Chereads / The Billionaire Conquers Her Heart / Chapter 4 - Kabanata 3

Chapter 4 - Kabanata 3

Tyler Vasquez

Hanggang ngayon hindi pa rin maalis ang tindi ng sakit na ginawa sa akin ng babaeng iyon. I almost invest all the emotion at halos wala nang natira sa sarili ko. Akala ko lilipas ang panahon at makakalimutan ko siya, pero nagkamali ako. Hanggang ngayon miserable pa rin ako.

Ang sakit makita siya na masaya ngayon. She almost achieves all her dreams in life na hindi ako kasama. Nagsumpaan pa kami sa isa't-isa na hanggang dulo kami, but all those promises ruined by her own fault.

Hindi ko na siya kayang harapin o kausapin nang malaman ko na niloloko niya ako. Kung hindi pa siya nahuli ni Scarlet na may kasamang ibang lalaki, sigurado hanggang ngayon niloloko pa rin niya ako. "Ang tagal kong nagpakatanga sa kanya!"

I decided to broke-up with her through text. Lahat ng masasakit sinabi ko para lang makaganti sa ginawa niya sa akin. "Why I'm still in pain? Why had you betrayed me? Until now, you're still the one. Why can't I get over you?" tanong ko sa aking sarili habang tinitignan ang kanyang picture sa isang magazine. "Deserie Salvacion - World-class Chef," basa ko roon.

Gamit ang hintuturo ay hinaplos ko ang litrato niya. Her smile na magkasabay ang labi at ang mata, sobrang na mi-miss ko na iyon na masilayan. Ang kanyang mata na mapungay na nang-aakit, para akong nahi-hipnotismo. Habang tumatagal ang pagtitig mo sa kanyang mukha ay mas gumaganda at hindi nakakasawa.

Tinungga ko ang huling laman ng alak sa aking baso. 'Heto na naman ako! Same the past year na nilalasing ang sarili araw-araw makalimutan lamang siya.' Nakahiga ako sa headboard ng sofa at marahan na pinikit ang aking mata. "Kahit gaano ako magpakalasing, hindi pa rin magawang mamanhid ng puso at utak ko na huwag kang isipin." All the memories are getting back na nagpapakirot sa aking damdamin.

"I love you, Deserie. I'm so in love with you, until now. Walang nagbago!" usal ko sa aking isip. "If I turn back time at pinili ko na kausapin ka? Will you choose me over that guy?" tanong ko sa aking sarili. "If I'm brave enough to face you, would you slap me because of begging you to choose me?" Umaagos ang luha sa aking mga mata ng hindi ko namamalayan.

Wasted, badtrip at wala sa mood tuwing pumapasok ako sa opisina. Halos lahat ng empleyado ko ay mailap na makagawa ng mali dahil anuman oras ay maaari akong maging dragon sa kanilang harapan.

"Good morning, Sir Tyler." Inabot sa akin ang isang invitation card. "One of our investors wants to invite you to a grand opening of Erie Italian Restaurant. Should I confirm your schedule tonight, Sir?"

"I won't come, Hendrix. Scarlet's 18th birthday will be celebrated tonight. But give them a flower to give our gratitude to their restaurant's grand opening." Inabot ko ang isang papeles.

Napalamukos ako sa aking mukha paglabas ni Hendrick sa aking opisina. Ang dami naman restaurant bakit sa mismong restaurant pa na itinayo ni Deserie? Gustuhin ko 'man pumunta ay nagdadalawang isip ako. 'Paano kung makita niya ako? Anong sasabihin ko? Anong dadahilan ko? Paano kung galit siya at mapahiya lang ako?' Maraming bagay na gumugulo sa aking isipan simula nang makita ko si Deserie. Simula nang bumalik siya dito sa Pilipinas. Lahat ng ala-ala nagbabalik, pero may parte sa utak kong masaya at gustong kausapin siya. Gusto ko maging maayos ang relasyon namin dalawa. Gusto ko subukan muling makuha ang puso niya.'

"Happy 18th Birthday, baby girl." Hinalikan ko sa pisngi at niyakap ng mahigpit sabay abot ng aking dalang regalo "Papunta na rin sila Mommy and Daddy," dugtong kong sabi. "Where's Kendric?" tanong ko habang iniikot ang paningin sa garden.

Malungkot ang mukha, "Wala pa nga, Kuya! Sabi niya kanina susunduin lang niya si Ate Jayana, pero anong oras na. Hindi na ata ako ganun ka-importante sa kanya."

Hinaplos ko ang ulo niya, "You're important to us, baby. Hayaan mo kakausapin ko si Kendric. He should prioritise you over his wife."

