Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 62 - Chapter 61 - Senju Wake's Up, South Versus Sheina

Chapter 62 - Chapter 61 - Senju Wake's Up, South Versus Sheina

Shannon Petrini Point Of View

After many weeks, ngayon lang ako nagkaroon ng free time dahil naging abala ako sa pagsasanay. I'm trying to achieve the Full Magic Potency of my magics. Hinanap ko ang bahay ni lola Shammalyn, ang babaeng tumulong sa akin noong matalo ako ni Don Nervoz sa unang paghaharap namin dito sa bayan ng Palkia. Si lola Shammalyn ay dating miyembro ng sikat na gang ng 'Mary Mchavoc Gang' kung saan ang great-great grandauntie ko ang leader nila, at siya ding naging basehan ni papa para sa pangalan ko. We have the same name of Mary Mchavoc thanks to my father

Hindi naman ako nahirapan na hanapin ang bahay ni lola Shammalyn. Nang nahanap ko ito, kumatok agad ako sa pinto. Hindi naman nagtagal at mayroong nagbukas nito. Walang iba kundi si lola Shammalyn mismo.

"Hija...mabuti't napadalaw ka." Natuwa na sabi nito sa akin. Yumakap pa nga si lola sa akin.

"Oo nga po eh." Simpleng sabi ko naman.

"Halika pasok ka...magkwentuhan tayo." Pag-aya niya sa akin na pumasok sa loob ng kaniyang bahay.

Pumasok naman ako at sumunod sa kaniya papunta sa underground basement ng kaniyang bahay dahil kasalukuyan na gumagawa si lola ng mga Healing Potion na hindi naman gaanong kalakasan. Kailangan din kasi ni lola Shammalyn ng pagkakakitaan para magkaroon siya ng panggastos at mabuhay.

"Kamusta ang mga binigay kong Sacred Treasures sayo?" Napalunok ako sa kaniyang itinanong. Pinagpawisan akong humarap sa kaniya.

"About that..."

"I knew it. Nasira ang mga ito." Sabi naman niya na mukhang alam na niya ang mangyayari sa dalawang kwintas na ibinigay niya sa akin bago niya pa man ibinigay sa akin ang mga ito.

Nawasak ang mga pendant ng mga kwintas na ibinigay ko kina Senju at South dahil sa matinding pakikipaglaban nila sa mga kalaban. Since their Stage Ranks are not qualified for the Sacred Treasure, the necklaces broken for over usage with lacking mana.

"Pasensya na po, hindi ko nagawang ingatan ang mga kwintas."

"Don't worry about it. There are things that are meant to be broken especially weapons that are used in battlefield. Hindi mo yata dala ang espada mo?"

"Nawasak po sa pakikipaglaban ang espada ko. Itong bagay na ito na lang ang nakikita ko." Tugon ko naman agad sa tanong sa akin ni lola Shammalyn sabay turo sa may ibabaw ng ulo ko.

"I don't see anything." Sabi naman agad ni lola. I forgot that only I can see the Blade Of Despair.

Since my sword got broken, the Blade Of Despair lost it's vessel also. Now, it's just floating on top of my head and I'm the only one who can see it. The Blade Of Despair stayed with me because our contract is not over. It could only end with me ending it or my life was over. Blade Of Despair is the only sword that is intangible and possesses other swords to make it it's vessel and make it sharper and tougher.

"Pasensya na po lola." Sabi ko naman agad kay lola Shammalyn na ngumite sa akin.

"Hindi talaga ako bibiguin ng mga Mchavoc...nagawa mong talunin ang kalaban na walang kahirap-hirap kang tinalo sa unang paghaharap niyo."

"Naka-tsamba lang po ako lola. Kaya nga po ako nagpapalakas pa, para sa susunod, hindi na tsamba, kumpletong panalo na ang makakamit ko."

"Ganiyan din noon ang boss ko. Kung nabubuhay parin iyon hanggang ngayon hija, para kayong kambal."

*****

Third Person Point Of View

Araw ng Sabado, walang pasok sa Academy. Hindi parin tapos ang training session ni Sheina kay South. Kahit na nalimitahan nang husto ang pagsasanay dahil sa pumapasok na ulit si South sa Asteromagus Academy.

"Let's fight for real, South Avalo." Ito ang narinig ni South mula kay Sheina pagkarating na pagkarating ni South sa kagubatan, kung saan sila nageensayo.

"Hah? Bakit naman kailangan nating maglaban?"

