Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 53 - (Labyrinth Incident Arc) Chapter 52 - Shannon Petrini Versus Don Nervoz Winter

Chapter 53 - (Labyrinth Incident Arc) Chapter 52 - Shannon Petrini Versus Don Nervoz Winter

Third Person Point Of View

Sa pagpapatuloy ng laban sa pagitan nina Shannon at Don Nervoz sa labyrinth section na kanilang kinaroroonan na maraming mga naka-kalat na mga tipak ng bato...

"Gravity Magic, Lift." Pinalutang ni Shannon ang mga tipak ng bato na malapit sa kaniya at binato ang mga ito kay Don Nervoz.

Sa paglapit ng mga bato sa Don, gumamit ito ng spell, naging matatalim na chainsaw ang kaniyang mga kamay at hiniwa lahat ng mga tipak ng bato sa maliliit na piraso.

Sumugod si Shannon sa kaniya. Nakabalot ng apoy at Inflicter Magic nito ang espada. Iwinawasis niya ito sa kaniyang paglapit kay Don Nervoz. Si Don Nervoz naman ay binago ang anyo ng kaniyang kaliwang kamay pabalik sa dati ngunit sa palad nito ay mayroong butas na naglabas ng enerhiya. Binalutan niya ng enerhiya ang kaniyang kanang chainsaw na kamay at sinabayan si Shannon.

Sa pagtama ng mga talim ay nagkaroon ng pagsabog. Dahilan para silang dalawa ay tumilapon palayo sa isat-isa.

Sa pagtilapon ni Don Nervoz ay binago niya ang anyo ng kaniyang kanang kamay. Naging isa itong malaking cannon. "Solar Cannon, Solar Beam!" Malakas na solar energy ang kumawala mula sa kaniyang kamay na sumugod kay Shannon na kababawi pa lamang sa kaniyang balanse.

Tinamaan si Shannon ng solar energy, nagkaroon ng malakas na pagsabog na gumawa pa ng hukay kung saan naroon si Shannon.

Malaking bahagi sa gilid ng tiyan ni Shannon ang natanggal. Sa pagtayo ni Shannon na namilipit sa sakit, gumamit siya ng apoy para mapaso ang malubha na sugat niya at mapabagal ang pagdurugo.

"She's really persistent. Pretty sure some part of her organs where destroyed by that attack but she's still standing like nothing happen. Her 'will' is strong as fuck." Pag-obserba naman ni Don Nervoz sa ginawa ni Shannon.

Tumalon naman ng mataas si Shannon para lumabas sa hukay na ginawa ng pagsabog.

Nagpunta siya, sampung metro ang layo kay Don Nervoz.

(Damn, if got hit full body by that attack, I'm dead. Pero, hindi parin mababago ang katotohanan na, malala ang sugat na natamo ko, kapag naubusan ako ng mana, siguradong patay ako. Kaya, dapat ko din siyang masugatan ng malala kung hindi ko man siya mapapatay...) Reaksyon ni Shannon.

"Shannon Petrini, you are really breaking some records only the other Dons have made to me. Bukod sa kanila, ikaw lang umabot ng ilang minuto sa pakikipaglaban sa akin." Saad ni Don Nervoz.

"Don't make these analysis that I'm not interested with." Angal naman ni Shannon. "I'm not done yet..." Nagpokus nang husto si Shannon.

"Hmmm...let's see what you'll do next...?" Malapad ang ngise na sabi ni Don Nervoz.

Hinawakan niya ang sahig, gumapang paalis sa kaniyang kamay ang enerhiya na kumuryente pa. Kalaunan, umangat ang ilang bahagi ng sahig sa paligid niya. "This is the power of 'Full Magic Potency', Shannon Petrini!!" Anunsyo ni Don Nervoz.

Sa paglapit ng enerhiya sa mga umangat na bahagi ng sahig, nagbago ang anyo ng mga ito at naging mga robot na mayroong humanoid na anyo ng katawan. "Soldier Mecha!!" Bigkas ni Don Nervoz sa spell na kaniyang ginamit. "Destroy her!!" Binigyan niya ng utos ang mga robot na kaniyang ginawa.

