Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 59 - Chapter 58 - Rum Costco's Past

Chapter 59 - Chapter 58 - Rum Costco's Past

Rum Costco Point Of View

I'm definitely going to create an artificial leg for Senju...

Since Palkia City is unavailable at the moment for purchasing of any products as store are suspended for restoration, sumakay ako sa isang kalesa para magpunta sa ibang bayan. Ang mga nagka-kalesa lamang ang hindi pinagbawalan ng Empire na magtrabaho dahil importante ang kaniyang trabaho na ginagawa, ang pagsakay sa mga pasahero.

Nagpunta ako sa katabing bayan ng Palkia City. Dito muna ako mananatili ng dalawa o tatlong araw para mamili ng mga gagamitin ko sa paggawa ng artificial leg ni Senju. Magrerenta na muna ako gamit ang pera ng Havoc Gang na nasa akin. Hindi ko naman ito uubusin, gagamitin ko lang ang ilang halaga na mayroon ako para kay Senju. Sa ganitong paraan man lang ay mayroon akong maiambag sa Gang na hindi ko nagawang matulungan sa pakikipaglaban na ginawa nina boss, Senju at South.

Magtatanghali na, kaya naisipan ko munang bumili ng makakain, pumasok ako sa isang convenience store. Namili ng pagkain na bibilhin ko saglit saka pumila sa mahabang pila sa counter. Ako ang pinahuli, sa harapan ko ay mayroong isang ginang na karga sa kaniyang harapan ang kaniyang anak na siguro nasa mga apat o limang taong gulang na. May sipon pa nga ang bata na nilalabas at sinisinghot niya pabalik sa kaniyang ilong.

Mukhang mahina pa ang pandinig ng kaniyang ina dahil sumisigaw-sigaw din ang bata sa mismong tapat ng tenga ng kaniyang ina. Tarantadong batang walang respeto sa magulang.

Hindi na lang ako tumingin baka ma-trigger ako. Lumingon na lang ako sa itaas, sa may dingding ng convenience store.

Grabe, ang bagal umusad ng pila. Damn it. Naiirita na ako sa pagkainip. Ang dami naman yatang pinamili ng mga pesteng nasa unahan na pila?

(This is nuts.) Sabi ko sa aking sarile.

Ilang minuto ang lumipas, mabagal parin ang usad. Nagsimula na nga akong tawagin ng pasaway na bata na nasa harapan kong karga-karga ng kaniyang ina.

"Pst...pst...pst...kuya, kuya!!" Tawag nitong pilit sa akin.

Naririndi ako kaya pinansin ko siya. "Ano?" Tanong ko.

"Wala lang." Sabi naman niya saka tumawa.

Nanlaki ang mata ko sa gulat at umapaw ang pagkainis.

"Hahahaha..." Tawa ng abnormal. "Kuya, knock-knock." Sabi niyang ulit.

Umiwas ako ng tingin.

"Kuya!!" Sigaw naman niya na nakakabingi sa tenga kaya humarap muli ako sa kaniya. Tangina, nakakainis talaga minsan ang mga bata.

"Who's there!!" Pasigaw na tanong ko. Natuwa naman siya dahil sumagot ako.

"Ikaw."

"Ikaw who?"

"Ikaw pangit mukhang unggoy awu-awu!" Panunukso niya ulit.

Mas lalo pa akong nagalit sa batang nasa harapan ko. Nakakagigil. Talagang grabe pa kung tumawa ang animal na nag-eenjoy sa kaniyang kalokohan.

Mabuti na lang talaga, mabuti na lang...mayroon akong self control. Mabuti na lang at nakontrol ko ang sarile ko. Kung nagkataon na hindi, hindi ko alam kung anong mangyayari sa batang pasaway na 'to.

Nag-fuck you sign pa nga sa akin ang bata na pasaway sa akin bago sila tuluyang umalis ng ina niya sa convenience store.

Ilang minuto pa akong naghintay para tuluyang makalapit sa counter at makabayad ng aking binili na pagkain. Paglabas ko sa convenience store ay agad akong kumain at naghanap ng marerentahan pagkatapos. Nagsimula na din akong magtanong-tanong kung mayroong mga piyesa at mga bagay na itinitinda sa bayan na ito na may kinalaman na gagawin kong artificial leg.

