Chereads / The Billionaire Conquers Her Heart / Chapter 5 - Kabanata 4

Chapter 5 - Kabanata 4

Deserie 'Andeng' Salvacion

Yakap-yakap ko si Sandro habang nasa harap kami ng airport. "Take care of yourself. I'm not there to took care of you for a while, but as soon as possible na kaya na i-manage ni Cobie ang restaurant, lilipad ako pabalik sa sa Italy." Pabalik na siya sa Italy dahil sa kanyang kompanya at trabaho. One-month lang ang bakasyon na nilaan niya rito sa Pilipinas para lang ayusin ang restaurant.

"You know that is not my choice, right? I can choose to live here with you, but you know we can't, right? I will miss you, Vita Mia." Hinalikan niya ako bago humiwalay sa aking mga bisig.

Hinawakan ko ang kanyang kamay ng mahigpit, "Always check my text and call. So that, I can always remind you." Umiiyak kong paalala. "Don't forget to take your medicine on time. Don't stress too much. And one more thing..."

Gamit ang daliri ay tinakpan niya ang aking labi upang tumigil sa pagsasalita. "I know!" usal niya. Pinalitan niya ang daliri gamit ang kanyang labi. "See you soon. Ti voglio bene, Vita Mia."

Hinawakan ko ang dib-dib niya. Naluluha na ako dahil ito ang unang beses na magkakahiwalay kaming dalawa ni Sandro. "Please take care of your heart!" Mahinang tugon ko habang hinahaplos ang kanyang dib-dib. "You should go! Baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko na sumama sayo." Ngumiti ako upang mapanatag siya at maka-alis ng walang mabigat na dinadala.

I waved my two hands habang papasok siya sa loob ng airport. Back of my mind gusto ko na lang sumama sa kanya pabalik sa Italy pero hindi siya pumayag. Ang dami kong doubt sa aking sarili pero ayaw ko ipakita iyon sa kanya. Magagalit siya kung makakaramdam ako ng awa. Dahil 'yon ang pinaka ayaw niyang ipakita at iparamdam ko sa kanya.

Isang taon na mula ng sagutin ko si Sandro bilang maging boyfriend ko. Nung una ay ayaw ko pa at sapat na ang pagkakaibigan namin dalawa, ngunit dahil sa pagpupursigi niya at hindi mahirap mahalin, binigay ko ang matamis kong OO. Mahalaga si Sandro sa akin dahil siya at ang kanyang pamilya ang tumulong sakin sa Italy kaya naging magaan at secure ang pamumuhay ko roon.

Pagmamay-ari nila Sandro ang isang first class restaurant sa Italy kung saan una akong namasukan bilang waitress. Nalaman niya na nakakuha ako ng scholarship for culinary kaya nang matapos ang aking degree, in-absorb nila ako bilang chef. The rest is the story.

Tinanggap ako ni Sandro sa kabila nang nangyari sa amin ni Tyler. Dahan-dahan tinulungan niya ako mag move-on sa lalaking minahal ko ng buong puso. May sinabi si Sandro na tumatak sa aking isipan. "My heart is dying, but because of you, my life is alive and kicking." Vita Mia means My Life - our endearment.

Panahon lang ang nakapagbigay sa akin ng solusyon para mabuo muli ang aking sarili. Panahon na nilaan ko upang maging matatag ang aking pagkatao, lalo na ang aking puso. Panahon din ang nagbigay daan para makilala ang taong muling magbibigay sa akin ng kaligayahan at pagmamahal. Totoo nga siguro ang kasabihan na iyon, 'pana-panahon lang iyan'. Ngunit dadating ang panahon na iiwan din ako ni Sandro.

Nag focus ako sa restaurant habang tinuturuan si Cobie na patakbuhin ito. Kailangan pag pursigihan namin magkapatid na mapalago ito dahil ayoko mabaliwala ang paghihirap namin ni Sandro. Siya ang may malaking investment dito sa restaurant kaya ayoko sayangin ang pagtitiwala niya sa akin.

