Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 56 - (Labyrinth Incident Arc End) Chapter 55 - Final Showdown In The Labyrinth

Chapter 56 - (Labyrinth Incident Arc End) Chapter 55 - Final Showdown In The Labyrinth

Third Person Point Of View

Tuluyan ng naubos ang Nuclear Energy na nasa kamay ni Don Nervoz. Inis ito dahil hindi niya napaslang sina Senju at South na maganda ang ipinakita na team work laban sa kaniya.

"Now I need to wait more long years to recharge a strong amount of Nuclear Energy...pests!!" Inis na sabi ni Don Nervoz sa hangin habang nakatingin kina Senju at South na nasa di kalayuan. Kalaunan, inactivate ni Don Nervoz ang spell niya sa kaniyang mga dalire na naging mga techno-syringes, na makakapal ang karayom. Aktibo parin ang mga umaapoy na tambutso sa likuran ng Don.

Sumugod siya ng mabilis ulit kina Senju at South na nakahanda sa anumang gagawin ng Don.

Sa akmang pagtusok ni Don Nervoz sa kaniyang mga syringes na dalire kay Senju, mabilis itong tumalon palayo sa Don, habang nasa ere ay bumuo ito ng mga maliliit na apoy na kaniyang pinasugod sa Don. Hinawi lamang ni Don Nervoz ang mga apoy na sumugod sa kaniya.

Bigla naman sumulpot sa kaniyang gilid, sa kanan nito si South na ang braso ay naging katawan ng isang halaman at naging isang bulaklak na hindi nakabukadkad ang kaniyang kamay.

"Poison Flower, Dust Explosion!" Bigkas ni South sa spell na kaniyang ginamit sa pagsuntok sa mukha ng Don subalit nagawa nitong umilag at tinusok sa tagiliran nito si South ng kaniyang mga syringes na kamay.

"Corruption!!" Bigkas ng Don sa kaniyang ginawa kay South na biglang namilipit sa sakit at natumba. Sa pagtumba ni South sa sahig ay sinipa siya ng Don nang malakas dahilan para tumilapon si South at bumangga sa mga debris na nakakalat sa paligid. Agad itong sinundan ng isang malakas na pagtapak ng Don sa tiyan ni South sa pagsunod ng Don sa kinaroroonan nito.

Muli pa sanang tatapakan ni Don Nervoz ang tiyan ni South nang siya ay sugurin ni Senju na gumawa ng dalawang pole na gawa sa apoy sa kaniyang likuran.

"Pole Of Destruction!" Bigkas ni Senju. Gumalaw ang mga pole na ginawa na animo'y mga kamaong sumusuntok kay Don Nervoz.

Mabilis na binago ni Don Nervoz ang kaniyang kamay sa isang robotic na chainsaw at hiniwa ang mga poles ni Senju. Mabilis siyang sumugod kay Senju kalaunan, sa kaniyang paglapit ay winasiwas niya ang kaniyang chainsaw na kamay.

Binalutan ni Senju ng pinatigas na apoy ang kaniyang mga paa. Umilag siya sa bawat hampas ni Don Nervoz ngunit hindi nito magawang sumipa, bilang pag-atake. Hanggang sa isang maling pag-galaw, nahiwa at naputol ng Don ang kaniyang kaliwang paa dahilan para si Senju ay bumagsak sa sahig at ininda ang sakit. Umagos mula sa sugat ang kaniyang masaganang pulang dugo na siyang kina-aliw ng Don.

"Now I'll slice you in half." Sabi ni Don Nervoz na itinutok, dalawang pulgada ang layo sa noo ni Senju ang chainsaw nitong kamay. Ilang saglit ang lumipas ay itinaas niya ang kaniyang kamay at mabilis na ibinaba para lagariin si Senju sa gitna ng ulo hanggang sa ibaba ng katawan upang hatiin ito sa dalawa.

Hindi nagtagumpay ang Don sa kaniyang gagawin dahil bigla na lamang siyang sinuntok nang humawak sa kaniyang balikat na si Shannon na nakabalot ng Inflicter Magic ang kamao. Tumilapon palayo ang Don dahil sa suntok nitong natanggap.

Masyadong naging abala ang Don kina Senju at South, nakalimutan nitong si Shannon ay binigyan ng dalawa ng potion para pagalingin ang malalang kondisyon nito. Ngayon, muling nakabangon si Shannon at handang-handa nang harapin ulit ang Don.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa mga kaibigan ko?!" Sigaw ni Shannon. "Ayos ka lang, Senju? Your injury is fatal, you should take a rest and stop the bleeding, I'll finish this quick and we'll get out of this place to heal that."

