Chapter 21 - RECONCILED

"What?" dumadagundong na tanong ni Ezekiel kay Samarra. Nang matapos magkuwento kung bakit napasugod ito sa kaniyang penthouse. Napatayo siya at nagpalakad-lakad sa sala kaya pala ganito ang itsura ni Samarra. Ito na nga ba ang sinasabi niya hindi rin kasi marunong makinig sa kaniya.

"See? Like what I've said." Napailing siya kaya nga ayaw niyang makasal si Samarra sa kaniyang kapatid. Dahil alam na niyang possibleng mangyayari 'yong ganito sa kanila. Hindi naman niya masisisi si Zachary baka nga mahal talaga nito ang girlfriend na si Claudel. Pero, hindi pa rin tama na magpapasok ito ng babae sa mismong bahay nila ni Samarra. Lalo na at may asawa na ito. Kahit pa sabihin hindi sila nagmamahalan dapat irespeto pa rin nito ang pagiging mag-asawa nila.

Napabuntong-hininga si Ezekiel at pasimple niyang nilingon ang dalaga na nakaupo at nakayuko. Malapit sa puso niya si Samarra at ayaw niyang nakikita itong nasasaktan lalo na't ang mismong dahilan ang kaniyang kapatid. Parang may kumurot sa kaniyang puso sa nakikita niya kay Samarra. Hindi ito 'yong Samarra na nakilala niya. 'Yong matapang at palaban, lumakad siya palapit dito. Hinawakan niya ang baba ni Samarra para mag-angat ito ng tingin.

"Why are you crying?" mahinahon niyang tanong kay Samarra at dahan-dahan nag-squat para magpantay sila.

"I don't know," tila naguguluhan na sagot ni Samarra at umiling-iling pa ito. "I don't know also why I'm crying," halos pabulong na sagot nito sa kaniya. Natigilan siya at napabuntong-hininga. Hindi kaya may gusto na si Samarra sa kaniyang kapatid? Possible kaya? Habang tinitingnan niya si Samarra sa diretso sa mata nito. Kita niya ang iba't ibang emosyon nito.

Nahilot ni Ezekiel ang kaniyang sentido. "Shh…. stop crying." Anya at hinila na ito sa upuan para samahan siyang sa kaniyang mini kitchen hindi naman ito pumalag at hinayaan lang siya nito.

"What are you doing?" tanong ni Samarra sa kaniya nang makita nito na binuksan niya ang kaniyang ref at naglabas ng kakailanganin.

Napangisi siya sa tanong nito kahit naman obvious na magluluto siya. "I will cook your favorite pork adobo," nakangiti niyang sagot dito.

Kitang-kita niya ang pigil na ngiti nito at lumapit sa kaniya. "I will help you," pag-offer nito ng tulong sa kaniya at kinuha nito ang isa pang kutsilyo pero hinawakan niya ito sa balikat at pinaupo sa upuan.

"Nah, just sit there. I can do this," pagyayabang niya at hinubad na muna niya ang t-shirt bago inumpisahan ang paghahanda sa pagluluto. Kung mayroon man siyang maipagmamayabang sa kusina ay ang kaniyang specialty na pork adobo with a lot of garlic, na nagkataon naman na paborito ni Samarra. Nagsaing na rin siya para sa kanilang dalawa. Naiiling na lang siya. Dahil kita niya ang pagpipigil ng ngiti ni Samarra habang pinapanood siyang magluto. Buti na lang kompleto ang kaniyang stock sa ref kundi umiiyak pa rin ito. Nang matapos siyang makapagluto ay inayos naman ni Samarra ang kanilang kakainan ito na rin ang naglagay ng mga plato at baso sa lamesa.

"Yehey! Kainan na," nakangiting sabi nito sa kaniya. Napailing na lang siya at ginulo ang buhok nito. "let's eat," anya at umupo na rin sa tapat ni Samarra. Habang tahimik silang kumakain panaka-naka niyang sinusulyapan si Samarra. Magana ito kumain at parang ngayon lang ulit nakakain ng masarap. Sabagay knowing Samarra conscious ito masyado sa katawan buhat ng maaksidente.

Napangisi siya. "Ahmm… Miel, aren't you afraid to gain your weight?" patay-malisya niyang tanong.

Akmang susubo na uli si Samarra ngunit natigilan ito sa kaniyang sinabi at dahan-dahan inilapag ang kutsara na may laman ng pagkain. Napatawa siya nang mahina habang tinitingnan ang itsura nito. "Why did you stop?"

Bigla itong ngumuso at sumimangot. "Really Kiel? Are you asking me why? God!" patuyang tanong nito sa kaniya, Sabay halukipkip nito sa upuan at inirapan pa siya. Ito 'yong Samarra na nakilala niya. 'Yong magtaray wagas, at palaban. Napangisi na lang siya sa ginagawa ni Samarra.

"Miel, continue your food. Nag-e-exercise ka naman kaya hindi ka naman agad tataba," anya.