After finally finding a place to temporarily rent, I lay my body to the soft bed. I felt exhausted so I decided to take a little rest.

*****

Third Person Point Of View

*Flashback*

Ipinanganak na bunso sa apat na magkakapatid si Rum Costco. Kilala ang pangalan ng kanilang angkan sa buong bayan ng Switsarna sa Sphecs Region, isang katabing Region ng Mavery Region. Bilang isang kilalang angkan, pinalaki sina Rum at ang kaniyang mga kapatid bilang mga taong matataas ang pagtingin sa kani-kanilang mga sarile.

Subalit, sa kabila ng strikto na pagpapalaki sa kanila, naiina si Rum sa kaniyang mga kapatid. Likas na busilak ang puso nito, hindi siya mapagmataas, hindi maarte at mabait sa kanilang mga tagapag-silbi na paboritong abusuhin ng kaniyang mga kapatid. Sa murang edad na anim na taong gulang, si Rum ay naging mahilig sa pagkalikot ng mga bagay-bagay. Gaya ng pagkukumpuni ng mga sirang gamit o kaya naman ay gumagawa siya ng sarileng bersyon nito.

Dahil dito, napamahal nang husto ang mga magulang ni Rum sa kaniya at kampante at sigurado na inanunsyo ng hari na si Rum ang susunod na magiging hari ng Switsarna, na siyang hindi nagustuhan ng kaniyang mga kapatid.

Ginawan nila ng paraan na si Rum ay hindi maging tagapag-mana. Isang tagasilbi ang binugbog ng mga ito at ipinatawag si Rum para siya ang mapagbintangan at nagtagumpay nga ang kaniyang mga kapatid. Sa edad na labing dalawang taong gulang, si Rum ay pinalayas sa kanilang bayan.

Ilang mga damit lamang nito, birth certificate at credit card sa kaniyang bank account na mayroon lamang laman na 100,000 Gilden ang kaniyang binaon sa kaniyang pag-alis na hindi sasapat kahit na mag-tipid si Rum.

Sa pag-alis ni Rum, pumunta siya sa Berk City, isang bayan sa Mavery Region. Dito, nakilala ni Rum ang isang babaeng umiyak sa katabing bench na inupuan nito sa kaniyang pagpahinga, sa kakahanap ng marerentahan na tutuluyan.

Nabighani si Rum sa ganda ng babaeng kaniyang nakita na umiiyak. Nalungkot siya na mayroong mga tao na nagawang paiyakin ang isang magandang babae.

"Green off shoulder wavy hair, red eyes, green eyelashes, green flat eyebrows, grecian nose, uneven lips, heart shaped head and porcelain skin tone...she's a real life babe." Reaksyon ni Rum na sa hindi niya inaasahan ay kaniyang sinabi at narinig ito ng babae na napa-lingon kay Rum.

"Salamat bata." Sabi naman ng babae sa kaniya na ngumite saglit pero kaagad ding bumalik sa pag-iyak.

Nang marinig ang boses ng babae, tumibok ng mabilis ang puso ni Rum. Nanikip pa nga ang kaniyang dibdib at uminit ang kaniyang pakiramdam sa kaniyang katawan. Kahit na siya ay hindi pa isang teen-ager, alam ni Rum na siya ay nalove at first sight sa babae.

Nilakasan ni Rum ang kaniyang loob, upang kausapin ang umiiyak na babae.

Umupo siya sa parehong bench, sa tabi ng babae. "Ayos ka lang ba?" Tanong niya ng malumanay sa babae na tumingin naman sa kaniya at nagpunas ng luha nito. "Huwag kang umiyak, masama 'yan sa kalusugan." Kinuha ni Rum ang panyo na nasa kaniyang bulsa at ini-abot ito sa babae. Tinanggap naman ito nito at ginamit pampunas sa kaniyang mga mata.

"Salamat bata." Medyo hindi nagustuhan ni Rum ang pagtawag sa kaniyang ginawa ng babae.

"Rum, Rum Costco." Pagpakilala niya sa kaniyang sarile.

Nagulat naman ang babae sa kaniyang narinig.

