Chereads / The Billionaire Conquers Her Heart / Chapter 3 - Kabanata 2

Chapter 3 - Kabanata 2

Deserie 'Andeng' Salvacion

I promise to myself that once I go back here and step out in the airplane, mananatili ang Deserie na hinubog ko ng ilang taon para panatilihing matatag ang aking sarili. Maging matatag sa hamon ng buhay upang maabot ang aking pangarap.

Pinangako ko sa aking sarili na hinding-hindi na babalik ang dating Andeng na nalugmok sa kadiliman at halos ibaon na ang sarili sa lupa. 'Forget the past. Move forward. Never looked back.' Iyan ang kailangan kong gawin para makuha ang meron ako ngayon. Matindi ang kailangan kong pagdaanan para malampasan lahat ng masalimuot kong pinagdaanan.

It's good to be back in your own country. Iba pa rin ang air, environment at surroundings dito sa Pilipinas kasya sa abroad. After three years, "Welcome to the Philippines, Andeng." I said in an excited tone. Iba pa rin ang pakiramdam na umuwi sa sarili mong bansa dahil sa mga taong mahal natin sa buhay na ating uuwian.

All my hard-worked is paid off. Ang mga pinapangarap ko lang noon ay nakamtan ko na ngayon. Ang dating nakayuko at mahiyain na Andeng ay binaon ko na sa Italy noong mga panahon na kailangan kong mag free space sa aking utak. Full storage ang utak ko noon dahil sa mga masalimuot na nangyari, pero unti-unti ko iyon kinalimutan at binura sa aking sistema.

Masaya kong sinalubong ang aking mga kapatid at magulang. Umiiyak sila habang nakayakap sa akin ng mahigpit. Walang anuman salita ang masasabi namin sa bawat isa dahil kulang iyon para ilarawan ang saya na magkita-kita kami pagkaraan ng mahigit tatlong taon.

"Yatot, mas tumangkad ka pa sa akin ngayon, ah." Puna ko kay Cobie habang tinititigan siya mula ulo hanggang paa. "'Nay, 'Tay, inalagaan ba kayo ni Yatot habang wala ako? Kamusta ho sa probinsya?" Nakayakap pa rin ako sa dalawa habang kinakamusta.

"Ate naman! Syempre inaalagaan ko sila Nanay at Tatay. Aba! Masunurin kaya akong anak. Itanong mo pa sa kanila."

"Naku! Kahit tanungin ko sila alam kong pag tatakpan ka lang nila." Tumatawa kong tugon upang maasar siya lalo. "Ay siya! Iyan na ba ang bunso natin si Maxine?"

"Ate, palagi mo naman akong kausap kapag nag bi-video-call. Ang bilis mo naman akong kalimutan."

Hinimas ko siya sa ulo at ginulo ang kanyang buhok, "Hindi ka na nasanay kay, Ate! Biro lang iyon. Huwag ka na mag tampururot d'yan at marami akong pasalubong sa inyo." Tumingin ako kay Cobie. "Kunin mo na ang kotse para makauwi na tayo."

Nakakapagod 'man ang byahe ay puno pa rin ako ng lakas. Habang nasa byahe ay sinulit ko ang pakikipag-usap sa aking pamilya. Kinukulit ang aking mga kapatid habang inaalam ang mga nangyari sa kanila nitong nagdaan na mga taon. Kahit may panahon ako upang umuwi ay hindi ko na ginawa, mas ginusto kong ipadala sa kanila ang pera upang maipantustos sa kanilang pag-aaral at pangangailangan.

'I'm so proud of myself.' Iyan ang masasabi ko sa aking sarili habang nakatayo sa bahay na nabili ko dahil sa katas ng aking dugo at pawis.

"Salamat, anak!" sambit ni nanay na nakahawak sa aking balikat. Katabi ko siyang nakatayo sa labas ng gate habang pinagmamasdan ang buong kabahayan. Sa maikling panahon, nakamtan ko ang mga pangarap ko.

"Para sa inyo talaga iyan," nakangiting tugon ko. "Bakit hindi pa kayo lumipat dito? Mas mapapanatag ako kung dito kayo titira kasama namin ni Cobie."

"Alam mo naman maraming gawain sa bukirin natin. Kawawa naman ang kamag-anak natin doon dahil ang lupang binili mo lang ang pinagkakakitaan nila. Bukod pa roon, masaya naman kami ng tatay. Hayaan mo nang pabisi-bisita kami rito sa mga kapatid mo."

Huminto kami ni nanay sa pag kwe-kwentuhan ng tawagin kami ni Cobie na pumasok sa loob ng bahay. Nagtawanan lang kami mag-ina bago igaya si nanay papasok sa loob ng bahay.

Hindi ko lubos maisip na ang dami-dami ko pa lang naipundar dito sa Pilipinas. Kumpleto ng kasangkapan ang buong bahay. Lahat ng nakikita ko ay base sa taste ko sa mga gamit. 'Kilalang-kilala talaga ako ni nanay. Alam niya ang design at kulay na magugustuhan ko.'

