LANCE'S POINT OF VIEW
Sinuksok ko na sa cellphone ni Rico ang SD card na inabot niya sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nakuha 'to dahil wala pa silang nababangit tungkol sa nangyari sa akin. Lahat sila walang balak na magkwento. Kinakabahan ako sa gustong ipakita ni Rico sa akin.
Matapos kong isalpak ang SD Card sa cellphone niya, binuksan ko agad ang cellphone niya. Sa home page, may widget doon na may note, may nakasulat.
"Sa paghahanap ko ng mga video tungkol sayo, nasa SD Card lahat ng video na nakalap ko tungkol sayo. Kung ano ang mapanood mo, sana mahing kalmado ka at mahinahon." saad sa note ni Rico. Lalong nagumapaw ang kaba na nararamdaman ko.
Kailangan kong malaman kung ano ang laman ng SD Card para matahimik na ako. Gusto ko na din mabalik lahat ng alaala ko kaya matapos ko isalpak ang SD card sa phone niya, dumiretso ako sa Gallery. Walang ibang laman ang SD Card kundi mga litrato at dalawang video.
Nang buksan ko, nakita ko ang sarili ko. Ako mismo, nasa kwarto ko nakaharap sa computer habang may naglalarong puzzel sa kama. Pamilyar siya— Tumingin siya sa camera na para bang nakaharap sa akin, at saka ako binigyan ng nakakatakot na ngiti. Muntik ko nang maibato ang phone na hawak ko sa takot. Agad kong tinigil ang video at saka huminga ng malalim. Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko, hindi ko alam kung bakit.
Binuksan ko ang isa pang video, isang blankong lugar na may upuan. Ilang saglit may umupong lalaki. Kamuka niya ang taong nasa unang video na napanood kong naglalaro ng jigzzaw puzzle.
"Papatayin kita, humanda ka. Papatayin kita." paulit ulit jiyang sinasambit iyon habang nakatingin sa akin. Hindi ko mabitawan ang cellphone, nineneebyos na ako.
"S-sino ka!!" mautal-tal kong sambit habang nanonood sa phone. Ilang sandali, bumukas ang pinto at may palapit sa akin. Hindi ko magawang lungin, hindi maalis ang mata ko sa cellphone ni Rico.
"Lance!" boses ni Aaron. "Huy Lance! Umayos ka!— shit ano banv gagawin ko sayo!" bigla niyang hinila ang cellphone sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya kasabay noon ang paninigas ng kamay ko, "Ayos ka lang ba? Tatawag na ako ukit ng doktor—"
Naalala ko na siya.
"Si Archie, sa video. Papatayin niya ako." sambit ko sabay kuha ng cellphone. Pinakita ko sa kanya ang video, "Si Archie, kinakaptid ko. Papatayin niya ako kapag nakita niya ako dito. Anong gagawin ko—"
Kita sa kanya ang pagkalito, "Ano bang sinasabi mo? Wala akong nakikita kundi pader—" itinuro ko sa kanya ang cellphone.
"Si Archie ito! Hindi mo ba nakikita?" pagduduldol ko sa cellphone na hawak ko.
"Lance, hindi kita maintindihan. Wala akong nakikita sa video maliban sayo— at sino ba ang Archie na sinasabi mo?" Nanlumo ako sa tanong ni Aaron, hindi pwede 'to. "Sa totoo lang palagi mo nalang binabangit ang Archie na iyan simula ng highschool pa tayo pero kailan man hindi pa namin siya nakikita. Siguro dala lang yan nang nangyari doon sa bahay mo o ung oagkabagsak mo sa third floor—"
Hindi ko napigilan ang sarili ko, "Naririnig mo ba ang sinasabi ko? Tignan mo ng mabuti ang video, Archie siya! Bakit ba hindi ka naniniwala?" turo ko sa phone pero binivyan niya ako ng dismayang expresyon. Huminga siya nang malalim. Doon ko na siyang hinigit sa manggas. "Tignan mo ng mabuti! Acckk—"
"Pare, dahan dagan lang Braso mo. Totoo mga sinasabi ko, hindi ko siya nakikita sa video!" bigla niyang sambit sa akin. Hindi ako naniniwala, ginu-good time lang niya ako.
