Pinakawalan ko ang pinipigil na hininga. Mas dumoble ang hiya ko. Baka isipin ng lalaki ay madali akong babae. Nakakahiya talaga. Gusto kong sabunutan ang sarili.
Matagal bago ako nakatulog ng payapa.
Nagising ako ng tanghali. Wala ang lalaki pero may nakita akong pagkain na tinakpan sa mesa. Mainit pa ito kaya marahil ay hindi pa katagalan ng umalis ito.
Nagligpit ako ng higaan. Mataas na ang araw kaya mainit sa pakiramdam. Pinawisan ako at malagkit sa katawan. Ilang araw na ba ang huli kong ligo? Siguro noong nasa bangka ako, hindi ko maalala.
Napag-isipan kong maligo. May mga damit na binigay ang lalaki sa akin. Mga pinaglumaan niyang damit pero malinis at maayos pa naman.
Oo nga pala, tatlong araw na akong nasa bubong ng lalaki pero hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Tatanungin ko mamaya.
Kinuha ako ng damit at tuwalya. Naligo ako sa likod. Walang takip dito kapag maliligo, may banyo pero saktong isang tao lang ang kasya at masikip pa at isa pa malayo sa gripo. Tumingin ako sa paligid, wala namang tao kaya hinubad ko ang t-shirt at boxers. Wala akong underwear.
May nakita akong bote ng shampoo at body wash. Panlalaki ito, medyo maanghang ang amoy dahil sa mentol pero ginamit ko pa din. Kinudkod ko ang sarili hanggang sa mamula, makapal na ang libag ko sa katawan. Mula leeg, dibdib, tiyan at binti. Maingat ko ding tinuunan ng pansin ang ari.
Nagshampoo at nagbanlaw. Magaan na ang aking pakiramdam.
Kinuha ko ang tuwalya at tinuyo ang sarili. Habang pinapahid ko ang buhok ay nakita ko siya na nakatayo sa gilid ng bahay. Natigilan ako.