Sa narinig, hindi pumayag si Senju na kaawaan siya ng kaniyang boss. Gumawa siya ng apoy na paa bilang kapalit sa bahagi nitong naputol ng Don. "I'm fine, kaya ko pang lumaban boss. Gamit ang paang apoy na ito, kahit papaano, naisara ko ang sugat." Paliwanag ni Senju kay Shannon.

Umiling si Shannon sa kaniyang narinig. "Ako na ang bahala dito." Anunsyo naman ni Shannon kay Senju.

"Pero kailangan mo ang suporta namin boss...masyado siyang malakas."

"It will somehow work...I'll find a way."

"No boss, I'm helping you out." Pagpupumilit naman ni Senju.

Habang nag-uusap sila, si South na namimilipit sa sakit dahil sa ginawa ni Don Nervoz ay nilapitan ni Isda.

"Papa, anong nangyayari sayo." Malungkot na sabi nito kay South.

Nangitim nang husto ang katawan ni South at unti-unting lumitaw ang mga ugat sa katawan ni South.

Nagsimulang umiyak si Isda dahil alam niyang wala siyang magagawa. "Papa!!" Sa pagsigaw ni Isda ay napa-lingon sina Shannon sa kinaroroonan nito.

Agad silang nagpunta ni Senju at nakita ang sitwasyon ni South.

"South!!!" Sigaw ni Senju.

"What did that damn Don do to him?" Tanong naman ni Shannon. Pumulot si Shannon ng debris, ginamit niya ang kaniyang Fire Magic at ginawa niyang isang pamalo ang pinulot niyang debris(inukit). "Dimensional Slash Magic, Spell Thrust Ejection!" Bigkas ni Shannon sa kaniyang Magic na ginamit sa kaniyang hawak at idinikit ito sa dibdib ni South. Hindi nagtagal, unti-unting bumalik sa normal ang katawan ni South at napadilat ito sa gulat.

"Nawala ang sakit." Gulat na sabi ni South. Kaagad siyang bumangon. Yumakap sa kaniya si Isda.

"Papa..."

"Papa?" Gulat na sabi naman ni Shannon.

"South made a friend in this labyrinth, a friend that have no clothes." Sabi naman ni Senju, na mayroong halong pang-aasar kay South.

"She's my newly adopter daughter. She's a child brain girl, boss." Paliwanag naman ni South.

"I see..." Napaisip na sabi ni Shannon. Tumalikod din siya kalaunan kina South at lumingon sa kinaroroonan ni Don Nervoz. "All is good, if we destroy this trash." Sabi ni Shannon sa kaniyang mga kasama. Malakas na mana ang dumaloy sa kaniyang katawan. Ramdam nina Senju at South ang pambihira na aura ni Shannon.

Samantala, si Don Nervoz naman ay  aminado sa kaniyang sarile na kapag nagtipid pa siya ng mana sa puntong ito, matatalo siya dahil isa lamang siya at marami ang kaniyang mga haharaping kalaban.

"You may be able to return, but nothing will change, Shannon Petrini. I will prevail, because I'm stronger than you. I will finish you for good along with your damn friends. Pag-eeksperimentuhan ko ang utak mo, para makuha ko ang lokasyon ng Giftia!!" Anunsyo ni Don Nervoz. Gaya kay Shannon, malakas na mana din ang kaniyang pinadaloy sa kaniyang katawan at malakas ang aura niya ay humalo sa aura ni Shannon na bumalot sa buong lugar.

Sa naramdaman nina Senju, South at Isda ay napalunok sila.

Binalutan ni Shannon ng naghalong Apoy, Inflicter, at Energy Manipulation ang kaniyang kanang kamay. Muli ding ginamit ni Shannon ang kaniyang 'Monster Blood Drinker, Demon Form' at siya ay nagtransform sa isang Demon. (This is the first time I was cured by an absolutely perfect healing potion. Not only it healed my wrecked body, it also regenerate my mana that I used up earlier.) Mangha na sabi ni Shannon.

Gamit ang pakpak niya ay lumipad siya palapit sa Don. "Show me how vast really is your mana...I'm not going to lose against you for thrice!!" Madiin na sabi ni Shannon.

