Behind Shelves | Library
I scratched the nape of my neck, don't know what to do with this piece of paper with some foreign language questions.
Bakit kasi ako kumuha ng French class, nahihibang na siguro ako. Matalino naman ako pero bakit pinipilit pa ako nila mommy na magtake ng extra class. Labo talaga.
I shake my head and breathe deeply. "Selene, you can do this. Focus."
Hanggat maaari ay hininaan ko ang boses ko dahil muntik ko ng makalimutan na nasa loob pala ako ng library where people is studying and focusing.
Napapakagat ako ng labi habang sinusubukang basahin ang question na nakasulat sa french.
Hindi ba dapat ay nagbigay muna sila ng madaling tanong dahil kakaumpisa lang naman ng klase? Ang brutal nila, I don't even know what is the meaning of these words.
Ang hirap na nga intindihin mahirap pa basahin. Huminga muli ako ng malalim at sinubukang basahin ang unang tanong. Kailangan kong matuto, hindi pwedeng mag-internet.
"Comment allez...Vo...us?" Ok. Ok. Tama ba ang pagkakabigkas ko? Who knows?!
Comment lang ang naintindihan ko at baka iba pa ang ibig-sabihin non sa french kesa sa english. Sabi ng teacher namin ay diagnostic test lang ito pero bakit parang walang ma-Digest ang utak ko?
Tatakpan ko na sana ang test paper dahil suko na ako nang bigla namang may kumuha ng test paper ko sa kamay ko.
Napatingin ako sa lalaking biglang umupo sa tabi ko. Sandali niyang inaral ang nakasulat sa papel at marahang tumingin sa direksyon ko.
What is wrong with this guy?
"Sino ka? Give that back to me." Hindi ko naiwasang itaas ang kanang kilay ko dahil sa ginawa niya.
"Sino ako? You really don't know who I am?" I nod and tried to snatch my test paper from his hand but he did not let me.
"Wala akong pake so pwede ba akin nayan?" Nararamdaman ko na ang pagkulo ng kalooban ko dahil sa ginagawa niya.
"Not until you say my name." Tumingin ito sa akin ng may nakakalokong ngiti. Ipinatong nito ang baba sa kamay na nakapatong naman sa lamesa.
"Paano ko sasabihin eh hindi kita kilala." Sinubukan ko namang kilalanin ang tao sa harapan ko.
Tinitigan ko siya, sa mga mata niyang kulay brown. Singkit din siya at may maamong mukha. Magulo ang buhok nitong kulay Itim at tinititigan niya ako habang nakangiti. Mapupula din ang labi nito na parang natural.
Hala ang gwapo naman!
Kumunot naman ang noo ko. I think I saw him somewhere, pamilyar talaga ang mukha niya pero wala akong maalala. I just want my papers back.
"I don't know, and I don't care. Give that to me!" Nasobrahan ko siguro yung pagtataray ko dahil tumahimik ito at hinayaan akong makuha ang papel.
May sira ata ito sa ulo. Tumayo ako at maglalakad na sana papalayo ng magsalita naman ito.
"You took French class, right? I can help you." Bumalik naman ang tingin ko rito at nakita ko ang mapanuksong mga tingin nito sa akin.
I shrugged and walk away. Baliw kaya yung isang iyon? Aalukin ako ng tulong akala niya ba nagbibiro ako. Halata namang nang-aasar lang yun.
Typical high school boys.
Pero kailangan ko din kasi ng tulong eh, mamaya ko na din pala ito ipapasa. Napakamot ako ng ulo at mabilis na humarap muli.
Bigla naman ang gulat ko ng makitang nasa harapan kona yung lalaking iyon. Sinusundan niya ba ako?
"Woah!" Sabay naming sabi. Mabilis naman akong lumayo lalo pa at nakita kong siniringan ako ng tingin ng librarian.
Phew!
"Ang weird mo noh." Lumakad naman ako papalabas ng library at alam ko na sumusunod naman ito sa akin, hinintay ko ang kanyang sagot.
Tumawa ito at umubo ng peke, "Am I? Ahaha mas weird ka kaya. Saan ang next class mo?"
Kumunot ang noo ko na tumingin rito. Ang cliche naman ng tanong niya. Parang mga guys sa mga wattpad books. Tatanungin saan ang next class mo tapos the next day makikita mo na ito sa labas ng classroom mo.
