Chereads / HOURS / Chapter 9 - Naughty Thoughts

Chapter 9 - Naughty Thoughts

Naiwan akong nakatayo. Nagpakawala ng malalim na hininga. Dapat siguro ay tigilan ko na ang pagpapantasya sa kaniya. Kailangan ko na din sigurong umiwas. Halata namang libog lang ang nararamdaman namin. Init lang ng katawan kaya pihado akong mabilis itong mawawala, ang kailangan ko lang ay umiwas.

Sumunod na araw ay nagising ako na masakit ang dibdib ko, pakiramdam ko ay bumigat ang mga ito. Habang kinukoskos ko ang labahin ay nakiskis ito sa t-shirt. Mahapdi ang utong ko. Malapit na siguro ako datnan.

Kailang ko ng napkin at maayos na underwear pero wala akong pera. Nakakahiya naman manghingi kay Oliver lalo pa ngayon na iniiwasan ko siya. Pero hindi din naman puwese na reglahin ako na walang suot na napkin. Kinapalan ko ang mukha at binilisan ang paglalaba.

Nakita ko si Oliver na nagtatahi ng lambat sa ilalim ng puno ng mangga. Lumapit ako.

"Oliver" tumigil ito at tumingin sa akin.

"Bakit" kinagat ko ang loob ng bibig. Humigpit ang hawak sa laylayan nh t-shirt.

"pwede ba manghiram ng pera may bibilhin sana akong ilang gamit" mahina kong sabi.

"hmm. Samahan kita sa lungsod mamaya, tapusin ko muna ito"

"salamat Oliver" nagkatitigan kami. Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Alam kong bakat ang matutulis kong utong. Agad kong tinakpan ang dibdib gamit ang braso. Patakbo akong pumasok ng bahay. Mabilis ang tibok ng puso ko. Kalma Lily. Inalog ko ang ulo. Di yata ay mas lalong tumindi ang pagnanasa ko sa kaniya.

Gaya ng napagkasunduan, bumyahe kami ni Oliver sa lungsod. Temporaryo akong nagsuot ng t-shirt na pinatungan ng jacket at shorts na panlalaki.

Pagdating sa lungsod ay dumeretso kami sa isang maliit na tindahan ng damit. Habang bumibili ay umalis si Oliver lalo na ng makitang papunta ako sa underwear section.

Kumuha ako ng anim na panty at bra. Aalis na sana ako ng mahagip ko ang isang pares ng itim na sexy bra at panty na nasa mannequin. Napakacute nito dahil may laso sa gitna ng dibdib ganun din sa panty, see through din ito.

Ano kaya ang magiging reaksyon ni Oliver kapag nakita niya akong suot ito? Namula ang mukha ko. Nakipagtalo ako sa sarili kung kukunin ko ba ito pero sa huli ay bumili ako ng isang pares.