Tyler Vasquez
Masaya silang nagkwekwentuhan lahat, samantalang ako lutang, namomoblema at nag-iisip ng paraan kung paano mapalapit kay Deserie. Para akong baliw dahil sa mga ginagawa ko. Kinakausap ang sarili, biglang sinasabunutan ang aking ulo, at biglang pinapalo ang lamesa.
"Dude! Kaya nandito tayo para mag relax," tumatawang sabat ni Nike.
Nakipag cheer naman kay Nike si Kael, "Based on his symptoms, kailangan na natin ipagamot ang kaibigan natin!" Nagtawanan ang dalawa habang panay ang kantyaw sa akin.
"Palibhasa kasi, hindi niyo pa nagagawang magmahal!" matalim na tugon ko sa kanila.
Sumabat naman si Ram na katabi ni Abby, "Opps! Not me. Alam mong sa inyong lahat, nauna ako nagmahal." Tumahimik sandali si Ram. Naramdaman ko na lang binaba niya ang bote ng alak at nakatitig sa akin. "Why are you so miserable? Choice mo 'yan, hindi ba? We've been advising you na kausapin mo para maging malinaw lahat!"
"Kaya lang naging pusong bato ka!" Saad ni Nike. "Ilang beses kang hinanap. Ilang beses kang pinuntahan sa opisina. Halos lumuhod at nagmamakaawa na, pero anong ginawa mo? Dude, sinayang mo na ang pagkakataon."
"It's been years, right?" tanong ni Kael.
"Three years…" tugon ko.
Sinupalpal na naman ako ni Nike, "He has a boyfriend! You should stop dreaming, Tyler. Sa tingin ko malabo na magkabalikan kayo ni Deserie! Hindi ka naman tanga para hindi mapansin kung gaano sila ka-inlove sa isa't-isa ng Italiano na iyon, 'di ba?"
Kahit masakit na marinig, tinatanggap ko ang pagiging totoo ni Nike sa kanyang mga sinasabi.
"Kung 'di ka ba naman kasi gago! Mahal mo tapos hiniwalayan mo sa text. Alam mo! Maging masaya ka na sa buhay mo at ni Deserie. Isang beses mo nang sinira ang buhay niyong dalawa, ngayon masaya na siya, 'wag mo na guluhin! Mag move on ka na kagaya ng ginawa ni Deserie!" dugtong ni Nike.
"How? How can I be happy? How can I move on? Hanggang ngayon mahal ko pa rin siya! Alam ko gago ako! Tanga ako! Dahil d'yan ilang taon kong pinag sisisihan ang naging desisyon ko. And that fucking guy! Alam ko hindi siya mahal ni Deserie," bulalas ko. Gagawa ako ng paraan para bumalik siya sa akin. Gagawa ako ng paraan para magkasama kami. Gagawa ako ng paraan para mahalin niya ako ulit
"Malala na talaga!" sabat ni Kael. "Cheers para sa sawing pag-ibig ni Tyler."
Ilang oras ko silang kasama pero wala akong pakialam sa kanila. Ang gusto ko lang uminom ng uminom.
Humabol naman si Kednric sa inuman namin dahil kasama namin ang kanyang asawa. Alam ko naman kung gaano niya kamahal si Jayana dahil malaki talaga ang pinagbago ni Kendric. Simula nang naging maganda ang relasyon nilang mag-asawa, hindi na puro trabaho ang inaatupag ni Kendric. Mas marami na siyang panahon na kasama namin dahil na rin kay Jayana at sa mga kaibigan nito. Malapit kasi si Nike, ang kapatid niyang si Scout at si Ram kay Jayana. Kaya kung nasaan ang asawa nakabuntot si Kendric.
Nakipag pustahan ako kay Jayana dahil nangako siya na tutulungan ako na makipagbalikan kay Deserie. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak niya para panghimasukan ang buhay ko. Pero siya lang ang nag insist na tulungan ako. So let her be! Para siyang pumasok sa giyera na walang dalang baril at bala.
Kahit napaka imposible ng sinasabi ni Jayana, kalahati ng isip ko sinasabi na, "SANA NGA! BAKA SAKALING SIYA ANG MAKATULONG SA AKIN." Kahit suntok sa buwan ang gagawin ni Jayana.
Ilang gabi na ako nag aabang para makakuha ng tyempo na maka-usap si Deserie. I hope this night will be lucky for me. Pasara na ang Erie Italian Restaurant nang magpaalam si Deserie sa kanyang mga tauhan. Pumapabor naman ang tadhana dahil siya lang mag-isa at hindi kasama ang kapatid.
Bago pa siya makasakay sa kanyang kotse ay nagmadali na akong puntahan siya. Kahit anong mangyari hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito.
"Des…"
Lumingin siya sa akin na may ngiti sa kanyang labi pero mabilis din nawala ang ngiti na iyon nang makita ako.
"Des…" tawag ko muli sa kanyang pangalan. "Pwe- pwede ba tayo mag-usap?"
Tumingin siya sa kanyang orasan at huminga. Muli niya akong tinignan. Walang emosyon ang mukha. "I'm sorry, Mr. Vasquez. But I can't!" Papasok na siya ng kotse.
Pinigilan ko siya, "Please! Please, Des. Pagbigyan mo naman ako kahit ngayon lang. Please!" pagmamakaawa ko.
