Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 65 - (Havoc Gangsters Arc) Chapter 64 - Emotional Burst!

Chapter 65 - (Havoc Gangsters Arc) Chapter 64 - Emotional Burst!

Shannon Pretini Point Of View

Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Unang una na tumambad sa akin ang mukha ni Sheina. "Where am I and what are you doing in here Sheina?" I ask her with confusion.

"Mabuti naman at gumising kana Mar-" Napansin kong nasa kwarto din sina Rialyn at mga kaklase ko kaya agad kong sinampal si Sheina na payakap sa akin.

"Don't call me in my real name idiot." Bulong ko sa kaniya.

"Oh I forgot. Sorry." She said then laugh.

"Ano bang ginagawa mo dito Sheina?" Nagtanong ulit ako sa kaniya.

"Alam mo namang laman ka ng headlines ng mga toxic na students sa Academy na 'to kaya siyempre, updated din ako. More importantly, you idiot, what the hell do you think you're doing? Getting a wound like that in your back."

"Don't worry about it."

"Wow ah? Tingnan mo nga, ang lala kaya ng mga pasa mo lalo na yung hiwa sa likuran mo."

"Shut up." I rolled my eyes.

Lumapit naman sa amin ang mga kaklase ko.

"Shannon. Okay ka lang ba?" Tanong ni Rialyn sa akin.

"Yup. Sorry for making you worried." Paghinge ko agad ng tawad sa kaniya. She burst out crying saka ako sinunggaban ng yakap. Hinimas ko naman ang likuran niya.

"I'm freaking jealous." Rinig namang sabi ni Sheina. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Haha. Rialyn is a crybaby." Rinig kong sabi ng isang lalaking mayroong itim na buhok.

"Shut up. Ikaw kaya mapunta sa sitwasyon niya ng malaman mo bigla ang nangyari sa kaibigan mo?" Saway naman ng babaeng may bluish black na buhok.

"Are you all worried about me?" I ask out of nowhere.

"Of course we are."

"You're a precious classmate after all."

"Shannon. For us you're not a misfit, slightly."

"It's only natural to worry about a classmate."

"This Academy is our second home after all."

They said while having big smiles on their faces. Sina Senju, South, Zayn at Rum naman ay mga tahimik lang sa kanilang kinatatayuan.

"I don't know any of you except for my gang members." I reacted.

Si Rialyn naman ay inuntog ang ulo sa noo ko. "Sira ka talaga. You don't know them because you're not interacting with them. But they know your name even though they don't fully know you yet. Even I don't know much about you yet." Naka-nguso na sabi niya sa akin. Salamat at tumahan na siya.

"I agree with Rialyn, Shannon. We're not gonna eat you or something. So feel free to approach us and talk with us."

"I agree two."

"Me three!"

"Me four!"

"Me five."

"Infinite me." Natahimik ang lahat sa sinabi na ito ng baklang may naghahalong green at yellow na buhok. Nainis sa kaniya yung babae na may sky blue na buhok. Piningot siya nito.

"Are you an idiot? What are you talking about infinite me?" Angal ng sky blue girl kay bakla.

"Bakit? Wala namang phrases na 'me three, me four at me five' ah?" Angal pabalik ni bakla kay sky blue girl.

Hindi ko alam kung anong pumasok bigla sa isipan ko. Bigla na lang akong tumawa ng malakas.

"Shannon?" Tanong ng nagulat sa akin na si Rialyn. Ang mga kaklase din namin ay nagulat.

Tumigil naman ako sa pagtawa. "Pasensya na." Paghinge ko ng tawad. "You guys are pretty interesting." I said to them.

Their faces were filled with smiles again. Dahan-dahan naman akong kumawala sa pagkakayakap ni Rialyn sa akin at tumayo. "Let me introduce myself again. I'm Shannon Pretini. Nice to meet you, classmates." Nakangite na pagpakilala ko sa kanila saka ako nag-bow ng 90 degree's.

Nagpakilala din sila sa akin and did the same thing I did. They bowed 90 degree's in front of me.

Nagkwentuhan kaming magkakaklase sa loob ng clinic pati si Sheina naki-sali sa kwentuhan namin. Natapos lang kami sa kwentuhan nang mag lunch break na at papasok kami sa afternoon class. Hindi namin pinasukan ang morning class dahil sa enjoy naming kwentuhan sa clinic.

