Chapter 11 - FIRST MEET

Zachary POV

Pagkalabas ko ng CR, matagal kong pinagmasdan ang aking sarili sa malaking salamin. Hindi ko maiwasan mapangiti at makaramdam ng excitement. Ewan ko lang, basta pakiramdam ko may magandang maidudulot ang aming paghaharap.

Dumating na ang araw na makikita at makikilala ko na ang babaeng ipapakasal sa akin. Samarra Miel O' Harra. Bukod sa pangalan nito ay wala na akong alam tungkol sa kaniya. Tanging sina Kuya Zeke at ang magulang ko lang ang nakakakilala rito ng personal. Marami ng naikwento si Mom sa akin pero mas lamang ang 'di ko pakikinig dito dahil hindi naman ako interesado.

Matagal na nilang plano 'yon, ang kasal ay gaganapin sa Old Palace Chester sa United Kingdom. Akala mo nga sila ang ikakasal, sila na ang pumili ng simbahan at reception, sila na rin ang kumuha ng mga Ninong at Ninang. Hindi man lang kami tinanong kung ano bang gusto namin. Basta na lang sila nagdesisyon, napabuntong hininga na lang ako 'pag naaalala ko ang sinabi ni Dad kanina.

"Kung hindi mo pakakasalan si Sam, wala kang makukuha na mana. Tapos na rin ang pagiging magulang namin sa'yo. Pumayag kaming hindi mo masundo sa airport si Sam kanina, pero ngayon, hindi ako papayag na hindi ka sumipot sa inihanda kong dinner para sa inyo. Sinasabi ko sayo 'wag mo akong umpisahan sa katigasan ng ulo mo, Zachary!"

Ala siete ang usapan, pero ala sais palang ay nakabihis na ako. Suot ko ang navy-blue na polo shirt at black pants. Hindi na ako nag-abala na mag-ayos dahil kukumbinsihin ko lang naman na umatras ito sa kasal at isa pa pagod ako galing sa Amanpulo.

Nang matapos na akong makapagbihis ay agad din akong lumabas sa aking silid at bumaba papunta sa living room, nakita kong naroon sila Mom and Dad na nanonood ng movie.

"Zach, you're so handsome!" bungad na bati sa akin ni Mom nang tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo sabay yakap sa akin. Naramdaman ko ang bahagyang pagtapik ni Mommy sa aking balikat.

"Siguraduhin mo lang na wala kang gagawin na katarantaduhan sa harap ni Samarra. Magpakitang gilas ka, sa rami ng lalaking p'wedeng piliin ng magulang niya, ikaw pa ang napili para sa unica iha nila." Binigyan pa ako ng warning look ni Dad.

Napabuntong-hininga ako. "Yes, Daddy, I will not disappoint you," seryosong sagot ko at tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata.

"Sige, lumakad ka na baka malate ka pa sa usapan n'yo, 'yong sinabi ko sayo, huwag kang aalis basta-basta doon at, umayos ka! Kung si Ezekiel lang hindi sana ako mag-aalala," pahabol pa ng kaniyang ama.

"Enjoy your date Zach, for sure you will like Sam," nakangiting sabi ni Mommy.

Nang nasa Buenavista hotel na ako agad kong tinungo ang roof deck kung saan ipinahanda ni Dad ang aming dinner sa pagkakaalam ko ay nasa penthouse ni Kuya Zeke si Samarra tumutuloy.

"Good evening, Sir, this way," bati ng waiter na naroon at iginaya na niya ako patungo sa aming table.

Agad akong naupo at nagmasid sa paligid, kapansin-pansin ang iba't ibang bulaklak na nakapalibot sa paligid ng kanilang upuan. Sa sobrang dami ng bulaklak aakalain mong may prososal na magaganap. May ilang staff ang naroon para magsilbi sa kanila. Mukhang pinaghandaan ng kaniyang ama ang dinner na ito, kahit ultimo manager na si Ms. Lyn ay narito.

Tumingin ako sa aking relo may kinse minutos bago sumapit ang ala siete pero hindi ko pa rin nakikita si Samarra, nanatili lang akong nakaupo at naghihintay.

Pero sumapit na ang ala siete wala pa rin ito. Kaya minabuti ko na lang maglaro sa aking cellphone para hindi naman kainip-inip ang aking paghihintay.

Ang ilang minuto...ay naging kinse... bente... trenta... Naiinis na ako, nang makita kong limang minuto na lang bago mag-alas otso.

Nakakailang tubig na rin ang aking nainom ngunit wala pa rin ito, napabuga ako sa hangin. Habang naiinip na nakatingin sa aking cellphone, ramdam ko bawat minuto tila bang katumbas ay isang oras.

"Aba't, parang nananadya na ata ito. 'Pag ito, wala pa bago sumapit ang alas otso y trenta. Aalis na ako, kahit magalit pa si Daddy."

