Nang maiparada ni Ezekiel ang sasakyan. Hindi mapigilan ni Samarra ang magpakawala ng isang buntong-hininga habang nakatanaw sa malaking bahay na sobrang dilim. Indikasyon na walang tao sa loob nito.
"Para saan 'yon?" pagtatakang tanong ni Ezekiel sa kaniya.
Ngumiti siya at umiling para ipakita niya na okay lang siya. As in okay na siya. Kilala niya si Ezekiel hindi ito titigil 'pag nalaman nito na hanggang sa mga oras na 'yon. Naiisip niya pa rin ang nakita niya kanina. Hindi niya rin maintindihan kung bakit may isang bahagi sa puso niya na parang nasasaktan siya.
"Miel?"
"'Wag ka ng bumaba." Mabilis niyang pinigilan ang braso ni Ezekiel nang akma itong lalabas pa ng sasakyan.
Nagsalubong ang kilay ni Ezekiel sa sinabi niya na tila hindi ito sumasang-ayon. "Why?" Nakita niya ang pag-angat ng isang kilay nito at bakas sa guwapong mukha na tila naiinip sa kaniyang isasagot.
"Amph, ako na lang. At isa pa gabi na rin." Alanganin na ngumiti siya kay Ezekiel at mabilis na umibis siya sa sasakyan para hindi na ito umangal pa. Nang makalabas. Ay, agad siyang yumuko habang nakahawak sa passenger side door.
"Kuya Kiel, thank you sa paghatid. Mag-iingat ka pauwi." Mas lalo pa itong sumeryoso sa kaniyang sinabi at sumimangot dahil obvious na pinagtatabuyan na niya ito pauwi.
Pigil ang ngiti ni Samarra ng dumukwang siya kay Ezekiel at hinagkan ang pisngi nito. Kita niyang natigilan ito. Lalong lumawak ang kaniyang pagngiti nang pinanggigilan nitong pisilin ang kaniyang pisngi.
"Go, inside. See you tomorrow." Napapikit siya ng tapikin ni Ezekiel nang mahina ang kaniyang pisngi.
Napabuntong-hininga na lang si Ezekiel at ginulo ang kaniyang buhok.
"Aalis na ako." Tumango siya at nanatiling nakatayo sa tapat ng gate. Kumaway siya sa papalayong sasakyan, nang hindi na niya matanaw ang kotse ni Ezekiel. Saka lang siya humarap sa gate at napilitan pumasok. Tiningala niya ang bahay na wala ni isang ilaw. Ano ba ang aasahan mo Samarra? Na, pagdating mo may taong naghihintay sa'yo? Na, magagalit si Zachary dahil late kang umuwi? Dream on, Samarra! Don't think the person who doesn't know how to appreciate your presence. Ilang linggo niya na ba hindi nakikita si Zachary? Umiling-iling siya habang binuksan ang gate at pumasok. Pilit na iwinawaglit sa kaniyang isip ang eksenang naabutan sa labas ng kanilang bahay.
"Samarra, come on. Stop thinking."
Pagbukas niya pa lang ng pintuan. Nakaramdam siya ng lungkot. Kahit papaano, umaasa pa rin siya na madadatnan niya, si Zachary sa loob ng kanilang tahanan. Na, maghihintay ito sa kaniyang pag-uwi. Kahit, alam naman niyang napaka-impossibleng mangyari. Mabibigat ang paa nang ihakbang niya paakyat ng hagdanan. Katulad ng eksena sa ibaba. Pagpasok niya sa loob ng master bedroom, sumalubong sa kaniya ang isang madilim na silid. Na, tanging nagsisilbing ilaw ay, ang liwanag ng buwan na sumisilip sa kanilang kuwarto. Hindi na rin niya inabalang magbukas ng ilaw, dahil kabisado na niya ang bawat sulok ng silid. Habang binabaybay niya ang CR, unti-unti naman niyang hinuhubad ang kaniyang suot. Kaya bago pa siya tuluyang makapasok sa loob ay hubo't hubad na siya. Agad niyang ibinabad ang katawan sa bathtub at ipinikit ang mata. Ninanamnam niya ang init ng tubig. Ilang minuto rin siyang nagtagal bago niya naisipan na umalis. Nang matapos ay pinunasan niya lang katawan at kampanteng naglakad na nakahubad patungo sa kama. Gaya ng nakasanayan niya sa Australia, matutulog siya ngayon na walang ano mang saplot sa katawan. Pagkahiga niya pa lang, itinalukbong na niya ang comforter at agad na siyang hinila ng antok.
