LANCE'S POINT OF VIEW
Pakiramdam ko nakalubog ang kalahati ng katawan ko sa kumunoy nang magising ako. Natagpuan ko ang sarili ko na nasa isang kwarto, nakaratay ang katawan. Hindi ko maaninag kung nasaan ako ngayon, malabo pa ang pangin ko at hindi ko maigalaw ang katawan ko. May mali, sigurado akong hindi ko bahay 'to.
Pinilit kong sumandal sa higaan, nang mapanais ko ang kaliwang braso ko na nakabalot ng benda. Paglingon ko naman sa kaliwa, may tubo na nakakabit sa kamay ko, swero. May flowervase na puno ng rosas at basket na puno ng prutas. Sa bintana makikita ang magandang tanawin sa kalangitan habang may ibong nagsasayaw sa harap ng bintana ko.
Ngayon napagtanto ko na kung nasaan ako ngayon, "Anong ginagawa ko dito?" tanong ko sa sarili ko. Pilit kong inaalala ang mga nangyari sa akin— ni isa wala akong naalala maliban sa kaba na nararamdaman ko ngayon.
Hindi kalayuan sa kinahihigaan ko, may mga taong nakahiga sa sofa, dalawang lalaki na magkayakap sa iisang kama. Ang isa nakasalamin at ang isa naman walang saplot pang itaas. Pamilyar ang mga taong iyon 'yon.
Sasandal pa sana ako paupo sa hinihigaan ko nang biglang sumakit ang braso ko, "Ackk..." Mukang nag-ising ko ata sila.
Tama nga hinala ko, si Kenneth at Aaron— Mga kasama ko sa research.
Si Kenneth ang nakasalamin at si Aaron naman ang nakahubad pangitaas habang magkayakap.
"Hmm..." morning moan ni Kenneth. Nagising si Aaron na may nakapatong sa katawan niya. "Hoy, anong ginagawa mo?"
"Shhhh... hmm..Parang matigas... babe hehehe.." nabigla ako nang tapikin siya sa pikod ng malakas.
"Gago dibdib ko yan! umalis ka nga diyan!" tuluyan nagising si Kenneth. Parang may ginawa silang hindi magamda habang tulog ako. "Namo ka anong ginagawa mo sa akin? Hinahalay moko!"
"Hayup ka ako pa pinagbintangan mo!" napaatras palayo si Kenneth, "Ako dapat magtanong n'yan sayo! Anong ginawa mo sa akin?"
"Pisti ka, ikaw pa may ganang magalit—Aray!" kinuha ko ang unan ko at saka buong lakas na ibinato kay Aaron. Para siyang tanga na lingon ng lingon kung saan. "Ikaw ba bumato sa akin?"
"Bakit ako? Wala akong unan na hawak!"
"Sinong bumato—" nanlaki ang mata niya nang lingunin ako.
"Ang ingay ninyo." mahina kong sambit. Para silang mga nakakita ng multo, "Bakit kayo ganyan makatingin sa akin?"
"Lance!" lumapit si Kenneth parang natataranta na ewan hhabangsinusuri ako. "Mabuti gising kana! Akala ko talaga natuluyan ka na! Thank you po at nabuhay pa ang kaibigan namin!!"
Biglang sumingit si Aaron, "Tumingin ka nga sa akin. Naalala mo pa ako— Ako si Aaron, 'yung dalawang letter 'a' sa section natin. Ako 'yung pinakapogi—"
Nagsalubong ang kilay ko sa kanya, "Sino ka? Anong ginagawa ko dito—" kita sa itsura ni Aaron ang pagkalugmok, nakakaawa. Humarap din ako kay Kenneth at saka umarte, "Hindi ko kayo matandaan. Wala akong maalala."
Parang tanga si Aaron, maluha luhang humarap sa aakin. Ang laki-laki mg katawan at maton ang dati, siya pa ang iyakin sa kanilang dalawa ni Kenneth. "Ken, hindi na niya tayo naalala! Anong gagawin na'tin?" teary eyes na sambit ni Aaron.
Kumalma si Kenneth at saka nagsalita, "Teka lang Lance, chill ka lang diyan. Wag ka munang magpa-stress pakiusap, babalik ako. Tatawagin ko lang si Doc!" natataranta siyang nanakbo palabas ng kwarto. Si Aaron hindi mapakali sa kinatatayuan niya habang nakatingin sa akin.
"Shit, shit.. Lance hindi mo ba talaga ako natatandaan? Ako 'to si Aaron." paliwanag niya sa akin ng paulit-ulit.
Nangiti nalang ako sa kanya at saka bumulong, "Wag kang lumapit sa akin, ang baho ng hininga mo—"
"Lance!" bigla niyang hinawakan ang kamay ko at saka dinikit sa noo niya "Yes! Naalala mo pa ako! Salamat huhu." para talaga siyang tanga, iyak ng iyak. Ang babaw ng luha. "Ayos ka lang ba? may masakit sa 'yo kung ano? Magsalita ka—"
Ngumiti ako sa aknya, "Shh.. Sa tingin mo ba ayos lang ba ako sa lagay na 'to?" sarkastiko kong sagot. Natawa lang siya habang umiiyak. Ang drama.
