Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Ninth Goddess

🇵🇭venus_Cortez
--
chs / week
--
NOT RATINGS
12.9k
Views
Synopsis
Letizia Zarnaih Montefalco-an orphan and a black belter who is living with the nuns in the church is having a field trip class when an ambush happened. Because of what happened, she fell down and almost dead but wake up in the other world. How is that happen? And how will she survive in a different world with unknown beings.
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Prologue

Sat, 19 Mar 2022 13:13

Letizia Zarnaih Montefalco povs:

Ingatan mo ang kwintas na iyan, Zia. Huwag na huwag mong ibebenta o ipamimigay kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon na kahaharapin mo. Iyan lang ang tanging susi mo tungo sa iyong buhay na hinahanap, ang iyong magulang, pag-ibig at kapalaran -

Napamulagat ako sa maingay na tunog ng orasan.

"Napaniginipan ko nanaman si Mother Superior. Haysh, super miss ko na siya," napabuntong-hininga na lang ako at pinunasan ang pagpatak ng butil ng luha na tumulo sa mata ka.

"Kaumaga-umaga Zia nagdradrama ka nanaman haysh," suway ko pa sa sarili at kaagad na nagtungo sa banyo upang maligo.

7:00 am

May field trip class kami ngayon. At napili ng teacher namin na sa Baguio pumunta. Yes! Sa wakas makakagala din sa malayo-layong lugar.

8:30 am kami susundiin sa kanya-kanya naming bahay. Pagka patak ng 9:30 am pa lang ang aalis ang bus papunta sa pupuntahan namin na lugar na 5 oras ang byahe.

"Zia hija bilisan mo dyan at baka malate ka. "rinig kong bilin ni Mother Lorelie.

"Opo, malapit na po ako matapos. Sandali na lang po mother,"tugon ko rito.

Ng maalala ko nanamang paulit-ulit kong panaginip ay muli kong narinig ang tula.

Isang makinang na bituin

Babagsak mula sa kalawakan

Isang mundong maningning

Ang makapagpabago sa kapalaran

Sa ikalabing-isang buwan ng taon

Sa pagbukas ng bagong henerasyon

Walong elemento ng panahon

Isang makapangyarihan ay aahon

Isang kwintas na dyamante

Proteksyon nyang malahigante

Kagandahan nyang mala elegante

Bibihagin ang tatlong prinsipe

Lumabas na ako ng cr ng matapos ako, ngunit ang tula ay patuloy ko pa ding naririnig.

Sinubukan kung balewalain but still it's making my headache. "Ano bang nangyayari? Shit! " inis na sigaw ko.

Napatingin ako sa liwanag na nanggagaling sa kwintas ko. It's a literaly pure diamond. But... How did happen na lumiwanag ito ng sandali lang? O baka naghahacullinate nanaman ako.

Dali-dali na akong nagbihis at pilit tinataboy ang kung ano man ang nasa isip ko.

"Arggh! " impit na sigaw ko at napahawak ako sa ulo ko ng hindi ko na mapigilan ang sakit at kirot na dulot ng tuloy tuloy na pagdaloy ng tula sa isipan ko na kung ano-ano na ang nababangit.

Hindi ko na marinig ang ingay sa paligid at di ko na namalayan na pumasok na pala ang mga madre sa kwarto ka na puno ng pag-aalala.

"Letizia, hija-ay Diyos kung mahabagin! Ano ang nangyari sayo? "kaagad nya akong dinaluhan.

"M-mother Lorelie, please tulungan nyo ako. H-hindi ko n-na k-kaya... " utal na pagsusumamo ko at humigpit ang kapit ko kay Mother Lorelie na yumakap sa akin.

Alas-tres ng umaga

Ang huling araw nya

Pagkabukang liwayway

Sa mundo na ito'y mahihiwalay

Ito ay oras mo na

Mahal na prinsesa

Harapin ang tadhana

Ng tulad mong itinakda

"Kayanin mo hija, kaya mo yan. Waksiin mo ang ano mang gumugulo sa isip mo. Kung gugustuhin mo, makakaya mo. Andito lang kami. Magtiwala ka sa diyos." pagbibigay lakas loob niya sa akin.

I don't know how long I stayed in that situation but I heard from them that I passed out after they did some spiritual healing.

"Hija, nariyan na ang bus ng school nyo. Sigurado ka bang kaya mo, ha? "saad ni Mother Lorelie.

Nilingon ko sya at tinanguan. "Ayos lang po ako Mother. Kaya ko na po. Siguro dala lang po iyon ng masamang panaginip ko," tugon ko sa kanya tsaka ko kinuha ang bag ko ay lumapit sa kanya.

Niyakap ko syang mahigpit. "Maraming salamat po mother... Ingat po kayo, mamimiss ko pa kayo, "saad ko bago kumalas ng yakap.