"You're from that famous Costco? You belong from those '9 Great Clans' people talk about..." Hindi makapaniwala na sabi ng babae sa kaniya.

"I don't know what's so special about our clan. Even the Guild and the Empire can't give my parents exact explanation why we were a member of the '9 Great Clans' and what's up with the '9 Great Clans' shit."

"Ako nga pala si Eure...hindi ko alam ang apelyido ko."

"Nice meeting you, Eure." Nakangite na sabi ni Rum. "Bakit ka nga pala umiiyak? Mind if you share your problem? Malay mo makatulong ako...I may be looking like a kid but trust me, I'm well informed about this society we have as I've taught various things..."

Tumingin sa medyo madamong lupa si Eure. "My boyfriend dump me. Ipinagpalit niya ako sa isang katulad niyang isang Noble na babae. Nagpanggap kasi akong isang Noble, nang malaman niya, hiniwalayan niya ako...I got what I planted." Naging open naman si Eure kay Rum.

"You're at fault for lying about your social status...but, does that really matter when it comes to love? Isn't love supposed to be unconditional? No social status or achievements to be the basis? Isn't it supposed to be accepting someone who gave you support, comfort and affection? Your boyfriend is an idiot. He only wants to taste women who are the same life class as him, he's not serious at all, he has no commitment, he's not worth your love."

"Are you really a kid?"

"I am, but I don't want to be called one. Because they didn't even treated me like one back at home."

"Anong ibig mong sabihin?"

"They kicked me out of the house like I'm a total garbage."

"Kaya pala may suot kang malaking bag..."

"Yeah. I'm actually finding a place to rent. I'm going to start my new life as an commoner...they even revoked my Royalty title after all." Malungkot na paliwanag ni Rum kay Eure.

Hinawakan naman ni Eure sa ulo nito si Rum at tsaka ito hinimas.

"Kung ganon, pwede kitang patuluyin sa parehong inn na nirerentahan ko. May bakante pa silang kwarto." Pahayag naman ni Eure.

"Talaga? Ang swerte ko naman at nakahanap agad ako ng matutuluyan." Sa sinabi na ito ni Rum ay ngumite ng matamis si Eure.

"You reminded me of my little brother...his personality is really the same with you. You really comforted me from such sadness the very moment we met each other. Must be fate huh?"

"Nah, people don't deserve sadness...especially if they are good hearted."

"I'm done with my boyfriend. If he don't want me, then be it. I can't stop him now because that's his happiness not mine. A happiness I'm not a part of it." Tumayo sa bench si Eure. "Let's be friends, Rum. By the way, how old are you?"

"Sure fine with me...I'm 12."

"Oh, limang taon agwat natin. I'm 17 years old."

"Ate?"

"Ate!!"

Tumawa sila kalaunan ng masaya, para bang hindi galing sa pagiyak si Eure.

*****

Naging magkaibigan silang dalawa sa oras na silang dalawa ay nagkakilala. Pareho silang nagrerenta sa isang inn, pareho din silang nagbabanat ng buto para mabuhay. Si Rum, na gumagawa ng mga pigura ng bayaning si Mary Mchavoc gamit ang kahoy na kaniyang inuukit habang si Eure naman ay isang waitress sa pub na pinagta-trabahuan nito.

Madalas matukso ng mga taong malapit sa kanila ang dalawa ngunit laging itina-tanggi ni Eure ang mga ito dahil sinasabi niyang bata pa si Rum para sa bagay na itinutukso sa kanila.

Tuwing matatapos nga ang taon ay sinusukat nilang dalawa ang kanilang mga height sa isang puno na nakatanim sa kanilang ginawang tambayan na lugar, malapit lamang, sa labas ng bayan.

Sa pag-sapit ng ika-15 na kaarawan ni Rum ay umamin ito kay Eure. Hindi naman siya nito nireject bagkus ay pinaghintay lamang ng ilan pang taon.

"Hmmm...siguro kapag matangkad kana kaysa sa akin, sasagutin ko ang tanong mo." Nakangite na paliwanag ni Eure matapos pakinggan ang pag-amin ni Rum sa kaniya.

Ngumite din naman si Rum dahil walang nagbago sa turingan nila ni Eure. Good vibes parin silang dalawa, malapit na magkaibigan.