Mga pasaway na estudyante.

Lumabas ang mga kaklase ko sa clinic patungong cafeteria. Kaming dalawa na lang ni Sheina ang naiwan ngayon dito sa clinic dahil nagpahuli ako purposely.

"Heal me." Saad ko kay Sheina.

Tumalikod ako sa kaniya.

"Ang bossy mo talaga." She said.

"Huwag kang madaming sinasabi. Alam mong hindi agad gagaling ang sugat ko sa likod sa tulong lang ng gamot dito sa Academy. It's a different story if you'll heal me." Sabi ko sa kaniya.

"Okay okay." She said. Idinikit niya sa sugat sa likuran ko ang dalawang kamay niya. "Healing Zephyr." She activated one spell of her Wind Magic. Healing Zephyr is a calm wind that can heal light wounds. Even though my wound in my back was a severe wound, it was treated by the experts in this clinic so it's not really a severe wound anymore.

After minutes of healing me niyaya ko Sheina na mag lunch, pumayag naman siya. We went into the cafeteria and ate our lunch together with my classmates who are enjoying their meals already.

*****

Last period na. Pagkatapos nito ay uwian na naman. I'm fully healed thanks to Sheina, who was the teacher of this period's subject.

Nasa malawak na training room kami ngayon. Kasama namin ang Mythical Glory Class Section 4 na kapareho namin ng subject sa last period. Iba ang teacher nila na sobrang gwapo. Hehe...

"99." Sabi ni Sheina sa grade ni Devorah.

Since nagpakilala ang mga kaklase ko sa akin kanina, I pretty much remember them clearly now.

"Ang galing mo naman Devorah." Papuri kay Devorah ni Alena. Masiyahin si Alena at friendly. Nagtataka tuloy ako sa sarile ko kung bakit hindi ko naging kaibigan 'to noong pumasok ako sa section namin na 'to.

"Magaling ka talaga. 80 lang ang grade na ibinigay ni ma'am Sheina sa akin." Angal naman ni Moon.

"Don't worry. Darating din ang time na magiging sisiw na sa atin ang mga ipapagawa ng mga teachers natin." Sabi naman ni Devorah sa dalawa tsaka matamis na ngumite.

"That wrap's up our strength and agility training." Anunsyo ni Sheina sa amin.

"Teka ma'am, si Shannon po hindi pa siya nagte-take." Sabi naman agad ni Rialyn.

"Sira kaba, nakita mo naman siguro kanina ang kondisyon ng katawan ni Shannon?" Angal sa kaniya ni Meryl. "It's fine to make her excempted, right ma'am?" Tanong ni Meryl kay Sheina na matamis ang ngiteng tumango.

"Mag-pahinga na kayo sa classroom niyo at kapag time na para umuwi pwede na kayong umuwi." Anunsyo ni Sheina.

"Salamat ma'am." Sigaw naman ng mga boys.

I was about to stand up from the floor where I'm sitting katabi si South sa kanan ko at si Senju naman sa kaliwa ko nang lumapit sa akin 'yung dating girl na binalak akong ibully sa canteen.

Inferness, nadagdagan ang mga alipores niya at mukhang mga dating classmates ko pa ang mga 'to. I won't forget faces...

"Well, well. Look who's back?" Paunang sabi niya.

"Anong pangalan ng babaeng 'to?" Bulong na tanong ko kay South.

"Unger feelingera." Sagot niya sa akin.

"Anong kailangan mo?" Taas kilay ko na tanong ko kay Unger.

Tumawa siya then bigla akong sinabunutan at inumpog ang ulo ko sa sahig. "Naiirita ako sa mukha mo."

"Hoy Unger anong ginagawa mo!?" Angal ni South. Akmang tatayo na siya pero agad kong isinenyas sa kaniya ang kamay ko para pigilan siya sa balak niya.

"Wala namang ginagawa sayo si Shannon ah?" Angal naman ni Senju.

Inayos ko naman ang sarile ko matapos bitawan ni Unger ang buhok ko. Nilingon ko si Senju at tinignan ng seryoso. I hope he gets what I'm trying to say to him of don't do anything...

