Behind Shelves | Apple
I blinked twice before looking up to met his eyes, out off the people bakit palaging siya ang nakikita ko? I mean isang araw palang naman nang makita ko siya sa library noh.
"C'mon, take this. Don't worry walang lason yan and you're not Snow White." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Mabilis ko namang hinawi ang kamay niya dahilan para mahulog ang mansanas na hawak niya.
Loko toh ah sabihan ba naman akong panget. Ano naman kung hindi ko kamukha si Snow White.
"Ehhh??" He seems so dissapointed and I smiled. Yan dapat lang yan, loko loko ka eh.
"Ehhh?? Tss, ano naman kung hindi ako kasing ganda ni Snow White? Eh mukha ka ngang dwarf." Humalakhak ako at mabilis na naglakad papalayo sa kanya.
I then saw Mr. Cruz. Inilabas ko ang paper na ipapasa ko sa kanya. Agad naman itong tumingin sa akin mula ulo hanggang paa, iniiksamin siguro kung ano ang nangyare sa akin at paika-ika ako maglakad.
Bakas ang confidence sa aking mukha habang tinitignan ni Mr. Cruz ang paper ko sa French class but then he suddenly give me a glare and give back the paper.
"Inuuto mo ba ako, Ms. Gomez??" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Sir.
"Po? Hindi po, bakit po?" He shook his head and walk pass me. Tinitigan ko ito at naalalang hindi ko nga pala natapos ang pinapasagutan sa akin.
Napasabunot na lamang ako ng buhok dahil sa dismaya. Bakit ba ang malas ko ngayong araw??
I texted ate na mauuna nako since gusto ko munang mapag-isa. Pumunta ako sa library dahil doon lamang ako nakakahanap ng peace of mind.
Isinandal ko ang likod ko sa book shelve sa itinaas ang tingin, tumitig ako sa bubong ng library at gulat ako ng makita ko ang pagmumukha ng lalaking iyon.
"Hoyyy Selene loko ka bakit mo iniisip yon? Erase erase." Kumbinsi ko sa sarili bago dahan-dahang huminga ng malalim at isinara ang mga mata.
Need kong magpahinga dahil kung ano ano nalang na masasamang elemento ang nakikita ko, madami ang nangyari sa araw na ito. Hindi pwedeng mastress ako dahil gagawa pa ako ng napakagandang istorya.
Speaking of unique story, wala pa nga pala akong naiisip na pwedeng maging inspirasyon o plot sa paggawa ng story na tiyak papatok sa mga kabataan sa ngayong panahon.
Rated 18+ kaya? Since yon naman ang patok sa mga kabataan ngayon, makakita lang ng warning 18 above ay mas lalo nilang binabasa, Eh kaso baka ipatalsik naman ako ng Miraculus Inc.
"Hayyyy buhay, makapagbasa na nga lang." Itinaas ko ang kamay ko at inabot ang libro na maaabot ko. Kahit ano nalang basta gusto ko lang magbasa.
Wow! Akalain mo nga naman oh, nakuha kopa ang librong ito. Matagal ko na itong nakikita dito. Kung tutuusin ay isa itong notebook dahil wala namang nakasulat na fictional sa loob nito kundi puro hinaing at mga hiling lamang ng kung sino.
Noong unang nakita koto ay dalawang pahina pa lamang ang may sulat pero ngayon ay lima na. Napangiti ako at idinaan ang daliri ko sa papel.
Napakakinis, parang may magic. Lahat naman ng libro parang may mahika, nakakaenganyong basahin.
Kaya nakakapagtaka kung sino man ang nagsusulat sa librong ito at kung bakit paikot-ikot ito sa library.
I open the third page and start to read what is written on it. A smile formed into my lip when I read it.
"Ka'y ganda mong pagmasdan, para kang mahika, makinang, kakaiba, ngunit nakakakaba, tapunan mo naman ako ng tingin, nasa gilid lamang ako, pinagmamasdan ka habang nagbabasa."
Hmmmm nakakakilig naman yon. Pero nakaramdam naman ako ng pagkatakot dahil nagbabasa ako ngayon, paano kung para sa akin pala ang nakasulat doon.
Wahhh! Ahaha ang feeling ko naman kung ganon. Mabilis kong kinuha ang panulat ko sa bag ko at ngumiti.
Since wala namang nakalagay kung kanino itong notebook na ito at mukhang random person lang din naman ang nagsusulat dito, why not write what I felt right now.
Agad ko namang isinulat ang nasa isip ko at pagkatapos non ay isinara kona ang libro at ibinalik sa kung saan ko ito nakuha.
Napahinga naman ako ng malalim at inumpisahan ng gawin ang assignment ko, I did search for some french-english dictionary books here in the library.
Thank god andito naman lahat ng kailangan ko. I am not that study habbit girl be like, I just really want my family to notice how I work hard for my grades and for my future.
They somewhat don't support me by my writing, they say wala naman akong patutunguhan sa ginagawa ko, kesyo hindi naman daw ako magkakapera dito, but I am here I wamt to prove them that writing is my passion and it will make me successful someday.
Napangiti naman ako ng matapos kona ang gawain ko. Agad kong inayos ang gamit ko at umalis na ng silid-aklatan para kitain si Mr. Cruz kaso kung mamalasin ka nga naman ay makikita ko muli ang pagmumukha ng lalaking ito.
Lord, bakit po ako nakakakita ng masasamang elemento? May third eye po ba ako?
Binilisan ko na lamang ang paglalakad ko at hindi nililingon ang lalaking iyon. Sino ba kasi siya? Kung makalapit siya sa akin parang matagal na niya akong kilala.
"SELENE!" Napahinto naman ako sa paglalakad ko ng marinig ko ang pagtawag niya sa aking pangalan.
Napangiwi ako at napahinga ng malalim. Whyyyy?? Ayoko nga sabi makita ang pagmumukha niya.
Hindi ko ito nilingon at naglakad na lamang papunta sa kinaroroonan ni Mr. Cruz.
"Excuse me po, kay Mr. Cruz po." Paalam ko sa isang guro at agad naman itong tumawa at tinapik ang balikat ko.
"Nako hija, umuwi na si Mr. Cruz." Bakit naman?! Huhuhu paano na ako makakapagpasa ng gawain ko?
"Ah ganon po ba, sige po. Salamat nalang po." Tumango ito at umalis narin ako.
Parang wala ako sa isipan ko habang naglalakad palabas ng school ko.
"Bakit kasiiii ang malas ko, Miraculus Inc lang ang naging magandang nangyari sa araw na ito." Daing ko pa na parang bata na nagsisipa sipa habang naglalakad.
May nasipa naman akong bagay at tumilapon ito sa hindi kalayuan mula sa aking kinatatayuan. "Ehh? Panong nagkaroon ng mansanas dito?"
Ito ba yung mansanas na inalok kanina sa akin ng lalaki sa library? napatulala naman ako sa mansanas ng may maalala.
"Heh! Erase erase. Why would you still think of him, Selene? Ang tagal na non ok." Huminga ako ng malalim at pumara ng masasakyan.
I hope he's fine, even how hard I deny it I can't change the fact that I still miss him all the time.