"Humanda ka..." Sabi naman ni Don Nervoz na nagliwanag ang buong katawan. Kalaunan ay unti-unti itong lumaki at naging katawan ng isang robot. "Transformer Mecha Nervoz!!" Bigkas ni Don Nervoz sa kaniyang pambato na spell laban kay Shannon.

Ang mga mata na mayroon si Don Nervoz ngayon ay kayang tumira ng malalakas na laser beams. Ang kaniyang balikat ay nagkaroon ng mga missile launcher. Ang kaniyang nag-iisang kamay ay naging grinder na sobrang bilis ng pagikot. Ang likuran naman ng kaniyang mga binti ay mayroong mga tambutso na nag-aapoy, ito ang tumutulong sa kaniyang mabilis na pagkilos.

"You sure become big suddenly, trash." Reaksyon ni Shannon.

Saglit silang nagtitigan, makalipas ang ilang sandali ay sumugod sila ng sabay sa isat-isa. Ipinang-suntok ni Shannon ang kaniyang kamao na balot ng tatlong ibat-ibang magic habang hinampas naman ni Don Nervoz ang kaniyang grinder na kamay sa kamao ni Shannon.

Sa salpukan na naganap, malakas na impact ang naramdaman nina Senju at South dahil sa hangin na malakas na naidulot ng atake nina Shannon at Don Nervoz.

Sa sabayan na naganap ay nagapi ang grinder na kamay ni Don Nervoz at nawasak. Napa-atras siya ngunit mabilis na nagpakawala ng sunod-sunod na mga missiles sa launchers na nasa kaniyang magkabilang balikat.

Target lock ng mga missile si Shannon na lumipad sa ere at nagpatintero sa himpapawid sa paghabol ng mga missile sa kaniya.

Ilan sa mga missile ay tumama sa kisame kaya naman nagkaroon ng pagsabog ay maraming debris ang nahulog sa sahig.

"Gravity Magic, Gravitational Force!!" Nagactivate si Shannon ng kaniyang isa pang Magic at pinababa sa sahig ang mga missile.

Sumabog ang mga ito sa ibaba. Hindi naman makapaniwala sina Senju sa ginawa ni Shannon. Gumawa agad si South ng mga halaman na prumotekta sa kanila mula sa pagsabog. Tumulong din si Isda sa paggawa ng barrier, gamit ang kaniyang tubig na kapangyarihan.

Matapos namang pabagsakin ni Shannon ang mga missile, sunod siyang pinatamaan ng laser beam ni Don Nervoz.

Nakailag sa mga laser beam si Shannon at nakalapit ng walang hirap sa Don. Binalutan niya ng Dark Energy Manipulation ang kaniyang kamao na siyang nahulmang isang higanteng itim na kamao. Nilagyan din ni Shannon Gravity Force ang higanteng kamao at sinuntok ang Don sa mukha na siyang natumba sa sahig. Nagdulot ng paglindol sa lugar ang pagbagsak ng higanteng katawan ng Don.

"You sure exhausted yourself, Don Nervoz." Sabi ni Shannon sa nakatumba na Don.

"I'm not done yet." Saad naman ng Don na tumayo nang mabilis at dumistansya kay Shannon. "Transformer Mecha Nervoz Variant 1; Self Destruct Rocket Bomb!!" Sa sinabi ng Don ay mabilis ding nagbago ang kaniyang katawan. Naging isang malaking rocket na bomba si Don Nervoz. "I told you, I'm going to kill you!!"

Nanlaki ang mga mata ni Shannon sa kaniyang nakita. "You idiot! How can you experiment my body if you'll die also?" Tanong ni Shannon.

"Don't worry, this is my own spell. Even this is a self destruct attack, I will survive it!!" Matapos sagutin ang tanong ni Shannon ay sumugod ang rocket na katawan ni Don Nervoz kay Shannon.

"I won't let you kill my friends!" Nag-ipon ng malakas na pwersa ng Dark Energy Manipulation Magic si Shannon at gumawa ng higanteng itim na bola at doon ipinasok ang rocket na katawan ni Don Nervoz. Ibinuhos ni Shannon ang kaniyang buong mana para sa pagpapatatag sa itim na bolang kaniyang ginawa. Sumabog si Don Nervoz, nagawa man na malimitahan na sa loob lamang ng bola sumabog ang Don, naramdaman parin ang impact sa labas nito dahil lumindol sa silid at maraming debris ang nahulog, ang kisame.