"To test how far have you gotten stronger." Tugon naman agad ni Sheina kay South. Nag-channel agad si Sheina ng magic at dumaloy ang mana sa kaniyang katawan. Namuo ang hangin sa paligid malapit sa katawan nito.

"Mukhang kailangan ko ngang lumaban..." Napilitan na sabi naman ni South na nag-channel na din ng magic at dumaloy ang mana sa kaniyang katawan. "I won't hold back teacher Sheina, this is a test of progress right?" Paalala pa ni South. Unti-unting nagbago ang kaniyang anyo. "Plant Gear-" Hindi pa tapos mag-transform si South ay sumugod na si Sheina na nagkaroon ng hangin na sapatos.

"Wind Creation Magic, Booths Of Zephyr." Bigkas ni Sheina sa kaniyang spell na ginamit. Pinapabilis ang pagkilos at pinapaliksi nito ang katawan ni Sheina.

Nagawang masipa ni Sheina si South sa sikmura at tumilapon ang lalake. Bumangga pa sa maraming mga puno na nagkaba-bali si South.

Sa pagbangon ni South mula sa pagbagsak, nakita niya si Sheina na tumalon ng mataas at nag-ipon ng malakas na pwersa ng mana. Nagpakawala ito ng isang malaking buhawi kay South.

"Plant Gear, Cactus Moving Statue." Mabilis na nag-activate ng spell si South at ginawang pareho sa isang cactus ang kaniyang buong katawan. Nagpakawala siya ng maraming mga spikes na sumalubong sa buhawi ngunit walang naging epekto ang mga ito.

Tinamaan si South ng buhawi at nagkasugat-sugat ang kaniyang katawan.

Nawalan din siya ng malay dulot ng pagtama ng buhawi sa kaniya.

Umiling naman na bumaba malapit kay South si Sheina. "Why did he chose that transformation? I'm pretty sure he has something else good and he mastered to use." Sabi ni Sheina sa hangin. Ginamit niya ang kaniyang hangin para buhatin si South at mabilis na dinala sa malapit na hospital, sa loob ng bayan ng Palkia. "Bakit koba ginawa na tulungan ang lalaking ito na magpalakas dahil lang sa muntik na akong mabisto ni Mary?" Tanong muli ni Sheina sa hangin.

*Mini Flashback*

Sa opisina ng headmaster ng Asteromagus Academy, tumutulong si Sheina kay Headmaster Rodeo sa pag-stamp ng napakaraming mga dokumento...naantala ang kanilang ginagawa sa pagpasok ni Shannon. Gumamit ito ng Fire Magic para wasakin ang pinto ng headmaster's office.

"W-what do you think you're doing Mary?" Hindi makapaniwala na sabi ni Sheina kay Shannon na masama ang tingin.

Agad na lumapit si Shannon sa kaniya at hinawakan ng mahigpit sa mga balikat nito si Sheina. "Hoy, sagutin mo ako...bakit wala akong alam patungkol sa Grace and Aces? I found Giftia, and yet I don't recall my memory about the Grace And Aces...the circle that has 9 pie divisions on my back palm has now 4 pies that are colored with 4 different colors. It is because I already met 4 of the Aces...may kinalaman kaba dito?"

Napalunok si Sheina sa kaniyang narinig mula kay Shannon. "Wala, akong kinalaman sa sinasabi mo. Baka nakalimutan mo lang talaga."

Binitawan ni Shannon ang balikat ni Sheina. "You're not my enemy right?" Naninigurado na malamig na tanong ni Shannon kay Sheina na ngumite.

"I'm always on your side Mary. Whatever happens in this accursed land, no one else can grant you the most loyalty you can get than me." Madiin na sabi naman ni Sheina kay Shannon. (It's not the right time to know about it yet...Grace And Aces, Nova Chrono and Mikey, you're not yet ready to know about them.)

Matapos pakinggan ni Shannon ang paliwanag ni Sheina, umalis ito agad. Napatapik sa kaniyang noo si Headmaster Rodeo dahil winasak ni Shannon ang pinto.

*****

Samantala sa kabilang banda naman, sa loob ng Palkia City, bumisita si Rialyn kay Senju sa hospital kasama si Rum na tapos nang gawin ang artificial leg para kay Senju.

Sa kanilang pagdating sa kwarto, agad na ginawa ni Rum ang dapat niyang gawin. Ikinabit niya ang artificial leg, idinugtong niya ito sa putol na kaliwang binti ni Senju.