*****

Dumating ang ika-16 na kaarawan ni Rum, ito din ang inaasahan na taon ng binata na sasagutin na ni Eure ang kaniyang tanong dahil mas mataas na siya ngayon sa dalaga.

Naghintay siya na dumating ang araw ng bagong taon, at nauna siyang magpunta sa kanilang tambayan. Naghintay siya kay Eure na dumating ngunit inabot na siya ng panibagong araw ay hindi sumipot sa lugar ang dalaga para sa kanilang taunan na pag-sukat sa kanilang mga height sa puno.

Nalungkot sa pangyayari si Rum at napagpasyahan nitong uminom sa isang pub. Dinamdam ang hindi pagsipot ni Eure at inisip na baka ayaw lang talagang sagutin ni Eure ang tanong ni Rum sa kaniya.

Masaya pang nakita ni Rum at nakausap si Eure nung umaga bago sila magpunta sa kani-kanilang mga trabaho bago mangyari ang paghihintay ni Rum kay Eure na dumating sa kanilang tambayan.

Nalasing at sobrang lungkot ang naramdaman ni Rum. Napagdesisyunan na rin na umuwi sa kaniyang nirerentahan na inn.

Sa kaniyang pagdating sa inn, sinalubong siya ng isang balisang kakilala.

"Rum, saan ka nanggaling? Bakit hindi ka umuwi kagabi? Tapos kanina wala ka sa trabaho mo? May masamang balita."

Nanlaki ang mata at kinutuban si Rum sa kaniyang narinig. "A-anong masamang balita?"

"Rum, dinukot si Eure kahapon habang nasa trabaho pa siya. Maraming nagsabi na nakakita na dating nobyo ni Eure ang dumukot sa kaniya. Hanggang ngayon hindi pa umuuwi si Eure, Rum. Baka kung ano na ang nangyari sa kaibigan mo." Sa sinabi ng kaniyang kakilala ay napahawak ng mahigpit si Rum sa mga balikat nito.

"Sabihin mo sino ang lalaking dumukot sa kaniya."

"Galing sa Noble Family ng Mchavoc."

"M-mchavoc? Nagbibiro kaba?"

"Hindi ako nagbibiro...isang Mchavoc ang dating nobyo ni Eure. Ang Mchavoc Noble Family na nasa bayan na ito ay mga salbahe, mga sakim... isang dahilan iyon kaya pati mga clan mates nila ay hindi sila gusto at kaaway nila."

"B-bakit nila dinukot si Eure."

"Rum, haka-haka lang ito...pero baka ibebenta siya sa isang human auction bilang isang alipin ng bibili sa kaniyang Noble Family din."

"Ituro mo sa akin kung nasaan ang bahay ng mga animal na Mchavoc na nandito sa bayan na ito...wawakasan ko ang mga animal na binahiran ang pangalan ng angkan na kinabibilangan ng bayaning nirerespeto ko."

*****

Matapos malaman ang lokasyon ng bahay ng Mchavoc Family na nasa bayan, sinugod ito ni Rum. Winasak niya ang buong bahay, lahat nang nasa loob ay kaniyang pinaslang maging ang mga tagasilbing mga butlers at maids.

Nakita niya sa bahay ang isang underground passage. Pinasok niya ito at doon nakita ang pamilya na kaniyang target. Sa kaniyang pagpasok sa kwarto ay eksaktong nakita niya kung paano saksakin sa dibdib ng isang balaraw si Eure ng lalaking nasa teen pa lamang ang edad na kaniyang hinulaan na ito ang dating nobyo ni Eure.

"Eure!!" Malakas na sumigaw si Rum sa kaniyang nakita at sumugod sa Mchavoc Family na kaniyang nakita.

Apat na kabuuan ng Mchavoc Family ang nasa loob.

"I'm going to kill you brutally!!" Ginamit ni Rum ang kaniyang magic. Sa sobrang galit nito ay nawala siya sa kaniyang sarile. Sa isang suntok na ginawa niya ay nawasak ang buong underground base. Nadaganan pa nga ng debris si Rum at lalo na si Eure.