Sina Senju, South at Isda ay nagulat sa mabilis na pangyayari...

"Boss!!" Sigaw ni Senju na nagalala kay Shannon sa ginawa nitong paglimita sa malakas na pagsabog.

"Don't tell me that, we came just here to witness her die?" Sabi naman ni South na napaluhod. "Why did we even borrowed the Sarimanok's mana for?"

*****

Ilang minuto matapos ang pagsabog, naglaho ang itim na bola na ginawa ni Shannon at lumabas ang usok na pinuno ang buong lugar.

Hinanap nina Senju, South at Isda si Shannon. Kahit na kalahating ligtas ito at patay na ang kanilang naiisip na kondisyon ni Shannon matapos ang pagsabog.

"Boss!!" Paulit-ulit na isinisigaw nina Senju at South ang pangalan ni Shannon.

"N-nandito ako!!" Nakaluwag sila sa paghinga nang sumagot din ito sa wakas. Tinungo nang dalawa ang kinaroroonan ni Shannon kung saan nila narinig ang boses nito na nanggaling.

Nakahiga ito sa sahig, ang buong katawan ay napaso nang husto ngunit dilat na dilat ang mata nito.

"Boss!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Senju na lumuhod sa tabi, sa may kanan ni Shannon. "Nanalo tayo!!" Dagdag nito.

"I'm glad..." Sabi naman ni South na ngumite sa kaniyang boss.

"That bastard, he really blew himself up. He's confident that he'll survive but he really did ended up dead..." Sabi naman ni Shannon na hindi natutuwa sa kaniyang panalo. "I almost had you two dead if I wasn't able to stop the explosion and limited it inside the 'Prison Ball Of Darkness'."

Naalala din agad ni Shannon ang mga huling sinabi ni Don Nervoz sa kaniya bago matapos ang pagsabog.

*Mini Flashback*

Nagawang limitahan sa loob ng bolang ginawa ni Shannon ang pagsabog. Binalutan din ni Shannon ang kaniyang katawan ng itim na enerhiya ngunit nakatamo parin siya ng matinding pagkapaso.

Habang tinitiis ang init, narinig ni Shannon ang boses ni Don Nervoz na naglaho na dahil sa pagsabog.

"Mukhang, masyado akong nakipaglaro sayo at hindi natantsa ang mana ko...pero, hindi pa tapos ang laban Shannon Petrini. Kahit ilang beses akong mamatay, makakabalik parin ako, dahil maraming reserbang mga naka-preserve na mga katawan akong nakatago sa aking teritoryo. Sa susunod na magharap tayo, hindi kana makakaswerte laban sa akin. Buong pwersa ko na din ang kakaharapin mo..."

"Wala akong pake. Pero, huwag mo nang ulitin na sugurin ulit ang Palkia para lang paslangin ako. Pupuntahan kita sa kinaroroonan mo, maghintay ka. May hawak kang compass piece alam ko, kukunin ko iyon sayo. Sundin mo ang gusto kong ito, dahil alam kong mataas ang pride mo, sigurado akong ayaw mong mabalita na natalo ka sa isang laban. Iibahin ko ang nangyari sa tenga ng masa, basta't manahimik ka lang sa teritoryo mo at hintayin akong sugurin kita at paslangin ng permanente, sisirain ko lahat ng mga katawang sinasabi mo!!"

*End Of Mini Flashback*

Akmang magsasalita sana si Senju nang bigla siyang makaramdam ng kakaibang pananakit sa kaniyang katawan. Napahawak siya sa kaniyang dibdib ng mahigpit at natumba sa mismong tiyan ni Shannon. Ganon din si South na lumuhod sa lupa, ngunit wala ng malay.

"W-what the hell is going on?" Nagtaka na sabi naman ni Shannon. Sinubukan niyang igalaw ang kaniyang katawan ngunit hindi na niya magawang gumalaw. "Hoy babae, anong nangyayari sa kanilang dalawa? Ayos lang sila diba?" Nagaalala na tanong ni Shannon kay Isda.

"Para mapagaling ka ng walang aberya gamit ang Healing Potion na ibinigay ng Sarimanok, hiniram nila ang mana nito para magawa nilang abalahin ang kalaban habang nasa proseso ka nang pagpapagaling." Paliwanag naman agad ni Isda. "Resulta nito ang nakikita natin ngayon. Hindi ako makapaniwala ngunit nagagalak na hindi nawasak ang kanilang mga katawan matapos mawalan ng bisa ang hiram na mana nilang dalawa na ginamit. Nawalan lang sila ng malay." Dagdag ni Isda.

