Chapter 5 - PILIPINAS

After 3 years:

Nangingiti at taas noo na naglalakad si Samarra, papasok sa Sydney airport kung saan nag-aantay ang private plane ng kaniyang ama. Halos lahat ng tao na makakasalubong niya gumigilid ng daan.

Sino ba naman ang hindi gigilid, kung napapaligiran siya ng sampung malalaking tao. Na, nakasuot ng kulay itim. Pinasamahan kasi siya ng kaniyang Daddy Frost sa kanilang bodyguard. Para, masiguro ang kaniyang kaligtasan. Ayon sa kaniyang Daddy from plane, hahayaan na siyang magbiyaheng mag-isa patungo ng Pilipinas. Gaya nang naipangako sa kaniya. Mamumuhay siyang simple at payak. No assistant, no bodyguard.

Napatingin si Samarra sa kaniyang cellphone. Alas dos ng madaling araw ng sandaling 'yon. Kaya malamang. Mga alas nueve ng umaga nasa Pilipinas na siya. Mahigpit walong oras ang magiging biyahe niya. Hindi niya maiwasan makaramdam ng kaba. Hindi niya alam kung para saan o para kanino. Para ba 'yon kay Ezekiel? O, para sa lalake na pakakasalan niya?

Napabuntong-hininga si Samarra at halukipkip sa kaniyang pagkakaupo. Pagkatapos kasi ng kaniyang debut last month. Mabilis na inayos ng kaniyang magulang ang magiging kasal niya.

Imagine, she will be married in three weeks from now. Napapailing na lang siya ng maalala ang naging usapan nila ng kaniyang ina.

Kagagaling lang ni Samarra sa kaniyang taekwondo lesson, pagpasok niya pa lang sa kanilang tahanan, agad siyang sinalubong ng kaniyang ina na si Mommy Samantha.

Niyakap siya. "Honey, how's your training?" anito habang ginigiya siya papasok sa loob ng bahay.

Ngumiti siya sa kaniyang ina. "Mom, my back is aching." Sabay himas sa kaniyang likuran. Ilang beses kasi siyang binalibag ng kaniyang Couch.

"Whoa!! It is really hurts? You want massage?" anito at hinimas din ang kaniyang likod.

Umiling siya at pilit ngumiti. Ayaw na niyang mag-alala ang kaniyang ina sa maliit na bagay. Ayaw, na rin niya na may taong nakapaligid sa kaniya. Umupo sila sa sofa at nakita niya ang masayang kislap sa mata ng kaniyang ina.

"Honey."

Huminga muna ito wari bang may magandang sasabihin sa kaniya. "You're getting married, one month from now." Masayang pag-aanunsiyo sa kaniya. Pinagsiklop pa ang kanilang kamay. Ang mata nito ay, nagniningning sa saya. Tila gusto na ni Samarra mahulog sa kaniyang kinauupuan sa balitang hatid ng kaniyang ina.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga. Kung hindi sa naging usapan nila ng kaniyang ina, malamang hindi niya nanaisin na magtungo sa Pilipinas. At, personal na kilalanin si Zachary.

Paglabas pa lang ni Samarra ng Airport. Tanaw niya ang isang lalake na nakatayo. Nakasuot na white shirt, maong pants at white sneakers. Ang buhok nito ay basta na lang itinali sa likod. Nakasuot ito ng shades na nagpadagdag ng appeal. Kuhang-kuha nito ang atensyon ng mga kababaihan. Napangiti siya habang naglalakad palapit dito. Wala pa rin kupas ang kaguwapuhan nito.

"Kuya Kiel!!" Tili ni Samarra at nagmamadaling lumapit sa kinaroroonan ng binata. Kaagad siyang nanguyapit sa leeg nito.

"I miss you," bulong niya kay Ezekiel.

Umangat ang sulok ng labi nito. "I miss you more, Babaysot." Ginulo ang kaniyang buhok. At, ibinaba siya nito. Napakunot pa ang kaniyang noo dahil hindi niya namalayan na binuhat na pala siya.

"I thought you were busy? And you couldn't pick me up?" Nakanguso niyang tanong kay Kiel.

"I can't do that to you. And, as I promise to you. I'll pick you up once when you're here in the Philippines. And please?" Pinisil ni Ezekiel ang kaniyang pisngi. "Tigilan mo kakanguso mo, mukha kang pato," nakangiting pagsaway nito sa kaniya.

Wala sa loob na napahawak siya sa kaniyang pisngi. Nakagat niya ang labi para hindi sumilay ang kaniyang ngiti. Wala sa loob na inabot niya ang maleta at isang bag pack.

"Oh My God!! Is that Ezekiel Buenavista?"

"Oh! My gosh! Guwapo talaga siya sa malapitan."

"Ang suwerte naman ng babaeng kasama niya."

"Am I dreaming?"

Napailing na lang si Samarra sa narinig. Sinulyapan niya ang lalake na nakaakbay sa kaniya. Na, tila wala itong pakialam sa nagaganap sa paligid. Habang ang mga babae hindi magkamayaw kakahabol ng tingin. Nang makalabas ng Airport ganoon na lang ang pamimilog ng kaniyang mata.

Oh, my goodness!! My dream car and the racers' as well. Her parents have disallowed her from driving alone. Since she was involved in an accident and she has also been banned from competing in car racing events.

"Kuya Kiel, is this the latest jaguar?"

"Do you like it?" tanong ni Ezekiel habang binibigay ang kaniyang bag sa driver nito.

"Really?"

Humalakhak si Ezekiel nang malakas, pati ang pagtawa napaka-sexy halos lahat ng tao na naroon ay lumilingon sa kanila.

