Chapter 62 - SUPPORT

Napapansin ni Samarra na dalawang linggo na rin nagkukulong si Zachary sa study room. Lalo na kapag weekends. Katulad ngayon, araw ng sabado pagkagising niya kanina wala na ito sa tabi niya. Sinilip niya ito sa study room, nakaupo ito na nakaharap sa laptop.

"Cadden," tawag ni Samarra pagkapasok niya pa lang sa loob ng study room, habang ang dalawang kamay niya ay may hawak na tray, ginawan niya kasi ito ng sandwich para may makakain kung sakaling magutom. Agad naman nag-angat ng tingin si Zachary at tumayo para kuhanin ang dala niyang tray ng pagkain at inilapag na lang basta sa lamesa bago siya tiningnan nang matiim.

"Is this for me?"

Tumango siya at pumikit nang hagkan ni Zachary ang kaniyang noo. Niyakap niya rin ito nang pabalik.

"Thank you, love."

Hinapit siya nang husto at iginaya siya ni Zachary sa swivel chair.

"Cadden, mabigat ako."

Pagpigil niya nang pinangko siya nito at isinabay sa pag-upo. Para tuloy siyang isang bata na nasa kandungan ng ama sa ayos ng kanilang pagkakaupo. Ang kaniyang mga braso ay nasa leeg nito, hindi alintana na masyadong malapit ang kanilang mukha.

Kung may nabago man sa pagsasama nila ni Zachary 'yon ay naging mas malapit sila sa isa't isa. Hindi na rin siya nahihiya na yakapin ito 'di tulad dati na palagi siyang may aalinlangan.

"When are you going to start calling me love?"

Napalunok si Samarra nang maglapat ang labi nila ni Zachary dahil sa biglaang pagbaling niya. Kitang-kita niya ang pilyong ngiti na sumilay sa labi nito habang magkalapat ang kanilang labi.

"Love?"

Mabilis na itinikom ni Samarra ang bibig nang magsalita si Zachary nang hindi nito inaalis sa pagkakalapat sa labi niya.

"Love?"

Bahagyang inilayo nang kaunti ni Samarra ang ulo para magkaroon ng espasyo sa kanilang dalawa ni Zachary.

"Hmm."

"I'm asking you, when will you start calling me love?"

"Love?"

"Yes, love? Ayaw mo ba ng ganoong endearment? Ano gusto mo? Love or mine? I think mine is better than love. What do you think?"

Hindi maiwasan ni Samarra na tingnan si Zachary bagaman nandoon ang pilyong ngiti ang mga mata naman nito ay seryosong nakatingin sa kaniya.

"Hmmm... Kailangan pa ba 'yon?"

"Yes, dapat may pet name tayo." Napakunot-noo si Samarra sa tinuran ni Zachary.

"Pet name?"

"Yes, pet name. The terms of endearment. Like love, honey, mine, etc."

Kita niya sa mukha ni Zachary na naguguluhan ngunit sinagot pa rin nito ang kaniyang tanong.

Hindi naman siya nagkaroon ng boyfriend kaya hindi niya alam na kailangan may ganoon. Akala niya kasi nang-aasar lang ito kaya tinatawag siyang ganoon. O 'di kaya dahil nami-miss nito ang girlfriend kaya siya ang tinatawag ng ganoon.

"Love." Napapikit pa si Samarra nang pumitik sa harapan ni Zachary na tila nagtataka sa pananahimik niya.

"Huh?"

"Never mind, kung ayaw mo at napipilitan ka lang."

Napangiti siya nang makita ang inis sa guwapong mukha ng kaniyang asawa.

Asawa? Masarap palang pakinggan ang salitang asawa.

"Love," alanganin na bulong ni Samarra sa tainga ni Zachary. Kita niya ang pigil na ngiti nito at tumingin nang seryoso sa kaniya.

"What did you say?"

"Hmm... Narinig mo na papaulit pa."

Ang pigil na ngiti ni Zachary ay nauwi sa halakhak nang hindi niya inulit ang gusto nitong marinig mula sa kaniya.

"Uulitin lang, ayaw pa," wika ni Zachary at pinisil pa ang kaniyang ilong bago sumiksik sa kaniyang leeg. Ilang minuto rin ang dumaan bago naagaw ang atensyon ni Samarra sa laptop na nakaharap sa kaniya.

