Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 54 - (Labyrinth Incident Arc) Chapter 53 - Heal The Boss

Chapter 54 - (Labyrinth Incident Arc) Chapter 53 - Heal The Boss

Third-person Point Of View

Dinis-able ni Don Nervoz ang kaniyang robotic arm na naglalabas ng Nuclear Energy.

Lumapit siya sa naghihingalo na katawan ni Shannon. "I've used up my nuclear energy that took me 3 long years to accumulate such amount...to think that you're even a 'Monster Blood Drinker', what more is of an Demon. You sure have so much going on with your body, Shannon Petrini...well, it'll be waste of mana to use another spell to do the final blow to you, you're pretty much dead...you won't last 5 minutes anymore. The only thing that keeping you alive right now, is your strong fighting spirit and mana. It's an honor fighting you...say my hi to Xebec my great friend."

Akmang uupo si Don Nervoz kaniyang kinatatayuan, nang bigla na lamang magkaroon ng warp sa harapan, malapit kay Shannon. Inilabas nito sina Senju at South na parehong gigil ang mukha.

"Walang hiya ka!!" Sabay na sigaw pa ng mga ito at mabilis na inatake ang nagulat at nahuli ang reaksyon na Don.

"Flare Power Kick!" Sinipa ni Senju sa dibdib nito si Don Nervoz habang balot ng apoy ang kaniyang kanang paa.

"Cactus Glove!" Naging pareho naman sa isang cactus ang kaliwang kamao ni South at sinapak sa mukha si Don Nervoz.

Matapos matanggap ang sabay na atake ng dalawa, tumilapon palayo si Don Nervoz. Sa kaniyang paglipad, maging ang mga debris ay lumipad at mas nasira sa mas maliit pang piraso.

"Enlarged Thorns." Ang mga tusok na nanggagaling sa cactus na kamao ni South na naiwan sa mukha ni Don Nervoz ay kaniyang pinalaki. Lumaki ang mga ito na siyang nagdulot sa ulo ni Don Nervoz para masira. Hindi naman nagulat si South na nabuo ulit ang ulo ng Don.

"Damn. So he can regenerate his head like a broken machine that can be repaired?" Reaction naman ni Senju.

"Pero mukhang ang mga pinsala sa katawan niyang nakuha niya mula sa boss ay hindi niya nagawa na pagalingin o ayusin, tignan mo, wala siyang isang kamao." Saad naman ni South.

"Oo nga 'no?" Nakumbinse sa sinabi ni South na sabi ni Senju.

"Where the fuck you bastards came from!?" Sigaw naman ng nainis na si Don Nervoz sa ginawa nina Senju at South sa kaniya.

Tumawa naman si Senju sa narinig sa Don at muli itong sinugod.

"We came from the labyrinth sections where your subordinates got their ass whooped by us. And this is a copy of your subordinate's robotic tentacle that I had faced." Natutuwa na anunsyo ni Senju kay Don Nervoz. "Flare, Tentacle Feet!" Gumawa ng sampung paa na gawa sa apoy si Senju sa kaniyang likuran. Humaba ang mga ito at sumipa kay Don Nervoz.

"Terminator 9 and Terminator 10 got beaten up by you?" Hindi makapaniwala na sabi ni Don Nervoz at natanggap ang mga sipa ng tentacle feet ni Senju.

Tumilapon sa mas malayo pang distansya ang Don, na bumangga na sa pader ng kwarto na kanilang kinaroroonan.

Hindi din nagtagal mula ng lumabas sina South at Senju ay lumabas din sa warp si Isda na siyang may hawak sa Supreme Potion. Kaagad niyang binuhusan nito si Shannon at nagliwanag ang katawan nitong at napaloob sa namuong sakto lang ang isang tao sa loob na sphere na gawa sa makulay na liwanag.

Samantala si South naman ay lumapit sa kaniyang naghihingalo na boss.

"She will be saved right?" Tanong niya kay Isda na nakaupo, malapit kay Shannon.

"She will be saved, papa. Nakaabot tayo sa tamang oras bago siya tuluyang nalagutan ng hininga." Malungkot na sabi ni Isda kay South.

"Bakit malungkot ang mukha mo?"

"K-kase po, para lang sa compass piece, nakuha ng babae na ito na mawasak ang kalahati ng kaniyang mukha at pati mga buto niya magkapira-piraso."

"Boss is tough...it's just that the enemy is really strong." Sabi ni South na humarap sa pagkakataon na ito sa kinaroroonan ng Don na bumangga sa pader. (Kung kami ni Senju ang tinamaan ng beam na iyon, sigurado na patay agad kami oras na tumama sa amin iyon...) Sabi ni South sa kaniyang sarile.

*Flashback*

Matapos makita nina Senju at South na nanonood sa malaking bolang crystal sa silid na kinaroroonan ng Sarimanok, nataranta ang dalawa.

Pinakalma lamang sila ng Sarimanok...

"Makinig kayo, she's strong willed... she's not dead yet. You can still pour this Supreme Potion to her to heal her. But, it will take minutes for her healing to be done. Hence, you must face the Don himself to buy time. Pero sa Stage Rank na mayroon kayo sa ngayon, langgam lang kayo kumpara sa isang Dinosaur na Don. Kaya naman, ipapahiram ko ang aking mana sa inyong dalawa. Sa lakas ng mana mayroon ako, you two will probably have a temporary Stage 0 Magic Power. Ngunit, binabalaan ko kayo na baka ikamatay niyo ang pagpapahiram ko ng mana sa inyo pagkatapos niyong itong magamit dahil ang katawan niyo ay siguradong masasaktan ng husto dahil sa malakas na mana na hindi pa nito kayang panghawakan. And, I don't have anymore Supreme Potion to heal you guys up. It's hard to create a Supreme Potion, I just luckily manage to create three here in this labyrinth and I already gave the two to you guys." Paliwanag ng Sarimanok kina Senju at South.

