Habang naglalakad papalabas sa engineering department sina Samarra at Jameson ay nakatanggap ng tawag si Jameson mula kay Ezekiel. Agad silang nagkatinginan at pagkuwan ay sinenyasan niya si Jameson na sagutin ang tawag. Ni-loud speak pa ni Jameson para marinig niya ang pag-uusapan ng mga ito.
"Sir?"
"Are you with Miel?"
Agad na lumingon sa kaniya si Jameson kaya sumenyas siya na 'wag sabihin na magkasama sila at lumapit pa siya nang husto kay Jameson.
"Sir, Samarra and I are not together right now. Do you need anything from Samarra?"
"I can't get through to her phone. So, I assumed that something bad had happened to her. God! She exacerbates my concerns." Hindi mapigilan na mapangiti si Samarra sa narinig. Kahit papaano pala ay nag-aalala pala sa kaniya si Ezekiel. Tumingin muli sa kaniya si Jameson kaya sumenyas siya na nasira ang cellphone niya.
"Ah, nasira kasi ang phone niya." Nag-thumbs up pa si Samarra sa sinabi ni Jameson.
"Okay, don't tell her na tumawag ako." Napanguso si Samarra sa sinabi ni Ezekiel. Mukhang ayaw pa ata ipaalam na concern pa rin sa kaniya ito.
"Noted, Sir." At inilagay na ni Jameson ang cellphone sa loob ng bulsa bago tumingin muli sa amo.
"Gusto mo bang bumili na ako ng phone?" Agad na umiling si Samarra dahil aalis naman sila ni Zachary ngayon baka isingit na niya ang pamimili ng cellphone mamaya.
"Ako na lang." Tumango na lang si Jameson.
"Please inform Kiel that I will not be joining the company today, Jameson," ani ni Samarra habang naglalakad sila pahayon sa parking. Nilingon niya si Jameson na tahimik lang nakatingin sa kaniya.
"Hey, you're too preoccupied. Did you hear what I was saying?" Tila natauhan si Jameson nang tapikin ni Samarra ang balikat nito.
"I'm sorry, Lady Summer. I was thinking-"
"There's no need to explain. Please inform Ezekiel that I am taking a day off today." Agad naman na tumango si Jameson kaya nagpaalam na si Samarra at nagmamadaling naglakad pahayon sa kotse ni Zachary.
Nang makarating ay huminga muna nang malalim si Samarra at tumapat sa passenger door. Ang akma niyang pagkatok ay hindi natuloy nang biglang bumukas 'yon.
"Get in."
Pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Samarra sa loob ng sasakyan. Bumungad sa kaniya ang itsura ni Zachary na halos mag-isang guhit na naman ang kilay at bakas sa guwapo nitong mukha ang pagkainis.
"Why you take so long?" Hindi magawang magsalita ni Samarra nang mapagmasdan niyang maigi ang itsura nito.
"What happened to your lips?" Hindi napigilan ni Samarra na hawakan ang labi ni Zachary na mabilis iniwas nito sa kaniya.
Hindi kaya nakipaghalikan ito sa iba? Dahil sa naisip ni Samarra ay sapilitan niyang hinawakan ang baba ni Zachary at dinutdot niya ang labi nito na may sugat.
"Ouch, what's your fucking problem?" daing ni Zachary ng malasahan niya ang dugo na galing sa may sugat niyang labi. Tinakpan ni Zachary ang labi at bahagyang lumayo para tingnan si Samarra na masama ang tingin sa kaniya. Ano bang nangyayari sa babaing ito? Masakit na nga, nagawa pang dutdutin.
"Who was it that you kissed?"
"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Zachary. He was sure na tama ang narinig niya kay Samarra. Nakipaghalikan? Hindi tuloy malaman ni Zachary kung matatawa ba siya o maiinis dahil sa naiisip ni Samarra patungkol sa sugat niya. Marami puwedeng maging dahilan kung bakit siya may sugat, bakit ang iniisip nito ay nakipaghalikan siya sa iba. He could never imagine himself kissing someone else's lips if it wasn't his wife.