Hinawi niya ang kamay ko at sinampal ako. "Bakit nung nagmakaawa ako sayo noon, pinagbigyan mo ba kong kausapin ka?" Ngumiti siya at muli akong sinampal. "Ang kapal ng mukha mo na magpakita pa saken! Para ano pa? Matagal mo nang tinapos ang lahat sa atin, 'di ba? Anong sense ngayon kung kakausapin kita? May magbabago ba? Ang kapal mo para humarap sa akin at magmakaawa! Ang kapal ng mukha mo!"
"Alam ko! Alam ko naman na nagkamali ako. Mali ang ginawa ko, pero nandito ako para kausapin ka. Gusto ko maayos nating dalawa ang nawala sa atin noon. Des, just hear me out."
"We are over, Tyler! There's nothing to talk about. Asking my permission to hear you out? Wala kang karapatan na hingin ang mga bagay na ipinagdamot mo sa akin noon! Tatlong taon na ang nakalipas pero kung makapagsalita ka parang kahapon lang nangyari ang lahat?!" Matalim akong tingnan ni Deserie. Puno ng galit poot at pagkamuhi ang kanyang mga mata. "Get lost! Get lost like you did three years ago. I don't wanna hear anything from you. Don't expect na sa kabila ng ginawa mo ay pakikiharapan pa kita ng maayos!"
"Des, I still love you. Walang nagbago. Mahal na mahal kita." I confessed. Lumuhod ako sa harap niya. "I'm sorry. Pinagsisisihan ko na ang lahat ng ginawa ko. Akala ko kapag nakita kita wala na akong mararamdaman, pero nagkamali ako! Please give me another chance. Please!"
Ayoko salubungin ang mga matatalim na titig niya kaya nanatili akong nakayuko.
"Sayo walang nagbago, pero sa akin marami nang nagbago. You missed your chance three years ago, at wala na akong maibibigay pang chance sayo. I don't love you anymore, Tyler. Galit lang ang iniwan ko sa puso para sayo. Too late! Too late para pagsisihan ang bagay na pinili mo without thinking kung ano ang mangyayari sa akin! I'm healed, Tyler. Masaya na ako sa buhay ko, so please stop messing with me. Stop messing my life again kasi hindi kita mapapatawad. Hinding-hindi!"
Naiwan akong luhaan habang nakaluhod sa lupa. Alam ko na ganito ang mangyayari kung makikipag kita ako sa kanya. Kinasusuklaman niya ako, iyon ang nararamdaman ko. 'This is my consequences of being a jerk.'
Dapat hindi ko siya binigla. Dapat dinahan-dahan ko na muling mapalapit sa kanya. Iyon ang kailangan ko ulit gawin, ang ligawan siya. Desedido na ako. Kahit anong mangyari sa huli tatanggapin ko pero hindi ako basta-basta susuko hangga't hindi ko napapatunayan na wala na siyang pagmamahal sa akin.
Araw-araw pinapadalhan ko siya ng paborito niyang bulaklak na Carnation. Kasabay ang dark coffee na paborito niyang iniinom noon. Nag oorder ako ng mga pagkain na madalas namin kinakain tuwing lumalabas kami.
"Good morning," bati ko sa waiter na nag-aayos ng table.
"Welcome to Erie, Sir." Binati ako ng waiter at in-assist ako na maupo sa lamesa. "Anything you want to order, Sir?"
"Yes! The best-seller dish of your chef." Inabot ko sa kanya ang menu, "Nandyan na ba si Miss Salvacion?" tanong ko.
"Yes, Sir!" tipid na sagot sa akin ng waiter na akmang aalis na sa aking harapan.
Kinuha ko ang braso niya upang pigilan, "Can I talk to her? Pakisabi hinahanap ko siya. I'm Tyler Vasquez."
"Inform ko lang po si Chef, Sir Tyler."
Ilang minuto ako naghihintay pero pagkain ko lang na in-order ang dala ng waiter.
"Excuse me? Anong sabi ni Miss Salvacion?"
"Sir, medyo busy po si Chef kaya hindi po kayo makakausap. Meron po kasi kaming reservation mamaya na mga big client kaya inihahanda na po ni Chef ang lulutuin niya."
"Ganun ba? Thank you!" Talunan akong umupo at hinarap ang pagkain na in-order ko. Dahil excited na kainin ang niluto ni Deserie, hindi ako nag atubiling kainin iyon. Dire-diretso ko iyon kinain sabay lunok. Nasa kalagitnaan na ng pagkain ko nang mamula ako at tumulo ang sipon sa sobrang anghang ng kinakain ko.
Naka ilang inom na ako ng baso ng tubig pero hindi mawala-wala ang anghang. Gusto ko na magwala. Hindi na rin ako mapakali. Hindi ko rin alam kung anong pwede kong kainin para mawala ang lasa ng sili sa aking dila. Nangingiyak na ako pero hindi ako makapag reklamo. Kapag pinakita ko kay Deserie na galit ako, talagang mawawalan na ako ng chance na makita siya at makausap.
"Thank you for coming."
"Thank you for a delicious meal," sagot ko at nag thumbs-up pa ako. "Sobrang sarap magluto ng Chef niyo. Woah! Ramdam na ramdam ko ang anghang ng kanyang pagmamahal." Pabiro kong tugon sa waiter bago tuluyang umalis. Kahit ilang oras akong naghintay, hindi ko man lang nasilayan ang kagandahan ni Deserie. Gaya noon pakipot at mahirap kunin ang loob.
"Tyler, tiyaga-tiyaga lang! Alam ko na mahal pa rin ako ni Des." Bilib na sabi ko sa aking sarili.