"Sige, gawin mo ang pagpapahiram ng mana mo sa amin, wala kaming pake sa mangyayari. Tatalunin namin ang Don!" Determinado na sabi ni South.

"Boss needs to bounce back!! So we must help her to do so!!" Sabi naman ni Senju.

Napangite ang Sarimanok sa dalawa dahil sa narinig. "You sure are reckless, Aces." Sabi nito.

May kinuha itong isang crystal sa bulsa nito. Pareho sa crystal na ginagamit ni Gemmalyn at ng iba pang mga Sarimanok Guardians para makapunta sa ibat-ibang sections ng labyrinth. Hindi nagtagal, sumulpot bigla sa harapan nina Senju at South si Isda.

"S-sarimanok?..." Nagtataka na sabi ni Isda na agad lumuhod dahil nakita ang Sarimanok.

"Isda, you will hold on to the Supreme Potion and heal the comrade of these two men."

"Masusunod po." Tugon ni Isda na hindi na nagtanong pa.

Pinahiram ng Sarimanok kina South at Senju ang mana nito. Naghati ang dalawa sa malakas na mana ng Sarimanok.

*End Of Flashback*

Umalis sa kaniyang pinagbaunan na bahagi ng pader si Don Nervoz. Ginawa niyang isang malaking robotic na maso ang kaniyang kanang paa.

"Mga putanginang asungot!! I was close to getting a hold of Giftia by experimenting the memories of Shannon Petrini after I kill her!!" Pinukpok nang malakas ni Don Nervoz ang sahig na gumuho.

Naglabas ng malalakas na enerhiya ang kaniyang robotic na maso. Kung saan tuluyan nitong dinurog ang ilang mga debris na tamaan ng enerhiya.

Nagkaroon tuloy ng parang buhangin sa hukay dahil sa naging pulbos na mga debris.

Nabigla man sa nangyari sina Senju at South, hindi sila nadaganan o natamaan man lang ng mga enerhiya na lumabas sa robotic na masong paa. Maging si Isda ay gumawa ng water barrier para mas masiguro na gumaling si Shannon sa kanilang pagbagsak sa hukay.

"The hell, how thick was this section's floor?" Sigaw ni Senju matapos umahon sa mala buhangin na napulbos na mga debris.

Si South naman ay gumawa ng isang malaking dahon na nagsilbing glider nito. "Damn, he's having a tantrum." Sabi naman ni South sa ginawa ng Don.

"Napuno tuloy ang lugar ng mga malalaking tipak ng sahig na gumuho." Saad ni Senju.

"Papaslangin ko kayo ng malala." Sigaw naman ni Don Nervoz mula sa kaniyang kinaroroonan. Bumalik na sa normal ang kaniyang paa at inactivate muli ang kaniyang robotic na kamay na naglalabas ng Nuclear Energy. Muli ding nagkaroon ng mga umaapoy na tambutso sa likuran nito.

"What an intense mana..." Reaksyon ni South sa kaniyang naramdamanan na aura, na nanggaling kay Don Nervoz.

"He's using such spells consecutively without even showing sign of struggles. Just how vast his mana is? This is the power of a Don we have to eliminate in this Empire?" Sabi naman ni Senju na ilang bases napalunok. (Ito ang tao sa mundo na ito na may access at pinakamalawak na kaalaman sa high technology dito sa mundo ng Elementacia?) Dagdag na sabi niya sa kaniyang sarile.

Nagulat si Senju sa biglang pagsulpot ni Don Nervoz sa kaniyang harapan. Akmang sasapakin siya nito sa mukha gaya ng ginawa nito kay Shannon.

"Damn that's really fast." Reaksyon niya na sinubukan na umilag sa mabilis na pagsuntok.

Hindi siya hinayaan na mapahamak ni South. Pinatamaan ni South ang tinatapakan ni Don Nervoz upang magulo ito at ma-off target ang Don.

Agad namang lumayo at lumapit kay South si Senju.

"Thanks man." Sabi ni Senju kay South.

"Loko-loko...ingat ka..." Sabi naman ni South sa kaniya.

Lumayo din saglit mula sa dalawa si Don Nervoz. Dahil hindi siya makapaniwala na masasabayan at mababasa ni South ang kaniyang pagkilos.

*****

Samantala, sa labas ng labyrinth naman, sa kagubatan malapit sa balon na siyang lagusan papasok sa labyrinth, mabilis na tuma-talon sa mga puno sina Headmaster Rodeo, Sheina at Imperial General Calcheese.

Malapit na silang tatlo na makarating sa balon para tulungan si Shannon sa pakikipaglaban kay  Don Nervoz.

"Ang sama naman sa pakiramdam ng aura na nararamdaman ko." Sabi ni Sheina na hindi nagugustuhan ang aura na nararamdaman niyang nanggagaling sa labyrinth.

"This is no doubt the Don, so he really is fighting seriously. It's no doubt that he's fighting Mary!!" Sabi naman ni Calcheese na lumapad ang ngite sa kaniyang mga labi at mas binilisan pa ang kaniyang pag-talon papunta sa iba pang mga puno.

"Idiot. Baka maraming mana ang mawala sayo sa pagtalon-talon mo!! Siraulo ka talaga!" Saway naman ni Rodeo sa kaniya ngunit hindi siya nito sinunod. (Mary, just hang in there. We will assist you wether you like it or not.)

Itutuloy.