"Ikaw ba ang nag-design nito?"

"Hmm."

"Love, sabi ko kung ikaw ba ang nag-design ng car na ito." Tila natauhan si Zachary at mabilis na aagawin ang laptop na nasa harapan niya.

"Hey," saway niya agad at pinigilan ang kamay ni Zachary.

"Bakit mo kukunin? Tinitingnan ko pa nga."

"Wala naman kasing kuwenta 'yan." Napakunot-noo si Samarra sa sagot ni Zachary kita niya kung papaano nito iniwasan ang tingin niya.

"Anong walang kuwenta? Maganda kaya," aniya at umayos siya ng upo.

"Maganda ba?" alanganin na tanong ni Zachary sa kaniya at pagkuwan ay inayos ang pagkakaupo niya sa kandungan nito.

"Yeah, but this one." Turo niya sa hood ng sasakyan na agad naman inilapit ni Zachary ang laptop sa kanila.

"Hmm,"

"Because it's a sports car, you should change the color to neon. It would be more appealing. Every car is unique in terms of style and color. And look at this one." Turo pa niya sa isang kotse. "Black was fine, but it's common. I believe you should go with silver color."

Napamaang si Zachary sa sinabi ni Samarra. 'Yon din kasi ang naiisip niya pero hindi kasi siya sigurado dahil hindi naman niya forte ang pagde-design ng sasakyan.

"You think so?"

Tumango si Samarra at pagkuwan ay tiningnan niya ang iba pang design ni Zachary. Sa tingin ni Samarra maganda naman lahat, mali lang ang color combination na ginawa nito.

"Do you want to personalize the vehicles?"

Alanganin na ngumiti si Zachary sa kaniya bago tumango.

"Wait a minute, love. That's brilliant marketing. You customize vehicles and then sell them in large amounts. Many people want their cars to be customized or personalized, and this industry is well-known in other countries."

"You think I can do that?"

"Of course. And besides, I'm here. I will support and guide you." Napatingin sa kaniya si Zachary at pagkuwan ay tila nag-iisip.

"Hey, what are you thinking?" Napakamot sa batok si Zachary at alanganin na ngumiti sa kaniya.

"I'm just wondering where I'm going to get the money. That kind of car is expensive."

Ngumiti si Samarra at hinagkan niya ang pisngi ni Zachary. Buong akala pa naman niya kung ano ang iniisip nito.

"I can give you." Mabilis na umiling sa kaniya si Zachary at pagkuwan ay hinagkan siya nito sa noo.

"That's not a good idea, love; I've never met your parents in person, and if you do that, I might give them the wrong impression."

Tiningnan mabuti ni Samarra si Zachary at pagkuwan ay tumango siya. Alam niya na kaya ganito ito dahil sa sinabi ng Xander na 'yon.

"Hmm... You also don't need to spend money on that kind of business because you're just starting." Mataman siyang tiningnan ni Zachary sa mata at ngumiti.

"So, what is your suggestion?"

"We need to post it online." Biglang natahimik si Zachary sa mungkahi ni Samarra, tama naman ito kung naka-post nga ito sa online hindi na niya kailangan bumili ng sasakyan para mag-customized.

"And?"

"And, once you've secured a client, you'll co-customize their car. Of course, they must pay 50% DP and another 50% when you return the car. You will not be required to spend any money. When you have enough money, you may begin purchasing and customizing sports cars, which will earn you additional money." Namamangha na napatingin na lang si Zachary sa sinabi ni Samarra.

"Sa tingin mo ba magkakaroon ako ng client?"

"Oo naman, bakit mo naman naisip na wala?"

"Kasi bago lan-"

"Hey, the design of you is unique, ang pag-aralan mo ang mga combination ng mga kulay." Mataman siyang tiningnan ni Zachary kita niya kung papaano nangingislap ang mga sulok ng mata nito.

"I don't know how to live without you, love." Napangiti si Samarra at yumakap nang mahigpit kay Zachary.

"I will always be by your side."

Napapikit siya nang hinawakan ni Zachary ang kaniyang magkabilang pisngi at pinagdikit ang mga noo nila.

"Thank you, love."