LANCE POINT OF VIEW
"Dad!!!"
Hinawakan ko siya sa kamay para alalayan akong makatayo, pero imbis na may gawin siya, bumagsak ang kanyang katawan sa harap ko, dilat ang mata. Umaapaw ang dugo sa bibig at walang hininga.
Gusto kong sumigaw! Gusto kong sumigaw sa inis! Sa sakit! Hindi pwede mangyari ito! Kahit ganoon ang inasal niya, kahit anong mangyari Daddy ko siya!
Mabuti at tumama ang likod ko sa corner ng kama at nakabangon agad ako. Pero ang hindin o inaasahang pangyayari, nakita ko si Archie na nakahandusay sa sahig, may dugo ang ulo habang dumadaing sa sakit.
Wala pa siya sa kanyang sarili. Hihingi ako ng tulong kailangan naming makaalis dito. Agad akong tumayo at nanakbo palabas ng pinto. Ngayon ko lang napagtanto, nasusunog na ang buong bahay!
Paano na ako makakaalis dito.
Pagtingin ko sa dulo ng corridor, may nakabukas bintana. Kasya kaming dalawa ni Dad kapag nakalabas na kami. Ang parteng iyon ay hindi pa natutupok ng apoy. May pag-asa pa, babalikan ko si Archie. Kailangan kong iligtas si Dad. Kung kinakailangan tumalon kasama si Dad.
Gagawin ko lahat, makaalis lang dito at makahingi ng tulong. Kaya buong lakas kong hinila ko si Dad palabas ng kwarto. Ang buong pasilyo hindi pa natutupok ng apoy. Paalis na sana kami ni Dad ng kwarto nang—
"Huli ka balbon!" bigla akong nahawakan sa braso ni Archie, agad kong tinabig ang kamay niya.
"Archie, bitawan mo ako!"
"Hindi ka aalis dito hanggang hindi kapa sumusunod sa Daddy mo!" garalgal niyang sambit kasabay nang paghila sa akin pabalik ni Archie sa kwarto.
Itututok niya sana ang baril saakin nanv natapik ko iyon palayo sa kanya. Tumilapon iyon kung saan natutupok na mg apoy ang pinagtalsikan noon.
"Bwisit ka talaga!" naramdaman ko nalang na sinikmuraan niya ako, nanghina ang tuhod ko at bumagsak na ang katawan ko sa sahig. Kinaladkad niya ako papunta sa likod ng pinto at saka binulungan, "Maghintay ka Lance, babalikan kita." mahina niyang sambit.
Umalis siya at pumanik sa baba kahit nagliliyab na ang pasilyo. May naglalaglagan naring mga nagaapoy na kahoy mula sa kisame namin. Wala na akong kawala dito.
Ilang saglit pa, dumating siya na may dalang bote ng alak. Pamilyar ang hawak niya, "Archie..." sambit ko, nginitian niya ako. May dala-dala siyang bote na may laman at saka binuhos sa buong katawan ko.
"Ano to.." amoy gas..
Nginitian niya ako. Sarkastikong ngiti, "Para sabay-sabay na tayong matutusta sa walang kwentang bahay na ito!"
"Archie wag..."
"Hehehe— Wala ka nang magagawa. Ito na ang huli nating pagkikita. At lilinawin ko lang, hindi ako si Archie." sambit niya habang tinataktak ang natitirang patak ng tubig na binubuhos niya sa akin. Itinapon lang niya iyon kung saan.
Ang init sa pakiramdam, sobrang init. Ilang sandali pa malakas na pagsabog ang naganap ulit, wala lang sa kanya ang nangyayari.
"Wag mong gawin ito." Hindi niya ako ininda. Kumuha siya ng kahoy na may apoy at saka tinutok sa akin. Unti-unti siyang lumapit sa akin habang pilit akong umaatras palayo. Hindi ako makakilos ng maayos dahil sa dulas ng sahig at sa dugo ni Dad na nagkalat.
Nang makalapit siya, halos magkadikit ang muka namin, "May sasabihin ka paba?"
"Archie..."
Pamilyar na boses ang nangaling sa likod ni Archie. Si Dad, buhay siya! Balot ng dugo sa buong katawan. Pinilit parin niyang makalakad at tulungan ako.
"Layuan mo si Lance!" bigla niyang sinakal si Archie pataas at saka kinaladkad palayo. Ang hawak ni Archie na kahoy, nalaglag sa sahig.
Ang apoy!
"Bitawan mo akong matanda ka!" pagpupumiglas ni Archie habang kinakaladkad siya ni Dad papunta sa bintana. Wala siyang nagawa, malaking tao so Dad.