"Bakit ka naiirita sa mukha kong maganda?" Tanong ko kay Unger. What she did to me just now didn't hurt anyways.

Nanggalahiti agad siya sa akin. "Ang kapal ng mukha mo. 'G.g.s.s', gandang-ganda sa sarile, ang gaga." Aniya.

Kumunot ang noo ko sa narinig ko. What the hell is she talking about? She's out of topic suddenly.

"Oo nga. Mukha ngang hiniram mo lang 'yang mukhang yan." Alipores number 1.

"Nagpa-retoke kalang siguro." Alipores number 2.

"Hahahaha..... siguro ibinayad niya ang buong yaman ng pamilya niya, o kaya umutang ng malaki para mapalitan lang ang mukha niyang pangit para gumanda." Alipores number 3.

"Hoy, tumigil na nga kayo." Saway ni Alena sa kanila na hindi na natiis ang pakikinig.

"Hayaan mo sila. Mag-enjoy ka lang sa pakikinig sa kanila." Pagawat ko naman kay Alena upang hindi siya madamay.

"Alam mo kasi miss misfit, yung kapangitan mo, umaalingasaw." Nagsalita si Alipores number 4.

"Bakit ba kasi nandito ka parin? Masaya kaya ang Academy nung mga araw na wala ka." Alipores number 5.

"Napaka-feelingera." Alipores number 6.

"Pangit. Malandi. Nabalitaan namin na nagta-trabaho ka raw sa isang night club. Eew. Bayaran." Alipores number 7.

Tumayo ako sa kinauupuan ko. "Hayst. Nag level up ang number ng mga gunggong mong alipores miss Unger pero yung level ng mga utak mas bobo pa sa ipis." Reaksyon ko kay Unger sa mga pinagsasabi ng mga alipores niya.

"Ikaw ang bobo. Kung hindi ako nagkakamali binugbog ka ng isa sa mga customer mo kaya ka nasa clinic kanina o kaya naman ay natatakot ka lang na malaman ng mga kaklase mo na mababa ang makukuha mong grades sa training test na ginawa nila ngayon."

I didn't make sense. I don't get it. What's up with this nonsense they are talking about?

Hinipan ko ang mukha niya.

"Eew. Yuck. Ang baho ng hininga mo." Maarte na reklamo niya.

"Hoy, nag toothbrush kaya ako." Sabi ko. Naka-uwi pa ako para gawin ang morning rituals ko sa bahay ni South bago ako pumasok sa academy kahit na masakit ang sugat ko sa likod kanina.

"Tsk. Misfit ka talaga." Sabi niya sa akin. "Ganiyan din siguro ang magulang mo. Agaw atensyon sa mga lalaki. Katulad mo na nagpapapansin sa mga Royalties lalo na sa mga nasa Ichi Class Section 1. Kung ano nga naman ang puno siy'ang bunga. Siguro kung sino-sinong lalaki ang tumitira sa mama mo gaya sayo. Lahi kayo ng malalandi. Mga mangaagaw. Mga ipokreta. Lumayas kana sa Academy na 'to dahil hindi ka papatulan ng mga hot royalties dito. Doon ka sa mga squatters area, maraming titira sayo 'don. Makating higad."

Nakakabasag sa ear drum ang narinig ko na ito. Ang hangal na babaeng ito ay walang kaalam-alam kung sino ang aking ina para magsalita siya ng ganoon sa kaniya. Unforgivable!

"Tapos kana idiot?" Tanong ko.

"Hindi pa. Dapat lumayas kana dito doon lang ako matatapos." Madiin na sabi niya.

"Ganon ba?" Nginitian ko siya saka ko siya sinuntok sa kaniyang mukha. Lumipad siya sa kinaroroonan nina Sheina na siyang napansin na kung anong nangyayari.

"Lady Unger." Sigawan ng mga alipores na tumakbo agad papunta kay Unger. Pero bago paman sila makapunta ay naunahan ko na sila.

"Shannon?" Rinig kong tawag ni Rialyn sa akin.

"Shannon, what are you doing?" Ani Devorah naman.

Dinaganan ko si Unger at mahigpit na hinawakan sa kaniyang leeg. Gumawa agad ako ng fire barrier para walang makalapit sa amin.