Nginitian niya ako, "Natutuwa akong naririnig ko ulit ang biro mo. Akala ko matutuluyan ka matapos ang insidenteng iyon." sa ilang saglot na pagsasalita niya, napaisip ako bigla.
"Aksidente?" tanong ko sa kanya.
Pinunasan niya ang kanyang mata at saka tinap ang ulo ko, "Lance, mukang kailangan mo pang magpahinga. Sa susunod nalang ako magkukwento kapag maayos na ang lagay mo." paliwanag niya habang pinupunasan ang pisngi niya.
Kinapitan ko ang braso niya, "Maayos ako maliban sa braso ko Aaron. Anong aksidenteng sinasabi mo?" seryoso kong sambit. Mukang nabigla siya sa tinanong ko.
"Wag mong sabihing wala kang naaalala sa nangyari sayo?" tanong niya sa akin pabalik. Sasagot sana ako nang dumating si Kenneth na may kasamang mga nurse at doktor.
Lumapit sila para suriin ako habang ang dalawa, nag-uusap sa gilid. Ilang saglit, huminto ang doktor sa pagsuri at saka kinausap silang dalawa.
Hindi ko marinig ang usapan nila, malayo sila sa akin at hindi pa ganoon kalinaw ang pandinig ko ngayon. Nakita ko ang eyeglass sa table cabinet na nasa tabi ko, agad kong kong kinuha iyon at saka sinuot. Ilang minuto din ang tinagal bago sila umalis ng kwarto. Napansin ko nalang na lumapit si Kenneth at,
"Lance, ayos ka lang ba talaga? Magsalita ka naman, baka nakalimutan mo na kami." pag-aalala ni Kenneth sa akin. Hindi ako magsalita dahilan kaya nag conclude ang gago, "Teka, naakalimutan mo na kami? Wag ganon pare may utang kapa sakin!" pagdidiin niya sa huling sinabi. Sumasakit ang ulo ko kay Kenneth.
Napansin ko nalang na tinakalan siya sa ulo ni Aaron, "Hoy Kenneth umayos ka nga diyan. Para kang tanga! Alam mo namang hindi pa maganda ang lagay ni Lance."
Ngumuso lang si labo, "Hindi kasi siya nagbabayad nang utang eh."
Tinabig niya palayo si Kenneth, "Ako na nga kakausap." nagtantrums si Kenneth sabay upo sa sofa. Humarap sa akin si Aaron, "Sabi nga pala ng Doktor mukang matatagalan ka pa makarecover. 3rd degree burn ang natangap ng kaliwang braso mo. Kapag tuloy-tuloy ang medication, gagaling ka after one months—"
"Ano ba talagang nangyari sa akin?" diretso kong tanong kay Aaron. Ni isa sa kanila walang magtangkang tumingin sa akin ng diretso. Naguguluhan ako, hindi malinaw ang lahat sa akin ngayon.
Magsasalita sana siyang magsalita si Aaron nang hawakan ni Kenneth sa braso, "Ikaw naman ang pumalit sa akin."
"Para matandaan niya agad ang nangyari sa kanya." sambit ni Aaron sabay tabgal ng kamay ni Kemneth sa braso niya, "Hindi ba nagchat ka sa amin na tumawag ng pulis para makahingi ng tulong. Nadatnan ka namin na nasusunog ang bahay mo at—"
Sunog, Aksidente, bahay..
Nabigla ako nang sumakit ang sentido ko, sobrang sakit, "Arrgh!!!"
"Lance!!"
"Aaron, wag ka muna magkwento. Hayaan na muna natin siyang makapagpahinga. Mukang kailangan pa niya niya ng oras bago maintindihan lahat ng nangyayari sa kanya ngayon." hindi ko na maintindihan ang gusto nilang sabihin. Asar, sobrang sakit parin ng ulo ko, parang mabibiyak ang bungo ko. "Tatawagin ko ulit ang doktor."
"Wag na." pahpigil ko sa kanila, "Kaya ko 'to.." sambit ko. Napansin ko nalang na may hawak na unan si Aaron at saka nilagay sa likod ko. Isinandal naman ako ni Kenneth para makarelax ako ng katawan. Huminga ako ng malalim at saka unti-unting pinakalma ang sarili.
"Iwan na muna natin si Lance Makakabuti iyon sa kanya. Mas tahimik, mas makakapag-isip siya ng maayos." wika ni Kenneth.
"Okay. Kapag kailangan mo kami, tawagin mo pang pangalan namin. Nasa labas lang kami." paliwanag ni Aaron..
"Sige na Lance, mauna na kami." matapos sabihin iyon ni Kenneth, lumabas na sila ng kwarto. Naiwan nalang akong mag-isa, inaalala ang sinabi ni Kenneth at Aaron.
Aksidente, sunog.
Namalayan ko nalanag sarili kong umiiyak. Tumingala ako sa kisame at tumitig sa bumbilya ng ilaw habang umaagos ang luha.
Bakit ako umiiyak?
