Chereads / Behind Shelves / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

Behind Shelves | Jeep encounter

"Good morning, unan. Good morning, halaman. Good morning, everything and everyone!!" Masayang saad ko habang inuunat ang mga kamay ko.

Napakaganda ng tulog ko dahil alam kong magiging maganda ang araw na ito.

Nagpunta nako sa banyo para maligo at maghanda dahil may pasok ako. Kailangan ko rin palang ihatid kay Ate Carmella yung pinapagawa niya kay mama.

May munting pinagkikitaan kasi si mama, ang pagbebake niya ng mga cupcakes and cookies. Pinatikim niya sa buong baranggay kaya simula non araw-araw may umoorder sa kanya at ako ang tagaHatid.

Ayos lang naman dahil nadadagdagan ang everyday allowance ko, syempre wala ng libre sa ngayon.

"Ma, asan na ho?" Isinukbit ko ang bag ko sa likuran ko at isinuot ang hairclip sa buhok ko. Sayang din naman kung itatago ko lang hindi ba?

"Ayan, yung nasa lamesa." Tumango naman ako at hinalikan sa pisnge si mama bago umalis ng bahay.

Huminga ako ng malalim at ngumiti ng makita ang magandang sikat ng araw sa umaga. Makikita rin ang mga taong masayang nagkukwentuhan, at mga matatandang nag-aalaga ng kanilang mga halaman.

Sobrang ganda talaga ng umaga at paligid kung may ngiti ang bawat isa.

Natanaw ko naman sa hindi kalayuan si Ate Carmella na may dala-dalang isanv suppt ng pandesal habang may kinakain naman itong piraso non.

"Ate Carmella!!" Lumingon ito sa akin pagkatapos ko siyang tawagin.

"Oh!! Seleneeee!!" Hiyaw nito bago  nagkatagpo ang mga landas namin.

"Ito na po ang yung inorder nyo po kay mama." Binigay ko naman ang box ng cupcake at ibigay nito ang bayad pero bago non ay tumawa ito na tila ba kinikilig na ewan.

"Nabalitaan mona ba, hija? Nakauwi na sila Grace. Grabe napagwapo ng anak. Osiya sige, mauna nako. Salamat kamo!" Tumango naman ako at tinitigan lang si ate Carmella na maglakad paalis.

Nakauwi na sila David?

Bigla naman akog nakaramdam ng hiya at kaba. W-what if makita niya ako dito? Baka isipin niyang hindi ako marunong mag-ayos pero totoo naman kasi.

Hindi! Dapat hindi niya ako makita kahit gustong-gusto ko siyang makita.

Mabilis naman akong naghanap ng masasakayan para pumunta na ng school. Jeep lang naman ang sinasakayan ko saka ayoko narin magpasundo-hatid sa sasakyan namin dahil ayoko lang.

Kumuha ako ng barya sa wallet ko at inabot sa katabi ko. Ito talaga ang mahirap kapag nasa dulo naupo eh, wala halos makakarinig.

"Paabot ho, bayad po!" Sigaw ko ng may galang. Pero hindi parin lumingon ang pinag-aabutan ko ng barya.

Bingi ba 'to??

"Hello po kuya, paabot po ng bayad ko." Lumaki naman ang mata ko ng humarap ito sa akinat nakita ko ang pagmumukha ng pamilyar na lalake.

"Say, please master muna."

"Ha!!?" Napasigaw ko tuloy ang nasabi ko dahil sa naghalong emosyon, gulat at inis ng makita siya.

Napayuko na lang ako at humingi ng tawad sa iba pang pasaherong nagulat sa pagsigaw ko. Tinignan ko naman ng masama yung lalaking yon.

Ano ba kasing pangalan niya?!

"Pakiabot nga." Sabi ko at natawa naman ito sainasal ko.

"Ayoko nga, wala bang please or po at opo?" Napahinga ako ng malalim.

Kalmahan mo Selene wag kana gumawa ng eskandalo dito.

"Pakiabot po, please." Saad ko ng may ngiting peke at halatang naiinis.

Buti naman at iniabot na nito ang bayad ko sa driver. Nakahinga ako ng malalim at iniwas nalang ang tingin ko rito.

I thought this day will be fine for me, pero bakit nag-uumpisa na namang kumulo ang dugo ko?

Huminto naman sa kanto ang jeep at bababa pala ang katabi ko. Tinitigan ko na lamang itong bumaba at umandar nadin ulit ang jeep.

Bigla naman pumasok sa utak ko kung ano na ang itsura ni David ngayon, gwapo na nga ba talaga siya? Gwapo naman talaga siya kahit noong mga bata pa kami. Kaya mas lalong nakakaba kapag nakita niya akong ganito ang ayos, tipong walang ayos.

"Hindi kapa ba bababa?"

"Hindi." Mabilis kong tugon habang nakatitig parin sa kung saan.

"Okay, ikaw bahala." Nakita ko naman na bumaba na ang lalakimg iyon at umandar muli ang jeep.

Nakahinga nadin ako ng malalim pero huli na ng mapagtanto kong same school pala kami non so same din kami dapat ng bababaan.

Nataranta naman ako dahil malayo na ang lalakarin ko pabalik sa school.

"Hala!! Manong, Para hoo!! Pakitabi nalang po diyan!! Salamat po!" Para akong siraulo na nagsisigaw dahil sa malayo na ang school ko.

"Ay teka lang, bawal magpababa dito. Doon pa tayo sa bandang unahan." Saad naman ni Manong driver.

Napamura na lang ako sa isipan ko at mabilis na tumakbo nang ihinto nito ang jeep.

"Nakakainis naman, Selene. Malayo tuloy ang lalakarin ko." Napasabunot ako sa sarili ko at hingal na hingal ng makarating sa tapat ng gate ng school namin.

"Told you so." Napalingon naman ako sa nagsalita.

"Btw, I am Steven." Kumukulo parin ang dugo ko sa kanya. Hindi ko na pinansin pa ang pagpapakilala niya at naglakad na papunta sa klase ko.

"Hindi diyan, Biology is our first subject for today." Nagulat naman ako nang magsalita ito mula sa likuran ko.

Aba't sinundan pa talaga ako

"Klasmeyt kita sa sub na iyon, you never notice cuz you're too occupied, aren't you?" Nagkibit balikat nalang ako at hindi na siya pinansin pa.

Ha ano?! Totoo ba ahaha hindi ko talaga alam na kaklase ko siya sa subject na iyon. Palagi kasong nasa blackboard lang ang tingin ko.

Iniba ko na ang daan ko at pumunta sa Biology class ko na nasa likuran ko si Steven.

Sa hindi malamang dahilan ay biglang may sumilay na ngiti sa aking labi habang iniisip ang katangahang nagawa ko sa araw na ito at kung paano niya ako paalalahanan.

He might be so annoying but I want to thank him from being nice to me. Siguro sadyang attitude lang talaga ako these past few days.

Humarap naman ako rito na ikinagulat niya. "Oh?"

"I just want to say, thank you." Mataray na sabi ko at naupo na sa upuan ko bago pa pumasok ang guro at umpisahan ang klase.