Letizia povs:
"Ano?! Pupunta dito ang mga magulang ni Lithuania?! "di mapigilang mapasinghal ako sa gulat sa sinabi ni Clark. Tumango sya bago napabuntong-hininga
"Yeah, so only thing na gawin mo is. Act normal. Huwag kang kabahan nandoon naman ako"sabi nya sa akin. Napalunok ako, isa na ngang delubyo sa akin ang makasama sila Zhyden eh.
Napatikhim si Zhyden kaya umayos ako ng upo at dumestansya kay Clark. Kami ni Clark ay nasa sofa samantala si Zhyden ay kasama si Fiona sa terrace.
"Pero Clark. Hindi ako pwedeng magtagal dito"sabi ko.
Ng makita kung hindi na nakatingin si Zhyden sa amin ay lumapit ulit ako kay Clark. Tsaka bumulong sa tenga nya.
"Wala ka pa bang alam na paraan para makauwi na ako sa amin? For sure nag-aalala na ng sobra sa akin ang mga madre at mga kaibigan ko. Baka yung blackmarket may alam sila"bulong ko sa kanya. Talagang trinay ko na ang lahat ng alam ko. At yung blackmarket na lang ang last choice ko.
Marahan nyang hinaplos ang kamay ko. I'm nervous duh.. Ikaw ba namang makitira sa teritoryo ng mga alien. Kahit gaano pa ako kasiga sa Earth wala akong ibubuga sa mga may powers.
"Calm down Zia. Don't worry, gagawa ako ng paraan na hindi mapapansin ng iba. Habang nasa tabi mo ako hindi mo kailangang mag-alala at matakot. Akong bahala sayo"sabi nito kaya nawala ng kunti ang pag-aalala ko.
"Salamat talaga, Clark. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay dito sa inyo kung hindi kita nakilala. Hindi ko din alam kung paano ko susuklian ang kabaitan mo"sabi ko sa kanya. He just smiled.
"Hmm.. Pakasalan mo na lang kaya ako? Pwede na yun at least hindi ka na pakealaman ng sinuman lalo ng bitter couple na yun"saad nya at ininguso sila Zhyden. Hinampas ko sya sa braso na tinawanan nya lang ako.
"Puro ka naman kalokohan. Mamaya may magalit sa akin ah"sabi ko dto.
"Just kidding babe... Ang cute mo talaga pag naasar. Ang sakit ng hampas mo, shit!"saad nya at pinagpagan pa ang damit.
"Sa kumbento ka ba talaga galing? Shit! Ang sakit talaga ng hampas mo"daing nya na inismiran ko lang.
"Ang O. A. mo Clark."
"Masasaktan ka talaga kapag hindi mo inayos ang pananalita mo mahal na prinsipe. And nah.. I'm from hell"pabiro ko namang sabi.
Kahit na sabihin nyang huwag akong kabahan, hindi ko mapigilan e. First of all. I don't have a parents so hindi ko alam ang feelings nun.. Second, hindi ko magulang ang makakaharap ko tomorrow. And lastly, sa bawat oras na nagtatagal ako dito mas lalong hindi gumaganda ang sitwasyon ko dito.
Napatigil ako ng makaramdam ako na may kung sinong humawak sa kamay ko. It's Zhyden na hinila ako...
"Let's talk "seryusong wika nito. Nilingon ko sila Fiona at Clark... Fiona is crying... While Clark ay nashock sa ginawa ni Zhyden.
"Saan mo sya dadalhin? "matigas na tanong ni Clark at hinila naman ang isa kung kamay. Nanlaki ang mata ko sa nangyari.. What the F?! Hoy, anong tingin nyo sa kamay ko? Lubid? Ano ito? Tag of war ganurn?
"May pag-uusapan lang kami. May problema ka ba doon? "sagot ni Zhyden dito. Napalunok ako. Anong pag-uusapa. Oh god.. Not now.
"Anong pag-uusapan? Pwede naman dito"sabat naman ni John
"At tsaka.. Why is she crying? "tanong naman ni Hannylyn.