Napagpasyahan ko na sanang tumayo ng may narinig akong nagsalita sa gawing likuran ko.

"Sorry, I'm late."

Hindi ko pa nagagawang lumingon, ay agad na itong nagpunta sa aking harapan. Hindi ko mapigilang matulala nang mapatingin ako sa kaharap ko. Ito ba si Samarra??

"Are you Mr. Zachary Cadden Buenavista?" tanong ni Samarra. Habang nakayuko itong inaayos ang suot na dress.

Napagmasdan ko siya ng maigi. Hindi ako makapagsalita. Effortless ang kaharap ko. Maamo ang mukha at walang kahit na anong kolerete. Medyo maga pa ang mata nito na halata galing sa mahabang pagkakatulog, makinis ang balat na morena. Ang buhok nito ay basa pa, na hanggang baywang ang haba. Naamoy ko pa ang mabangong sabon na gamit nito.

Narinig kong tumikhim ito, marahil para makuha ang aking atensyon. Napatingin ako sa kaniya, ang kilay niya ay magkasalubong at mukha niya ay, parang hindi na maipinta. Habang nakatingin sa akin. Napalunok ako at pilit ang ngiti, bigla akong kinabahan.

"I'm Zachary Cadden. But you can call me, Zach."

Ngumiti ito kaya nakita ko ang magkabilang biloy sa kaniyang pisngi.

"I'm Samarra Miel."

"Fuck! Zach, para siyang anghel at ang lambot ng palad niya,"

"Ahmm... Forgive my manners. Have a sit." Naglakad ako palapit sa kaniya para alalayan na umupo.

"Nice to meet you Zach, sorry I'm late maybe I'm too tired. So, I didn't hear my alarm, kanina ka pa ba?" tanong ni Samarra na bahagya pa itong ngumiti.

"It's okay, hindi naman ako naghintay ng matagal," ani ko.

"Mukha mo, Zachary. Kanina ka pa naiinis 'di ba? At akala ko ba hindi ka, magpapakitang gilas sa kaniya? Ano ang ginagawa mo ngayon?" tuya ko sa aking sarili.

"Let's order, I'm already hungry," nakangiting sabi ni Samarra.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakatingin sa kaniya. Tinawag ko ang waiter para makapag-order na kami na agad naman lumapit sa amin. Mabilis na kinuha ng waiter ang aming mga order. Habang naghihintay kami ng pagkain. Kitang-kita ko ang pagkunot niya ng noo habang abala siya sa kakapindot ng kaniyang cellphone.

Malaya ko siyang pinagmasdan, mula sa buhok niya na mahaba. Ang kilay niya na parang iginuhit. Ang mahahabang pilik mata na bumagay sa mata niyang abuhin. Ang matangos na ilong. Ang labi na maliit na natural ang pagkapula.

Napalunok ako ng matitigan ko ang kaniyang labi, para bang ang sarap hagkan 'yon. Pinilig ko ang aking ulo nang dumating na ang aming pagkain. Tiningnan ko si Samarra ngunit hindi ito nagsasalita. Kaya minabuti ko rin na huwag magsalita, tahimik kaming dalawa sa aming table, walang gustong maunang magsalita sa amin.

Bahala si Daddy, kahit sabihin pa niya magpakitang gilas ako rito. No way! Magpapa-impress ako sa babaing ito. Tama na 'yong kanina, magpanisan na lang kami ng aming mga laway.

Nang matapos kaming kumain, uminom muna ako ng juice. Pinag-iisipan ko ang mga katagang dapat kong sabihin kay Samarra. Kung papaano ko ito makukumbinsi na huwag namin ituloy ang kasunduan ng aming mga magulang.

Nakatingin ako kay Samarra na busy pa rin sa kakapindot ng cellphone nito. Parang gusto ko tuloy malaman kung ano ang kaniyang pinagkakaabalahan. Mind your own business, Zachary!

Napabuntong-hininga ako, hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin pero kailangan niyang malaman na tutol ako sa kasalan na magaganap sa amin.

"I don't want to get married; I don't want to marry you," I did my best to tell those words to her. Diniretso ko na siya, ayaw ko man pumunta rito. Pero pinilit lang ako ni Daddy at wala akong mapagpipilian.

Seryosong naglabanan ang tingin naming dalawa nang gumuhit ang pilyang ngiti sa kaniyang labi.

"Same... don't worry," she said and she winked at me at saka itinuon nito ang tingin sa cellphone.

"Hey... you!" pagkuha ko ng kaniyang atensyon.

Tumingin ito sa akin, bakas sa magandang mukha na tila naiinip habang ibinababa ang cellphone na hawak sa aming lamesa.

