Chapter 54 - VISITOR

Pagkapasok pa lang nila sa kuwarto ay dahan-dahan na ibinaba ni Zachary si Samarra sa kama. Pigil ang kaniyang ngiti nang makita ang reaksyon ni Samarra na nakapikit at tila pati paghinga ay pinipigil nito.

"Love, puwede naman huminga kung ayaw mong idilat ang mata mo." Dagling napamulat si Samarra kita niya ang pilyong ngiti na naglalaro sa labi ni Zachary habang nakatunghay sa kaniya.

"Humihinga kaya ako."

Natatawang tinapik ni Zachary ang kaniyang pisngi at pagkuwan ay umayos itong umupo. Bakas sa guwapong mukha nito ang kaseryosohan at mataman siya tiningnan.

"Love, kahit anong mangyari 'wag kang lalabas ng kuwarto."

Napalunok si Samarra sa sinabi ni Zachary natatakot siya hindi para sa sarili kundi para rito. Iisipin niya pa lang na may masamang mangyayari kay Zachary parang hindi niya kakayanin.

"Love, what was that loo-" Hindi na natapos ni Zachary ang sasabihin nang yakapin siya ni Samarra.

"I will wait for you. At kapag wala ka pa ng thirty minutes kahit magalit ka bababa ako, hmm." Lalayo na sana si Samarra nang gumanti ng yakap sa kaniya si Zachary mas mahigpit na para bang ayaw siyang pakawalan sa bisig nito.

"Don't be stubborn; just do what I say. Okay, 'wag kang aalis dito ako na bahala sa ibaba. No worries, wala naman mangyayaring masama sa akin."

Napapikit pa si Samarra nang gawaran siya ni Zachary ng halik sa kaniyang labi at muli siyang niyakap nito.

"Stay here." Binigyan pa ni Zachary ng isang warning look si Samarra bago tumayo. Huminga siya nang malalim at pagkuwan ay hinayon pintuan bago lumabas ay muli niyang sinulyapan si Samarra na nakatingin lang ito sa kaniya. Ngumiti siya at nag-wave ng kamay para makita na okay lang ang lahat.

Pagkalabas ng kuwarto ay nagpakawala ng isang buntong-hininga si Zachary bago nagtuloy-tuloy pababa ng staircase. May idea na siya kung sino ang tao na nasa labas ng kanilang gate. Ang hindi niya lang alam kung ano ang dahilan nito kung bakit ito naparito sa kanila. Nang makababa ay agad na nagpunta si Zachary sa laundry area kung saan naroon nakalagay ang payong. Nang makuha niya ay tiningnan niyang muli sa CCTV kung naroon pa rin ang lalaki sa gate nila. Napabuga siya sa hangin at tila wala siyang pagpipilian kundi ang buksan at papasukin ito. Dahil mukhang wala naman balak na umalis sa harapan ng gate nila.

Hindi alintana kay Zachary ang malakas na ulan nang makalabas siya ng pintuan binuksan niya agad ang kaniyang payong at dire-diretso niyang hinayon ang gate. Nang binuksan na niya ang gate tulad ng kaniyang inaasahan ay hindi nagulat ang lalaking nasa harapan niya pakiwari niya ay alam na nito na siya ang mabubungaran nito. Hindi umimik si Zachary at binigyan niya ng daan ang bisita na dumating. Pinauna na niya itong maglakad dahil isasara niya pa ang gate. Ngayon lang napagtanto ni Zachary na dapat na talaga silang kumuha ng kawaksi sa bahay nila para hindi na siya magparoo't parito. Sinigurado niya na sarado na ang gate dahil baka mamaya may makapasok na talaga na masamang tao sa bakuran nila.

Nasa tapat pa lang ng pintuan sina Zachary ay binalingan na niya ang bagong dating na bisita at tiningnan ito ng masama, dahil kita niya kung papaano ito umiling at ngumisi habang naghuhubad ng raincoat. Tumingala si Zachary at huminga nang malalim bago binuksan ang pintuan para makapasok na sila sa loob ng bahay.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Zachary ay agad niyang hinarap ang lalaking bisita na nakapamulsa habang sinusuyod ng tingin ang kabuuan ng bahay.

"What are you doing here?"

"Whoa, easy. Can you let me in first?"

Napabuga sa hangin si Zachary at nawawalan ng pasensiyang tiningnan ang bisita na tila nang-iinis pa sa kaniya. Napakamot siya ng batok at sumunod dito. Dahil tuloy-tuloy itong pumasok at umupo sa couch na nakaharap sa kaniya. Nangalit ang kaniyang panga at pigil ang inis dahil kita niya ang pagngisi nito.

"What are you doing here?"

"I'm looking for the owner of this house."

"I'm the owner."

"I had no idea this was your house; I thought Samarra lived here." Nakangisi ito habang nakatingin sa kaniya na ikinainis niya lalo. Pakiramdam niya may alam na ito pero tilang nakikipaglokohan pa ito sa kaniya.

"Oh, cut the crap. Ano ba talaga ang sadya mo rito?"

"How long have you been married?"

Napaupo si Zachary at napahilamos ng mukha dahil tila walang balak sagutin ng kaharap niya ang tanong niya.

"Okay, I'm married two months ago." Tumango-tango ito at umupo rin ng maayos.

"I know,"

"Alam mo na pala bakit kailangan mo pang sadyain ang asawa ko?"

"Correction, si Daddy ang may gusto na puntahan ko kayo rito."

"So, kaya mo nalaman na kasal na ako?"

