South Avalo Point Of View
Two more days before my break is over, pagkatapos ng dalawang araw na iyon, kailangan ko nang mag-aral ulit, kaya malilimitahan ang pag-eensayo kong ginagawa. Kailangan kong umabot nang tuluyan sa Stage 1 dahil naranasan ko sa unang pagkakataon kung gaano ka-lakas ang mga kalaban na kailangan naming patumbahin para sa kapayapaan at pagkakapantay-pantay na aming hinahangad. To think that it's just the first step to do so, I wonder what are the other steps to do in order to succeed?
I just finished training, I am laying in the grassy ground. Nasa labas ako ng Palkia City, sa isang kagubatan sa hilaga. Sobrang pagod na ang katawan ko, kaya ipinahinga ko na muna ito.
Habang nakahiga sa lupa, bigla akong napa-isip...ilang araw na ang lumipas, matapos kong sabihin kay boss ang patungkol sa Grace, Aces at lalo na ang patungkol sa Sarimanok na isang kalaban, nag-paalam siyang kakausapin niya si Teacher Sheina.
"Are you the one who's been freaking out the animals?" Nagulat ako nang may biglang nagsalita. Tumayo agad ako at hinanap sa paligid kung sino ito.
Nakita ko naman agad siya at si Teacher Sheina ang tumambad sa paningin ko.
"Teacher Sheina?" Tawag ko sa kaniya. Nakangite naman siyang lumapit sa akin.
"Mister Avalo, hard working idiot." Sabi niya.
Napansin kong sobrang lungkot ng mukha ni Teacher Sheina. Magang-maga nga ang mga mata nito, siguro sa kakaiyak.
Napapa-isip tuloy ako kung anong kinahinatnan ng paguusap nila ni boss.
"I've been looking for you, dito lang pala kita mahahanap...anyways, I'm here to help you out...I guide your training." She suddenly announced.
Napanganga naman ako. "S-seryoso ka ma'am?" Tumango naman siya sa tanong ko.
Nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha, naging seryoso ito.
"You're weak...Shannon doesn't need weaklings to accompany her. Nagawa mo nang makaharap ang isang tauhan ng Don, nasaksihan mo kung gaano sila kalakas. Kaya, you will only get in her way if you'll continue having the same strength you have. I am here to help you out, no one asked me to do it, I'm doing this for Shannon's sake. So play along."
Dahil malakas si Teacher Sheina, at isa pa siyang dating Adventurer, tinanggap ko ang kaniyang pahayag at nag-ensayo ako sa kaniyang tulong.
I can't disappoint boss. I'm not going to be a weakling, I want to proved to myself I'm worthy.
*****
Gemmalyn Baldonado Point Of View
The new life we have is good...we are renting in the same inn, Sheina Barsley was renting. Binigyan kami ng trabaho ni Shannon Petrini, nagta-trabahao kami ni Isda sa isang bentahan ng bigas. Si Johnbhel naman na tamad ay nanatili sa inn, siya ang naglilinis, at gumagawa ng mga gawaing bahay sa kwarto na nirerentahan namin.
I don't like that idiot's laziness but I can't leave him behind especially today, it's been 54 years since the last time we lived here in this city, wala nang kamag-anak si Johnbhel na mag-aalaga sa kaniya. Kahit na tamad siyang mag-trabaho para kumita ng pera, marami paring magandang bagay patungkol sa kaniya.
Maayos naman ang trabaho namin sa lugar na aming pinagtratrabahuan ngunit si Isda ay malungkot, malungkot siya dahil hindi pa siya binisita kahit isang beses sa inn na tinutuluyan namin ng kaniyang nakilalang lalaking itinuring niyang ama na si South Avalo. Pupusta ako na hindi alam ni South Avalo kung saan nagrerenta si Isda, malamang wala ding panahon para sa pagbisita si South dahil, malamang, matindi ang naging impact sa kaniya ng nangyari na labanan para mag-ensayo ito...kawawang Isda.