Hindi na nakagalaw si Rum, ang Mchavoc Noble Family naman na kaniyang target ay isa lang ang napaslang. Buhay parin ang dating nobyo ni Eure.

Nagalit nang husto ang dating nobyo ni Eure kay Rum. Pinulot nito ang balaraw na siyang ginamit nitong pangsaksak kay Eure at lumapit kay Rum na ang binti ay nadaganan ng debris.

"Papaslangin kita." Anito. Nang siya ay malapit na kay Rum, bigla na lang itong napahinto at kalaunan ay unti-unting nahulog ang ulo nito sa sahig at sumirit ang masagana nitong dugo.

"I made it in time...good for you, young one." Isang mayroong puting buhok na lalaki ang nagsalita, malapit lamang sa may likuran ni Rum. "I'm all fed up with the reports I'm hearing about the Mchavoc family that exist in this city. I'm hearing a lot of complaints from people who says this family is ruining the image of my great hero big sister, Mary Mchavoc." Muli itong nagsalita habang naglalakad papunta sa dalawa pang buhay na miyembro ng pamilyang Mchavoc. Pinaslang din ng lalaki ang dalawa pa gamit ang kaniyang wind magic, pinugutan niya din ng ulo ang dalawa pa.

Kalaunan ay gumamit din siya ng magic kay Rum kung saan ang debris na nakadagan sa mga binti nito ay umangat.

Hindi man nagawang makalakad ni Rum ay gumapang siya palapit kay Eure na ginamitan din ng magic ng lalaking may puting buhok at pinaangat ang nakadagan na debris sa dalaga.

Hinawakan ni Rum sa kamay nito si Eure nang siya ay makalapit.

"Eure!! Huwag kang mamamatay..." Sabi nito sa duguan ang dibdib na si Eure na nahihirapan nang huminga. "Pakiusap, iligtas mo siya." Kinausap ni Rum ang lalaki. "Pakiusap, lahat gagawin ko basta maisalba lang ang buhay niya. Pakiusap, nandito kana din lang, iligtas mo siya..." Unti-unti ng tumulo ang luha ni Rum.

Nakatingin lang sa kanila ang lalaki ng mayroong malungkot na mga mata.

"Bakit ganiyan ang tingin mo sa amin. Tumulong ka naman..." Umiiyak na sabi ni Rum.

Umiling naman ang lalaki.

"Patawarin mo ako ginoo. Hindi ako aabot sa pagamutan sa lagay ng katawan mayroon ang binibini na katabi mo. Patawarin mo ako at hindi ako nagdala ng healing potion, dahil hindi ko alam na ganito pala ang sitwasyon na aabutin ko. Patawarin mo ako sa ginawa ng ka-angkan kong Mchavoc na kasamaan ang ginawa at pinerwisyo kayong mga naging biktima. Patawad lang ang masasabi ko at maibibigay..."

"Eure..." Napanghinaan ng loob na sabi naman ni Rum.

Nagulat siya nang si Eure ay nagsalita at ini-angat pa nito ang kanilang magkahawak na kamay. "R-rum...hear m-me out."

"Eure!! Huwag ka ng magsalita. Magpapahinga lang ako saglit. Makakalakad ako, dadalhin kita sa hospital. Lumaban ka, kayanin mo. Mabubuhay ka. Huwag kang bibitaw. Don't die on me damn it!"

"Idiot...I'm not going to make it. And resting for a bit won't make you be able to walk. Sorry for making you wait for nothing on our favorite place to hang out. It's too bad, I'm looking forward to that meeting of us...it got interrupted by that idiot ex-boyfriend of mine. He forced me to marry him to make his girlfriend who broke up with him jealous but I refuse..." Napasuka ng dugo si Eure kaya natigilan ito sa pagsasalita.

"Huwag kanang magsalita." Saway naman ni Rum sa kaniya na desperado. "Eure, please. Mamaya mo na ipaliwanag sa akin ang nangyari."