"Umalis kana!!!" nagulat ako nang ihagis niya si Archie palabas ng bintana. Nabasag iyon at kasabay mg sigaw ni Archie habang dumadausdos pababa.
Archie...
"Kailangan mo nang makaalis dito." Pinilit niya akong isandal sa pader at inalalayang tumayo, "Sorry Lance, kasalanan ko ito. Kahit among mangyari mahal na mahal ka mi Dad" saad ni Dad na may halong pait. Naiyak ako sa sinabi niya, "Wala nang ora, Kumilos kana!!" Ma-awtoridad niyang saad. Nagkaroon na ng sunod sunod na pagsabog sa buong bahay.
Buong lakas akong tumayo at naglakad palabas ng kwarto. Pinilit kong bumangon para makasampa sa bintana, "Dad.. Si Archie..."
"Umakyat ka na!" sigaw ni Dad. Agad akong umakyat sa bintana at saka niya ako inakay. Mula sa likod niya, gumagapang ang apoy palapit sa aming dalawa.
"Dad! Malapit na ang apoy satin!!" mabilis na gumagapang ang apoy palapit sa namin. Sobrang higpit ng pagkalaakap ko kay Dad.
Sa isang iglap, binitawan binitawan ako ni Dad at saka hinagis palabas ng bintana. Pakiramdam ko lumulutang ako sa hangin, pababa, sobra bilis ng pagbulusok ko.
Nakatingin siya sa akin at isang ngiti ang pinabaon niya bago ko siya huling makita.
"Sorry Lance, mahal ka ni Dad."
Matapos noon, isang malakas na pagsabog ang yumanig sa bago ako mawalan ng malay.
* * *
"Huy! Bro gising!!!" tapik sa akin ni Mathew.
"Pare natatakot na ako kay Pareng Lance!" saad ni Rico habang nagyoyosi, "Pagpahingain na muna natin siya."
"Hinarap ako ni Aaron, "Lance, balik na tayo sa kwarto mo. Mukang kailangan mo nang magpahinga."
"Tara na." sambit naman ni Kenneth. Hinawakan na ni Kenneth ang hawakan ng wheelchair ko. Itutulak na sana nang biglang napakapit sa tyan si Rico.
"Mga pre, ang sama ng pakiramdam ko." Saad pa ng isa, "Sumasakit tiyan ko."
"Takaw mo kasi. Kain pa. Doon nalang kayo sa baba magbanyo." suggest ni Aaron, umiling si Rico.
"Samahan n'yo ako, may mga baklamg nakaharang doon sa second floor ng banyo. Mamaya gawin akong pulutan doon eh." paliwanag niya habang namimilipit ang tiyan.
Maya-maya, sumunod na si Matthew, "Mukang susunod ako sa inyo. Sumasakit din ang tyan ko." napansin ko kanina na namimilipit na siya sa sakit ng tiyan bago pa kami umakyat dito. "Pwede bang mauna na ako sa CR. Saglit lang ako. Promise."
"Ulol, ako muna! Ako unang nagreklamo eh." singhal ni Rico habang namimilipit ang tyan. "Tangina!"
Namagitan na si Kenneth, "Tigilan n'yo nga iyan. Sasama na nga ako at baka mag-away pa kayo." nanakbo ang dalawa, sinundan ni Kenneth na panay sermon sa kanila.
"Aaron, sumama ka na sa kanila. Alalayan mo sila." wika ko kay Aaron.
"Paano ka?" ngumiti ako sa kanya saka tumingim sa malayo.
"Gusto ko muna mag-isa, matahimik lang ng ilang saglit." saad ko habang nakatingin sa paglubog ng araw. "Ayos lang ako."
Hindi na niya ako kinausap pa at inabot niya sa akin ang cellphone. Napansin ko nalang na pababa na sila ng hagdan habang ako, tahimik na naiwan dito sa rooftop— mag-isa.
Ngayon, ako nalang ang tao dito. Sobrang tahimik at tanging pagihip ng hangin ang naririnig ko. Hindi ko mapigilang mapangiti, mapangiwi at magpigil. Hindi ko na kaya.
Tamang pagkakataon at walang katao-tao sa paligid. Tanging ako at ang wheelchair na inuupuan ko ngayon ang kasama ko. Siguro nga wala na ako sa katinuan ngayon kaya gagawin ko ito.
Tama, wala na nga.
Ngayon ay alam ko na lahat lahat, panahon ko na para ako naman— Ako naman ang sumunod. Ito na ang huling pagluha ko, para sa mga kaibigan ko, para sa taong nawala dahil sa kagagawan ko, katangahan ko.
