Nagising si Zachary sa sunod-sunod na katok sa kaniyang kotse. Pupungas-pungas pa siya habang inililinga niya ang kaniyang ulo. Napakunot-noo pa siya nang makita kung sino ang kumakatok sa kaniyang kotse. Agad niyang sinulyapan ang relo na suot pasado alas tres na ng mga sandaling 'yon.
"Cadden, why are you sleeping in your car? Do you realize I've been knocking on your door for an hour?" bungad na tanong ni Samarra sa kaniya. Blangko pa rin ang nangyayari sa kaniya dahil hindi ang nasa isip niya ay nanaginip siya.
Hour? Agad niyang sinipat ang suot na relo at muling ibinalik ang tingin sa kausap napagtanto niya na quarter to four pa lang ng mga sandaling 'yon, meaning nakaidlip siya ng kalahating oras. Kahit kailan napaka-exaggerated ni Samarra sa mga oras. Samantalang halos mag-iisang oras na siya sa parking.
"Cadden, do you know it's not a good idea to sleep in the car?" Hindi nag-sink in sa isip niya ang mga sinasabi ni Samarra parang itong nagsasalita na naka-mute. Ang tanging pumapasok lang sa isip niya ay panaginip lang ang naganap kanina.
"Cadden, are you listening to-" hindi na natapos ni Samarra ang sasabihin nang mapansin niya ang sugat sa labi ni Zachary medyo sariwa pa 'yon.
"What happened to your lips?" hindi mapigilan ni Samarra na hawakan ang labi ni Zachary.
Déjà vu
Napalunok si Zachary nang lumapat ang daliri ni Samarra sa kaniyang labi. At naiisip niyang dudutdutin nito gaya ng kaniyang panaginip. Kaya naihanda na niya ang sarili at pumikit.
"Hey, why are you still squinting? I'm curious, what happened to your lips?"
Napamulat ng mata si Zachary at ibinaling na lang niya ang tingin sa labas ng bintana bago napabuga na lang sa hangin. Kahit kailan hindi marunong maglambing si Samarra. Hindi na niya alam kung matatawa na lang ba siya o hindi, dahil sa pagkapahiya na nararamdaman niya. He anticipates a kiss from Samarra, but Samarra does seem to be unsure of what he wanted. Napailing na lang ang ulo niya. He thought Samarra was smart but it appears that he was mistaken. Napakamot na lang siya ng batok at muling lumingon sa mukha ni Samarra na may pagtataka. Napatingin siya sa labi ni Samarra na bahagyang nakaawang. Fuck! mura niya sa isipan. Hindi na siya makapag-isip ng tama.
Napakunot-noo si Samarra nang makita niya kung papaano napalunok si Zachary habang nakatingin sa kaniya. Mali pala dahil sa labi niya mismo nakatingin ito.
"W-we-wait." Mabilis na naitukod ni Samarra ang dalawang kamay sa matigas na dibdib ni Zachary nang walang pakundangan na lumapit ang mukha nito sa kaniya.
"What's wrong with you," halos pabulong na tanong ni Samarra nang ipinagdikit pa ni Zachary ang kanilang mga noo. Kaya naman pigil na pigil ang paghinga ni Samarra.
"Can I kiss you?" Napamaang si Samarra sa narinig. Ano raw kiss?
"Kiss?"
Tumango si Zachary at ikinapitlag pa ni Samarra ang biglaang paghapit ni Zachary sa kaniyang baywang.
"May I kiss my wife?" Napalunok si Samarra at hindi na niya kinakaya ang tingin ni Zachary sa kaniya kaya naman ay kusa niyang ipinikit ang mga mata.
Mataman na tingnan ni Zachary ang nakapikit na si Samarra hindi niya maiwasan na mapalunok. Biglang lumakas ang tibok ng puso niya habang nakatitig kay Samarra. He was certain he had feelings for Samarra. Sinapo niya ang magkabilang pisngi ni Samarra at dahan-dahan na inilapit ang labi sa labi nito. He gently kisses her, and he wants this moment to be remembered because he is certain that he loves Samarra. Siya na rin ang tumapos sa kanilang halikan baka hindi na niya mapigilan ang sarili at lumampas sila sa hindi dapat mangyari.
"Cadden, let's go na. Mamimili pa tayo 'di ba?" pag-aaya ni Samarra nang mapansin niyang walang planong kumilos si Zachary at nakakaramdam na rin siya ng pagkailang sa uri ng pagkakatingin nito sa kaniya.