* * *
Hindi ko napansing nakatulog ako. Nagising nalang ako na lumuluha na ako, at patuloy iyong umaagos pababa sa pisngi ko. Medyo mainit sa kwarto at madilim at mga bulungan ang naririnig ko sa paligid ko. Ilang saglit pa, luminaw ang pandinig ko nang may pamilyar na tinig akong narinig. Pinili kong hindi idilat ang mga mata ko para mapakinggan sila.
"Mabuti at nasa maayos na lagay na si Lance, kailangan natin mag adjust sa mga nangyayari ngayon." sambit ng isa kong kagrupo sa research. Si Rico, classmate ko.
"Nakausap ko na amg professor natin na kung pwede iadjust ang presentation natin. Nakausap ko na si Zef, siya na mag-aasikaso habang nagbabangay tayo kay Lance." paliwanag din ng isa ko pang classmate, si Matthew.
"Mas mabuting wag muna tayo mag-usap na ikakastress ni Lance. Alam nyo naman hindi pa maayos ang lagay niya." paliwanag ni Kenneth
"Sang-ayon ako kay Kenneth. Noong nagbangit ako, sumakit lang ulo niya— baka lumala pa kung magpatuloy iyon." wika ni Aaron.
Halos lahat sila mga classmate ko. Kasama ko sa sa reasearch namin ay nandito. Hindi ko maalala kung anong topic mg research namin basta ang alam ko, magkakasama kami. Wala akong maintindihan sa usapan nila. Maski ang sarili ko, hindi ko kilala ng lubusan. Hindi ko alam kung ano ang ikukwento ko sa kanila.
Lumapit si Rico sa akin at, "Lance, sabihin mo lang sa akin kung may problema para matulungan kita— walang kaso sa akin iyon. Napag-isipan ko na rin na doon ka muna tumira sa appartment ko." alok niya.
"Tama si Rico, nandito lang kami. Tumingin ka lang sa akin, sa gwapo kong muka. Gagaling ka kaagad." gusto ko tumawa sa joke ni Kenneth, hindi ako makangiti. Sa kabilang parte ng isip ko, may malungkit na nagyari bago ako mapunta dito.
"Sabi ng Doctor nasa maayos na kalagayan ka. Sa ngayon kailangan mo ng mahabang pahinga para makarecover ka." paliwanag naman ni Aaron. "At saka Lance, wag kang mahiya sa amin. Sabay sabay na nga tayong nagjakol dati, hanggang ngayon shy type ka parin."
Sabay apir niya sa isa, "Tama ka diyan Parekoy! Apir naman jan!" sulsol ni Kemneth.
Tumingin si Rico at nagbigay ng mapang-asar na ngiti, "Ano mga Pre, gusto mo magjaks tayo dito lima?"
Namagitan na si Matthew, "Tumigil nga kayo. Puro kayo kalokohan! pagpahongain muna natin si Lance!"
"Kahit kailan talaga ang hirap mong biruin." asar na sambit ni Rico. Lumingon naman siya kila Aaron at, "Talaga bang wala siyang maalala sa nangyari?"
"Sabi naman ng Doktor temporary amnesia lang ang nararanasan niya. Babalik din iyon kapag nakapagpahinga na siya ng maayos." paliwanag ni Aaron.
"Good to hear. Now we know that Lance will be okay soon." Matthew.
"I hope so." Kenneth..
Ikang sandali, nakarinig ako ng kulo ng tyan, "Nagugutom na ako. Kumain naba kayo?" tanong ni Matthew.
Umiling si Rico, "Nope."
"Nah." wika ni Aaron.
"Pare-parehas tayo." Kenneth.
Sabay apir ni Aaron sa harap niya, "Good, kain na muna tayo sa canteen. Diyan lang sa baba." sumang-ayon ang lahat. Humarap si Aaron sa akin at saka nagpaalam, "Iwan ka muna namin dito, dadalhan ka nalang namin. Ayos ba?" tumango ako.
"Saglit lang 'to, babalik din kami." paalam naman si Kenneth. Nauna na si Matthew at Aaron na lumaba ng kwarto. Nakakapagtaka, lumapit siya sa akin bigla.
"Lance." sambit ni Rico sabay kuha ng kanang kamay ko. Nabigla ako nang ilapag niya amg phone ko at sa ibabaw, ang SD Card.
"Ano 'to?" tanong ko.
"Nalaman kong mag surveillance camera sa kwarto mo kaya gumawa ako ng paraan para marecover iyon, goodthing may nakuha pa akong ilang videk. Baka masagot niyan ang tanong mo. Habang wala pa kami, panoorin mo sa cellphone ko, " sambit niya. Matapos noon akmang lalabas na siya ng kwarto nang, "Wag kang mag-iisip ng kung-anu ano. Kahit anong mangyari, hindi magbabago ang tingin namin sayo." pagpapaalam niya bago lumabas ng kwarto. Kinabahan ako nang mahawakan ko ang SD card. Masasagot ang tanong ko? Hindi ko alam, ang lakas ng kalabog ng dibdib ko.
Kung ano man ang meron sa SD card na ito, hindi maganda ang pakiramdam ko.
ITUTULOY...