"Aaron, tignan mo 'tong isang video." turo ko sa kaniya sa unang video na napanood ko, "Ung nasa kama, may kaharap na jigzzaw puzzle. Siya si Archie, tinutukoy ko." pagdudutdot ko sa phone ni Rico. Hindi na niya ako sinagot, nakatingin siya ng seryoso sa akin. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Kinuha niya ang cellphone at saka may pinindot, "Ito ba ang binigay sayo ni Rico kanina? Napanood mo naba ang buong video?" tanong niya. Matapos niya sabihin iyon, unti-unting sumakit ang sentido ko. Sobrang sakit.
"Arrgghh.."
"Lance!" Lahat ng nangyari sa kwarto ko. Si Archie, ang larong pik pak boom at ang pagkatao niya. Nanariwa sa akin. "Tatawag na ako ng doktor—"
"Naalala ko, ang aksidente. Hindi ba sunog iyon?" tumango siya, "Si Archie ang may gawa noon, hindi ako. Binuhusan niya ako ng gas, nagbuhos siya ng gas. Siya may gawa nito, tinangka niya akong patayin." paliwanag ko at sa reaksyon niya, hindi siya naniniwala.
"Ikaw ang sumunog ng bahay mo." diretso niyang sambit. Sunod-sunod na tanong ang pumasok sa isipan ko
"Imposible." sambit ko. Nakakapanlumo.
"Iyon ang totoo." pagdidiin pa niya. Ilang sandali, bumukas ang pinto. Dumating na sila Kemmeth at Matthew.
"Anong nangyayari dito?" si Kenneth kasama si Matthew at Rico. "Aaron— anong pinapanood ninyo sa phone?"
"Bakit kayo nagsisigawan? May problema ba?" saad ni Rico sabay baba ng supot na hawka niya sa sofa. "Lance—"
Lumapit naman si Matthew, "Aaron, kalmahan mo lang. Alam mo namang hindi pa maganda ang lagay ni Lancenatin."
Tumingin sa akin si Aaron na para bang natatakot, "Si Lance, may problema—"
Hindi ko mapigilang hindi magtaas ng boses, "Walang problema sa akin!" bulalas ko. Natahimik sila, "Maayos ako at walang probelma sa akin maliban sa pesteng sunog na 'to. Wag n'yo akong tignan na para bang sobrang nakakaawa ako." paglilinaw ko. Kinuha ko ang cellphone kay Aaron at saka pinakita ang video, "Naalala ko ang nangyari sa akin, buong buo. Bakit ayaw ninyo maniwala sa mga sinasabi ko?!" Hindi ko na nakontrol, lumuha na ako sa harapan nila habang patuloy na nagpapaliwanag. Pakiramdam ko tikom ang tenga at bibig nila sa nangyari sa akin kaya pakiramdma ko ang layo layo ng mga taong dapat nasa tabi ko.
Walang nakikinig sa akin.
"Oaky sige, naiintindihan ka namin. Kumalma kamuna at wag magpadalso dalos— baka sumama pakiramdam mo.." paalala noya sa akin. Lalapit snaa siya pero tinabig ko ang kamay niya palayo na kinabigla niya. Pumagitan na si Rico..
"Huminahon muna kayo. Ang iimit ng pwet ninyo. Kalma muna." sambit ni Rico. Hunarap siya kay Kenneth at saka nagapliwanag, "Tama ka, ako nagbigay ng video sa kanya."
"Napagusapan na natin ito—"
"Oo, pero nakukonsensya ako sa mga napanood ko sa video."
Tinuro ko ai Archie sa cellphone, "May nakita kayong bata na kasing edad ko sa video na hindi ko nakikita? tama ba ako?" lahat sila nagbigla sa sinabi ko. Walang mali sa sinabi ko pero bakit ganoon ang reaksyon nila. Nakakaasar.