Kaya gumawa na ako ng mensahe para sa kanila. Sinimulan ko nang magvoice record ng mensahe ko sa kanila gamit ng phone na inabot sa akin ni Aaron. Huling mensahe.
Matapos ko sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin— Narinig ko ang mga tuksuhan nila habang paakyat dito sa rooftop. Mga tawanan na para bang walang bukas. Masaya akong marinig sa kanila, at mas masaya kung wala ako.
Kaya sumampa ako sa railings dala ang swero ko kung saan tanaw ang buong syudad mula sa kinatatayuan ko. Maganda ang tanawin, ang paglubog ng haring araw na para bang ang higpit ng yakap niya sa akin.
Sabayan pa ng malamig na simoy ng hangin, talagang nakakamangha. Ang sarap mabuhay. Pero tahimik ang buhay nang mga taong nakapaligid sa akim ko kapag hindi na nila naririnig ang mga hinain ko sa buhay.
Hindi ko inaasahan ang nakita ko, si Archie, nasa tabi ko. Narahan niyang hinawakan ang kamay ko at sabay kaming tumingin sa palubog na araw.
"Ito na ba ang gusto mo mangyari?"
"Magsisinungaling ako kung sinabi kong, oo."
"Ano nang plano mo?"
"Kahit sino ka man ngayon na nasa tabi ko. Archie man o ibang katauhan ka man. Binibigyan na kita ng laya, pinapakawalan na kita."
"Salamat..." matapos niyang sabihin iyon, nabigla nalang ako nang maglapat ang labi naming dalawa. Mainit na mga halik, at ramdam na ramdam ko iyon— sa puso ko. Pdagdilat ko, doon na tumulo ang luha ko.
Siya ang bagay na kailanman hindi ko na maabot pang muli.
"Lance!" sigaw ng mga kaibigan ko. Lumingon ako kasabay ng luhang tumulo sa pisngi ko.
Ngumiti ako sa kanilang apat, "Salamat." Kasabay ng paglubog ng araw ang pagkabig ng hangin sa akin.
Paalam...
OPEN MESSAGE (VOICE RECORD)
Mga pare, kapag narinig ninyo panigurado wala na ako o baka hindi n'yo na ako makausap. Hindi ko na kayang hawakan ang sarili ko. Pakiramdam ko palagi siyang nalabuntot, palaging nakasunod kahit saan man ako lumingon. Hindi ko matukoy kung nasaan siya, kung ano ang totoo sa hindi. Naguhuluhan ako, hindi ninyo nakikita ang naaninag ng dalawa kong mga mata.
Mga pare, alam n'yo naman na mahal na mahal ko kayo. Dama ko iyon mula noon hanggang ngayon na nasa hospital ako, hanggang sa nakita ko na gusto ninyo akong tulungan makabangon ulit. Para sa akin, kayo ang pinaka-solid na kaibigan na nakilala ko. Sana walamh tumibag sa inyo.
Siguro nga ako ang may diperensya. Dahil kahit anong pilit kong lapit sa inyo, pakiramdam ko ang layo-layo ko. Pinipilit kong hindi kapitan ang sintas, unti-unti akong nabubuhol sa kanya. Pakiramdam ko mag-isa ako sa mundong ginawa ako, at sobrang lungkot.
Kahit ganoon mga Pare, naniniwala ako na lahat may hanggangan. Tulad ko, tulad ninyo. Masakit, dahil mauuna lang ako. Sana nga nakatulog ako ng matagal para hindi ko na maalala lahat ng nangyari sa akin, para kahit papaano makalimot pa ako.
Dinudurog ako ng mga alaalang iyon at pakiramdam ko sinusundan ako kahit saan ako magpunta. Hindi ko alam kung saan ako lulugar.
Kenneth, wag ka mag-alala. Hindi ako galit sa 'yo. Tama ka, kailangan ko siyang kalimutan pero hindi iyon kadali. Kailangan ko munang hanapin ang sarili ko, naliligaw ako. Ang masakit sa parteng iyon, lahat ng iyon parte lang ng katangisip ko.
Kaya mga pare, gusto ko nang magpahinga. Gusto kong humingi ng tawad sa kanila. Mga Pare, salamat sa inyo.
Katabi ko na ngayon si Archie, tinatawag na nila ako.
Mga Pare, tandaan n'yo ito. Hinding hindi ko kayo makakalimutan. Sige na, alis na ako. Magpapahinga na ako. Paalam.
WAKAS...