Chereads / Rajah Samuel / Chapter 4 - Kabanata 3

Chapter 4 - Kabanata 3

Hindi man alam ni Samuel kung ano na ang oras. Pero alam niyang umaga na, bandang alas singko siguro.

Nanginginig siya. Ang lamig ng hangin, tahimik ang paligid. Wala siyang nakitang ibang tao sa paligid. Medyo nalungkot siya ng maalalang Samuel nga ang pangalan niya pero hindi naman ang Samuel sa taong 3030.

"Ngayon ako na si Samuel," ani niya. Ang Samuel na pinandidirihan ng kaniyang ama dahil nagmula siya sa isang oripun. Ang Samuel na ipinadala sa Butuan para mamatay sa gutom. Hindi 'yon mangyayari.

Tumayo siya. "Sammy" pagtawag niya.

"Anong maipaglilingkod sa inyo Rajah Samuel?"

"Pwede ba kitang makausap sa aking isipan? Baka masabihan akong baliw ng iba pag kinausap kita. Ako lang ba ang pwedeng makakita sa 'yo?"

"Oo. Ikaw nga lang Rajah Samuel."

"Tigilan mo nga 'yang pagtawag sa 'kin ng Rajah Samuel. Hindi ako komportable, Samuel na lang."

"Masusunod Samuel."

Napabuntonghininga siya, 'yong nag iisang kilala siya ay nakakausap niya nga. Pero nagsasalita lang ito pag tinanong niya, para siyang nakikipagusap sa patay.

Lumabas siya sa kweba. Bumungad sa kaniya ang malapad na ilog, may babae at lalaki siyang nakita na nangingisda. Balat lang ng hayop ang suot nilang damit, tinakpan nito ang pribadong parte ng kanilang katawan.

Napailing siya, paano sila makakahuli ng isda kung kamay lang ang gamit. Bilib din siya sa iba, ang bilis ng kamay nila, maswerteng nakahuli. Napangiti siya, kahit simple lang 'yong buhay ng mga tao sa panahong 'to. Ngumingiti pa rin sila, kahit ang hirap hirap mabuhay sa mapanganib na paligid.

Naalala niyang nasa makalumang nga pala siya, ang mga tao dito ay wala pang edukasiyon. Hindi sila matalinong nagtratrabaho, lahat ay inaasa sa lakas at bilis. Lalong lalo na sa mga lalaki.

Preskong-presko ang hangin, masarap sa pakiramdam. Sa dati niyang mundo, kahit saan siguro siya pumunta. Hindi siya makaamoy ng sariwang hangin, halos lahat kasi ng lupa ay tinayuan na ng mga matataas na gusali. Pati ang bukid ay hindi pinalagpas.

"Prisipe Samuel. Gusto niyo na bang mag-agahan?"

Napatingin siya sa gilid niya, nakita niya ang general ng mga kawal na sinamahan siya sa Butuan. Si Ardes. Labag man sa loob nilang samahan siya, hindi sila pwedeng umangal sa utos ng ama niyang datu.

Sino ba naman ang gustong tumira sa loob ng gubat, maraming mababangis na hayop. At kunti lang ang mapagkukunan ng pagkain. Ang tumira sa lugar na 'to ay katumbas na rin ng pagpapakamatay ng paunti-unti.

Tipid siyang tumango. Sa loob niya gusto niyang sumigaw at murahin ang mabagsik niyang ama. Wala naman siyang kasalanang ginawa dito, bakit gusto siyang patayin. Dahil ba pagkakamali lang kung bakit siya nabuhay?

Pinigilan niya ang kaniyang sarili, tahimik siyang binata. Magsasalita lang siya kong importante talaga, ayaw niyang paghinalaan ni Ardes ang pagbabago sa ugali niya. Hindi muna ngayon, masyado pang maaga para sa pagbabago.

Dinala siya ng heneral kung saan nakatira ang 100 na mga kawal. Umupo siya sa bato at kinain ang inihaw na isdang nakatuhog sa kawayan. Pinilit niyang kumain, walang lasa.

'Sammy, ano ba ang una kong gagawin ngayon? Saan ako magsisimula, naguguluhan ako. Tulong naman.'

"Iminumungkahi kong palakasin mo muna ang mga mahihinang gwardiyang ibinigay sa 'yo?"

"Paano?"

"Pagbutihin ang kanilang gene."

"Huh? Hindi kita maintindihan."

"Gumawa ka gamot na magpapalakas sa katawan ng iinom nito. Nais mo bang malaman ang pinakamalakas na pormula?"

"Parang gene enhancement?"

"'Yon nga Samuel."

"Mahirap gawin 'yon, walang laboratoryo dito. Wala ring kwenta kahit alam ko ang pormula."

