lumiwanag ang mukha nito ng makilala ang lalaking kaaway ko.

"Oh...ikaw pala iyan Lance, tigilan mo nga iyang si Savana't baka masapok kita" Ani ni Mang Lito dito na ikina ngisi ko.

"Ano ka ngayon?" Pagmamayabang ko.

Kakampi ko kaya si Mang Lito. Nasa akin parin ang huling halakhak.

Kampanteng kampante na siyang mapapahiya ito pero mukhang nagka mali na naman siya.

"Oho Tay, baka umiyak pa 'to at mapa-DSWD ako" Ani niyo habang mahinang tumatawa.

Aba't bastos ngang talaga.

Hinayaan niya na lamang ito at hindi na muling pinansin pa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at muling kinabisa ang aking mga sasabihin sa oras ng interview hanggang sa maramdaman ko na ang unti-unting pag abante ng jeep na sinasakyan niya.

At dahil mukhang nasa malayo na naman sila ay unti-unti ko ng binuksan ang naka pikit kong mga mata at ako ay nagimbal ng makita ko ang tinawag ni Mang Lito na si Lance na kasalukoyang taimtim na naka titig sa kaniya.

"Anong tinitingin tingin mo diyan?" Taas kilay kong tanong dito.

Ngumiti ito at sinabing,"wala naman, i'm just appreciating the view"

Umingos naman siya ng dahil sa sinabi nito.

Bigla niyang naalala si Guryo, ganitong ganito rin kasi ng sinabi ng masugid niyang manlikigaw kuno isang linggo na ang nakakaraan ang pinagkaiba lang ay ang kay Guryo english carabao at dito at english tamaraw.

Pero wala parin akong paki alam dahil ang mahalaga ngayon ay makahanap siya ng trabaho't bagong paaralan.

Pero kung hindi naman siya palarin siguro'y ipagpapatuloy niya na lamang ang pagiging isng tindera sa palengke hanggang ako ay mamatay. Masaya naman ako sa totoosin, kaso lang ay iba talaga ang saya kapag nakapag tapos ng pag-aaral.

Pag-aaral.

Ang namumukod tanging pamana sa akin ng aking mga magulang na nabigo akong pagyamanin.

Wala e, no money inside the buls. (Bulsa)

Naka bingwit naman ng AFAM nanay niya iyon nga lang walang pera, naku naman talaga!!

"Pst Savana!" Ani ng isang tining na agad kong binalingan ng pansin.

Tiningnan ko ang anak ni Mang Lito na si Lance at bahagyang tinaasan ng kilay.

"Ang sungit mo naman" Ani ulit nito kaya mas lalo niyang itinaas ang kilay niya.

Wala siyang pake kung nasusungitan ito sa kaniya. Dzuh.

"Ano bang kailangan mo?" Ani niya dito.

"Mag sosorry lang sana ako, hindi ko intensyon na asarin ka" Seryosong ani nito na ikinakalma ng dugo niya.

Ibinaba niya ang kilay at sinabing,"wala 'yon, sanay na ako".

"Sorry talaga,hindi na mauulit ngayon lang kasi kita nakita" Ani pa nito na laniyang ikinabigla.

Panong ngayon lang siya nito nakita e kilalang kilala siya sa baryo nila.

Ang nag iisang cute size beautiful palengkera.

"Panong ngayon lang?" Tanong niya dito.

"Galing kasi ako ng Davao, so bagong salta lang ako dito. Pasensya na talaga" Ani nito na bahagya niyang ikinatango.

"Okay lang, no issue. Huwag mo nga lang uulitin kumukulo dugo ko." Mahabang ani ko at bahagyang ngumiti dito na siyang ikina-ngiti rin nito.

"Ako nga pala si Lance" Ani nito kasabay ang pag lahad nito ng kamay na siyang agad niya namang tinanggap.

"Savana." Simpleng ani niya at pumara na.

Muntik pa siyang mailampas ni Mang Lito ng dahil sa bwesit na anak nito.

Pinagmasdan niya ng maigi ang gusaling nasa kaniyang harapan.

Siya ay nasa bayan, at nasa harapan ng isa sa mga sikat na mall dito-- ang SM Mabini.

Huminga ako ng malalim at bahagyang kinurot ang aking sarili.

Kinakabahan na siya ng husto at baka wala sa oras ay mapaihi siya sa nerbyos pero agad ko itong iwinaglit sa aking isipan.

I need to face the reality and move forward.

Bahala na si batman sa mangyayari ang mahalaga ay nagawa niya ang best niya.

"This is it Savana, Fighting!"

-------

@eut_channn