"Idiot royalty. Anong pinagsasabi mong kung anong puno siyang bunga? Tao ang mga magulang ko at hindi puno. Nakikita mo naman, obvious naman na tao ako. Huwag na huwag mo ng uulitin na laitin ang mama ko lalo na ang sabihin na malandi siya." Bilin ko sa kanila.

"Shannon."

"Tama na Shannon."

"Stop na Shannon, baka mapatay mo siya."

"Please calm down."

"Tumawag na kayo ng ibang teacher."

"Or the Mythical Glory Class Section 1. Hurry up!!" Rinig kong sabi ng mga tao sa labas ng fire Barrier na ginawa ko.

"Hindi ako maka-hinga." Sabi sa akin ni Unger naman.

"Tutuluyan kita kapag nainis ako nang husto sayo." Sabi ko sa kaniya. "My mother is a hero for you to use her on your insults on me. I'll kill you the next time you do it..." I added. (Also, for the past 3 decades, I only loved one person in my life.) I was about to punch her again but I suddenly lost interest.

"Kung insecure ka sa akin dahil sa mga Royalties na nasa akin ang mga atensyon nila, ipakita mo ang dibdib mo sa kanila ng sayo mapunta atensyon nila. Hindi ko naman sila inutusan na sa akin mapunta atensyon nila ah. Like I care? Kapal mo din ehh, 'noh? Kahit na alam mong wala kang kwentang magus, sinubukan mo parin akong ibully? Ako na nagawang labanan ang isang Don-tauhan ng isang Don na mataas ang ranggo sa kanilang organisasyon?" Bumuga ako ng usok sa kaniyang mukha na dulot ng aking Fire Magic dahil na rin sa malakas na emsyon kong nararamdaman ngayon.

Umalis ako sa pagkakadagan sa kaniya at pinawalang bisa ko ang fire barrier ko. Agad siyang nilapitan ng mga umiiyak niyang mga alipores.

"Oh my. Her nose is bleeding."

"I can't believe it. Why did you punch her you violent woman?" Angal ng mga alipores sa akin.

Tinarayan ko silang mga alipores ni Unger. Lumapit naman ang mga kaklase ko sa akin. Yumakap naman ako kay Sheina na nasa malapit lang na walang ginawa para awatin ako. Para pa ngang natuwa ang ekspresyon niya sa ginawa ko sa abnormal na Unger na 'to na hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote?

Hindi ko napigilan na maiyak, dahil dinamay at pinagsabihan ng ganon ang aking mama. Hindi ako over acting gaya 'nung mga alipores na sumisigaw sa kanilang pag-iyak sa nangyari kay Unger. Tahimik lang akong umiyak sa big breast ni Sheina.

"They ask for it." Rinig kong sabi ni Senju. "I'm on my limit, I was about to burn them to ashes."

"They are bullying her then when they get hurt they cry out loud...mga tanga." Inis na sabi naman ni South. "You're not the only one who's on his limit, Senju. I was about to stab them to create a hole on their chests using my plant magic."

"That's illegal you idiot. If you guys killed someone inside this Academy, you're going to jail!!" Rinig kong reklamo naman ni Rialyn sa dalawa.

"You girls shouldn't say bad things towards Shannon's parents. You don't know anything about them and of course on Shannon. Kung alam niyo lang ang pinagdaanan ng babaeng 'to para sa kapakanan ng lahat, hindi niyo siya gaganituhin. Sigurado akong hindi niyo kakayanin kung kayo ang napunta sa sitwasyon niya." Sabi ni Sheina sa mga alipores ni Unger. "Rialyn." Tinawag niya si Rialyn at inilipat ako sa kaniya.

Tinignan ko kung anong gagawin niya, nilapitan niya si Unger at ginamit ang kaniyang Ability para pagalingin ito.

"Rialyn, pasensya kana, pwedeng dalhin mo muna ang bag ko?" Paalam ko naman kay Rialyn. Nasa classroom kasi iyon.

"Sure." Sabi niya sa akin.

Kumawala ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at mabilis tumakbo paalis sa Academy. Gumawa ako ng pakpak na apoy at mabilis na lumipad paalis.

Itutuloy.