"Kung sa dati mong mundo mahirap, pero sa mundong 'to. Pag meron kang mga sangkap na makikita sa gubat, kahit wala ka pang angkop na kagamitan magagawa mo. 'Wag kang mag alala nandito ako para gabayan ka."

"Salamat!"

Binilisan niya ang pagkain.

"Bilisan niyo sa pagkain. May ipapagawa ako sa inyo." Tumingin sa kaniya ang mga kawal. Gusto nilang malaman kung ano ang iuutos niya. Ngumiti siya na nagpabigla sa kanila, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita nilang ngumiti ang prinsepi.

Nang matapos sila. Pumasok sila sa gubat. Litong-lito ang mga tao kung bakit siya papasok sa gubat. Lalong-lalo na ang kawal. Mapanganib, kaya niya bang protektahan ang kaniyang sarili. Wala pa siyang dalang espada.

"Ipagpaumanhin niyo ang aking kapangahasan Prinsepi Samuel, maari ko bang malaman kung ano ang sadya natin sa gubat?"

"Mahirap ipaliwanag. Para sa 'ting 'tong lahat."

Hindi siya naintindihan ng mga kawal. Nagkibit balikat lang siya. Nauna siyang naglakad, sumunod naman ang mga kawal. Mas lalo silang naguluhan, 'di ba dapat nasa gitna siya para maprotekthan siya pag may umatakeng mabangis na hayop?

Ayaw niyang magsayang pa ng oras. Binilisan niya ang paglakad. Sa umaga tulog pa ang mga mababangis na hayop.

Paglipas ng tatlong minuto na paglalakad. Huminto si Samuel pati narin ang mga kawal. Nilibot ng mga kawal ang tingin nila sa paligid at hinanda ang dala nilang espada kung sakali mang may umatake sa kanila.

"Prinsepi Samuel. May lason ang halamang 'yan, 'wag mong hawakan."

Pagpigil ni Ardes sa kaniya, kitang-kita niya ang takot sa mukha nito.

"Alam ko. 'Wag kang mag alala sa 'kin, hindi ko ilalagay sa panganib ang buhay ko."

"Pero."

"Tumahimik ka na lang diyan at manood."

Kumuha siya ng damo sa gilid ng halamang kapareho ng gabi. Perpekto puso ang hugis sa mga dahon nito, kulay asul at may maliliit na tinik ang sanga. Hindi niya alam ang tawag sa halaman, may tiwala naman siya kay Sammy. Kahit sinabi na ng heneral na may lason ang halaman, hindi siya nagdalawang isip.

Inutusan siyang kumuha ng katas sa mga damo. Ipahid 'yon sa mga palad. Ilang saglit lang naging berde ang kaniyang buong kamay. Ang katas ay pangontra sa lason.

Kahit anong isip niya, hindi talaga maintindihan ni Ardes ang kinikilos ng prinsepi. Gusto niyang pigilan si Samuel, pero sinabihan na siyang tumahimik. Bawal siyang umangal sa utos ng isang maharlika, kahit pa kalahating maharlika lang ang prinsepi. Pag namatay ito lahat sila ay mamatay rin dahil sa kanilang kapabayaang protektahan ang prinsepi. Namawis ang kaniyang noo. Tumigil ang pagtibok ng kaniyang puso ng makitang nahawakan na ni Samuel ang may lasong halaman.

Ang mga kawal na may alam sa halaman ay nanigas. Sa isip nila, nababaliw na ang prinsepi.

"Pag namatay ang prinsepi, sabihin nating inatake tayo ng mga mabangis na hayop. Malas ang prinsipe at namatay ito, hindi na tin siya naprotekhan dahil marami ang kalaban." Ayaw nilang mamatay dahil lang sa kahibangan ni Samuel. Hindi naman siguro magaglit ang ama ng prinsepi pag namatay ang isang anak nito, kaya nga siguro ipinadala ng datu ang prinsepi sa Butuan dahil gusto nitong mamatay ang prinsepi.

Nahihiya at galit ang datu na may anak ito sa mababang uri. Isang malaking kahihiyan 'yon para sa kaniya.

"Akin na ang kawayan." Utos ni Samuel. Lumapit ang kawal na may dalang mga kawayan, inutusan niya itong magdala ng kawayan sapagkat do'n niya ilalagay ang mga katas na naipon niya.

Piniga niya ang dahon, pumasok ang mga 'yon sa loob ng lagayan. Parang tubig lang ang dami.

Nang matapos siya kaagad siyang tumayo.