"'Wag na kaya tayong mag-grocery?"
Napakunot- noo si Samarra at mabilis na ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Hindi niya alam kung anong isasagot niya kasi she was sure 'pag umuwi sila baka malaspag na ang labi niya sa walang pakundangan na paghalik ni Zachary sa kaniya. Hindi naman siya nagrereklamo dahil maski siya ay nagugustuhan niya ang mga 'yon, pero minsan lang naman na magkasama sila lumabas at isa pa gusto na rin niyang bumili ng cellphone. Napakamot sa batok si Samarra at pagkuwan ay bumaling ng tingin kay Zachary na parang gusto niyang pagsisihan dahil sobrang lapit ng mukha nito sa kaniya.
"Cadden."
"I-"
Naagaw pareho ang atensyon nila at kapwa silang napatingin sa isa't isa pagkuwan ay bumaling sa cellphone na walang tigil sa pagtunog. Pataob ang pagkakalagay na 'yon kaya hindi makita ni Samarra kung sino ang tumatawag kay Zachary.
"Sagutin mo na kaya," aniya kay Zachary nang hindi ito tumitinag para kumilos. Kita niya sa mukha ni Zachary na naiinis ito.
"Bakit pinatay mo?" takang tanong ni Samarra nang tiningnan lang nito ang cellphone at pagkuwan ay basta na lang ini-off. Umiling lang si Zachary sa kaniya at pilit na ngumiti.
"'Wag na kaya tayong tumuloy?"
"Cadden?!" Hindi malaman ni Samarra kung matutuwa siya o hindi kahit kailan mabilis at pabago-bago ng isipan si Zachary. Isa ito sa mga hindi gusto ni Samarra sa ugali ni Zachary 'yong pagiging undecided and impulsive nito, pero kahit ganoon ay ipinangako niya sa sarili na hangga't hindi siya binibitawan ni Zachary mananatili siyang nasa tabi nito. Kung hanggang kailan ay hindi niya alam. Ika nga ng iba love moves in mysterious way. Napangiti at napailing siya. Love? Maybe, she has feelings for her husband, but something inside her is uncertain. Hindi siya sigurado kung ano ang nararamdaman ni Zachary para sa kaniya at takot din siyang magtanong baka mapahiya at magkamali siya. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakaramdam ng takot na malaman ang totoo. Muli niyang tiningnan si Zachary na katulad niya tila may iniisip rin.
Kita niya kung papaano nagpakawala ng isang buntong-hininga si Zachary at pagkuwan ay hinawakan ang kaniyang kamay bago pinaandar ang sasakyan. Hanggang sa makarating sila sa Somera's Supermarket ay wala silang imikan. Kapansin-pansin ang pananahimik ni Zachary kaya mas pinili na rin ni Samarra na hindi na rin umimik at hinayaan niya si Zachary.
Kumuha si Samarra ng isang facemask at eyeglasses sa bag na dala niya. Isinuot 'yon bago bumaba ng sasakyan. Nagpatiuna na siyang maglakad habang si Zachary ay nasa kaniyang likuran. Pinagkibit-balikat na lang niya ang mood swing ni Zachary daig pa ang babae nireregla. Hinila niya ang isang malaking pushcart para mabili na nila ang mga kakailanganin, at kinuha niya sa bag ang grocery list na ipinagawa niya kay Jazz ayon kasi rito ay palagi itong nag-gro-grocery kaya alam na nito ang mga importanteng kailangan sa loob ng bahay.
Habang naglalakad sa loob ng supermarket si Samarra nilingon niya sa kaniyang likuran si Zachary may tinutulak rin na maliit na cart may mga nakalagay na sa cart nito, samantalang siya ay wala pa rin. Hindi niya kasi alam kung saan siya mag-uumpisang mamili sa mga meat ba o sa mga vegetables.
"Ara, can you make fast? Kanina ka pa nakatayo parang hindi mo alam kung ani kukunin mo. May listahan ka naman 'di ba? At may hawak kang ballpen, kunin mo na ang mga nakalista d'yan, para makauwi na tayo." Pinigilan ni Samarra na mainis sa sinabi ni Zachary sa kaniya parang gusto na talaga umuwi nito.
"If you want to go home, you should go home." Hindi na niya inantay ang sagot ni Zachary basta na lang niya ito iniwan.
"Zachary!"
Agad na napalingon si Samarra nang may tumawag kay Zachary sa 'di kalayuan. Ganoon na lang ang pagkunot ng noo niya nang mapasino ang tumawag dito.