Chapter 2
Sat, 19 Mar 2022 13:15
Letizia Pov:
Nakahinga din ako sa wakas ng makalabas ng kwarto na iyon. Kakaiba ang mga reaksyon nila. At naiilang ako sa klaseng tingin na ipinukol sa akin nung Zhyden a.k.a Mr. Masungit. Pasipol-sipol ako habang naglalakad at hinahanap ang nurse station. Napakapa ako sa leeg ko kung nasaan ang kwintas ko.
"Thank goodness, hindi nawala. For sure, mapapagalitan ako kapag naiwala ko ito, "I whispered habang palinga-linga sa paligid. Grabe hindi ko inexpect na ganun kagahaman ang pamilyang minsan ko na ding tinuring na kadugo. As in shock ako. Nagawa talaga akong traidorin ng Miriam na yun at nandamay pa sya ng iba.
Well, tama sila Stacey. Kita mo, kung sino pa ang mga asungot sila pa ang sa huli ay mapagkakatiwalaan. I should thank them after this.
Tingnan ko ang kwintas ko. And pansin ko ang mas lalong pagkinang nito. Bakit kaya kumikinang ito e wala namang bombilya sa loob nito. Grabe pati itong kwintas ko weird din. Kanina bago ako mabitawan ni Kenzhine ay naramdaman ko na parang apoy at napapaso ako sa kwintas na ito. Kala mo gawa sa lava ang kwintas. Tapos ngayon naman kumikinang sya.
"What's happening monddae? Mas lalo ka atang kuminang ngayon, "mahinang saad ko at itinago ulit sa loob ng damit ko ang kwintas. Minsan pagbored ako yung kwintas na ito ang kinakausap ko.
Baka kasi may magkainteres ulit sa kwintas ko at mapahamak nanaman ako.
Nasaan na ba kasi sila Kenzhine? Haysh hahanapin ko na nga lang-ayun pala ang nars station. Kaagad akong lumapit doon. Sinalubong ako ng mga nakangiting nurse doon.
"Good morning Princess Lithuania! Ano po ang maipaglilingkod namin sa iyo? "the nurse confronted me. Napangiwi naman ako sa tawag nila sa akin. Princess? Tapos pati ba naman dito Lithuania tawag nila sa akin. Haish buhay parang life.
Umiling ako, "Maybe nagkakamali lang kayo, ang pangalan ko ay Letizia. Hinahanap ko yung mga kaibigan ko na naaksidente din, "saad ko. Nagkatinginan ang mga nurse na naroon at muli akong binalingan.
"Naku, mukhang nagka-amnesia ka nga po. Hindi naman po napahamak ang mga kasamahan mo. Kayo lamang sapagkat sumaway kayo, "saad ng isang babaeng nurse.
"Aishhh, hanapin nyo na nga lang ang pangalan nila Kenzhine Zamora dyan.. I don't know what are you saying, magic, magic. Mga ilusyon lang yan hasyh, "saad ko at ng ibinigay nila sa akin ang records ay nakita kong wala.
"Kamahalan, sila Prince Zhyden ang mga kasamahan nyo. Sino naman po ang mga iyan.. Kenzhine, Stacey, Charles? Hindi po namin sila nakikila, "reklamong pa nang isa.
Naiiritang iniwanan ko na lang sila. So, nasaan bang lugar akong napadpad? Sure naman na nasa Philippines pa din ako.
Habang naglalakad ay nakaramdam ako ng may kung sinong sumusunod kaya binilisan ko ang paglalakad ko ng hindi nya nahahalata.
Ang kinagandahan ko talaga ay may six sense ako na nakakatulong talaga sa akin. And in this place, kapag hindi pa ako umalis paniguradong may mangyayari na mas ikasisira pa ng buhay ko. That my instinct saying to me.
Ng maramdaman kong mas bumilis pa ay binilisan ko na ang paglalakad ko at lumiko ngunit naramdaman ko ang isang kamay na humila sa akin at pinihit ako paharap.
"Shit!" I cursed. I felt dazed. Mas lumala pa ata sa marahas na paghila ng kung sinong damuho man ito.
"Lithuania, listen. "he started. "Whatever you are planning right now pwes hindi uubra sa akin ang pagpapakaawa mo, "rinig kung sabi ng estranghero. Napahawak pa ako sa ulo ko bago mariing umiling upang mapawi ang hilo. Iniangat ko ang tingin sa kaharap.
"Wait, bitawan mo nga muna ako! "saad ko pero hindi niya ako pinakinggan.
"Hindi mo na ako mapipigilan pa sa planong kung magpakasal sa iba because from the start ay ikaw na-" hindi nya na natuloy ng iniangat ko ang daliri ko sa tapat ng labi nya.
"Hep, hep, wait. Sino ka ba muna ha? Ano ba yang pinagsasabi mo. Wala akong matandaan na nagkajowa ako na magpapakasal sa iba. May goodness. Napakabata ko pa para sa mga ganyang issue. At wala akong pake kung magpakasal ka. Maganda nga yun. Lalo na paginvited ako sa handaan ah. Make sure na may Shanghai kayonh handa. Kaso di na aabot sa ganun kasi uuwi na ako sa cavite, "mahabang litanya ko sa kanya at tila natutup sya. Nakapamewang pa ako.
