Dagling napamulat si Samarra. Nang makarinig ng mahihinang pagmumura ni Ezekiel.
"Kuya Kiel, are you okay?"
Napahugot ito ng hininga at sinamaan siya nito ng tingin. Huh, problema niya? Bakit ganito ito makatingin?
"Kuya Kiel, are you mad?"
Nagulat siya ng pumiksi si Ezekiel nang hawakan niya ito sa braso. Rinig niya ang marahas na paghinga nito. Gusto niyang magbawi ng tingin pero tila na-estatwa siya. Pasimple siyang lumunok ng makaramdam ng kaba. Gosh! What's happening?
"Don't talk to me, and don't even try to touch me."
Maang siyang nakatingin kay Ezekiel. Hindi na niya naiintindihan ang inaasta ni Ezekiel. Dahil okay naman ito, bago siya nakatulog kanina. Bagama't nakakaramdam siya ng pagkailang. Nagawa niya pa rin magtanong.
"Kuya Kiel did-"
"Get out!"
"Huh,"
"I said. Get out!"
Napapikit siya sa lakas ng pagsigaw nito. Napasapo siya sa kaniyang dibdib. Nang marinig na naman niya, ang walang mintis na pagmumura ni Ezekiel. Kitang-kita niya ang pagngangalit ng bagang nito. Hindi siya makakilos sa kaniyang upuan. Hindi niya alam paano siya kikilos nang maayos.
"Fix yourself and leave."
Kahit na naguguluhan ay, tumalima pa rin siya sa pinag-uutos ni Ezekiel. Yes, hindi pakiusap 'yon kundi isang pag-uutos 'yon. Frustration was written all over her face. Bago siya bumaba sinulyapan niya uli si Ezekiel. Tsk, naiinis siyang bumaba ng sasakyan.
"Maganda araw po, Senyorita Samarra!!"
Napasapo siya ng kaniyang dibdib sa pagkagulat. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Binilang niya ang mga kawaksi na nakahilera. Lampas 'yon ng bente.
"What are they doing?" wala sa loob niyang naibulaslas. Habang nakatingin sa mga kaharap na nakayuko pa rin.
Naramdaman niyang may umakbay sa kaniya, hindi na niya inabala ang sarili na lingunin ito. Dahil amoy pa lang alam niyang si Ezekiel 'yon. Tsk, matapos siyang sigawan kanina, ngayon, aakbayan siya na tila walang nangyari sa loob.
"Welcome to our humble home, Babaysot," masuyong bulong ni Ezekiel.
Tingnan mo nga naman, kanina nagagalit sa kaniya. Ngayon, mukhang good mood na naman ito. Tsk, bipolar ang isang 'to.
"Hindi ba masyadong OA naman?"
Her family was well-off, but they didn't have many servants. Her mother instilled in her the importance of doing household chores and not relying on others.
Hindi na niya narinig na sumagot si Ezekiel. Dahil nakita na rin niya, na naglalakad palapit sina Tito Calvin at Tita Lorraine sa kanila.
"Oh, Samarra. You look even more stunning now," ani ni Tita Lorraine nang makalapit. Ngumiti siya at gumanti rin ng yakap. Kahit kailan mabait talaga sa kaniya si Tita Lorraine. Tinuturing na talaga siya nito na parang isang tunay na anak.
"Sam, pagpasensiyahan mo na kami ng Tita Lorraine mo, hindi kami nakasama sa pagsundo sa'yo," paghingi ng pasensiya sa kaniya ni Tito Calvin nang matapos siyang yakapin.
"I understand po, Tito Calvin. Alam ko naman po na busy rin kayo."
"O, halina at pumasok na tayo sa loob ng makakain. For sure, pagod at gutom ka na Sam," pag-aaya ni Tito Calvin sa kanila. Nagpatiuna sina Tito at Tita na pumasok sa loob ng mansyon.
Likas na mabait sina Tita Lorraine at Tito Calvin parang pangalawang magulang na niya ang mga ito. Hindi nga niya maintindihan. Kung saan, namana ni Ezekiel ang pagiging presko at pagiging conceited nito. Dahil based sa ugali ng magulang nito. Parang hindi naman ganoon ang mga ito.
