Chereads / The Ninth Goddess / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

Ano na bang nangyayari? Lihim akong napatingin sa kwintas na dyamante na hawak ko. Na syang pagmamay-ari ni Lithuania. Medyo pamilyar ang kwintas na ito. Hindi ko lang alam kung saan. Pero never kung nakita ito na suot ito ni Lithuania dati.

Napansin ko ang number 2 na dugong nakasulat sa dyamante. Kinabahan ako. Anong hiwaga ang meron sa kwintas na ito at para bang buhay ang nakasalalay sa bawat parte ng kwintas na ito. Tiningnan ko ang likod ng kwintas na may nakaengrave na pangalan. Pero dahil sa kalawang at kalumaan ay hindi ko maintindihan ang nakasulat.

"Where did you get that thing bro? "medyo nag-aalalang tanong ni John. Napalunok naman si Matthew.

"You better to give it back to the real owner Zhy"may pababanta sa boses ni Clark na kakalabas lang sa kwarto

"Kanino ba ito? "walang pakealam kung sabi.

"Kay Letizia.. I mean Lithuania "sagot nya na nabanggit nanaman nya ang Letizia na pangalan.

"Fine. Ibabalik ko na. "saad ko at tumayo.

"How is she? "I asked him

"She's fine.. "sagot nya at napahinto sa paglabas.

"Don't you dare to do something to her... It might put your life in danger"paalala nya na ikinibit balikat ko lang. Wala naman akong gagawin dahil wala na akong pakialam sa ex ko.

"She was the danger Clark not me. "iiling iling na saad ko. He just look at me intently.

"You don't know anything. So, just stay away, at isa pa diba wala ka ng dapat pakealam sa kanya. Dapat ikatuwa mo pa nga na hindi ka na nya maalala. "saad nito.

"I don't want anything from her. I just want to feel the pain I felt. -"

"So you want revenge huh? That's what you called love? Bro, just stay away from her bago ko makalimutan na may pinagsamahan ang angkan natin. "seryusong saad nya bago umalis.

I sighed. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kung layuan ang babaeng ito, e sa una pa lang sya na ang nagpahamak sa amin at sa sarili nya. I enter the room quietly. She is sleeping. Lumapit ako sa higaan nya. Ng mapatitig ako sa kanya ay nakita ko ang pagtulo ng luha sa nakapikit nyang mata.

Iniangat ko ang kamay ko para punasan ang luha nya. I gently wiped it and stare at her angelice face. Natigil lang ako ng magsalita sya habang tulog.

"Y-you are the fake Lithuania.. N-not me... I-inagaw mo ...ginaya mo ang hitsura ko"parang nanaginip sya. Bumaling-baling ang ulo nya.

"I don't care about your reason... Alam mong may kaparusahan sa ginawa mo. Andaming nilinlang mo. At nadamay a-ako"wika nito.

Napakunot-noo ako sa narinig. She is talking while sleeping at kung ano man yang panaginip nya ay nacucurios ako. She's talking like she's not Lithuania. I now that curiosity can kill a cat but this curiosity will drive me to the gate of truth and everything that I didn't know will be reveal.

Ikinabit ko na ng dahan-dahan ang kwintas sa leeg nya. Doon sya napadilat sa gulat at kaagad na napahawak ng mahigpit sa kamay ko. Hapong-hapo at kita ko sa malam-lam nyang titig ang halo-halong emosyon nya.

Nanlalaki ang mata nyang napatingin sa akin. "I-ikaw lang pala. "sabi nya at mabilis na bumitaw at nag-iwas ng tingin. Dumestansya naman ako sa kanya.

"I'm sorry. Naisturbo ata kita"wika ko. Wow, for the first time nagsorry.. Teka ako pa talaga magsosorry sa kanya sa lahat ng kasalanang nagawa nya.

"I'm sorry?" tanong nya, napailing na lang ako. "Nevermind"saad ko tsaka tumayo.

"If okay ka na. Tumayo ka na dyan at magtatanghalian na tayo. May pag-uusapan pa tayo"saad ko tsaka tumalikod.

"Sandali Mr. Masungit! "tawag nya.. Andyan nanaman ang tawag nya sa akin. Lithuania never call me like that dahil never naman ako naging masungit noon sa kanya. I'm always sweet at her.. Not unless sa nangyari.

"What?! "irita kung tanong.

"P-pwede bang patawag si Clark? Papatulong lang akong tumayo.. B-baka kasi ma-"I cut her off tsaka sya nilapitan muli.

"Ako na"prisinta ko "Tsaka bakit ba puro ka Clark. Pito kaming kasama mo dito, hindi lang sya"irita kong sabi sa kanya. Lumapit uli sa kanya at inalalayan syang tumayo. Napadaing sya sa pagtayo nya.

"Eh kasi naman po ang sungit mo para kang si Kenzhine. Si Fiona naman ang taray parang si Stacey. "sabi nya sa akin. Napalingon ako sa kanya at napahinto kaya napahinto din sya.

"Bakit? "takang tanong nya

"Sinong Stacey? Wala ka namang kaclose at kakilala na Stacey ang pangalan"sabi ko sa kanya. Napatikom ang bibig nya. Para syang binuhusan ng tubig sa tanong ko.

"Ah.. Ay nagugutom na nga siguro ako. Kung ano ano na ang pinagsasabi ko"sabi nya. At napabitaw na sa akin at nauna pang lumabas sa akin. What the hell?! Ang wierd ng babaeng yun. Nung una... Kenzhine at Miriam ang nabanggit nyang estrangherong pangalan. Ngayon naman ay Stacey na hinantulad nya kay Fiona. Just what the fuck?

...