Marahas ko ding binawa ang isang kamay ko sa mahigpit na pagkakahawak nya sa akin. Napatitig sya sa akin na tinaasan ko naman sya ng kilay. "Susugatan mo ba tong magandang skin na ito. Goshhh nakakapaso ka naman. Apoy ka ba? Ha? "inis na singhal ko pa dito.
Tinalikuran ko na ito, "I know you are just playing dumb. And I don't time for this shit Lithuania!!!"galit na saad nya kung kaya hinarap ko syang muli. Parang kulog ang boses nito na nagpaalarma ng mga tao na nasa paligid. Some of them ay gusto kaming awatin but when they see who the guy is in front of me ay parang namutla sila at lumayo.
"I'm not playing dumb you asshole!"singhal ko sa kanya.
"Bakit ba lahat kayo tawag sa akin ay Lithuania. Eh hindi nga ako sya. Baka kahawig o kamukha ko lang. Basta ako ah. Orig face ko ito, hindi ito makikita sa divisoria. So, back to topic hindi nga ako ang sinasabi nyo. Baka nga nilayasan na kayo dahil sa kasalanan nya sa inyo, tsk, "mahabang sermon ko dito.
Aba, nakakasakit ng dignidad. Char ahha. Basta wala akong kamukha. Ilusyunada, retokada, dispirada na ang manggagaya sa akin. Tsk. Hindi din makikita sa shoppee ang face na ito.
"Siguro makakatulong ka sa akin kung tutulungan mo na lang akong makauwi sa cavite. Siguradong nag-aalala na ang mga madre sa kumbento sa paghahanap sa akin. Kailangan nilang malaman na uuwi na ako at ligtas ako sa engkwentro. Kaya halika pahatid na lang ako sa cavite Mr. Masungit, "saad ko pa sa kanya. Hinila ko siya pero hindi ko kinaya. Para kasing stanteng bakal ang hinihila ko.
Napakunot noo naman sya sa sinabi ko dahilan para taasan ko sya ng kilay.
"Cavite? Walang cavite dito!" seryuso nyang sabi.
"Lithunia, ano nanaman ba ito? Please lang huwag na tayong maglokohan! "banas na saad nya.
Napa 'ha' naman ako sa kanya at natameme ng mapagmasdan ko ng malapitan ang mukha ng masungit na gwapong nilalang na nasa harapan ko ngayon. As in kung pwede lang malaglag sa gulat ang panga ko baka kanina pang nasa sahig ang panga ko.
"P-pardon? Kung walang Cavite dito? Nasaang bansa ba ako aber? "I asked at medyo nautal pa.
"Cavite? You mean sa Earth yun na lugar..." saad nya habang malalim ang iniisip tsaka muling tumingin deretsu sa mata ko. At gulat ang rumehistro sa mata nya.
"Ano nanaman ba ito, Lithuania? We are in Rigel! " nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi nya.
Napahakhak naman ako ng makabawi. Nakita ko ang pag-asim ng mukha nya at pagkunot-noo nya.
"Pfft- kinginang yan. Buang ka ba? We are in Rigel!? In a freaking star!? Ikaw ata ang nababaliw Mr. Masungit, "bulalas ko sa kanya at napahawak ma sa sentido dahil sumasakit ang ulo ko sa mga pinagsasabi ng mga taong naririto.
Maaaring nababaliw na nga sya o di kaya ay panaginip ko lang ito habang nakacoma ako sa reality.
"What the- Lithuania!? What hell is happening to you? Are you out of your mind? "sunod-sunod na sabi nito na mukhang hindi makapaniwala.
"Lolo mo out of mind! "inis na sigaw ko din dito.
Namumula na ang mistiso nitong mukha sa asar sa akin. Ha, buti nga sayo! Maasar ka, neknek mo.
"F*ck! Rigel is our planet. Our home. We are not in Earth. At ano ba ang star na pinagsasabi mo? Rigel never been a star for Pete's sake! "giit nito na halatang nawalan na ng pasensya.
Nanuyo ang lalamunan ko at para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa realisasyon. Para akong nagising sa realidad. Kaya pala pamilyar ito, kaya pala parang hindi normal ang lahat.
Dahil lahat ng nasa panaginip ko ay unti-unti akong nilalamon.
Nagsidatingan ang mga kabataang kaninang naroon sa kwarto. Wala sa sariling napa-atras ako sa takot at kaba. Kung nasa ibang teritoryo ako, hindi ko alam kung ano ang kayang gawin ng mga ito sa akin once na nalaman nilang naligaw ako sa mundo nila.
Namumutla at nanunuyo ang lalamunan habang pabalik-balik ang tingin kay Mr. Masungit at sa mga kabataan.
Hindi ko alam na hagdan na ang nasa likuran ko. But I didn't know how to react. I just feel more dizzy. It became more worse feeling that I've.
I passed out immediately. I heard their scream and gossips. I feel someone catch me bago ako tuluyang mahulog sa hagdan at magpagulong-gulong.
Shit! Whoever you are. Hindi ako thankful kingina ka! Hinayaan mo na dapat akong mahulog.