Hinarap nya ako at hinawakan sa magkabilang-balikat. "Kinakabahan ako sayo, para ka namang nagpapaalam," makahulugang sabi nito, ngumiti lang ako ng matipid.

"Mother naman, syempre po aalis po ako at mawawala ng tatlong araw. Mamiss ko po kayo nun super, "sabi ko. Bahagya na lang niya akong tinawanan

"O sya, o sya.. Pumanaog ka na't naghihintay na ang bus sayo, "saad nito sa akin.

Siguro nga dala lang iyon ng panaginip. Hindi ko din maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng lungkot sa pag-alis ko. Hindi naman ito ang unang beses ko na umalis ng malayo sa kanila.

Hindi naman ko naman dinala ang buong bahay sa bagahe ko. Siyam na pares ng damit na susuutin araw araw ang dala ko, hygiene, bible, books, foods, emergency kit at itong iPhone ko di tulad ng iba kung kaklase na halos buong bahay na ata ang dinala. Asusual mayayaman naman sila kaya no worries. Carry na nila yun.

Sumakay na ako sa bus. At sa huling pagkakataon ay kumaway ako sa mga madre sa kumbento bilang tanda ng pamamaalam.

Sinira na ang pinto ng bus at nag-umpisa ng umandar. Nilibot ko ang aking paningin at humanap ng maoupuan.

Gotcha!

"Hi Leti! Here, dito tayo! "rinig kong tawag sa akin ng kaibigan kung rich kid na si Miriam or better to call Mie-Mie. Pumunta na ako sa deriksyon nya at umupo sa tabi nyang upuan. Nakarinig nanaman ako ng maiingay na bangaw este mga ambisyosang maiingay kung brat na mga kaklase na sila; Stacey, Tiffany, at Romina.

"Hi Mie-mie!" bati ko at di na lang pinansin ang mga nasa likuran na pwesto ng bus.

"Buti pinayagan ka,"saad nya sa akin ng ilapag ko ang sling bag ko sa lapag.

"Oo naman, bakit hindi. Mababait naman sila at malaki ang tiwala nila sa akin, "saad ko sa kanya. Habang nasa byahe ay panay ang kwentuhan namin ni Mei-mei. Kain, kwentuhan tas matutulog.

Natigil ako ng magvibrate ang phone ko. Binuksan ko ito para basahin. "Baka message nila Mother Lorelei, "wika ko.

Imbis na mensahe ng mga madre ay mga mensahe ng mga asungot kung kaklase. Ano nanaman ba ang trip ng mga ito sa akin.

Tiffany: If I were you, lalayuan ko na Miriam na yan. Bago pa ako mapahamak.

Stacey: Hmm, it sounds danger, blood and death.

Napakunot-noo naman ako sa chat nya. Mga bruha na ito, sinali pa ako sa bulok na gc nila.

Me: Ano nanaman ba ang kailangan nyo at nag-uumpisa nanaman kayo!?

Romina: Kung kami na lang kasi ang kinaibigan mo hindi ka namin paplastikin. Edi sana wala kang pagsisihan sa huli.

Me: Kaya nga hindi ko kayo kinaibigan dahil I know your colors girls.

Romina: Tsk, halata talagang tanga ka. Matalino nga, tanga nga lang.

Tiffany: I will give you a clue... D is for Danger. M is for Mad.

Hindi ko na lang sila pinansin pa ang mga chat nila. Pero nilingon ko sila sa likuran ay sakto namang pagdaan ni Stacey at tsaka huminto sa tabi ko.

"You better not to wear precious things, Letizia. It attracts thief's eyes, "she said sabay layo at nagpapatugtug pa ng 'Shine bright like a diamond ' na kanta.

"Hayaan mo na sila Leti, ingit lang sayo ang mga yan, " rinig kung sabi naman ni Miriam sa akin. Kaya bumaling ako ulit sa kanya. She smiled at me. But not unlike her previous smile to me. Ngayon ay parang kinabahan ako sa kanya.

Pahinto-hinto ang bus sa mga station tulad ng gasoline station, mga mall. Kung kaya mas lalong tumatagal ang byahe. Lalo na kapag ang aarte pa ng mga kasama mo, yawa!

"Wala na bang bibili? "tanong ng teacher namin sa amin.

"Wala na po, "sagot namin.

"Kompleto na ba kayong lahat? "tanong muli nito na sinagot namin ng 'opo'.

Paakyat na ang sasakyan namin, mga alas tres na ng hapon. Pagkaliko ng bus ay biglang humarang sa amin kung kaya mabilis na napapreno ang driver ng bus. Tyempo ding walang masyadong sasakyan ang dumadaan dito. Shemay naman... Ano this?!

Pinalibutan kaagad kami ng mga nagsibabang mga lalaking naka-itim. Ang iba ay pinasok na kami sa loob ng bus at tinutukan ng baril.