Unti-unti nagagamay na ni Cobie ang paghahandle sa restaurant. Siya ang pinamamahala ko habang ako nakatuon sa kitchen at ginagamit ang pagka chef ko. Dito ako magaling kaya dapat maturuan ko rin ang mga kitchen staff sa mga pamamaraan na ginagawa ko.

"Ate! Kaya ko ba i-handle ito?" tanong ni Cobie habang kanya-kanya naming tinutunga ang bote ng baso na may lamang wine.

"Oo naman! Ikaw pa ba? Ang bilis mo nga matutunan ng lahat. Sigurado ako na kaya mo gampanan ang iiwan ko sayong trabaho." Nilagok ko ang natitirang wine sa aking baso. "Pwede naman ako umuwi once a month para matignan-tignan itong restaurant."

Inikot-ikot ni Cobie ang baso na nakapatong sa lamesa, "Ate, matagal na ba kayo ni Kuya Sandro?" tanong niya. "Mahal mo ba siya?" sunod na tanong. "Baka naman ibigay mo na naman lahat hanggang sa wala na naman matira para sa sarili mo. Ayoko na makita muli ang kapatid ko na handang kitilin ang kanyang buhay nang dahil lang sa maling pagmamahal."

Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti, "Matatag na 'to, Cobie. Hindi na muli mangyayari ang nakaraan. Dahil kay Sandro mas natuto akong mahalin at alagaan ang aking sarili." I giggled. "I'm so wasted that moment, kaya kapag naaalala ko, hindi ako makapaniwala na nagawa ko iyon. Ang tanga ko na isipin na magpakamatay gayong nandyan kayong pamilya ko. Samantalang si Sandro gusto dugtungan ang buhay makasama lang ang mahal niya sa buhay." I sigh. "Siya ang nagbigay ng rason para makabangon ako. Siya ang tumulong sa akin…sa atin." Bumadya ang mga luha sa mata ko at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Cobie. "Ipapakita ko na mahal ko siya hanggang kaya ko. Aalagaan ko siya habang nasa tabi ko pa siya. Gusto ko bago 'man lang niya ako iwan naging masaya kami. Napasaya ko siya. Iyon ang importante!"

"Pero mahal mo nga?" muli niyang tanong. "Gusto ko malaman Ate dahil iyon ang importante."

"Natutunan ko na siyang mahalin!" seryosong sagot ko kay Cobie habang nakikipag eye to eye contact sa kanya. Pinunasan ko ang luha sa aking mata. "Huwag mo na akong intindihin, Yatot!" Ginulo ko ang buhok niya. "Masyado ka na nag matured, ha? Ilang taon lang feeling ko kuya na kita. Hahaha"

"Ate naman!" angil niya habang may ngiti sa labi.

Napukaw ang pag-uusap namin ni Cobie nang tumunog ang aking cellphone. Si Sandro iyon na nag bi-video call.

"I miss you, Vita Mia," bungad niya nang makita ako sa camera. Hinalikan pa ang cellphone para lang i-virtual kiss ako.

"I miss you too," tugon ko na may kasamang halik sa hangin. "Come stai?" pangungumusta ko. "Is everything going well? How's your health? Did you take your med?"

"Yes, I did. Everything is alright. Mom is looking for you and asking when you will go home. Dad is having a hard time in the restaurant because everyone is looking for their favorite chef."

"I can book the flight now. Kaya naman na ni Cobie na i-handle itong restaurant." Ako na ang nag open ng topic kahit minsan ayaw niya napag-uusapan. Kapag sinabi niya na bumalik ako sa Italy, babalik ako agad-agad.

"No need, Erie! Just spend more time with your family. You've been away for more than three years, I think. So, you better catch up more with them. By the way, who's with you?" tanong habang nakakunot ang noo.

"I'm with Cobie." Pinindot ko ang back cam para makita niya si Cobie. "He's been doing well."

"That's great! I'm looking forward to your both successes," tipid na sagot sa akin ni Sandro.

"Sandro! Is there any problem?" tanong ko. Lately may napapansin ako sa kanya. Hindi na gaanong nagkwe-kwento about his daily activities. Kapag pinag-uusapan ang pagbabalik ko sa Italy ay umiiwas at tumatanggi sa offer ko.

He just smiled, "Nothing!" iling niya. "Nothing…"