Natapos na ang shift namin ngayong araw, nagpa-alam kami ni Isda sa owner na si Zayn Erwan at katrabaho namin na si Rialyn Madzua na sa second floor ng gusali nakatira.
Silang dalawa ay mga miyembro ng Havoc Gang. Business Manager yata ng Gang si Zayn habang si Rialyn ang Vice President. Siyempre dahil sumali na kami sa kanila, miyembro na din kaming tatlo.
Dumiretso agad kami ni Isda para umuwi ni sa inn na aming tinutuluyan. Siyempre bumuli muna ako ng pasalubong para kay Johnbhel. Ang paborito niyang pagkain na polvoron.
Pagbukas ko ng pinto nang makarating na kami ni Isda sa kwarto sa inn na aming nirerentahan, tumambad agad sa amin si Johnbhel na mahimbing na natutulog sa sofa. Tulo laway pa.
"Tignan mo ang loko, ang sarap ng buhay!!" Sabi ko na lumakad papasok sa tinutuluyan namin, lumapit ako kay Johnbhel at hinila ko ang kaniyang ilong. "Gising 'Bhel' may pasalubong ako sayo!!" Natutuwa na sabi ko sa kaniya.
Nagising naman siya at nasaktan sa ginawa ko kaya itinigil kuna at ini-abot sa kaniya ang plastic bag na naglalaman ng polvoron. "Ano 'to ate?" Tanong niya sa akin.
"Paborito mo Bhel...haha... polvoron." Natatawa na sabi ko. Agad naman siyang nag-pout nang malaman ang laman ng plastic bag na hawak niya.
"Ate!! Why are so harsh on me?" Nakasimangot na sabi niya sa akin.
The truth is, he started hating polvoron after the break up between him and his ex girlfriend. Because the bitter experience he suffered has surpassed the sweet taste of an polvoron.
"Kainin mo na lang. Tarantado ka ang tagal na panahon na ang lumipas 'dika parin maka-move on? Tolongges lang ang peg?" Katwiran ko naman sa kaniya.
Umigham naman bigla si Isda na hindi naman halata sa mukha nito ang inis.
"Harutan pa...magluto na tayo ng makakain natin para hapunan, Malyn." Saad niya sa akin.
Napakamot naman ako sa aking kilay. "Ikaw na muna mag-luto ngayon Isda. Lalabas kami ni Johnbhel ngayon eh, pag-dating namin kakain na lang kami. Wag kang mag-alala, bukas ako naman magluluto."
"Lalabas tayo?"
"Lalabas kayo?" Sabay na sabi nilang dalawa sa akin na nakakabingi.
"Oo lalabas tayo Bhel." Seryoso kong sabi kay Johnbhel. "Pasensya kana Isda, importante ang lalakarin namin." Sabi ko naman kay Isda.
"Unfair!! Bakit hindi ako isasama? Tangina, 72 years old na kayo. You will still do dating?"
"Watch your mouth you idiot. We're trapped in the labyrinth so our youth was intervene. So now that we have a chance, we will redo and enjoy the life of being a young adult. Isa pa, I'm not going to date Johnbhel. He pretty much know the reason why. May importante na bagay patungkol kay Johnbhel akong nalaman kanina, kaya gusto ko siyang isama at nang ito'y kaniyang makita."
"Isama niyo ako!!" Hirit pa ni Isda pero lumapit ako sa kaniya at sinampal ko siya.
"Hindi pwede!!" Madiin na sabi ko.
Nagmadali naman akong tumakbo sa may pinto at kumaway kay Johnbhel na siyang naintindihan naman ang ibig kong sabihin. Sumama siya sa akin. Iniwan namin si Isda na umiiyak...kapag umuwi si Sheina ay bahala na siyang magpatahan kay Isda kung maabutan niyang umiiyak ito. Katabing room lang naman kasi namin si Sheina.
*****
I'm skipping while Johnbhel is walking with his shoulder down. Mukhang naiinip na ang loko dahil medyo mahaba na din ang nilakad namin.