"Kain na! "masayang wika ni Lithuania at tsaka nagsandok ng pagkain. Tahimik ko lang syang pinagmamasdan. The Lithuania I know is prim but this girl in front of me.. Kung hindi ko lang talaga sya kilala ay baka pagkakamalan kong ibang tao sya.

"Lithy gusto mo? Ang sarap nito oh. Diba favorite mo ito"alok ni Jelaine sa kanya at iniabot ang fried chicken.

Tiningnan ko ang reaksyon nya, it's her favorite food kaya dapat asahan ko ang masayang ngiti sa mukha nya. But I was wrong. She seemed disgusted and mariing napailing kay Jelaine.

"T-talaga? H-hindi ba ako tutukain nyan I-i mean.. Nah.. Ayoko hehe... I don't like chicken."nahihintatakutan na sagot nito. Halata sa expresyon nya na parang tinakasan sya ng sariling kaluluwa.

"Hala, bakit naman? Masarap naman ang pagkakaluto nito. Promise di na ako tagasunog ng pagkain" bahagya pang natawa si Matthew sa sinabi ni Jelaine.

"Wewz, nag-improve na ang best cook natin "komento ni Matthew na may halong pang-aasar na tinarayan lang ni Jelaine.

"Manahimik ka nga dyan Matt, baka gusto mong lunurin kita dyan"banta ni Jelaine.

Tinanggap naman na ni Lithuania ang iniabot na fried chicken. Lumingon sya kay Clark, ngumit lang naman ito sa kanya. And I hate how they exchanged sweet gestures and smiles.

"O-okay.. "saad ni Lithuania na para bang napipilitan.

"If you don't want to eat the food. Or kung nag-aalangan ka.. Then go. Don't eat, don't force your self in a situation that not suit you "saad ko sa kanya. Napailing na lang ito.

Kumagat sya kunti sa manok, and everyone waiting for her response. Yep, she didn't respond but her body did.

Nagsimula ng mamula ang balat nya... At napayuko na lang sya sa subrang hiya. We heard her sobs.

"B-bestie.. Naku pangit ba ang lasa kaya ka nagkaganyan.. Bes"naluluhang tawag ni Jelaine. Nag-angat ng tingin si Lithuania.

"N-no... You are a great cook Jelaine. It's just... I-I'm alergic"she stummer.

"Alergic?! "nagpapanic na sila pero nakuha pang magtanong ni Matthew.

As far as I remember, hindi sya allergic sa manok kundi... Allergic sya sa hipon. Papaanong nangyari yun? Hindi kaya...

...

"How is she doc? "nag-aalalang tanong ni Clark sa doctor. Habang ako ay tahimik lang na nagmamasid. I should be the one worrying and asking.. Like what a worried boyfriend do pero iba na ngayon. Because even we are over, I'm still fucking worried as hell. Mas malala pa ngayon.

"She's stable now Prince Clark. Huwag po kayong mag-alala dahil cause ng allergic lang ang nangyari sa kanya. I don't know how is that happen but we ran a test at kung dati ay allergic sya sa Sea food, now sa Chicken and other meats na sya allergic. Kaya papayuhan ko po kayo na huwag papakainin ng manok o kahit ano ang prinsesa. Mas makabubuti na gulay at prutas o di kaya ay mga sea foods"tugon ng doctor. Good god, she's okay now.

Pero...

"How is that happen doc? Epekto ba ito ng magic mishap? "sabat ko. He eyed me. At tumango.

"Yes. Including her memory and everything. Pero nasisiguro po namin na sya pa din ang mahal na prinsesa. "sagot nya.

"I'll just get her med my majesty. Please excuse us. "saad nito na tinanguan ko lang. Umalis na sya kasama ang mga nurse.

Napabaling ang tingin ko kay Clark na tahimik at tulala habang hawak ang kamay ni Lithuania. Suddenly he look at me. "Bro, ikaw muna bahala kay Lithy. I'll just go to unwind my mind. "paalam nya na tumayo kaagad at hindi man lang hinintay ang sasabihin ko.

I stared at her for a while. "I don't really understand what really happened to us back then my love. Please enlighten me, make me understand. "I mumbled.

Natigilan naman ako ng makitang umilaw ang cellphone nya sa tabi ng kama. As I swipe it, nakita ko ang napakaraming message nito.

And there it is...

A message from Kenzhine, Stacey and Miriam. Holyshit! Is this even real? Saan nya naman nakilala ang mga ito?

I go to her gallery at doon ko nakita ang mga kuha ng litrato nya na may petsa pa na nakalagay na hindi ko alam saan nya ito kinuha at iba pa ang kasama nya. And one picture caught my attention.

"How did the apprentice of the ninth goddess is in her photo gallery? " halos mapamura pa ako sa gulat. Kahit celestial si Lithuania never nya pang nakakausap ang mga apprentice ng mga diyos at diyosa.

And I know this apprentice of the ninth goddess. Sya lang naman ang pinsan ko na si... Archimedes.

I almost drop the phone ng makita kong gising na si Lithuania na masama ang tingin sa akin. Hinablot nya kaagad ang cellphone sa akin. "Pakealamero"she mumbled.

"Who's the guy on your phone? "I asked seriously. She blushed.

"K-krush este kaibigan. Teka nga bakit ka ba nangengealam? Ha? "singhal nya bigla sa akin. I don't know per parang nandilim ang paningin ko sa sinabi nya. She had a huge crush on Archimedes. Akala ko ba si Demetri?

"Nothing. Just curious. Because you never save my photo on your phone beca-"

"Wala akong pake sa rant mo okay. Tsaka sino ka ba para isave ang picture mo dito? "

"Yeah right, I'm just nothing. "saad ko sa kanya.