Isang akong doktor sa taong 3030's. Dahil sa hindi inaasahang aksidente ang kaluluwa ko'y napunta sa katawan ng binatang kapareho ko ang pangalan. Reincarnation ba ang tawag do'n? Akala hindi totoo 'yon, sa mga nobela lang nangyayari ang gano'n. Ang gulo!
Ayos lang sana kung sa fantasy world ako muling isinilang. Naa! Gusto ko na lang mamatay ulit. Bakit sa dinami dami ng lugar, sa sinaunang panahon pa? Walang kuryente, mga makinarya, android phone, laptop, iba't ibang pangangailangan ng tao kagaya ng gamit panlinis at marami pang iba!
Buti na lang, mukhang mabait ang naglagay sa 'kin sa sitwasiyon ko ngayon. Binigyan ako ng modernong kaharian na ako ang diyos, sa mundong 'yon kaya kong kontrolin ang lahat. Pwede rin akong magdala ng ibang tao kung gugustuhin ko.
Palagay ko wala na akong takas sa tadhanang 'to. Medyo ayos lang naman, naaeexite kasi akong gumawa ng modernong kaharian sa sinaunang panahon. Hihihihihi, akala niyo lang walang silbe si Samuel. Hintayin niyong paunlarin ko ang malapad na lupaing binigay niyo sa 'kin. Hindi magtatagal ang Butuan na ang pinakamakapangyarihang lugar sa Azul! Isinusumpa ko 'yan!