Gutom at pagod. 'Yan, ang nararamdaman ni Zachary ng mga sandaling 'yon. Hatinggabi na siyang nakauwi, kakahanap kay Samarra. Halos tatlong oras siyang naghintay sa bahay nila, tapos tatlong oras na siyang nagpaikot-ikot sa loob at labas ng village. Tumawag na rin siya sa bahay ng kaniyang magulang. Ngunit, ayon sa katulong na nakausap niya. Hindi naman bumisita si Samarra. Mahigpit niyang binilinan ang katulong nila na 'wag nito ikukuwento sa magulang niya, lalo na sa Daddy niya na tumawag siya. Mahirap na, mapagalitan na naman siya. Sasakit na talaga ang ulo niya kay Samarra. Ang babaing 'yon, napakapasaway kahit kailan. Umuwi lang muna siya, para makapagpalit ng damit. At personal na pupunta ng hotel. 'Yon, na lang ang huling pumapasok sa isip niya. Baka nasa hotel si Samarra.
Pagpasok niya sa loob ay agad niyang tinungo ang kuwarto. Hindi na niya inabala na magbukas ng ilaw. Hindi niya maiwasan mapabuntong-hininga. Parang nakikita na niya ang magiging reaksyon ng kaniyang ama. Hay, mapapagalitan na naman siya ng dahil kay Samarra. Dahil sa madilim ang kuwarto, kamuntikan na siyang matalisod. Buti na lang, napahawak siya sa hamba ng pintuan ng CR. Napakunot ang kaniyang noo. At agad niyang hinila ang nasa paa. Mabigat at makapal na tela ang kaniyang nahawakan. Kaya binuksan na niya ang ilaw sa CR para magbigay liwanag at masagot ang kaniyang mga katanungan. Ganoon na lang ang pagkagitla niya sa jacket na hawak niya. Napakunot lalo ang kaniyang noo sa nakikita. Hindi niya alam paano at bakit nandoon ang jacket na hawak niya. THB Vince ang nakasulat. Sila lang naman ang mayroon ganoong uri ng jacket. Pinasadya nila magpagawa ng university jacket at nakalagay ang kanilang pangalan. Kung paano napunta roon ay hindi niya alam. 'Wag nilang sabihin na may ginagawa silang milagro rito sa loob ng kanilang kuwarto habang wala siya?
Bigla siyang pinagpawisan ng malamig at dali-dali niyang niluwangan ang pagkakabukas ng pintuan. Napalunok siya sa mga nagkalat na damit ni Samarra at underwear. It can't be happened. At umiling-iling siya pilit na hinahakbang ang paa patungo sa kama. Binuksan niya ang lahat ng ilaw. Dahan-dahan siyang lumapit sa malaking kama. Pinagpapawisan na siya ng malapot. Hindi na niya nabilang kung ilang beses na lumunok habang hinawakan ang dulo ng comforter. Hindi alam ni Zachary kung hihilain ba niya ang comforter o aalis sa kuwarto. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang magagawa kung sakaling makita niyang katabi nga ni Samarra si Vince. Ilang minuto ang dumaan bago siya naglakas loob hilain ang comforter.
Hindi na malaman ni Zachary kung ilang beses siyang napalunok at para siyang na-estatwa sa kaniyang pagkakatayo. Breathtaking scenery. Alam niyang napakaganda ni Samarra pero ngayon, para itong Goddess na natutulog. Inosente, makinis at maamo ang mukha nito. Hindi mo nga iisipin na may tinatagong kamalditahan ito.
Napangiti siya at nilapitan ang kaniyang asawa. Inilagay niya sa tainga ang mga takas na hiblang buhok na tumatabing sa mukha nito. "Pinasakit mo ang ulo ko kakahanap sa'yo. Tapos matutulog ka lang na parang walang nangyari," bulong niya habang inaayos ang comforter at ibinalot kay Samarra.
