Chereads / I love you till the end, Mr. Buenavista / Chapter 15 - DISAPPOINTMENT

Chapter 15 - DISAPPOINTMENT

Kinabukasan habang mapayapang natutulog si Samarra na nakayakap sa matigas na bagay bigla siyang naalimpungatan ng may kumalabog na malakas sa pintuan.

"What is the fucking meaning is this?" Dumadagundong na tanong sa apat na sulok ng silid na naging dahilan na tuluyan na wala ang kaniyang antok.

"What the he-"

Hindi na nagawang ituloy ni Samarra ang sasabihin ng may tumama na matigas na bagay sa kaniyang hita. Mabilis siyang napalingon sa kaniyang kanan ganoon na lang ang panlalaki ng kaniyang mata at pag-awang ng kaniyang bibig. Fuck its Zachary Cadden! What the hell his doing here? Wala sa loob na napalunok siya at inilibot ang kaniyang paningin. Mas dumoble ang panlalaki ng kaniyang mata. Nang mapansin ang tatlong pares na mata na nakatingin sa kanila. Ang mata ni Tita Lorraine na may pagtataka at pagkamangha. Ang mata ni Tito Calvin na masama ang tingin sa kaniyang katabi at ang mata ni Ezekiel na tila ano mang oras sasabog na dahil hindi nagugustuhan ang nakikita.

Maraming katanungan ang tumatakbo sa kaniyang isipan na hindi niya mahagilap ang sagot. Gusto man niyang lumayo sa pagkakahapit ni Zachary sa kaniyang katawan. Hindi naman niya magawa dahil kaunting pagkakamali lang makikita na pareho silang walang saplot na pang-ibaba.

Napatingin uli si Samarra kay Ezekiel na tila nalaman nito ang nais niyang ipahiwatig. Napapikit siya sa lakas ng sigaw nito.

"ZACHARYY!!" Habang nakakuyom ang kamay nito at matalim ang tingin.

"What?" Iritadong balik na sigaw ni Zachary hindi man lang nagmulat ng mata at mas lalong sumiksik sa kaniyang leeg at mas lalo pa siyang hinapit sa baywang.

"Zachary... Isa!" may pagbabanta na tono ni Tito Calvin.

"Ano ba-"

Hindi na nagawang ituloy ni Zachary ang sasabihin nang hampasin niya ito sa braso na nakapulupot sa kaniyang baywang.

Mabilis itong nagmulat habang nakakunot ang noo bakas ang inis pero dagli lang nawala ng mabungaran siya at ngumiti ito sa kaniya. Animo'y 'yon na ang pinakamagandang gising nito.

"Good morning. Wife," paanas na bulong nito sa kaniya langhap niya ang mabangong hininga nito.

"Did you sleep well?" masuyong tanong nito na mas lalo pa siyang hinapit ng husto na wala nang espasyo sa kanilang pagitan. Ramdam niya ang init ng katawan nito at ang bagay na kanina pa tumatama sa kaniyang hita. Hindi naman siya tanga para hindi niya alam kung ano 'yon. Gosh! Alam niya sa mga oras na 'yon. Pulang-pula na ang kaniyang mukha. Hindi magawang sumagot ni Samarra kay Zachary na tila napansin nito ang kaniyang pagkabalisa. Mabilis din nitong iginala ang mata sa kuwarto. Katulad din niya kanina nagulat din ito. Nang mapansin na hindi lang sila ang tao sa kuwarto. Hinapit siya ng husto at hinila ang comforter.

"Anong ginagawa niyo rito?" takang tanong ni Zachary sa tatlo.

Kumunot ang noo ni Ezekiel sa tanong ni Zachary at tumingala sa kisame na tila nagpipigil ng galit.

"Get up! Zachary, and we will talk outside." Mabilis na tumalikod si Tito Calvin kasunod si Tita Lorraine.

Hindi magawang salubungin ni Samarra ang tingin na binabato sa kaniya ni Ezekiel. Nagngangalit ang panga nito at nakakuyom ang palad habang matalim ang tingin sa kaniya. Kitang-kita niya na hindi nito nagugustuhan ang nakikita nito ngayon. Disappointment was written all over his face. Bago pa ito tuluyang tumalikod binigyan pa siya ng warning look na nagpapahiwatig na kailangan niyang mag-explain sa nangyari.

Pagkalabas ni Ezekiel para siyang nabunutan ng tinik at nakahinga ng maluwag. Wala sa sarili nasapo niya ang kaniya ulo.

"Relax," bulong ni Zachary sa kaniya.

Napasinghap siya ng tumayo si Zachary na akala mo si Helios na bumababa sa lupa tila walang pakialam na nawala itong saplot at nagpalakad-lakad pa sa kaniyang harapan. What the hell!