Sinamaan muna siya ng tingin bago nito ipinagpatuloy kumain. Pigil ang kaniyang pagtawa baka mapikon na naman ang ale sa kaniya. Nang matapos silang kumain ito ang nag-insists na magliligpit at maghuhugas ng kanilang pinagkainan.

"Kiel, I miss you," anito habang nakatingin sa kaniya. Napangiti rin siya at ginulo ang buhok nito.

"Naman ih, lagi mong ginugulo 'yong buhok ko," inis na sabi ni Samarra sa kaniya. Natawa siya sa inaasta ni Samarra para itong bata na nagmamaktol sa kaniya.

"Na-miss mo ko? Pero hindi mo ako pinuntahan?" pagkuwan pagtatampong tanong niya.

"Bakit ba kasi hindi mo ako pinapansin?" iwas nito sa kaniyang tanong kaya naman sa halip na sagutin niya rin ang tanong nito.

"Anong oras ka uuwi?" aniya at lumakad papasok sa kuwarto para makapagpalit ng damit.

Hindi ito sumagot kaya nilingon niya ito. Nagkamot ito ng batok at alanganin na ngumiti. "Ah. Eh, Kiel. Paano ako uuwi? Ihahatid mo ba ako o pahihiramin mo ako ng sasakyan?"

"Kung gumagawa ka ng paraan para magkaroon ng sariling sasakyan, hindi mangyayari 'yon. Antayin mo ako at ihahatid kita sa inyo." Anya at tuluyang pumasok na siya sa loob ng kuwarto.

Nang matapos makapagpalit si Kiel. Ay, agad siyang lumabas sa kuwarto. Ganoon na lang ang pagkunot ng kaniyang noo habang nakatingin kay Samarra. Nakapikit ang isang mata nito habang ang dalawang kamay nito pinag-form ng tatsulok.

"What are you doing?"

Bigla naman ito nataranta sa kaniyang tanong na tila ba ngayon lang nito namalayan ang kaniyang presensya. What she's doing? Daydreaming?

"Ahh! Let's go." Anito at nagpatiunang maglakad patungo sa elevator. Naiiling na lang siyang sumunod sa dalaga.

"Ahmm, kuya Kiel. okay lang ba umalis ako bukas? Bibili ako ng mga damit at gamit para sa pasukan?"

"Tell it to your husband."

Pasimpleng sinulyapan niya si Samarra. Nakita niya na napangiwi ito sa kaniyang sinabi, marahil ayaw nito magpasama kay Zach.

"Okay, sasamahan na kita."

Namimilog ang mata nito sa kasiyahan. "Really? Promise, sasamahan mo ko?" tanong ni Samarra sa kaniya na tila hindi makapaniwala sa sinabi niya. Nakangiti siyang tumango para malaman nito na totoo ang kaniyang sinabi.

Bigla siyang natigilan ng nanguyapit si Samarra sa kaniyang leeg. "Thank you," mahinang pasasalamat nito sa kaniya. Amoy niya ang mabangong hininga ni Samarra.

Kanina pa pabalik-balik si Zachary sa sala at sinipat ang oras sa kaniyang relo na suot eight o'clock in the evening. Pero wala pa rin si Samarra. Bakit ba hindi marunong magpaalam ang babaing 'yon? Hayy! Sasakit na ang ulo niya. Hindi niya alam kung saan na naman ito hahanapin. Sa sobrang inis binato niya ang kaniyang cellphone. May cellphone nga ito hindi naman niya alam ang number nito. Napasabunot siya sa kaniyang buhok. Frustration was written all over his face. Inuubos ata nito ang kaniyang pasensiya. Halos tatlong oras na niya ito hinihintay, maaga pa naman siyang umuwi para ayain sana itong mamasyal dahil ilang malapit na magpasukan at ilang linggo na rin ito hindi nalabas ng kanilang bahay. Plano niyang bumili sila ng mga gagamitin sa school. Pero bigla naman sumulpot ang kaniyang girlfriend na si Claudel. Nag-iiyak ito dahil ilang linggo na rin niya itong iniiwasan simula nang ikasal sila ni Samarra. Isinandal niya ang kaniyang katawan at pumikit. Possible kaya na nakita kami ni Samarra at umalis ito? "Bakit naman siya aalis Zachary malinaw rin naman ang sinabi nito na magpapakasal lang ito dahil hindi nito kayang sumuway sa magulang?" kontra ng kaniyang isip. Inis na napahilamos siya ng kaniyang mukha at tumayo. Binabaliw na ata siya ni Samarra. Umakyat siya kanilang kuwarto at nakasilip sa bintana. Ilang minuto na lang mag-aalas nuebe na wala pa rin ito. Nang mapagpasyahan na niyang hanapin si Samarra sa village. Habang nagmamaneho lumilingon-lingon siya sa bawat dinadaanan niya nagbabasakali siya na makikita niya sa daan si Samarra. Fuck! Samarra nasaan ka na ba? Saan ka ba nagpunta? Magpatulong na kaya siya sa magulang niya? Tsk, hindi pala puwede baka isipin ng mga ito may problema silang mag-asawa. Damn! Humanda ka sa akin Samarra. Inis niyang pinukpok ang manibela.