Chereads / HOURS / Chapter 7 - First Conversation

Chapter 7 - First Conversation

Nagtiim bagang at mainit ang mga titig nito. Kita ang libog sa itim niyang mata. Nagtaas-baba ang dibdib ko. Alam kong lantad ang buo kong katawan, kita niya lahat pero hindi ko ito tinakpan.

Nasisiyahan ako na makitang naglalaway ito sa akin. Parang tinutupok ng masarap na amoy ang katawan ko.

Pumikit ito at hinimas ang ari sa labas ng shorts. Taas-baba. Pagdilat ng mga mata ay tumingin ng deretso sa akin, umalis ito bigla.

Natauhan ako at mabilis na nagbihis. Sinundan ko ang lalaki sa loob ng bahay. Nakahiga ito sa lantayan. Pinatong ang braso sa mata. Alam kong gising ito dahil normal ang bilis ng paghinga.

"p-pasensya na kanina, hindi ko…intensyon na gawin iyon. Hindi ko alam kung bakit" lumunok ako at naluluha sa hiya. "hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon"

"ayos lang, kasalanan ko din naman kasi tumingin ako. Alam natin na malakas ang hila ng atraksyon natin sa isat-isa pero kailangan nating pigilan ito. Hindi mo maalala ang pagkakakilanlan mo o nakaraan. Paano kung may nobyo ka na o ang mas malala ay kasal ka na"

Natauhan ako sa sinabi niya.

"Pasensya na talaga…alam mo ilang araw na ako dito pero hindi ko pa rin alam ang pangalan mo" hindi gumalaw ang lalaki, nanatili itong nakahiga.

"Oliver. Ikaw din, dapat may pangalan ka kahit temporaryo lang" may punto siya. Ang panget naman siguro na hoy ang itawag sa akin.

"Lily" bulong ko. Gusto ko ang pangalang Lily.

"Lily…hindi na masama" bumangon ang lalaki at umupo. Hinimas nito ang batok.

"Nagtanong na ako sa mga tao sa lungsod pero wala pang balita sa mga kamag-anak mo, may kutob akong hindi ka tagarito pero huwag kang mag-alala may kaibigan akong may mga koneksyon para mapadali ang paghahanap sa pamilya mo"

"Salamat Oliver" ngumiti ako. Gumaan ang tensyon sa hangin.

"Kumain ka na" hindi ko napigilan ang mas paglawak ng ngiti, ito ang unang pagkakataon na nag-usap kami ng maayos.

"hindi pa. Sabay na tayo"

Nalala ko na naka tuwalya lang pala ako. Nahbihis muna ako pagkatapos ay sabay kaming kumain.