"No, kay Samarra mismo ko nalaman na kasal na siya. Ang hindi ko lang alam ay kanino not until sinabi ni Dad kahapon."

Tumango-tango si Zachary at nakahinga nang maluwag bago bumaling ang tingin sa harap ng bisita. Kilala niya si Samarra dahil never itong nagkaila ng status sa buhay.

"O, alam mo na, maaari ka ng umalis." Natatawang tumayo ang bisita ni Zachary at tinapik siya sa balikat.

"Pakainin mo kaya ako. Nakikita mo ba ang dilim at sobrang lakas ng ulan."

"Mayaman ka bakit 'di ka umuwi sa inyo." Hantaran niyang pagtataboy sa bisita.

"Kung ayaw mo akong pakainin kay Samarra na lang ako magsasabi." Mabilis pa sa alas kuwatro na tumayo si Zachary at binatukan ang kaharap.

"Don't you dare," pagbabanta niya at napabuga sa hangin. Sinasabi na nga niya magaling mam-blackmail ito. Napakunot-noo pa siya ng tumawa ito nang malakas na tila nasisiyahan sa nangyayari.

"Ang dami mo namang oras para pumunta pa rito. Gusto mo bang pumunta rin ako ng America at kausapin ko si-" pambibitin ni Zachary sa kaharap niya.

"Okay, napadaan lang ako."

Napamaang si Zachary at mataman na tiningnan ang kaharap. Napadaan? Paano ito mapapadaan eh, malayo ang bahay nito sa kanila? Ang Mistletoe ay nasa phase II samantalang ang bahay nito ay nasa Larkspur Village sa may phase I. Pinagloloko ba siya nito?

"Really?"

"Yeah,"

"Pinagloloko mo ba ako?"

"No, where-" hindi na nito natuloy ang sasabihin nang may nag-buzzer uli ang gate. Napakunot-noo pa ang bisita habang nakatingin sa kaniya tila nagtatanong kung sino ang nasa labas ng gate.

"Delivery man 'yon." Tumango ito at hinubad ang jacket na suot bago siya binalingan.

"Puntahan mo na kaya para makakain na tayo." Napamaang si Zachary sa sinabi nito dahil tila magtatagal pa ito sa bahay nila. Huminga nang malalim si Zachary bago hinayon ang pintuan palabas.

Nang makalabas ng pintuan ay napabuga na lang siya sa hangin sa sobrang inis na nararamdaman niya. Kilala niya ang bisita may gusto lang itong alamin kaya pumunta ito rito sa kanila. Naiiling na naglakad si Zachary pahayon muli sa gate hindi alintana ang malakas na ulan. Nang makarating sa gate ay agad niyang inabot ang bayad at kinuha ang order bago nagmamadaling bumalik papasok sa loob ng bahay.

"Wow, gusto ko 'yan."

"Tsk, sa sobrang yaman mo puwede ka naman umuwi na sa inyo at doon kumain. Ewan ko ba bakit kailangan magtagal ka pa rito?"

"Alam mo, hindi ikaw ang ipinunta ko rito. Kundi si Samarra," pang-iinis pa nito sa kaniya talagang ipinamukha sa kaniya na mas gusto nito makita ang asawa niya kaysa sa kaniya.

"Hindi 'yon bababa."

"Wait, Zach, alam ba ni Claudel na nagpakasal ka na?" Umiling si Zachary at inilapag ang pagkain sa lamesa.

"Why?"

"Anong plano mo kay Claudel?" Napakibit-balikat na lang si Zachary sa tanong nito, dahil maski siya hindi niya alam kung ano ba ang plano niya, dahil noong una silang magkaharap ni Samarra ang plano lang naman niya ay kumbinsihin ito na umurong sa kasal nila pero sa 'di malaman na dahilan ay siya mismo ang gumawa ng paraan para mapadali ang kasal nila.

"Eh, alam ba ni Samarra tungkol sa kaniya." Tumango siya at isa-isang inilabas ang pagkain sa paper bag.

"Ano sabi niya?"

"Alam ni Samarra in the first place na tutol ako sa kasalan na naganap sa amin, alam niya ang tungkol kay Claudel at ang sitwasyon ko. At, alam niyo rin na napilitan lang ako sa kung ano ang sitwasyon ko ngayon."

"Bakit 'di mo na lang pag-aralan na mahalin si Samarra tutal sabi mo nand'yan ka na sa sitwasyon na 'yan, ituloy mo na. Alam mo, matalino ka. Alam mo kung ano ang tama't mali." Napahugot ng hininga si Zachary at pagkuwan ay tumingin ng seryoso sa kausap.

"We have agreement na maghihiwalay kami once na makuha ko ang mana ko pagka-twenty-one na ako."

"Okay, buhay mo 'yan at labas na ako d'yan, pero sana lang hindi mo pagsisisihan 'yang mga desisyon mo. At may tatlong taon ka pa para pag-aralan na mahalin mo si Samarra." Natitilihan na napatingala na lang si Zachary sa sinabi ng kaharap.

Alam niya kahit siya ay ayaw na niya sa agreement nila ni Samarra. Pero paano naman si Samarra? Paano kung ayaw na pala nito sa kaniya? Damn. Napahilamos ng mukha si Zachary at napayuko ng may narinig siyang tila nabasag.

Agad na napaangat ng tingin si Zachary nang tumayo ang lalaki sa harapan niya, sabay silang napatingin sa gawi ng staircase kung saan nagmula ang ingay.

Samarra! 'Yon ang unang pumasok sa isip ni Zachary nang makita niya ang basag na vase sa floor.