"No, I'm just asking." Napangiwi si Samarra sa narinig.

"Tsk, kahit kailan paasa."

Napangisi lang si Ezekiel sa kaniyang sinabi. Iginiya na siya papasok sa loob ng kotse. Sa inis niya hindi niya maiwasan na magdabog papasok. Mabilis niya itong nilingon at sinamaan ng tingin.

"Why are you laughing?"

"Whoa! Easy, I'm not laughing."

Tss, hindi raw? Ginawa pa siyang bingi. Tsk, halukipkip siyang umupo at umisod ng kaunti para hindi sila magdikit. Halos mabali ang kaniyang leeg sa kakapigil na 'wag itong lingunin.

"Any update kay Ate Gab?" tanong niya, nang hindi na niya makayanan ang katahimikan. Hindi siya sanay na hindi sila nag-uusap. Ngumiti ito ng mapait at inilihis ang tingin. Rinig niya ang buntong-hininga ni Ezekiel.

"It's almost two years now, there's no trace if she left the country. Even my P.I walang maibigay na impormasyon."

Napatingin si Samarra sa mga mata ni Ezekiel. Despite its courage, it had an anguished look in its eyes. Ramdam niya na mahal ni Ezekiel ang asawa nito. Hindi niya alam kung bakit iniwan ito. She was sure that girl will regret. Kapag sakaling mapagod na si Ezekiel kakahanap dito.

"I'm sure you'll see her, and I'll pray for it."

"Thank you, Babaysot." He's whispering in her ears.

Napanguso siya. "Kitams, ikaw na itong inaalala. Ikaw pa, ang may ganang mang-asar." Hinawakan ni Kiel ang kaniyang baba at inilapit ng husto ang mukha niya sa mukha nito.

"That was my sweetest endearment, Baby," masuyong sabi ni Ezekiel.

She almost squinted at the closeness of his face to her.

Napalunok si Samarra at ibinaling sa iba ang tingin. "Teka nga! Bakit ikaw pala ang nagsundo sa akin? Nasaan ang magaling mong kapatid? Three weeks from now ikakasal na kami."

Is it because we will be married in three weeks? I just hope, he tries to fetch me even just pretending.

"Ayaw mo ba talaga sa mansyon tumuloy?" halatang ayaw sagutin ni Ezekiel ang kaniyang tanong.

"Huwag na, gusto kong ma-experience ang penthouse mo. At isa pa, hindi rin magandang tingnan kung doon ako tutuloy sa inyo. Dapat nga, mag-demand ako ng isang villa, nabasa ko sa isang article nagkakahalaga ng dalawang milyon ang isang gabi sa Buenavista Hotel," anya.

He chuckled. "If you really want to experience our villa. All right, I'll allow it. But? We can stay together."

Napamaang siya sa sinabi ni Ezekiel sa kaniya. Really? Gusto nito na makasama siya sa iisang villa. Wait? 'Yon ba ang gusto nitong tukuyin. Shit! Bigla siyang nakaramdam ng kaba.

"No, it's okay for me to use the penthouse."

Nakita niyang marahan na tumango si Ezekiel sa kaniya. At itinuon ang tingin sa kanilang harapan. Tila katulad niya na nakaramdam ng pagkailang.

"So, you will study at Stieford University. What course will you take up?" tanong ni Ezekiel na hinawakan ulit ang kaniyang baba para magsalubong ang kanilang tingin.

"BS Construction Engineering and Management," mahinang sagot niya.

"Wow!" napasipol ito.

"But it's that you really want? I mean, ang alam ko mas gusto mong kumuha ng fashion designer?" tanong pa nito.

"Yeah, of course. I want to help our family business. 'Di ba? At alam mo naman solong anak lang ako. Besides makakakuha naman ako ng mga short courses ng fashion designer sa Paris."

Kitang-kita ni Samarra ang pag-asim ng mukha ni Ezekiel halata nadi-disappoint ito sa kaniyang sagot.

Nagkibit-balikat ito. "Anyway, you're an obedient child, and that getting married isn't a problem for you, is it?" halata sa tono ng boses ni Ezekiel na naiinis ito sa kaniya.

"Hmmmpphh, bala ka na nga d'yan! I'll take a little nap. Gisingin mo na lang ako." Isinandal ni Samarra ang kaniyang ulo sa gilid ng bintana.

Napatingin siya kay Ezekiel ng hilain at isinandal ang kaniyang ulo sa dibdib nito. "Sleep," ma-awtoridad na sabi nito. Hindi 'yon pakiusap kung hindi isang utos na galing dito.

Parang isang magic spell. Na, pagkakasabi pa lang. Ay, agad napapikit ang kaniyang mata. Mga ilang oras din siyang nakatulog. Naramdaman na lang niya na may humahalik sa kaniyang buhok. At, hinahagod-hagod ang kaniyang likod. May naaamoy siyang mabango. Kaya isiniksik pa niya ang katawan palapit sa niyayakap niya. Habang ang kaniyang kaliwang kamay ay kusang gumalaw, paangat na parang may hinahanap. Kinapa-kapa niya. Mula sa noo, pababa sa mata, ilong at bibig. Bumaba ang kaniyang kamay sa baba, magaspang 'yon, senyales na papatubo na balbas. Ipinadausdos niya ang kamay sa leeg, balikat at hanggang sa matigas na dibdib.

She heard a muttered curse softly, Kaya mas bumababa pa ang kaniyang kamay, mahina siyang napadaing ng may humawak na mahigpit sa kaniyang pulsuhan.

"Little witch, don't go any further down your hand; I'm just holding back as much as I can," gigil na bulong ni Ezekiel.