Napakamot ng ulo si Rico, "Lance...."
Kinuha ni Kenneth ang cellphone na hawak ko, "Wala kaming nakita. Ikaw lang nandoon at ang isang video, ikaw lang ang tao." matapos sabihin iyon ni Kenneth, pakiramdam ko gumuho ang paligid ko, "Alam namin ang lahat ng nangyari, kitang kita sa video na—"
Sa inis ko, hinila ko ang nakatusok sa kamay ko kinuha ko ung sabitan ng dextrose at saka hinagis kung saan. Napupuno na ako, "Putragis! Anong alam ninyo? Anong nakita? Nandoon si Archie!" dipensa ko, hindi parin sila nagpatinag.
"Pare kalma." Rico.
Nagtanong si Matthrw sa akin, "Sino si Archie?" tinignan ko ng masama si Matthew.
Hinila siya palayo ni Rico, "Matthew wag muna please."
Nabigla ako nang ibato ni Kenneth ang cellphone ni Rico sa sofa. Tumingin siya sa akin ng seryoso, "Hanggang ngayon naninindigan ka parin sa kanya. Matagal nang patay si Archie."
Hinila siya ni Aaron, "Kilala mo?"
Nagpintig ang tenga ko, "Patay?" wala ni isa ang sumagot, "Niloloko mo lang ako Kenneth."
Nabigla nalang ako nang suntukin ako sa pisngi ni Kenneth— ang sakit. Agad silang lumapit para ilayo si Kenneth sa akin, "Tangina naman oh! Gumising ka! Wala na siya matagal! Pakiusap Lance, tangapin mo na wala na siya at patahimikin mo ang kaluluwa niya!" sigaw ni Kenneth. Minsan lang siya magalit, sobra sobra.
Hindi ko siya ininda.
Dinipensahan ko ang sarili ko, "Nakikita ko siya sa video. Papatayin niya ako. Natatako ako." lumakas siya palabas ng kwarto. Pero bago iyon, nagsalita siya.
Tumingin siya ng masama sa akin, "Magpahinga ka at itigil mo na ang kahibangan mo." wika ni Kenneth bago siya umalis ng kwarto. Naiwan ang tatlo.
"Woah." sambit ni Matthew.
Si Rico naman dinampot ang cellphone niya. "Madami pa naman akong save na porn dito tapos sisirain n'yo lang. Buti nalang talaga maayos pa."
"Labas muna ako, sundan ko si Kenneth." saad ni Matthew saka siya lumabas ng kwarto.
"Wala akong alam sa usapan ninyo kaya kakain na muna ako dito sa tabi. Inform n'yo nalang ako kapag may ganap na. Kakain muna ako.." saad ni Matthew saka niya binulatlat ang laman ng plastic bag na hawak niya at mag-isang kumain.
Napansin ko si Rico na binubuksan ang cellphone, "Rico, may mga akong picture akong nakita sa cellphone mo, Ano iyon?" tanong ko.
"Baka naman ibato mo na 'to kapag pinahiram ko na sayo— Aray!" alangan na sambit ni Rico. Pwersahan kinuha ni Aaron ang cellphone at saka niya binato sa akin. Nang masalo ko, binuksan ko agad ang gallery.
May isang picture doon.
Ang picture na iyon.
"S-saan mo ito— na kuha?" utal kong tanong kay Rico.
"Sa Digital Camera mo. Buti hindi pa sunog noong nakita ko. Medyo blured ang kuha at hindi ko maaninag kung anong meron sa picture na iyan. Mukang mahalaga iyan sa 'yo since iyan lang ang picture na meron sa Memory Card ng Camera." paliwanag niya.
Umti-unting nanunumbalik ang mga nangyari noon. Hindi ako pwede magkamali, kahit talampakan lang ang nasa picture, alam na alam ko kung sino ang mga nakunan ko sa litrato.
Si Archie at Dad.
ITUTULOY...