Pagpasok pa lang ni Samarra sa loob ng mansyon. Napansin na niya agad. Na, maganda ang pagkakagawa sa buong bahay. Mula sa labas hanggang sa loob ay, napakaganda talaga. Magaling ang Engineering at Architect nito. Well blended ang mga combination ng color. Pati ang pagkaka-interior ng bahay, well organized. Ang mga muebles, karpet at furniture hindi basta-basta. Halata na galing pa sa ibang bansa. Agaw pansin din ang ceiling na Egyptian inspire.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Irritation was written all over her innocent face. Kanina niya pa hinahanap ang kapatid ni Ezekiel. Pero tila wala itong balak na kilalanin siya. Kung kanina sa airport. Naiintindihan niya, pero ngayon. Hindi! Tss.
"Relax, masyado ka naman pahalata."
Nilingon niya si Ezekiel nang tapikin nito ang kaniyang balikat. Pansin niya ang pagkakangisi nito, na tila nang-aasar.
"Pardon?" Tinaasan niya ito ng kilay.
"Don't me, Babaysot." He smirked.
"I'm not-" depensa niya agad rito kahit hindi naman niya ma-gets ang gustong sabihin ni Ezekiel sa kaniya.
"Yes, you are. Miel," pagputol ni Ezekiel sa sasabihin niya at pinisil ang kaniyang ilong.
Mataman niya ito tiningnan. Bakit tila isa siyang bukas na libro na basang-basa ni Ezekiel? Simpleng kilos lang niya alam na alam nito.
"Zeke, umupo na kayo ni Samarra para makakain na tayo," pagtawag ni Tita Lorraine sa kanila.
Nang mga sandaling iyon ay tahimik silang kumakain magkatabi sila ni kiel sa upuan sa tapat naman ay si Tita Lorraine at si Tito Calvin naman ay nasa panulukan, hanggang sa sandaling iyon wala pa rin ang kapatid ni Kiel.
Nakakaramdam ng pagkayamot si Samarra parang walang kabalak-balak magpakita ang kapatid ni Ezekiel sa kaniya. Feeling tuloy niya. Siya lang ang may gustong ikasal sila. Sana pala hindi na lang siya nagpunta rito sa Pilipinas.
"Miel, baka maging giniling 'yang steak na kinakain mo?" sabi ni Ezekiel habang nakatingin sa steak na hiniwa-hiwa niya.
"Huh?" napatingin siya kay Ezekiel, kita niya ang pag-iling ng ulo nito.
"Sabi ko, 'yang steak mo parang giniling na."
Napatingin siya sa steak na nasa plato niya, hindi niya namalayan na humigpit ang pagkakahawak niya sa steak knife at hiniwa-hiwa hanggang sa maliliit na portion ang karne.
"Ahhh!" Sabay pilit ngumiti at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Mom, si Zach pala. Nasaan?" tanong ni Ezekiel kay Tita Lorraine.
"May inaasikaso lang." Pilit na ngumiti si Tita Lorraine sa kaniya.
"Ahmm..., Samarra, pagpasensiyahan mo na si Zach kung wala ngayon. May mahalagang inasikaso lang. No, worries. Magkikita rin kayo mamaya," pagpapaliwanag ni Tita Lorraine sa kaniya.
"Sam, ayaw mo bang mag-stay dito?" tanong ni Tito Calvin.
"Ah, gusto ko naman po, pero okay lang po bang sa penthouse po muna ako. Kahit mga dalawang araw lang?" magalang na pakiusap niya.
"Oo, naman, Sam. Puwede kang mag-stay kahit saan." Napangiti siya at tumango kay Tita Lorraine.
"Sam, mamayang seven. May ipinahanda sa roof deck para sa inyo ni Zach."
Tumango siya at ipinagpatuloy niya ang pagkain. Obvious naman sa mga kilos nina Tita Lorraine. Na, inaaliw na lang siya para hindi niya hanapin si Zachary. In those moments, she felt a tinge of annoyance. Naiinis siya dahil sa hindi pagpapahalaga ni Zachary ng kan