Hanggang sa kwarto ay nawindang ako. Ito ang pinaka malaki sa lahat. Malaki ang banyo at may bathtub pa. Ang mga closet ay puno ng mga dati kong gamit na mga nakaayos mula sa bag, sapatos, mga damit, at kung anu-ano pang mga abubot. Nang makita ang kabuuan ng aking kwarto ay hinila naman ako ng antok nang makita ang aking malaking kama.

Isang tawag ang gumising mula sa aking mahimbing na pagtulog. Nang sagutin iyon ay bigla naman akong napatayo.

"I'm on my way! Sorry! Napasarap ang tulog ko!" Tumayo ako sa kama. Dali-daling kinuha ang tuwalya, "Ciao, Vita Mia." Paalam ko sabay patay ng tawag.

Dala ang kotse, dumiretso ako sa isang high class restaurant kung saan ko kikitain ang isang tao. It's been few days ng huli kaming magkita dahil nauna na siyang umuwi dito sa Pilipinas. 'One of the reason I came back is because of him dahil magtatayo kami ng branch restaurant dito sa Manila.'

"Mi dispiace," hingi ko ng pasensya ng halikan ko sa kanyang pisngi.

Hinapit niya ako sa baywang dahilan para mas mapalapit kaming dalawa.

"Everything is fine because you're here now, Vita Mia" He snatched a kiss to my lips.

"Not here, Sandro!" I chuckled and hugged him for a while. "By the way, where is your companion you will introduce to me?"

"She's gone to the restroom. Have a seat." Inalalayan pa ako hanggang sa aking pag-upo. "What do you want to eat? All your favorites are on the menu.'

Tinignan ko ang menu at lahat ng naroon ay karamihan na mga naging paborito kong pagkain ng mamuhay ako sa Italy. "Anything you want to eat, it's fine with me."

"Oh! There she is."

Tumingin ako sa tinatahak ng kanyang mata nang makita ang isang magandang babae. Sinalubong ko iyon ng ngiti at agad na tumayo upang halikan sa pisngi. "Akala ko naman kung sino," sambit ko at lumingon pabalik sa upuan ni Alessandro. "It's nice to see you again, Chiarra."

"Alam mo naman iyang half brother ko, Erie. Pilyo pagdating sayo. Come stai? By the way, I contacted your boyfriend since you're the best subject to my magazine. Magandang advertisement iyon since magtatayo kayo ng branch ni Sandro dito sa Manila."

"Good idea! Anything you need, I will cooperate. For now, kumain na muna tayo. Magpahinga muna tayo sa usapang trabaho." Pag-iiba ko ng usapan namin. Hinawakan ko ang kamay ni Sandro na nakahawak sa aking hita. "Wanna party tonight? Ngayon na lang ulit tayo makakapag bonding kasama ang kapatid mo."

"Not tonight, Erie." Kinuha ang kamay ko at hinalikan. "I have a plan with you. It's been days since I last saw you. I miss you, Vita Mia!"

Natatawa naman si Chiarra habang nag lalambing ang kapatid. Nagkatinginan lang kaming dalawa at nagkibit balikat.

"Don't look at me, Erie. Alam mong wala akong magagawa kay Kuya kahit gusto ko rin mag bar kasama ka."

Inirapan ko si Sandro na nangingiti habang halik pa rin ang aking kamay. "Maybe we can set your plan tomorrow?" tanong na pang-iinis ko. Naging madilim ang mukha. "Just kidding! Of course, I will choose you over your sister. Let's spend tonight together." I giggled.

Pinag-usapan namin ni Chiarra ang tungkol sa magazine na ipa-published ng kanilang company next month. Binigay niya sa akin ang schedule ng pictorial at kung saan kami dapat magkita.

"Bye, Chiarra. Hours are not enough. I hope we can talk more, but your Kuya ruined it."

"No worries. We can talk more over the work. Buona notte, Erie and Sandro. Enjoy the night." Paalam niya sabay kindat sa amin ng kapatid.

Napahiyaw ako ng halikan ni Sandro ang balikat ko. Tinitigan ko siya ng masama habang may ngiti sa aking mga labi. "No need to call your driver. I'll drive." Hinawakan ko siya sa braso papunta sa parking lot kung nasaan ang aking kotse. Pag upo sa kotse, hindi naman nakapagpigil si Sandro na muli akong halikan sa labi. Nagsimula na rin gumapang ang kanyang kamay papasok sa skirt ko.

Pinilit kong makawala sa kanyang halik. Pinigilan ang kamay niyang malapit na sa pagitan ng aking hita. "Not here, Sandro! Please, bear for a moment. I know you've missed me, but we are here in a public area. So behave!"

"I'm sorry! I can't control myself."