Pagsapit ng tanghali ay nakita ko si Oliver na nagsisibak ng kahoy. Jusko, sinusubukan talaga ako ng kahinaan. Alam kong tama siya na baka may nobyo na ako at dapat makonsensya sa mga iniisip ko. Pero wala akong maalala. Hindi ako nakakaramdam ng bigat sa puso kapag pinagnanasahan ko ang lalaki gaya ngayon. Napakatikas nito. Kapag tinataas ang palakol ay humihigpit ang muscle niya sa braso. Basangbasa ang tshirt niya sa pawis, manipis ito at dumikit sa katawan. Halos mawala ako sa katinuan ng makita ang malapandesal nitong abs. Ramdam kong nabasa ang aking pagkababae.
Nakita ako ni Oliver. Pinilit kong ngumiti, nagkulay kamatis ang pisngi dahil nahuli niya akong nakatitig sa kaniya.
Tumango ito at nagpatuloy sa pagsibak. Pinilit ko ang sarili na huwag isipin ang lalaking adonis, tumulong ako sa paglipat ng kahoy sa loob ng bahay. Pagdating ng hapon ay nagtimpla ako ng kape, ipinasyal niya ako sa dalampasigan. Nakaupo kami sa may buhanginan. May malaking espasyo sa pagitan namin.
Walang nagsasalita pero walang ilangan sa pagitan namin, komportable ang katahimikan. Wala din naman kaming mapag-uusapan dahil estranghero kami sa isat-isa.
Tinignan ko ang gilid ng mukha ni Oliver. Paglubog ng araw ay bumalik kami sa bahay. Sabay kumain, ako ang naiwan para maghugas.
Inayos ko ang higaaan.
Dumaan si Oliver at akmang bubuksan ang pinto.
"Oliver…malaki naman ang lantayan kasya tayo. Baka malamig sa labas at magkasakit ka, dito ka na lang" dahil sa mababang toni nh boses ko ay nagtunog pakiusap ito.
Tinitigan ako ni Oliver. "Goodnight Lily" lumabas siya.