Manghang-manha si Samuel, habang nililibot ang tingin sa paligid. Ang kisame ay napakatayog, na kapantay na ata ng langit. May mga bituing kumikislap doon.
Siguro nanaghinip lang siya. 'Yon ang pinaniwalaan niya, dahil kung hindi. Wala siyang nakikitang dahilan para mapunta sa kakaibang palasiyo. Wala nga ba? Ayaw ni Samuel na takutin ang kaniyang sarili, inisip niya na lang siya ang nag mamay-ari ng palasiyo, tutal wala namang tao. Kanina pa siya tawag ng tawag wala namang sumasagot.
Umupo siya sa upuang kulay ginto. Sa lahat ng upuan ito lang ang naiiba, ginawa ata para sa nagmamay-ari ng kung sino sa palasiyo.
May malaking bilog sa harapan niya. May mga maliit na liwanag ang gumagalaw do'n. Namangha siya sa kaniyang nakita, gusto niyang alamin kung ano ang nasa loob. Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang kamay.
Napalundag siya bigla, nanlaki ang kaniyang mata, umatras siya. May liwanag kasing lumabas sa bilog. Tumakbo siya ng mabilis, hinabol siya ng liwanag.
"Wala akong ginagawang masama, kung may nagawa man akong kasalanan sa 'yo sorry. 'Wag kang lumapit, no!"
Pumasok ang liwanag sa kaniyang likod. May mainit siyang nararamdaman sa kaniyang puso. Tumayo ang mga balahibo niya sa katawan, napaluhod siya sa sahig.
Hinawakan niya ang kaniyang dibdib, may kung anong pilit na pumapasok sa puso niya. Medyo nahihirapan siyang makahinga.
Bakit parang totoo? Akala ko panaghinip lang 'to! Katapusan ko na ba? Namutla ang mukha niya, parang bangkay na nalunod sa tubig.
Nang akala niya na mamatay siya sa kaniyang panaghinip, bigla na lang bumalik sa dati ang kaniyang paghinga. May mainit siyang nararamdaman sa kaniyang puso, hindi masakit. Bagkos ito'y masarap sa pakiramdam na nagpahinahon sa kaniyang loob.
"Ikinagagalak kong makilala ka Rajah Samuel."
"Sino ka? Nasa'n ka? Magpakita sa sa 'kin!" Hinanda niya ang kaniyang sarili. Tumayo siya, nilibot niya ang kaniyang paningin. Wala siyang nakita.
"Nasa loob mo ako Rajah Samuel. Nararamdaman ko ang takot sa 'yong dibdib. 'Wag kang mabahala hindi kita sasaktan. Nandito ako para tulungan ka, ako ang iyong gabay sa misyong ibinigay sa 'yo ng diyos."
Kumunot ang kaniyang noo. Huminahon siya. Nararamdaman ni Samuel na walang masamang gagawin ang kausap niya. Hindi niya alam kung bakit. Mahirap ipaliwanag, may kung anong komokonekta sa kaniya at sa kausap niya ngayon.
"Rajah Samuel nais mo ba akong makita?"
Tumango siya. Ilang saglit lang may liwanag na nabubuo sa harap niya. Nakakasilaw ito, tinakpan niya ang kaniyang mata na nakapikit.
Maya-maya pa ay tumahan na ang liwanag. Tinignan niya kung ano ito. Isang bilog na bakal, kasing laki ng kamao, may maliit na pakpak na gawa sa pilak. Una niyang impresiyon ay makinang maliit ang kaharap niya. May isa itong mata ito sa harap na kulay asul.
"Anong pangalan mo? Tyaka ano ka?" Natutuwa niyang saad, hinawakan niya ang bilog. Nagpahinga ito sa palad niya.
"Pwede mo 'kong tawagin sa pangalang gusto mo. Isa akong android."
"Isa ka bang system? Kagaya sa mga nobelang nabasa ko no'n?"
"Hindi pero medyo magkahawig kami niyang tinutukoy mo."
"Ang tipid mo naman magsalita.
Simula ngayon Sammy na ang itatawag ko sa 'yo. Nagustuhan mo ba?" Madaldal talaga siyang kausap. Noong nabubuhay pa siya, 'yong mga katrabaho niya naiinis sa kaniya kung minsan. Pag siya kasi nakipagusap matagal matapos. Ang dami niya kasing naiisip na paksa na pwedeng pagusapan.
"Oo Rajah Samuel."
Napanguso siya. Oo daw pero hindi niya naman damang masaya. Tunog robot kasi ang boses ni Sammy.
"Bakit Rajah ang tawag mo sa 'kin? Hindi naman ako hari." Ang Rajah sa panahong ito ay katumbas ng Hari. O ang pinakamakapangyarihan sa isang syudad. Anak lamang siya ng isang datu, ang angkop na tawag sa kaniya ay Prinsipe Samuel.
May tatlong na antas ang tao sa kontinente ng Azul. Una ay ang oripun, katumbas sa salitang alipin. Datu kapanalig ng Rajah sa pamamahala sa nasasakopan nito. Katumabas ng salitang mayor. Ang huli ay ang Rajah. Nasa kamay nito ang batas at ang kinikilalang hari sa isang lungsod. Katumbas sa salitang Presidente.
"Hindi pa ngayon, pero sa hinaharap. Kaya ako nandito para ilagay sa titulong 'yon."
"Hindi ba ako nanaghinip? Naguguluhan na talaga ako, pwede mo bang ipaliwanag sa 'kin ang lahat. Sumasakit na 'yong ulo ko maawa ka."
Ipinaliwanag ni Sammy kung bakit siya nabigayan ng pangalawang pagkakataong mabuhay at kung bakit nandito siya ngayon.