Fuck! Kanina pa nagre-react ang kaniyang kaibigan kaya minabuti na lang niyang maligo para mapakalma ang nagwawala niyang kaibigan.
Kinabukasan naalimpungatan si Zachary agad niyang iminulat ang mata. At hinapit si Samarra palapit sa kaniya. Sa tuwing nakikita niya si Samarra na natutulog may kung anong damdamin na namumuo sa kaniya. Hindi pa niya matukoy kung ano. Pero isa lang ang alam niya. 'Yon ay makatabi si Samarra sa pagtulog at kontento siyang kasama ito. Nanigas ang kaniyang katawan ng yumakap si Samarra sa kaniya. Amoy niya ang mabangong hininga nito na tumatama sa kaniyang leeg. Kaya mas hinapit niya pa ito palapit sa kaniya. At pilit na bumalik sa pagkakatulog dahil ala singko pa lang ng umaga ng mga oras na 'yon.
Nagising si Samarra bandang alas diyes ng umaga. Katulad nagdaan na gabi at umaga mag-isa lang siya sa malaking kama. Napabuntong-hininga siya at dahan-dahan na bumaba sa kama. Hindi alintana na wala siyang ano mang saplot sa katawan at kampante siyang naglakad sa malaking silid.
Nang biglang bumukas ang pintuan. "What the hell, Samarra!" Pasigaw na sita ni Zachary sa kaniya at mabilis na sinipa ang pintuan para magsara. Dahil ang dalawang kamay nito ay may hawak na pagkain.
Tila siyang natuod sa kaniyang pagkakatayo hindi niya alam kung anong gagawin niya. Hihilain ba ang comforter o tatakbo papasok sa CR. Hindi na niya namalayan na nakalapit na si Zachary sa kaniya. Pinatong nito ang bathrobe sa kaniyang balikat at hinila paharap para matakpan ang kaniyang kahubaran. Hindi siya makapagsalita habang nakatingin kay Zachary.
"Samarra, what are you thinking? Huh!" galit na hinawakan ang kaniyang baba at iniangat para magtama ang kanilang paningin. "Bakit naglalakad ka ng walang damit?" paninita nito sa kaniya. Napalunok siya habang nakatingin kay Zachary dahil ito mismo nagsusuot ng bathrobe sa kaniya.
"Ano?" tanong nito nang matapos isuot sa kaniya ang bathrobe.
"Samarra," untag nito sa kaniyang pagkakatulala.
Hindi niya alam kung bakit siya natulala dahil ba kagigising niya lang o dahil nakita siyang nakahubad at ito pa ang nagbihis sa kaniya.
"Ara." Anito at tinapik ang kaniyang balikat.
"What?" lutang niyang tanong kay Zachary.
"What do you mean, what?" tila maski rin si Zachary naguguluhan sa tanong niya.
Umiling-iling siya at pasimpleng lumayo. "I mean… what are you doing here?"
"Samarra, we're married. And this is also my house. We share this room and?" Pasimpleng lumunok muna ito bago nagpatuloy. "I cook breakfast for you." Anito nito at iniwas ang tingin sa kaniya.
Pigil ang ngiti niya habang nakatingin kay Zachary na nagmamadaling tumalikod sa kaniya at kinuha ang pagkain na dala. "O, eat this. Kumain ka pa rin ng heavy breakfast. Hindi 'yong puro smoothies at fruits lang laman ng tummy mo." Binigay sa kaniya ang plato na naglalaman ng fried rice, fried bangus and egg.
Taka niyang tiningnan si Zachary habang nakatayo sa kaniyang harapan. "What?" naiiritang tanong ni Zachary sa kaniya kita niyang namumula ang mukha nito.
"Thank you," mahinang pasasalamat niya na sapat lang marinig nito.
"Tss. Dami mong sinasabi, kumain ka na at bumaba pagkatapos," anito at tumalikod.
Napakunot-noo siyang sinundan ng tingin si Zachary at pinagkibit-balikat na lang niya. "Hugasan mo 'yong mga plato." Ani nito bago pinihit ang seradura at lumabas.