"It's done. He will be very surprise when he wakes up and find out that I made an artificial leg for him." Anunsyo ni Rum.

Napangite naman si Rialyn sa kaniyang narinig. "Ang bait mong kaibigan, Rum." Papuri ni Rialyn kay Rum na napakamot sa kaniyang likuran ng kaniyang ulo.

"Hindi naman...nga pala, pahinge naman kahit isang mansanas lang sa dala mong basket ng prutas."

"Loko ka...pero sige..." Saad ni Rialyn na kumuha agad ng isang mansanas sa basket at hinagis ito kay Rum.

Nasalo naman ito ni Rum at agad na kinagat.

"Hoy hugasan mo muna yan!"

"Nah, hindi ako magkakasakit dahil lang hindi ko ito hinugasan. Idiots don't get sick." Hindi pa tapos nguyain at ilunok ni Rum ang parte ng mansanas na kinain niya kaya nabulunan siya.

"Ayan nabulunan ka tuloy, haha." Tinukso siya ni Rialyn.

"T-tubig..."

"Oh." Inabutan siya agad ni Rialyn ng dala din niyang bote ng tubig na nasa basket.

Agad naman itong tinanggap ni Rum at uminom. Nakahinga siya ng maluwag matapos mailunok ang kaniyang kinain dahil sa tubig. "Thanks, that save my life." Sabi pa ni Rum. "Nga pala, bakit may dala kang prutas? Hindi pa naman siya gising. Masisira lang ang mga 'yan."

"Napanaginipan ko si Senju kagabi, sa panaginip ko gising na siya. Kaya naisipan kong dalhan na din siya ng prutas na pampalakas sa pagbisita ko sa kaniya."

"Ang thoughtful mo." Papuri naman ngayon ni Rum kay Rialyn.

"Siyempre 'no. Para sa akin, matalik ko na kaibigan lahat ng miyembro ng Havoc Gang."

Nag-blush si Rum sa kaniyang narinig. "Wow...such amazing words, amazing words...indeed."

"You guys are becoming cheesey. South will get jealous." Nagulat ang dalawa sa kanilang boses na narinig na nagsalita.

"That voice..."

"That Ultima trap voice..." Sabay na sabi nina Rialyn at Rum na napa-lingon sa nakahiga sa hospital bed na si Senju.

"Yoh! I'm finally awake." Binati ni Senju ang dalawa na napasigaw.

"Senju!! Mabuti naman at gising kana!!" Sigaw ni Rialyn na natuwa nang husto.

"Mabuti na man at gising kana, pekeng babae." Reaksyon naman ni Rum.

"Sinong pekeng babae?" Inis naman na angal ni Senju kay Rum.

"Ikaw sino paba, loko." Katwiran naman ni Rum.

"Kagigising lang, kalokohan agad ang trip mo..." Saad ni Senju.

"He's just grateful for you, because you've finally came to your consciousness." Sabat naman ni Rialyn sa kanilang usapan.

Napangite naman si Senju at ini-upo ang kaniyang katawan. Naramdaman niyang mayroong nakalagay na bagay sa dapat ay putol niyang kaliwang binti. Hinawi niya ang kumot at nakita ang perpektong nakalagay na artificial leg na ginawa ni Rum para sa kaniya.

"This is...it's for real?" Hindi makapaniwala na sabi ni Senju sa kaniyang nakita.

"Ako gumawa niyan. Para makalakad ka parin...siyempre para narin hindi ka malungkot at hindi isipin na baka ma-bully ka dahil wala ka ng isang binti."

"Salamat Rum." Hinimas-himas ni Senju ang artificial leg na mayroon siya. "With this, thinking negatively about losing an leg will not last long."

"Hindi mo naman kailangan na ma-down sa pagkawala ng binti mo. Hindi mo din naman deserve na mawalan ng binti...pero ibinigay mo ang lahat nang makakaya mo para pataubin ang kalaban hindi ba?" Pagpapalakas naman ni Rialyn sa loob ni Senju na nagsimula ng maging malungkot ang ekspresyon.

"You're still you Senju, wether you use one limb or two, you're still you. You as the person I know, I talk with, I hang out with won't change." Sinubukan ding palakasin ni Rum ang loob ni Senju. Matamis pa nga ang ngite nito. Subalit, napalitan kaagad ito ng pagkainis. "Kaya huwag kanang sad boy malala!!"

"I-I'm not..."

Itutuloy.