"Ate, saan ba tayo pupunta? Nakalimutan ko pang dalhin ang Sacred Treasure ko, baka mapalaban tayo."
"Sira ka talaga. Alisin mo na ang Labyrinth mentality mo, malaya na tayo..." Saad ko sa kaniya.
"Dinala mo ba dagger mo?"
"Oo naman. Nakasuksok sa belt na nasa hita ko."
"Oh kita mona, dala mo Sacred Treasure mo ako hindi."
"Po-protektahan naman kita eh."
"Ngekngek mo Malyn!!" Naiinis na siya. Dahil tinawag niya ang palayaw ko imbis na ang uswal niyang pagtawag ng ate sa akin. Engot kahit na matanda siya sa akin ng dalawang buwan ako ang tinatawag na ate.
"Kalma. High blood kana niyan?"
"Hindi naman." Sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin.
Nagbitiw ako ng buntong hininga. "Johnbhel, kanina mayroong bumili na isang matanda. Guess what?"
"Ano?"
"Hayst...may suot yung matanda na bumili kanina ng dalawang sako ng bigas sa pinagta-trabahuan namin ni Isda. Isang kwintas na pamilyar sa ating dalawa. Ako gumawa ng kwintas na 'yun eh...regalo mo sa syota mo nuon bago tayo i-trap sa balo nung mga hunghang na bullies natin, and surprisingly, yung balon ay isa palang entrance papasok sa labyrinth." Magpaliwanag ako sa kaniya.
He was shocked. As in, laglag panga. Nawala ang kaniyang pagkainis. "A-are you sure?" Malumanay na sabi niya. Tears started to flood his eyes, he's about to cry.
"Hey my crybaby bestie, don't cry on me now." Saway ko sa kaniya. Tumalikod naman siya agad sa akin at ginamit ang kaniyang braso na pampahid sa kaniyang mga mata. He's so obvious...
"I see...she's still alive...why is she still alive? That fucking slut!!" He suddenly got angry.
Natawa naman ako. "Hoy, siraulo ka talaga. Ibang klase din ang ka-toxican mo Bhel...but deep inside alam kong nagagalak kang malaman na maayos ang kalagayan ng babaeng minsan naging kalahating bahagi ng puso mo." After I said this, he pouted.
"Ate, 'yun ba ang dahilan kaya mo ako inaya na lumabas?" Tanong niya. Wow, nasa mood na ang loko.
"Oo naman. Sinundan ko kaya kung saan nakatira yung matanda na nakita ko kanina. Dadalhin kita doon baka kasi gusto mo siyang makita kahit isang beses man lang."
"Nah, I'm not going to meet her again. I don't want to feel extreme emotions now, Gemmalyn." He said. "Let's hang out since we're already outside!!" Hinawakan niya ako bigla sa may pulsuhan at tumakbo kaming dalawa.
"Saan mo ako dadalhin?"
"Kahit saan!"
"Gago, ayan ka na naman sa trip mong on the spot."
"Hehe...you really know me well, ate." Pumikit siya matapos magsalita.
It's so good to have a positive vibe bringer to me...he's my comfort and is always the one who brings my heart into a human.
Itutuloy.
*****
Character Profile 2 ; Havoc Gangsters' Height
Shannon Petrini - 5'6 feet
Senju Fanah - 5'3 feet
South Avalo -6'2 feet
Rialyn Madzua - 5'8 feet
Zayn Erwan - 6'0 feet
Rum Costco - 5'7 feet
Gemmalyn Baldonado - 5'2 feet
Johnbhel Santiago - 5'4 feet
Devorah Sullivan - 5'6 feet
Alena Waiters - 5'5 feet
Meryl Davis - 5'4 feet
Tinzel Zacha - 5'6 feet
Que Zickayn - 5'7 feet
Moon Bay - 5'7 feet
Frosh Beelze - 5'6 feet
Star Voided - 5'7 feet
Sorry for the typo errors of the story. I know there are lots of it...Sorry if I'm so hasty to post sometimes that I am forgetting to check my spellings, grammars and typos first.