"If you don't want to marry me too, why don't you tell it to your parents? Para naman maging malaya na tayo sa kasunduan na ito at mapakasalan natin kung sino ang ating gusto," pagkukumbinsi ko sa kaniya.

I saw her smirking.

"I'm sorry, Mr. Zachary." Bahagya pa itong naglungkot-lungkutan. "I don't want to marry you. You heard it right, but?" Ngumisi pa ito bago nagpatuloy. "I respect my parents' decision. So, I can't do anything about that marriage," balewalang sagot nito.

Napahilot ako sa aking sintido. "Wala ka bang boyfriend? Crush? Lovers? Childhood sweetheart?" sunod-sunod ko na tanong.

Bahagya itong napanguso at kumunot-noo sa mga tanong ko sa kaniya.

"Wala," balewalang sabi nito sabay kuha ng cellphone sa lamesa.

Napatayo ako sa sagot nito. "Do you know if we're going to get married? It's hard to separate. What if you have feelings for someone else? We're going to have a hard time together. Let me tell you something: I have a girlfriend, she is more beautiful than you, and I love her. So, habang may oras pa, you need to step back because you are the woman." Hindi ko na mapigilan ang aking inis. Kahit ano pa ang explanation ang aking gawin tila hindi ito nakakaintindi. Argh!

Hindi ito nagpakita ng kahit anong reaksyon. Parang wala lang itong pakialam sa sinabi ko. Nauubusan na ako ng pasensya. Parang wala lang dito kung maikasal man siya sa iba o hindi. Ang importante lang dito ay masunod nito ang kaniyang magulang.

"Okay," sagot nito na hindi pa rin tumitingin.

"Aba't, Inuubos talaga nito ang pasensiya ko?"

Napasapo ako sa aking noo at naniningkit ang aking mata na nakatingin sa kaniya.

"Look? Ms. Samarra. Do you hear, what I am saying? Are you aware of this lifetime commitment?" hindi ko na mapigilang mapalakas ang aking boses.

Bigla itong lumingon sa paligid at sinamaan ako ng tingin.

"Look Mr. Buenavista. Will you please, shut up!" gigil na sabi nito. "And mind your own business Mr. Buenavista. If you don't want to marry me, tell it to your parents. Complain to them and look at me? Do you think I'll hit you? If it weren't for my parents, I might not be in front of you, Mr. Buenavista? And, one more thing!" gigil na pabulong nito sabay turo sa aking dibdib na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam. Namumula ito sa galit pero napakaganda pa rin nito tingnan.

"Don't you ever dare, to compare me to your girlfriend, huh! I'm a human, not a dog," pang-iinis na sabi nito.

Tumayo ito sa kaniyang pagkakaupo at nagsimula nang maglakad palayo. Napabuga na lamang ako sa hangin sa sobrang inis at umupo ulit. Huminga ako nang malalim pilit na pinapakalma ang sarili, hindi ko na alam kung para sa sinabi nito o dahil kakaiba ang aking nararamdaman. Parang wala akong mapapala sa babaeng ito, pero kahit alam kong nagagalit na ito. She still manages to keep me from shouting around people.

"Come on, Zachary, mag-isip ka, paano ka makakatakas sa kasalan na 'yan."

Napahilot ako sa aking sintido. Bigla akong natigilan at napatingin sa aking harapan. Kitang-kita ko ang malawak niyang pagkakangiti na animo'y nanalo sa lotto.

"What?" hindi ko pa rin mapigilang mainis.

Mas lalong lumawak ang pagkakangiti nito sa aking pagtatanong. Kinuha nito ang baso na may laman na tubig.

Napatayo ako sa pagkabigla at sa lamig ng tubig na ibinuhos nito.

"Fuck...! What's your problem?" inis kong sita kay Samarra.

Ngumiti ito nang pagkatamis-tamis. "Kung ayaw mong makasal huwag kang sumipot," sabi ni Samarra at lumapit pa sa akin.

"I love you till the end, Mr. Buenavista. Good luck, my future husband! Galingan mo, huh! Galingan mo ang pag-convince sa magulang mo."

Kumindat pa ito at marahan na inayos ang aking kuwelyo bago tuluyan naglakad palayo sa akin. Napaupo ako ulit habang pinagmasdan ko ang isang pigura na naglalakad palayo sa akin kumaway pa ito bago tuluyang lumabas sa pintuan.

"Gusto niya bang huwag akong sumipot sa aming kasal, para ako ang magmukhang masama sa harap ng pamilya namin? Tsktsktsk! One wrong move Ms. O' Harra. Pagsisihan mo talaga ang ginawa mong ito. Hindi mo dapat ako kinakalaban."

Naikuyom ko ang aking palad. At napagpasyahan ko ng tumayo para sundan ito. Hindi ako papayag na hindi makaganti ngayon. Wait for my sweetest revenge my love.