Napili siya ng diyos ng planetang ito para; paunlarin ang lupaing ibinigay sa kaniya, turuan ang mga taong maging makatao. Maraming mababagsik sa Pinipo. Halos lahat ay mga maharlika. Gawing madali at magaan ang paraan ng pamumuhay. Sa pamamagitan ng pag-imbento ng mga teknolohiyang meron sa dati niyang mundo.
Gawing demokrasiya ang batas na umiiral sa lahat ng kontinente at pag-isahin ang mga ito.
Hindi siya nanaghinip ngayon, totoo ang mga nakikita niya. Ang kaluluwa niya'y nakapasok sa isa sa mga kaharian ng diyos, pinahiram ito sa kaniya upang maging sandata niya sa kaniyang misyon.
May ilang impormasiyon pa siyang hindi pwedeng malaman. Sasabihin lang daw 'yon sa kaniya pag dumating na ang tamang oras. Ngayon magpokus muna sa kaniyang nasasakopan. Kung makapangyarihan ang lungsod niya mas mapapadali ang kaniyang mga misyon.
Pag hindi niya ginawa ang misyong ibinigay sa kaniya, hindi magdadalawang isip ang diyos na muli siyang patayin. Ayaw niyang mangyari 'yon, hindi naman labag sa loob niya na tulungan ang diyos. Bilib pa nga siya rito, kahit siya gusto niya ring baguhin ang Azul.
Nais niyang maging pantay ang karapatan ng bawat tao. Itigil ang mga madugong tradisyon, kagaya ng pagpatay ng tao bilang alay sa pekeng mga diyos. Kahit wala siyang lakas na loob, kung kaya niya lang papatayin niya talaga ang mga nag diyos-diyosan sa lugar na 'to. Sila ang dahilan kung bakit nagkawatakwatak ang mga tao na naging sanhi ng pagkakaroon ng tatlong antas ng pamumuhay. Ang mga alipin ay mananatiling alipin. Gano'n din sa mga maharlika.
"Sammy pwede ba akong humingi ng tulong sa ibang tao para mapaunlad ang Butuan? Isa akong doktor, wala alam ko sa pagsasanay ng halimbawa mga sundalo o kaya pulis. Wala akong alam sa pagtayo ng mga gusali. Wala akong alam sa paggawa ng mga gamot. Wala akong alam sa pagtahi ng damit. Wala akong alam sa pagbuo ng makina. At kung meron man, hindi ko rin tatrabahin 'yon. Mas gusto kong maging doktor, do'n ako masaya. Gusto kong magtayo ng hospital sa lugar na 'to, pwede ko bang hati-hatiin ang mga kailangan gawin at ibigay 'yon sa kung sino ang karapat-dapat."
Hindi sumagot ang android. Pakiramdam niya'y nag-iisip ito kung may utak man.
"Ang lugar kung saan tayo ngayon ay sagrado. Hindi makakapasok ang kung sino-sino lang dito, pero may paraan kung paano. Kailangan ng permiso mo para makapasok ang taong gusto mong makapasok dito. Binabalaan kitang hindi ka pwedeng magpasok ng kung sino-sino lang dito! Dapat 'yong pipiliin mo'y mga tapat sa 'yo at handa sa mga responsibildad na ibibigay mo. Iminumungkahi ko Rajah Samuel na bumuo ka ng isang sekretong organisasiyong magiging alalay mo sa pagpapaunlad ng Butuan."
"Magandang ideya nga 'yan. Pero paano? Paano ko mapapaunlad ang Butuan kung sa panggagamot lang ang alam ko? May galit ba ang diyos na 'yan sa 'kin? Anong tingin niya sa 'kin alam ko lahat?"
"Ipagpaumanhin mo Rajah Samuel. Nakalimutan kong sabihin na may mga android na tutulong sa 'yo para sa pinakaunang misyon mo. Ang bawat android na 'yon ay may buong kaalaman sa mga bagay na hindi saklaw ng 'yong utak. Halimbawa si Android 1 ay naka programa para magbigay ng kaalaman sa agrikultura, si Android 2 ay sa pag iinhenyero, si Android 3 naman ay sa arkitektura..."
Gumaan ang loob ni Samuel. Buti na lang at may mga makakatulong siya. At ang mas maganda pa ay pwedeng ilipat ng mga android ang alam nila sa utak ng tao. Pero bago mangyari 'yon, kailangan munang makuha ang mga kinakailangang kapalit para sa impormasiyon.
Alam niyang kahit may malaking tulong nang ibinigay sa kaniya, hindi pa rin magiging madali ang lahat. Kagubatan ang ibinigay sa kaniya, ang mga nasasakopan niya'y nakatira sa kweba sa gilid ng sapa. Mapanganib ang magtayo ng tirahan sa ilalim ng mga puno. Kailangan niyang putulin ang mga puno sa kapatagan para matayuan ng mga bahay, hindi pwede sa kaniya ang tumira sa loob ng kweba. Malamig at hindi komportable. Isa sa mga misyon niya'y bigyan ng madaling pamumuhay ang mga tao.
Pag gising niya nakatambak na kaagad ang maraming gagawin.
"Sammy alam mo ba kung paano gumawa ng asin?" Sa alaala niya hindi gumagamit ng asin ang mga tao sa Butuan. Sa panahong ito mahal at maihahalintulad sa ginto ang asin. Mga maharlika lang ang may kayang bumili ng sangkap na nabanggit. Ayaw niyang kumain ng karneng walang lasa.
"Oo Rahah Samuel. Gusto mo bang ipasa ko sa 'yong utak?"
"Sige."
May kaunting kirot siyang naramdaman. Nawala din ito kaagad.
"Salamat!"
"Walang ano man. Ikinagagalak kong paglingkuran ka Rajah Samuel."