"Ikaw." Turo niya sa isang kawal. "Kumuha ka ng damo,sa paligid ng halamang ito. Pugain mo, ang katas ay ipahid mo sa buong mong kamay. Pangkontra 'yan sa lason. Pagkatapos dalhin mo 'to." Itinuro niya ang kawayang nasa harapan niya.

Lumunok ng laway ang kawal. Nanginginig ang buong katawan nito."Ayaw ko pa pong mamatay." Narinig niya ang bulong na 'yon.

"Hindi na sana ako nakakapagsalita ngayon, kung nalason ako ng halamang 'yan. Para sa kaalaman niyong lahat, lahat ng lason may lunas. Ang lunas sa lason ng halamang 'to ay ang damo sa paligid nito. May lason ang damong 'yan na kinokontra ang lason ng halaman. Pag ang dalawang lason ay naghalo, nagiging gamot ito na maaring magpalakas sa dugo."

Gustong magtanong ng mga kawal, pero hindi sila nagsalita. Paano nalaman ng prinsepi ang kaalamang sinabi nito? Sinong nagturo? Saan nakuha?

Labag man sa kalooban, sumunod ang kawal. Umaasa siyang hindi nagsinungaling ang prinsepi.

Habang patagal sila ng patagal sa loob ng gubat. Manghang-mangha ang mga kawal, pakiramdam nila isang mahiwagang nilalang ang prinsepi. May mga nakalalason halaman itong hinawakan pero hindi namatay o kaya'y nanghina. Itinuro sa kanila ang gamot at pangkontra sa lason. Ang kaalamang itinuro sa kanila ay paulit-ulit nilang sinasabi sa kanilang isip, ayaw nilang makalimutan 'yon. Mahal pa sa ginto ang kaalamang 'yon!

Nang makuha na ni Samuel ang katas ng mga halamang na kailangang niya. Dali-dali na silang lumabas sa gubat, sinundan nila ang mga markang iginuhit nila sa mga puno. 'Yon ang magiging gabay nila pabalik kung saan sila nagmula kanina.

Tahimik ang kanilang mga yapak. Ayaw nilang marinig sila ng mga mababangis na hayop sa paligid.

Malapit na sana silang makalabas. Pero lahat ay napatigil ng bigla na nawala ang sinag ng araw sa kanilang balat, parang may tumakip. Napatingin sila sa taas. Kaagad na gumuhit ang takot sa kanilang mukha, may mga ibon na lumilipad sa taas. Marami, may mga matutulis na tuka. Isang tusok lang sa katawan nila, siguradong patay kaagad.

'Sammy, may magagawa ka ba sa mga ibong 'yan, parang pagkain kami sa mga mata nila.' Kinakabahan niyang sambit.

'Kaya ko silang palayuin sa kinalalagyan niyo ngayon, pero may malaking kapalit Samuel.'

'Kahit ano, basta iligtas mo lang kami sa mga ibong 'yan!'

'Ikinagagalak kong tulungan ka Samuel.'

"Protektahan ang prinsepi, kahit anong mangyari kailangan buhay siyang makalabas sa gubat na 'to!" Sigaw ni Ardes. Kaagad namang sumunod ang mga kawal, hindi sila nagdalawang isip kagaya no'n. Ang tingin nila kay Samuel ngayon ay isang blessed. Dahil kung hindi, sinong nagbigay ng talino na ipinakita nito kanina sa kanila? Biniyaan ng diyos ng talino ang prinsepi.

Bihira lang makakita ng isang blessed. Pag hinayaan nilang malahamak si Samuel, matitikman talaga nila ang galit ng diyos. Ayaw nilang mangyari 'yon.

"Ah!" Napatingin ang mga kawal sa prinsepi dahil sa bigla nitong pagsigaw habang nakahawak sa ulo.

"Anong nangyari?"

"Hindi ko alam!"

Kumunot ang kanilang noo. Ang mga ibon sa taas nila ay hindi umatake, bagkos lumipad ang mga ito palayo sa kanila. Wala silang nakikita na dahilan para mangyari 'yon, bukod sa maaring kagagawan 'yon ng prinsepi. Dahil dito mas lalo silang naniwala na blessed nga ang prinsepi! Ang swerte nila, ang paglingkuran ang isa sa mga paborito ng diyos ay isang malaking karangalan.

Sinong mag aakalang ang anak ng isang oripun, ay isa pa lang pinagpala? Bumilib sila sa panlolokong ginawa ng prinsepi, kahit sila ay napaniwalang normal na binata lang ito.

Tumigil sa pagdaing si Samuel. Ang ulo niya ay parang binibiyak ng matigas na bagay. Unti-unting lumabo ang paningin niya, kaagad siyang natumba. Napahiga siya sa lupa.

"Ang prinsepi!" 'Yan ang huling narinig niya bago tuluyang nawalan ng malay.