"Don't ask me another question. Just fucking answer me!"
Napapitlag pa si Zachary nang sumigaw si Samarra at hinampas siya ng bag na hawak nito. Whoa! Napaka-sadista talaga niya. Hindi ba puwedeng nakipag-away siya?
"Stop," ani ni Zachary at pinigilan niya ang kamay ni Samarra na may hawak ng bag. Biglang napalunok si Zachary nang makita niya kung papaano siya tingnan nang ni Samarra. Sa buong buhay niya bukod sa ama niya ay ngayon lang siya kinabahan nang husto. He could feel his knees trembling.
"Open the car." Tila natuod pa si Zachary nang sinabayan pa ng pukpok ni Samarra ang pintuan ng kaniyang kotse.
Natitilihan na hinawakan ni Zachary ang kamay ni Samarra at hinigit ito palapit sa kaniya. Ito lang ang tanging paraan niya para mapatigil si Samarra sa pagwawala nito. Niyakap niya nang mahigpit si Samarra at isinubsob niya ang mukha sa leeg nito. There, that's it. Natigil din ang pagwawala nito.
"Hindi ako nakipaghalikan kahit kanino. I never imagined myself kissing someone's lips if it wasn't you. Wife, I'm sorry kung hindi ako kaagad nakalapit sa'yo kanina, pero nang makita ko si Wesley sa gym, nagpang-abot kami kaya may sugat ako sa labi. Malakas pala siya. Akala ko kaya kong mag-isa," natatawang wika pa ni Zachary para pakalmahin niya si Samarra, nang maramdaman niyang unti-unting nanahimik si Samarra.
"Alam ko na hindi natin ginusto na makasal tayo sa isa't isa pero Wife. Masaya ako dahil sa'yo ako naikasal. You brought color to my once-boring life. Siguro masyado pang maaga pero hindi ko na kayang pigilan pa. I love you Wife." Hindi mapigilan ni Samarra ang luha na kusang tumulo sa kaniyang mga mata. Dahil may katugon din pala ang kaniyang nararamdaman.
"I thought-"
"Don't overthink, masyado kitang mahal kaya bakit ako titingin pa sa iba?" Hinawakan ni Zachary ang dalawang kamay ni Samarra at itinapat sa dibdib niya.
"Nararamdaman mo ba ito?" pagtukoy ni Zachary sa tibok ng puso niya. Nang makita niyang tumango si Samarra.
"Sa'yo lang tumitibok 'yan."
Ang tahimik na iyak ni Samarra ay nauwi sa malakas na hikbi bagay na ikinataranta ni Zachary. Niyakap niya ito at hinagkan ang ulo ni Samarra.
"Hey, sinabi ko 'yon sa'yo para malaman mo. Bakit ka umiiyak, Wife?" pang-aalo ni Zachary kay Samarra.
"Ikaw kasi." Natatawang hinawakan ni Zachary ang kamay ni Samarra na walang tigil na pinukpok ang dibdib niya.
"Wife-"
"I love you too." Napasinghap si Zachary sa narinig. Hindi niya mapaniwalaan ang narinig kung sinabi ba talaga ni Samarra o nagkamali lang siya.
"Did you say something?" Hinawakan niya pa ang mukha ni Samarra at tiningnan ang mata. He's curious to know if he's hearing things correctly.
"I said. I love you till the end, Mr. Buenavista." Hindi napigilan ni Zachary na hagkan ang labi ni Samarra.
Ngayon alam na niya na tama ang narinig niya. At alam niya na may nararamdaman na rin sa kaniya si Samarra kaya hindi na siyang mahihiya na ipakita kay Samarra kung gaano niya ito kamahal nang walang pag-aalinlangan.
"Love, let's go na. sabi mo pupuntahan pa natin ang kaibigan mo?" Lumayo nang bahagya si Zachary sa pagkakayakap niya kay Samarra. Katulad niya bakas din ang saya sa mukha nito.
"Okay." Tumango si Zachary at pinagsiklop niya muna ang kamay nila ni Samarra habang ang isang kamay ay nakahawak sa manibela.