Chapter 56 - CELLPHONE

Nangangalit ang panga ni Zachary nang makapasok sa loob ng laundry area kitang-kita niya kung papaano ngumiti si Samarra habang hawak ang cellphone.

"Ara, kung ngingiti ka lang d'yan at makikipag-text kung kani-kanino, puwede bang unahin mo muna ang pag-on ng washing machine," inis na wika ni Zachary at pabagsak na ibinaba ang laundry basket sa harapan mismo ni Samarra.

"Ara, can you please, stop texting." Agad na hinablot ni Zachary ang cellphone na hawak ni Samarra at inis na ibinato sa sahig.

"Oh, my!" ani ni Samarra habang nakatingin sa cellphone na nasa sahig kita niya kung papaanong nag-slow-motion pabagsak ang cellphone niya sa sahig.

"What's wrong with you? Bakit kailangan ihagis mo 'yong cellphone-" Natigilan si Samarra sa pagsasalita ng makita niya kung papaano mag-isang guhit ang kilay ni Zachary habang nakapamaywang sa kaniya. Hindi niya alam kung ano na naman ikinakagalit nito sa kaniya.

"Ano? Masaya ka ba na may kausap na iba? Kung makangiti ka habang hawak ang cellphone mo para kang walang asawa. Ara, we're married baka nakakalimutan mo? At pinauna kita rito para mai-on mo na sana ang washing machine pero ano? Nakikipag-text mate ka?"

Hindi malaman ni Samarra kung matatawa siya sa inaasta ni Zachary o maiinis dahil kung ano-ano ang iniisip nito habang hawak niya ang cellphone. Huminga siya nang malalim bago sinalubong ang tingin ni Zachary.

"FYI hindi ako nakikipag-text kung kani-kanino. And I'll never forget the fact that I'm already married. How did it enter your tiny mind that I was flirting with someone?" napipikon na wika ni Samarra at mabilis na tinalikuran si Zachary na maang na sinundan siya ng tingin habang dinadampot ang cellphone.

"Take a look at this, it's broken." Ipinakita ni Samarra ang cellphone na nabasag kay Zachary.

"How can I use this? See, you ruined the cellphone due to dirty thinking in your head. Do you have any idea why I'm holding the cellphone?" Pinamaywangan ni Samarra ang kaharap na tila hindi makapagsalita sa ginawa nito.

"I'm holding the cellphone because I'm watching CHUM'S show me how to turn on the washing machine because it's my first time 'hopefully' doing laundry." Huminga si Samarra bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"However, I have no plans to do laundry because of what you did." Mabilis niyang tinalikuran si Zachary na nakatulalang nakatingin sa kaniya.

Napabuga sa hangin si Zachary habang sinusundan ng tingin si Samarra na palabas ng laundry area. Naiiling habang nakatingin sa mga labahin na nakalagay sa laundry basket. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Kung susundan ba niya si Samarra o uunahin maglaba muna dahil kailangan na nila ito bukas. Napabuntong-hininga si Zachary at mas inuna ang huling naisip, baka mas lalong magagalit sa kaniya si Samarra kung hindi rin siya maglalaba.

Pagkapasok pa lang ni Samarra agad niyang ibinagsak ang cellphone na hawak sa kama. Nagpalakad-lakad siya sa loob habang pinapaypay ang kamay sa mukha habang ang isang kamay ay nakalagay sa kaniyang baywang. Hindi niya malaman ang gagawin kay Zachary lagi na lang siyang pinag-iisipan ng masama.

Samarra, take a deep breath. Allow him to do the laundry downstairs; he will irritate you, ani niya sa isipan.

Tama, bagay lang 'yon sa kaniya, matulog ka na lang kaysa sa tulungan mo siya, pagsang-ayon pa ng isang bahagi ng isip niya. Agad na ibinagsak ni Samarra ang katawan sa kama at napagpasyahan na matulog na lang.

Malapit nang matapos si Zachary sa paglalaba ay lumabas muna siya at hinayon ang living room para ligpitin ang kalat na pinagkainan nila kanina. Naiiling habang bitbit niya ang mga kalat at pabalik sa kitchen.

Siguro kaya naggalit-galitan si Samarra para siya ang maglinis at maglaba? What a brilliant idea. Naiiling na lang si Zachary habang inilalagay ang mga basura sa trash bin.