"She's crying because we are over"sagot ni Zhyden at hinila na ako pero kasabay nun ang paghila sa akin ni Clark.
"Kargo ko sya kaya may karapatan akong alamin kung sa-"napatigil si Clark na malakas kung iwinaksi ang kamay ko sa pagkakahawak nila. And in a cue as in barbecue.. Just kidding. So ayun nga tumalsik sila parehas sa pader.
"Magsitigil nga kayo.. Ang sakit nyo sa bangs. Tsaka anong tingin nyo sa braso ko? Panyo? "inis na sabi ko at binalingan si Zhyden. I give him a deadpan look.
"Tsaka ano bang problema mo sa akin Mr. Masungit. Kahapon ayos ka naman tas ngayon. Hasyh. Nevermind"inis na tili ko.
Lumabas na ako, bahala na maligaw huwag ko lang makita ang damuho na yun. Panira ng moments with crush... Hehe new crush ko nga pala si Clark. Ang cute nya kasi at sweet.
Sa inis ko ay napadpad ako sa hardin. Napakaganda ng hardin, nawala ata ang inis ko.
"Hasyh... Buti naman may ganitong kagandang lugar dito. Nakakawala ng stress. "wika ko. Pero napatalon ako sa gulat ng may maramdaman na presesnya.
"Lithuania... "Someone's calling. Nilingon ko ito ngunit hindi ko naman kilala ang lalaking tumawag sa akin. I eyed him seriously.
"Who are you? "I asked
"Ako ito.. Si Demetri"wika nya tsaka ako hinapit at niyakap. Nagpumiglas ako.
"W-wait.. Bitawan mo nga ako. A-ano ba?! "inis na singhal ko. Kumalas naman sya at lumayo sa akin
"I thought hindi na kita makikita. They say na tutulungan nila tayong magpakalayo pero ako lang ang nilayo nila.. But they are wrong nahanap pa din kita"saad nito na abot langit ang ngiti.
"You are weird.... "naiiling na usal ko at napa-atrass palayo sa kanya. Lahat ba ng taga-rito ay talagang weird. May kanya-kanya ata silang topak at isa na doon ang Zhyden na yun
"Bakit ka ba lumalayo? Hindi mo ba ako naalala? Hindi mo na ba ako mahal? Diba ako pa nga ang pinili mo sa amin ni Zhyden? "sunod sunod na tanong nya habang humahakbang palapit. At sa isang iglap ay nasa tabi nya ako at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
"Ngayon, hindi ko na sila hahayaan na ilayo ka pa nila sa akin ulit. Halika na mahal ko, tumakas na tayo ulit"aya nya at hinila ako pero nagpumiglas ako.
"Bitawan mo sabi ako! Arghh! Hindi mo ba naiintindihan?! Ha! I don't know you! I don't know the things you are talking about! Lumayo ka sa akin! Kaya chupe, get out of my freaking beautiful sight! "singhal ko sa kanya at sumigaw na ng malakas ng pwersahan nya na akong pinasama sa kanya.
Gumawa sya ng isang portal.. At akmang ipapasok nya ako doon ng may kung sinong bumasag sa portal at sumakal sa lalaki na may hawak sa akin kung kaya nadapa ako sa lupa.
"How dare you to touch her at pilitin syang lumayo?!" galit na sigaw ni Zhyden
"I'm her boyfriend so I have the permission to do this. And... "
"Because you don't deserve to be with her my majesty. I'm better in be-" Clark cut him off
"No one asking if you are deserving you dimwit! She is different person now dahil wala na syang maalala... It's up to her who she will choose for her second life"saad ni Clark
Bumangon na ako agad at lumayo. Bwumelo, tumakbo sa lalaking sakal-sakal ni Zhyden tsaka malakas syang tinadyakan.. Dahilan para mabitawan sya ni Zhyden at tumama sya sa isang puno.
"Bagay sayo yang manyak ka! Yawa.. "inis na bulyaw ko at binalingan ang gulat na mga kasamahan ko. Nanggigil talaga ako sa mga tao lalo na sa mga lalaking bigla na lang manghahawak ng wala permiso. Para sa akin nakakabastos yun.