May nagpaputok pa ng baril mula sa labas at naramdaman namin ang pag-uga ng sasakyan namin. Senyales na naflat ang gulong.

"Gosh! Holdapers!!!! "tili ng mga babae kung kaklase

"Kung sweswertehen nga naman. Mga mayayaman pa ang natsambahan. "ngisi naman ng isang holdapers na naka sunglass.

Hinila nila ang iba sa mga kaklase ko, ang iba naman ay kinuhaan ng mga mapapakinabangang gamit.

Aksidenteng napasulyap naman ako kay Kenzhine at sa mga barkada nya na nasa likod. Ready to fight din ang tatlong maarte kung kaklase.

Sumenyas ako sa kanila at nag-umpisa na kaming sugurin ang mga walang hiyang holdapers.

Sapak, suntok, tadyak ang mga pinakawalan ko. "Abat! "inis na sigaw ng isa.

Akmang babaralin nya ang driver ng mabili kung sinipa ang kamay nya at mabilis na inagaw ang baril.

Kapagkuwan ay tinadyakan ko ang harapan nito. Napahiyaw naman ito ng subra. Nang maubos na namin ang mga nasa loob. Ay inalalayan namin ang mga kaklase namin na makalabas ng ligtas.

Ang ilan sa amin ang nagsilbing depensa. Gamit din ng mga naagaw na baril mula ng mga nasa loob na holdapers ay nagamit namin ito.

"Bilisan niyo, ilayo nyo na sila! "sigaw ni Ken. Sila Stacey ang tumulong sa mga kaklase namin.

"Zia, sumunod ka na sa kanila! "sigaw naman nya sa akin

"Hindi, tutulungan ko kayo dito... Kaya ko sarili ko, "sagot ko. Napailing na lang sya dahil wala na sya sa oras makipagtalo pa sa akin.

Ng sa wakas ay medyo malayo na ang mga kaklase namin ay akma naman kaming tatakas ng makita namin ang pagbaril ng isang nakaligtas na holdapers sa lalagyan ng gas ng sasakyan.

"Shit!" I hissed

"Run! " Charles shouted, Ken's friend.

"Let's go! " sigaw ni Ken. At tumakbo na kami palayo sa bus pero hindi pa kami nakakalayo ng sumabog ito. Ang ilan sa amin ay naabutan ng pagsabog at tumalsik.

Ang ilan ay napuruhan, nasugatan, ngunit ang ilan sa amin ay nahulog sa bangin.

And one of my classmate... Kevin. Nahulog na talaga sya sa bangin, bagsak ulo. Samantala si Charles ay tulad kung nakakapit sa isang nakausling ugat.

Hindi naman nagtagal ay dumating si Kenzhine. At ikinagulat ko na ako ang inuna nya.

"Zia, kumapit ka. Hihilain kita, "saad nito na nahihirapan. Nakita ko ang sugat sa balikat niya.

"K-ken, iligtas mo na lang si Charles.... Mas kailangan nya.. Ah! " saad ko at napadaing dahil sa naramdaman kung hapdi mula sa kwintas ko.

"Damn, Zia. No I'll not leave you here like this. And besides kaya na ni Charles ang sarili nya, "giit nito. Napatingin ako ng blanko sa kanya.

Napabuntong hininga sya, "This shit is planned by Miriam parent's! They are envy with your necklace and they want to kidnapped me because I'm the successor of our family. We are both victim here so I'll not leave you, "mahabang litanya nya at pilit na hinila ako ngunit. Mas malakas ang gravity ng earth guys. Mas hinihila lang ako pababa. Shit!

And I remember, we are enemies right? Kaibigan ko sya noon, not until binasted sya ng nililigawan nya dahil sa akin... tapos ngayon?

"No let me Ken. Ayoko naman na ding mabuhay lalo na kung pabigat lang ako sayo. At kapag nawala ka ng kaibigan ako nanaman sisihin mo, "sagot ko pa at napayuko.

Napaigik naman ako sa muling pagkirot. May mga imahe na akong nakikita na hindi pamilyar. Mas lalong nag-iinit ang kwintas na suot ko.

"Sinisi kita nuon dahil para itaboy kita palayos sa akin. Dahil mula-"hindi nya na nagawang matuloy pa ang sasabihin at napasigaw ng tuluyan ng dumalas ang pagakakahawak ko sa kamay nya at tuluyan ng nahulog sa matarik na bangin. Hindi ko naman ramdam ang gasgas sa likod ko dahil may suot akong traveling bag kaya nagmistula akong pagong na nagpapadulas, but kidding aside dahil na din sa sakit at pagod ay bumigat na ang talukas ng mga mata ko.

Nawalan man ako ng malay, but my sense are awake.. Narinig ko ang mga tunog ng espada at pagsabog.

Whenever I am now, I hope I'm still alive. And there is someone na bumuhat sa akin.