"No need, Kuya Ty. Nandito ka naman kaya okay lang ako. Baka isipin ni Kuya Kendric nakikipag kompetensya pa ako sa asawa niya. Ayoko naman mag-away ang dalawa. Alam mo naman hindi ako gusto ni Ate Jayana, baka lalo lang niya ako pag-initan."

Nung unang makita ko si Jayana ay na impress ako. Ilan lang ang mga babaeng palaban na katulad niya para ipagtanggol ang sarili. Ngunit nag iba ang impresyon ko sa kanya ng bigyan niya ng malisya ang pagiging malapit ni Scarlet kay kendric. Wala siyang pinag ka-iba kay Deserie. Noon pa 'man pinag-aawayan na namin ni Deserie ang pagiging close namin ni Scarlet. 'Kaya pala si Scarlet ang pinagbibintangan niya na may gusto sa akin, siya pala ang gumagawa ng milagro sa aking likuran.'

Walang kapantay ang kasiyahan na nararamdaman ko habang nakikita si Scarlet na masayang kasayaw si Kendric. I can't imagine na lalaking maganda, mabait at mapagmahal si Scarlet. Simula ng dumating siya sa buhay namin ni Kendric, nadagdagan ang saya ng aming pamilya.

Perfect na ang gabi ngunit nagkaroon ng gulo sa pagitan ng grupo ni Jayana at ng business partner ni Kendric. Galit na galit ako sa asawa ni Kendric dahil sa kakaiyak ni Scarlet. Inuto-uto pa namin para lang mapatahan at nangako na ise-celebrate na lang muli ang kanyang birthday.

Paghatid ko kay Scarlet sa bahay. Hindi ko naman natiis ang sarili ko na puntahan ang grand opening ng restaurant ni Deserie. Pasado alas onse na at marami pa rin tao sa restaurant. 'Kahit sulyap lang nanaisin ko na, makita lamang siya. Masilayan ko man lang siya kahit sandali. Lalakasan ko na ang loob ko na kausapin siya kung sakaling magkaroon ako ng pagkakataon." Kinakausap ko ang aking sarili habang nasa loob ng kotse.

Kitang-kita ng dalawang mata ko kung gaano siya kalapit sa lalaking Italiano na iyon. Kumirot ang puso ko ng hapitin siya sa baywang at halikan sa labi bago umalis ang lalaki. 'Mas masakit pa lang makita ng mismong mata na may iba na ang mahal mo.' Napa kuyom ang aking palad.

"Deserie, this is the only chance I have. Sisiguraduhin ko this time makukuha kitang muli. Makukuha kong muli ang pagmamahal mo."

Pinagmasdan ko ang babaeng naiwan nakatayo sa front entrance ng restaurant. Ngayon ko lang narealize na ang laki na ng pinagbago niya, physically. Hindi na siya ang simpleng babae na mag-ayos noon. Ang babaeng walang hilig sa make-up. Ngayon, napaka elegante na niya kumilos at manamit. Naka make-up na mas lalong bumagay sa kanyang magandang mukha.

Dahil tinted ang kotse, alam kong hindi niya ako makikita kahit nakatingin siya sa gawi ko. "Tyler, ano pa bang ginagawa mo! Bumaba ka na!" usal ko sa hangin at kinakausap ang aking sarili. "Matapang ka naman bakit ngayon naduduwag ka?" Para na akong baliw sa ginagawa ko. Huminga ako ng malalim at bababa na sana ng kotse nang pumasok siya dahil tinawag ng isang lalaki.

"Hindi ako maaaring magkamali. Si Cobie iyon." Kasama ang buong pamilya ni Deserie. Ang pamilya na minahal ko at hanggang ngayon mahalaga pa rin sa puso ko. Napangiti ako ng hindi namamalayan. Bumalik sa ala-ala ko kung paano ako tinanggap ng buong puso ng pamilyang ito. Ang pamilya na kailanman ay puro pagmamahal at respeto ang ibinigay sa akin. Ngunit sa isang iglap nawala sila sa akin dahil sa dala ng galit ko kay Deserie.

Noong mga panahon na hiwalayan ko si Deserie, isa si Cobie na naki-usap sa mga tauhan ko upang makausap ako, pero naging matigas ang puso ko.

Ngayon ko iniisip na kasalanan ko lahat kaya nawala sila sa akin. Kasalanan ko na nagpadala ako sa galit at biglang nag desisyon na hindi ko man lang pinag-iisipan. 'I'm sorry Nanay, Tatay, Cobie." Iyon lamang ang nasabi ko dahil sa sakit na dinulot ko sa kanilang pamilya.

Nawalan ako ng lakas ng loob na humarap sa kanila. Nanghihina ako. Naduwag ako. Hindi ko kayang tanggapin ang mga salitang manggagaling sa kanila. Hindi ako handa sa kung paano nila ako pakikiharapan pagkatapos kong iwan si Deserie ng ganun-ganun na lang.