Nang maligpit ay agad na naghugas ng kamay si Zachary at bumalik sa laundry area para mai-dryer ang mga damit at uniform nila ni Samarra. Napakamot na lang ng batok si Zachary habang iniisip niya pa lang na mamalantsa siya ng mga damit nila ni Samarra. Sa tanang ng buhay niya never pa siya nakapag-plantsa pero ngayon, lahat ata ng klaseng gawaing bahay magagawa na niya.

Pagod, ayan ang salitang nababagay sa pagal na katawan ni Zachary nang matapos siyang mamalantsa ng mga uniform at damit nila ni Samarra. Hindi niya alam kung papaano niya natapos ang lahat pero isa lang ang masasabi niya. 'Wag gagalitin si Samarra ng may gagawin sila kasi panigurado siya na siya lang ang kikilos mag-isa. Habang iniisa-isang pinaghihiwalayan ni Zachary ang mga damit nila ni Samarra hindi niya maiwasan na mapasimangot nang mabatid niyang mas maraming damit ni Samarra kaysa sa kaniya.

Tss, ang lakas niyang magalit sa akin samantalang karamihan ng mga damit dito ay kaniya. Napipikon na ibabalibag ni Zachary ang mga damit ni Samarra nang may biglang tumikhim sa kaniyang likuran kaya agad siyang napalingon. Kita niya kung papaanong tinaasan siya ng kilay habang nakahalukipkip si Samarra.

"Bakit hawak mo ang underwear ko?"

"Maganda ka pero parang bulag ka. Can you see, tinutupi ko ito." pamimilosopo ni Zachary habang iwinagayway pa ang underwear na red kay Samarra.

"Can you stop doing that. Ako nang bahala sa mga damit ko. Magluto ka na para makakain na tayo." Awtomatikong nagsalubong ang kilay ni Zachary sa sinabi ni Samarra. What the hell? Siya pa rin ang magluluto, siya na nga ang naglaba? Huminga nang malalim si Zachary at pilit na kumakalma dahil ayaw na niyang mag-away sila ni Samarra.

"Paano tayo magluluto kung walang stock?"

"So maybe you should order again."

Napahugot ng hininga si Zachary at pinipigil na mainis muli kay Samarra dahil obvious na siya na naman ang uutusan nito na mag-order.

"Love, do you see how busy I am? Aside from knowing how to use the Express Foods App, you can order for us."

"Aww, I really wanted to do that, but? Remember, how you broke my phone?" Natitilihan na napatingin na lang si Zachary kay Samarra at pagkuwan ay tinawid niya ang pagitan nila.

"I'm sorry, I was jealous."

Bahagyang napaatras pa si Samarra sa biglaang pagyakap sa kaniya ni Zachary at literal na napaawang ang kaniyang bibig sa sinabi nito. Hindi niya mapaniwalaan na umamin itong nagseselos.

"Y-you... what?"

"I'm..." Tumingin pa si Zachary diretso sa kaniyang mata para ipahiwatig na totoo ang sinasabi nito.

"I'm fucking jealous, and I don't know why? And I don't want to share you with anyone."

"What?"

Pigil na napangiti si Zachary nang makita ang itsura ni Samarra na tila hindi makapaniwala sa sinabi niya, dahil maski rin siya hindi rin makapaniwala na umamin siya rito. Pinalaki siya ng magulang niya na makontento at 'wag mainggit sa iba o magselos. Pero kanina nang makita niya kung papaano si Samarra na ngumingiti habang hawak ang cellphone ay hindi na niya napigilan ang bugso ng damdamin niya. Damn! He's fucking jealous.

"'Wag mo ng paulit-ulitin narinig mo naman. At puwede rin naman kiligin." Hinawakan ni Zachary ang mukha ni Samarra na napanguso dahil sa panunudyo niya.

"Stop doing that?"

"Doing what?" Hindi na napigilan ni Zachary at mabilis na dinampian ng masuyong halik si Samarra at pagkuwan ay pinagdikit niya ang mga noo nila.

"Pouting your lips."

"Why?"

"Because if you do that. I'm going to kiss you again and again."

"Tsk, what a lame excuse."

Natatawang hinagkan ni Zachary ang labi ni Samarra. Hindi aware si Samarra na nakaka-tempt ang labi nito. 'Yong tipong gusto mong hagkan ng paulit-ulit.

"Just do what I say, hmm." Tumango na lang si Samarra para hindi na humaba ang usapan nila ni Zachary.