"Pasok" rinig ko ang mababang boses niya, makapal at garalgal. Tumuloy ako. Simple lang ang loob. Initsa niya ang isang t-shirt at panlalake na shorts.
"Magbihis ka" tumalikod ito at nagluto sa kusina.
Nagpunta ako sa sulok at hinubad ang basa na putting dress na suot. Malaki ang t-shirt na hanggang tuhod ko, ang shorts naman ay itinupi ko ng dalawang ulit bago kumasya sa baywang ko.
Madilim ang bahay dahil isang gasera lang ang ilaw ng bahay. Bumalik ako sa kusina. Napasinghap ako ng makitang walang suot na pang-itaas ang lalaki. Nagkulay bronse ang balat niya dahil sa ilaw. Malapad at maskulado ang katawan niya. Napalunok ako. Ang hot niya tignan, kung hindi ko nakita ang bangka at lambat nito ay hindi ako maniniwalang mangingisda siya. Biglang nagkaroon ng pulso ang aking clit at naramdamang nabasa ito. Inipit ko ang mga binti.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa katawan niya.
Lumingon ang lalaki. Jusme. Ang gwapo niya. Ang una kong nakita ay ang matangos niyang ilong na gumawa ng anino sa mukha niya. Medyo may kahabaan ang buhok niya. Hindi masyadong makita pero alam kong guwapo ito.
"Kumain ka na" inilapag niya ang plato ng kanin sa mesa at isang mangkok ng tinolang isda.
Umupo ako sa mesa at mahinhin na kumain. Kumain din ang lalaki.
"Anong pangalan mo?" napahinto ako sa pagkain. Pangalan, inalog ko ang ulo.
"wala akong matandaan" tumaas ang kilay ng lalaki. Mukhang may sasabihin ito pero hindi niya ginawa.
"may naaalala ka ba sa nangyari sa'yo?" gaya ng naunang tanong ay inalog ko ang ulo. Wala akong matandaan.
Tumahimik ang lalaki.
Sinilip ko ang mukha niya. Wala itong reaksyon.
Mukha itong galit kaya nagpaliwanang ako. "Ang huli kong natatandaan ay noong nagising ako sa bangka mo"
Blangko pa din ang mukha niya ngunit tumango na ito.