Tss he forgot that I am an Author too. Aspiring author.
Itinaas ko ang kamay ko rito habang naglalakad kami. Nasa likod ko siya. Sobrang daming tao sa hallway dahil oras na ng kain.
"You don't need to know." maikli kong sagot rito. Hindi pako ready magpasundo every uwian ano ba.
Wala na akong narinig na tugon dito kaya naisipan kong lingunin ito para makita lang na nasa malayo na ito at tila ba ay may kausap na tatlong babae.
Really?
"Flirt." Huminga ako ng malalim at dumiretso na sa cafeteria para bumili ng makakain.
Inilabas ko ang laptop ko habang nginunguya ang kinakain kong burger. Nagulat naman ako ng makita ko sa hindi kalayuan yung lalaki kanina sa library.
Nagtama naman ang mga tingin namin at mabilis siyang lumapit papunta sa kinaroroonan ko.
"Shoot!" Mahinang sabi ko bago ito makaupo sa harapan ko. Kulang ata sa bakuna itong lalakeng ito noong bata pa siya, ang kulit eh.
"Hi..." Tinignan nito ang dibdib ko. Aba bastos ito ah! "...Selene." sa ID ko pala nakatingin.
"Such a beautiful name for a beautiful girl." Ngumiwi naman ang mukha ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya.
I laughed. "Kumain kana ba?"
Lumaki naman ang mata nito at lokong nginitian ako. Unti-unti niyang nilapit ang kanyang mukha sa mukha ko.
"Tinatanong mo na agad ako ng ganyan ah, nag-aalala kaba kung hindi ako kakain? Ha?" Hinawi nito ang buhok. Hala feeler, sarcastic kaya ang pagkakasabi ko nun.
"Oo eh. Baka kasi nalipasan ka ng kain kaya kung ano-ano nalang ang sinasabi mo." I shrugged and put all the burger inside my mouth making my face looks bloated.
He suddenly smirks and pinch my cheeks. "So cute."
Umalis na rin ito. What just happened? Did he just pinch my cheeks? Hinawakan niya ako!
Nanginig ako. Hindi ako nandidiri, natatakot siguro. This is my first time. First time na may humawak sa aking lalaki. Err virgin explodes.
Sinundan ko naman ito ng tingin habang naglalakad ito patungo sa court ng university.
Ting!
Napatingin naman ako sa laptop ko ng makarinig ng tunog. I saw an email from....
Miraculous Publishing Inc. Is here for you to ask if you are willing to take our offer and let us interview you for a position.
Sheeshh! Totoo ba ito? Sampalin ako ngayon na!
Agad naman akong nagreply sa email. This is it! Pangarap ko 'to. Maging isang manunulat sa isang kilalang publishing inc.
Hindi ko maiwasan ang pag-ngiti ko. Inayos ko na ang gamit ko para magtungo na sa next class ko.
Ang P.E.
Athletic naman ako, sadyang tamad lang. Inilapag ko ang gamit ko sa upuan at binuksan ang locker ko para makapagpalit na ako ng jogging pants.
"Hurry guys tinatawag na tayo ni Sir!" Someone shouted kaya binilisan ko ang pagbibihis ko pero dahil sa sobrang madali ko ay nadulas ako.
Mabuti nalang at mabilis kong nahawakan ang doorknob kaya nabalanse ako. Phew!
Bubuksan ko na ang pinto ng banyo para lumabas nang may marinig naman akong mga boses.
"Bro, she's so cute. I saw her in the canteen." Tinig ng isang lalaki. Sumagot naman ang kausap nito.
"Weh? Ituro mo saken ah. I want to see who arch my bro's heart. Yeah." And they laughed together.
Hinintay ko munang umalis sila at saka ako lumabas. Sino kaya ang pinag-uusapan nila?
At bakit pamilyar ata ang boses na iyon. Hindi ko mawari pero parang boses yun ng lalaki kanina sa library.
So weird. Kaya ayoko mapalapit sa boys e. They're so flirt, puro salita saka madali din mag-sawa. Wala pa akong nagiging boyfriend pero alam na alam kona ugali ng boys, hindi ko naman nilalahat.
"Selene, watch out!" Ay tanga. Lumingon ako sa kaklase kong sumigaw at bago pa man ako makailag ay tumama na sa mukha ko ang bola. Napahiga ako at napatitig sa magandang bubong ng court.
What the freak?