Si Shannon naman ay bumuntonghininga.

"Hindi na ako makagalaw. Paano na 'to...huh? Teka? Nakita nila ang Sarimanok?"

"Late reaction? Nakita nila ang Sarimanok..."

"Wow!!" Tanging sabi ni Shannon na hindi makapaniwala.

Sa di kalayuan, bigla namang nagkaroon ng warp sa ere at iniluha nito sina Johnbhel at Gemmalyn.

Hawak ni Gemmalyn ang compass piece na siyang binabantayan ng Sarimanok. Lumapit ang dalawa kina Shannon.

"Pinapabigay ni Lord Sarimanok, pero sa kondisyon ng katawan mo ngayon, ako na muna ang hahawak nito." Sabi ni Gemmalyn kay Shannon.

"She have a white hair. A fellow Enigmatic Tribe member." Sabi naman ni Johnbhel kay Shannon. Na shock din si Shannon na makita si Johnbhel.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong naman ni Isda sa dalawa.

"Sarimanok has made his mind. Pakakawalan na niya kami, pati ikaw. Since the cause of this situation is South and his friends, after we get out of this labyrinth, we will join them... I want to see how the Gang that aims for peace and equality will execute such dream."

"You sure talk highly...but I guess, I'll accept you into my Gang if South and Senju will approved of you." Sabi naman ni Shannon kay Gemmalyn.

Hindi nagtagal, biglang narinig ng lahat ang boses ng Sarimanok na umalingawngaw sa paligid.

"What a reckless person you are...you got healed by my best Healing Potion to offer and yet you made yourself again messed up like that. Because of that, I think it's good that I will not meet up with you..." Sabi ng Sarimanok na si Shannon ang kinakausap. "You shall go outside of this labyrinth, there are people that can help you out treat your wounds, especially that pink haired 'Ace'." Matapos magsalita, nagliwanag ang mga katawan nina Shannon, Senju, South, Isda, Gemmalyn at Johnbhel.

Sa isang iglap lang, napunta sila sa tabi ng balon, na agad ding naglaho. Nagulat sina Headmaster Rodeo, Sheina at Imperial General Calcheese sa nakita nilang biglaang pagsulpot ng anim.

"Who are this people?" Sabi naman agad ni Gemmalyn sa kaniyang nakita. (They are all Stage 0.)

"I'm out!!" Sigaw naman nang labis na natuwa na si Johnbhel.

"This is the outside world?" Sabi naman ni Isda na napatingin sa maliwanag na buwan, dahil gabi na...

Napansin naman agad ni Shannon sina Sheina..."Sheina, tulungan mo sila..." Sabi ni Shannon kay Sheina na lumapit sa kaniya at inalis si Senju na nakahiga sa kaniyang tiyan.

"Oo, pati ikaw." Sabi ni Sheina.

"I like to ask what happened inside the labyrinth that it looks like disappeared...pero saka na kapag maaayos kana." Sabi naman ni Rodeo kay Shannon.

"It's been a long time Rodeo, may kailangan akong ipakiusap sayo. Mag-usap agad tayo kapag nagamot na ako." Sabi naman ni Shannon kay Headmaster Rodeo.

"S-she's really alive? With that gorgeous appearance as always." Reaksyon naman ni Imperial General Calcheese nang makita ng personal si Shannon at napatunayan na buhay pa nga ito gaya ng sinabi nina Sheina at Headmaster Rodeo sa kaniya.

Itutuloy...

Author's Note;

This is the end of the third arc of the story. The first and second arc where actually focused on the 'S-Trio'. I was actually planning to include Senju and South to the first arc but I felt like they will ruined and make Team Arsah, Star Voided, Nadare Setsuna's appearance pointless as they won't have roles to play in the arc because Senju and South will do it. Team Arsah and Nadare are vital characters in the upcoming arcs so I have to atleast give them screentime and of course, give guess to readers on what role will they play on upcoming events in the story.

I made Senju and South's fight against the Top 2 students of Asteromagus Academy not finished because I'm reserving what can Andrew Crimson and Mefisto do in the upcoming chapters to the future Havoc Gangsters(slight spoiler).