Sa inis niya binato ito ng unan ngunit mabilis lang nito nailagan. Nakangisi pa ito habang naglalakad palapit sa kaniya. Mabilis niyang tinakpan ang mata.

Kinalabit siya nito. "O, kunin mo." Para siyang bingi at hindi niya magawang tingnan ito. Ngunit hinila nito ang dalawa niyang kamay na nakatakip sa kaniyang mata.

"O, suotin mo yan bago ka lumabas." Inilagay nito ang bathrobe na hawak sa kaniyang kamay, nakangiti ito.

"Sarap na sarap ka nga kagabi habang nakayakap sa katawan ko, ngayon parang ayaw mong tumingin." He teased.

Nakasuot na ito ng puting t-shirt at boxer. "Mas better kung magdamit ka bago lumabas." Anito nito at hinalikan ang kaniyang noo bago tuluyang lumabas ng silid.

Napasandal siya sa headboard ng kama habang hinihilot ang kaniyang sentido. Wala pa siyang bente kuwatro oras sa pilipinas marami na ang nangyari sa kaniya.

Nang makarinig na may bumagsak na isang bagay at nabasag. Napabalikwas siya sa kaniyang pagkakaupo at mabilis niya isinuot ang bathrobe. Pero bago pa siya makalabas nang tuluyan sa pintuan, rinig niya na tila kulog ang boses ni Ezekiel nakatayo ito habang nakaupo si Zachary na nakayuko.

"What did you say?"

Kitang-kita niya ang pagdilim ng mukha ni Ezekiel at nagngangalit ang panga nito sa isinagot ni Zachary.

"I said. We did." Hindi niya makita ang mukha ni Zachary pero base sa timbre ng boses nito may diin at inis ang sagot nito kay Ezekiel.

"How dare you! Asshole." Mabilis natumba sa pagkakaupo si Zachary ng suntukin ni Ezekiel sa mukha. Si tita lorraine napatayo sa gulat at si Tito Calvin mabilis na pumagitna sa dalawang lalaki.

"Bakit ka ba nagagalit? Eh, magiging asawa ko naman si Samarra?" tila nang-aasar na tanong nito kay Ezekiel.

"Aba't… sira-"

Hindi na nagawang ituloy ni Ezekiel ang sasabihin at gagawin kay Zachary nang hinawakan na ni Tito Calvin ang braso nito.

"Enough! That's enough." Gigil na awat ni Tito Calvin kay Ezekiel at hinawakan ang braso nito.

"At ikaw." Mabilis na baling nito kay Zachary. "Alam mo na ang consequences ng ginagawa mo kay Samarra. Sumunod kayo sa beach resort at ngayon din. Ikakasal kayo ni Samarra. Tatawagan ko si Ninong Ark mo pati na rin ang pamilya ni Samarra para malaman nila ang naging desisyon niyo." Mabilis na tumalikod si Tito Calvin at tinungo ang pintuan palabas ng penthouse kasama si Tita Lorraine. Habang si Ezekiel tumingin sa kaniyang direksyon naging dahilan ng kaniyang pag-urong papasok sa loob. Bago pa ito tuluyang umalis binigyan siya ng warning look.

Wala sa sarili si Samarra na bumalik sa pagkakaupo sa kama, napahilamos siya ng kaniyang mukha. Stress was written all over her face. Mukhang mapapabilis ang kasal nila ng wala sa oras.

Mabilis siyang napalingon sa lalaki na pumasok sa kuwarto tumayo siya at nilapitan ito. "You're a jerk! What motivated you to act in this manner? Why did you deceive them?" pang-uusig na tanong niya kay Zachary.

"Whoa! Don't worry. Okay! You'd like me to marry you. So, this it." Ikinasingkit ng kaniyang mata.

"What? Sinadya mo ang lahat ng ito?" gigil niyang tanong.

"Oh, come on, Samarra, stop acting like innocent." Inis na wika nito sa kaniya. "Kaya ka nga narito sa Pilipinas 'di ba? Kasi excited kang makasal na tayo." Pinilit niyang kumalma sa mga pinagsasabi ni Zachary sa kaniya. Ayaw niyang makipagsabayan dito.

"Wanna take a shower with me?" he teased.

Inis niyang binato si Zachary habang naghuhubad ng t-shirt. "Ganito talaga ang mag-asawa nagsasabay maligo." Tumawa pa ito nang nakakaloko at kumindat.

"In your dreams!" inis niyang sabi at mabilis na tumalilis palabas ng kuwarto. Rinig niya ang mapanuyang halakhak ni Zachary na humahabol sa kaniyang pandinig.