"Mas mataas kana sa akin ngayon Rum...it means that my answer to your confession must be heard by you...you deserve my yes...but it looks like I won't gonna be able to be your girlfriend...I'm sorry, my beloved best friend and also the love of my life...I'm leaving you behind, but please don't loose your happiness just because I'm leaving. We're not fated to be with each other Rum, someone will replace me one day, that person has my blessing. I hope she will give you the happiness and support better to what I've given you. Kiss me before I run out of bre--" Hindi na natapos ni Eure ang kaniyang sinasabi dahil tuluyan na itong nalagutan ng hininga

Mas lalo pang lumakas ang pag-iyak ni Rum. Hinalikan niya sa labi sa una at huling pagkakataon si Eure bago nahimatay at nawalan nang malay sa sobrang lakas ng malungkot na emosyon niyang naramdaman.

Inilibing naman sa isang libingan sa labas ng bayan si Eure ng lalaking may puting buhok. Inulat naman ito kay Rum nang ito'y magkamalay na sa pinagdalhan sa kaniyang pagamutan.

Agad namang binisita ni Rum ang libingan ni Eure. Sumama sa kaniya ang lalaking may puting buhok.

"I'm Arsah Mchavoc, kahit kailan, kung gusto mong ibunton ang galit mo sa pagkawala ng taong mahal mo, puntahan mo lang ako sa Guild. Sa akin mo ibunton lahat, dahil hindi ko nagawang pigilan noon pa man ang mga hangal na kapwa ko Mchavoc...kahit na mismong ate ko, magagalit sa akin sa nangyari..." Ito ang huling salita ng lalaki kay Rum bago ito umalis. Iniwan nito si Rum na mag-isa sa puntod ni Eure upang magluksa ito ng mag-isa.

Dahil sa nangyari, nagbago si Rum. Sa mga maliliit lamang na bagay, naiinis ito at nagiging bayolente. Ito ang paraan ni Rum para hindi maging malapit sa ibang tao, upang siya ay mapag-isa at walang ala-ala na babaunin at magiging sanhi ng kaniyang panibagong kalungkutan.

Pumasok si Rum sa Asteromagus Academy, ng walang kaibigan at nag-iisa.

Subalit nabago ang paniniwala nito nang kaniyang makilala sina Senju at South. Ikinuwneto ng dalawa sa kaniya ang buhay na dinanas nila bilang mga alipin bago sila mapunta sa Asteromagus Academy. Naging panatag si Rum dahil katulad niya ay may pinagdaanan sina Senju at South na masakit.

Naging dahilan din ng kaniyang muling pag-ngite sina Senju at South. Walang sinuman ang pinapahirapan ng husto bilang isang alipin ang basta-basta na lamang ngingitian ang kanilang pinagdaanan.

Dahil naramdaman ni Rum ang saya mula kina Senju at South, sumali siya sa Havoc Gang nang malaman nitong mayroong Gang ang dalawa at mayroong taong tumulong sa kanila na maging sila sa kasalukuyan.

*End Of Flashback*

Rialyn Madzua Point Of View

Finally, after days of being unconscious, South finally wakes up.

Seryoso ang mukha ni South sa kaniyang pag-gising. Itinanong niya kaagad sa akin kung nasaan si Shannon dahil mayroon daw siyang isang importanteng bagay na nais na sabihin.

Mukhang nakita niya ang guhit na kulay itim na nasa palad ko na parang isang marka. Hinawakan niya ito at tinignan, surprisingly ang kaniyang palad na mayroon ding itim na marka.

"Isa kang Ace..." He said. And I still don't forget it, I heard a voice saying to me about that 'Ace' thing.

"South, what's the matter? Bakit parang masama ang timpla ng mood mo sa paggising mo?"

"Chibesfri, it's an important matter. The Sarimanok bastard was an enemy... narinig ko lahat, narinig ko lahat ng mga sinabi niya at mayroong nag-utos sa kaniya dahilan para maganap ang insidente. I left a transmitter plant in the labyrinth that records every sound near it. I planted it near that Sarimanok. That plant was connected to my brain so I heard everything while my eyes are closed. Damn it, I've been really trying hard to open my eyes but I just can't."

"Sarimanok? Was that someone you encountered in the battlefield?" Tumango siya sa sinabi ko.

Pinilit niyang itayo ang kaniyang katawan kahit na siya ay nahihirapan. Bumangon siya at hindi man lang nagpaalam na aalis. Lumabas siya sa kwarto ng walang sinasabi sa akin.

Itutuloy.