Sumugod naman agad ang mga ito kay Shannon.

Umatake ang mga robot kay Shannon, umilag siya sa mga ito at lumayo. Hindi siya papayagan ni Don Nervoz na tumakas, kaya naman nag-activate uli ng spell si Don Nervoz, humiwalay sa braso nito ang kaniyang mga kamao na mala rocket na lumipad patungo sa kinaroroonan ni Shannon.

"That attack again?" Inis na sabi naman ni Shannon. Binalutan niya ng malakas na pwersa ng kaniyang Inflicter Magic ang kaniyang espada. Umilag siya sa mabilis na paglipad ng mga kamao sa kaniya at naka-timing na matamaan ang isa. Nagawa itong wasakin ni Shannon.

"What the hell..." Hindi naman akalain ni Don Nervoz na mababasa ni Shannon ang galaw at bilis ng kaniyang mga kamao. Pinabalik niya ang natitira niyang kanang kamao. (I can't regenerate my left fist using my 'Mechanical Restoration Spell' because of that Inflicter Magic!!) "Shannon Petrini, by destroying my fist, I won't gonna be able to use my Drought Spell...)

"Inflicter Magic, Supreme Slash!" Ibinuhos ni Shannon ang buong pwersa ng kaniyang Inflicter Magic sa espada nito at iwinasiwas. Nagkaroon ng malakas na pagsabog dahil dito na siyang sumira sa mga robot at gumawa ng malawak na hukay sa silid na kanilang kinaroroonan.

⟨⟨ Demon, I know you're watching from there. Listen, I need your help. ⟩⟩

⟨⟨ Stupid woman, use what you got from me, your opponent is real tough you know. I can't afford to die with you in here... ⟩⟩ Sa unang pagkakataon, narinig ni Shannon na kinausap siya ng Demon na nasa kaniyang isipan.

⟨⟨ TCH. With your frequent attempts of taking over my consciousness, like hell I will use your magic...ugh...forget it. I don't need your help, I can achieve it by myself, the Full Magic Potency. ⟩⟩

⟨⟨ Stupid... I won't take over your body for now...I promise...you need to survive after this battle...I can sense it, the aura of one of those idiots...it's irritating to know they are still alive... ⟩⟩

⟨⟨ Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo... ⟩⟩

Nagulat si Shannon nang bigla na lamang nagpakita mula sa kaniyang likuran si Don Nervoz. Mayroong mga tambutso sa likuran nito na naglalabas ng kakaibang naghahalong ibat-ibang kulay ng apoy na nagsisilbing booster nito. Hinablot ni Don Nervoz ang buhok ni Shannon at pinaghahampas sa sahig ang katawan ni Shannon ng maraming beses.

Nang magsawa na si Don Nervoz ay hinagis niya sa itaas si Shannon at mabilis na nag-activate ng panibagong spell. "Chest Nuclear Cannon!" Limitaw ang isang cannon sa dibdib ni Don Nervoz at nagpakawala ito ng malakas na Nuclear Energy.

(This is bad, Dimensional Slash Magic can only cut through mid-level spells but this high-level, it's impossible...) Nabahala na sabi ni Shannon sa kaniyang sarile. (I already used the power of Blade Of Despair, with this, I don't have any choice.) Sa paglapit ng Nuclear Energy ay nagbago ang anyo ni Shannon.

Nagkaroon ng itim na marka si Shannon sa buong katawan. Naglabas din ito ng dalawang pulang sungay sa ibabaw ng kaniyang ulo at tumubo ang manipis na itim na buntot sa may puwitan nito. Ang mga kamay at paa ni Shannon ay naging purong kulay itim.

"Dark Energy Manipulation, Dark Cocoon!" Binalutan ni Shannon ng itim na enerhiya ang kaniyang buong katawan.

Nagkaroon ng malakas na pagsabog sa paligid sa pagtama ng Nuclear Energy. Nawasak nito ng husto ang kisame sa lakas ng impact at nahulog ang hindi mabilang na debris pababa sa sahig na naapektuhan din. Ang ilang bahagi ng sahig ay nabuwal at  lumipad at bumangga sa mga debris na pabagsak.

Sa pagkalma ng nangyayari sa paligid, tinanggal ni Shannon ang kaniyang ginawang Dark Cocoon. Sumakit nang husto ang kaniyang ulo at nahulog sa mga debris na nasa ibaba.

"Aray!!" Sigaw ni Shannon sa sakit.

⟨⟨ Stupid woman!! You were able to handle your Demon form before right? Why are you being swallowed by that now? Sinasabi ko na nga ba, nagpapasikat ka lang noong iniligtas mo ang babaeng 'yon sa mga gangsters na umaalipin sa kaniya para takutin sila kahit na sa totoo lang, nahihirapan ka nang husto na kontrolin ang Demon Form mo!! Peste!! ⟩⟩ Muling kinausap si Shannon ng Demon.

"Tumahimik ka...kaya kong kontrolin 'to..." Pinilit ni Shannon na makatayo at tinapik-tapik ang kaniyang ulo.

Samantala, si Don Nervoz naman ay lumapit agad sa bumagsak na si Shannon at hinanda na ang panibagong spell nitong gagamitin sa kaniyang pag-atake. "I don't know what's going on with you, but you're annoying me extremely!!" Nagbago ang anyo ng kamay ni Don Nervoz. "My spells one by one are are used but are not working, enough to kill you...just how much do you intend to break the fighting records only my fellow Dons have set to me!?" Lumaki ng doble ang kamay nito at naging isang robotic arm na kumikinang. "Nuclear Puncher..." Aktibo parin ang mga umaapoy na tambutso sa kaniyang likuran. Mabilis siyang sumugod kay Shannon.

"Dark Energy Coating, Hell Sword." Agad namang binalutan ni Shannon ng malakas na pwersa ng itim na enerhiya ang kaniyang espada. Sa paglapit ni Don Nervoz ay hiniwa agad siya ni Shannon, kumawala ang malakas na energy slash na siyang sumira sa paligid sa harapan ni Shannon. Nagulat si Shannon ng biglang maglahong parang usok na nahipan ng hangin ang pigura ni Don Nervoz. Isa lamang afterimage na nalikha nang mabilis na pagkilos ni Don Nervoz ang nahiwa ni Shannon.

Lumitaw ang Don bigla sa kanan ni Shannon. Sa pagharap ni Shannon ay nasapak siya sa mukha at kumawala ang malakas na Beam na gawa sa Nuclear Energy. Nasira ang kalahati ng mukha ni Shannon, agad itong sinundan ng isa pang sapak ni Don Nervoz ngunit ipinangsangga ni Shannon ang kaniyang espada na siyang nasira ngunit nadala parin ng pwersa ng pagsuntok ni Don Nervoz si Shannon at tumilapon kasabay ang Beam na kumawala sa kamao ng Don. Hindi man direktang tinamaan, lahat ng mga buto sa katawan ni Shannon ay nagkapira-piraso na parang isang babasagin na basong nabasag.

Nakakatiyaya na humilata ang katawan ni Shannon na hindi na makagalaw. Unti-unti na ding nawawalan ng malay si Shannon.

⟨⟨ Gaano kaba katanga? Bakit Dark Energy Manipulation Magic lang ang ginamit mo?! Ganoon kaba katakot na mawalan ng kontrol sa sarile mo? What the hell...worthless Grace you are...revenge my ass...protect Giftia my ass...fight for equality and peace my ass...you are nothing but a pathetic hubris loser...now you're dying...going into the battlefield you are not sure if you can win or not and yet you didn't bring any healing potion...useless! Now I can't take over your consciousness because we're both going to die. ⟩⟩ Galit na pagsermon ng Demon kay Shannon na hindi nakasagot sa nilalang dahil ang kamalayan nito ay unti-unti ng napupunta sa kaluluwa nito.

Shannon Petrini laban kay Don Nervoz Winter, nanaig ang Don sa matinding labanan.

Itutuloy.