Matapos ang tagpong iyon sa pagitan namin ni Kailey ay naging mas clingy na siya sa akin, kung noong nagkaaminan kami ay naging clingy na siya ngayon naman ay halos triple na iyon ngayon.
Isang buwan narin pala simula nang maging kami and everything between us went smoothly, she'd always telling me how much she loves me na halos minuminuto na yata niyang sinasabi at pinapaalala sa akin.
Since the day she became my girlfriend everything for me became perfect parang wala na akong nakikitang mali sa buhay at araw araw ko at dahil iyon sa sobrang kaligayahan at pagmamahal ko sa babaeng ngayon ay dalawang araw ko nang hindi nakikita.
She's in Singapore for two days now,, she has some business deals there and she also has some meetings that she needed to attend to, dalawang araw ko palang siyang hindi nakikita pero para na akong mababaliw sa sobrang pagkamiss ko sa kanya, i am already longing for her presence damn it.!
Abala ako sa kakatingin ng mga groceries sa bawat shelves na nadadaanan ko when someone bump me from behind, nabitawan ko ang hawak kong cellphone kung saan nakasulat ang mga listahan ng aking mga bibilhin., yumuko ako upang sana kunin ang cellphone kong nahulog nang may mabalahibo at maugat nang kamay ang nag abot nito sa akin., i lifted my head to see the man handing my phone infront of me.,my lips parted for awhile but it was quickly faded and a sweet smile form on my lips nang mapagsino ko kung sino ang taong may hawak ngayon ng telepono ko habang may malawak na ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi.
"sir Kevin, ikaw pala..it's been a long time sir" sabi ko nang may bakas na excitement ang boses ko, he was my professor back in college, ang gwapong professor namin na kinahuhumalingan ng karamihan noon sa campus, actually he used to be my first crush back then when i was in freshmen, ang gwapo niya kasi noon at confuse pa ako sa pagiging gay ko noon or hindi pa yata ako totally na gay that time, halos maghugis puso ata ang mga mata ko nang mapadako ang mga mata ko sa kanya habang tinatahak ang hallway papasok sa aming classroom..
Dati sa tuwing siya na ang subject na papasukan ko ay walang pagsidlan ang excitement at saya ko dahil mabibigyan na naman ako ng pagkakataon na masilayan ang kagwapohan nito, that time i knew then na may gusto ako sa kanya but then after a year something strange feelings of me suddenly change, lalo na the time na pinakilala na sa amin ni Kailey si Anton, if i am not mistaken 3'rd year college na yata kami noon, yes tumagal naman ang pagkakagusto ko kay sir Kevin noon ng halos tatlong taon.
"ma'am may problema po ba?" boses ng bodyguard ko ang nagpabalik ng ulirat ko, napakurap kurap ako at pansumandaling nilingon ang matikas na lalaking ngayon ay mataman nang sinusuri ng tingin ang lalaking nasa harapan ko na ngayon na mababakas parin ang saya sa pagkikita namin ngayon after a long years.
I cleared my throat and slowly shooked my head at Mark, my bodyguard.
"no it's fine, i know him so there is nothing to worry about Mark.." sabi ko dito na tinanguan naman ng huli ngunit bakas parin sa kanyang mga mata ang panuring tingin nito kay sir kevin.,,
I sighed.
"balita ko lumipad ka ng states together with Japer Yu,,nakabalik kana pala?" tanong niya di kalaunan at pansumandali ring lumipad ang mga mata nito kay Mark na ngayon ay nakatayo nang tuwid sa aking tabi na tila binabantayan ako sa lalaking kaharap.
Tumango tango ako at saka tipid na ngumiti,,hindi ko tuloy maiwasang isipin kung hindi kaya ako naging gay may posibilidad kaya na magustohan ko siya ulit dahil halos wala parin itong pinagbago, perpekto parin ang kagwapohan nito..,ipinilig ko ang ulo ko sa naiisip.. damn i felt like i am cheating already by just only thinking this way with this man infront of me.
Tumikhim ako at pansumandaling nagbaba ng tingin nang mapansing nakalahad parin pala ang kamay nitong hawak parin ang telepono ko, namula ata ang pisngi ko dahil tila hindi ko agad napansing kanina pa pala nakalahad ang kamay niya sa harapan ko.
Kinuha ko na ang cellphone ko sa kamay niya at saka siya nginitian ng aabot na ata sa tainga ko dahil sa sayang naramdaman ko,, naging mabait siyang propesor sa amin noon lalo na sa akin, ang tataas kaya ng mga grado ko..
"Are you done?can i invite you for early lunch?" kalaunay tanong niya sa akin, umawang ang bibig ko at hindi kaagad nakasagot dahil sa hindi pa naman talaga ako tapos at marami pa akong hindi nakukuha ayon sa aking listahan.. Pansumandali ko siyang tinitigan at ang lalaking tuwid paring nakatayo sa aking tabi na si Mark, umiling siya sa akin na agad ko din namang nakuha ang nais nitong iparating.
Kailey instructed him not to allow me to go out with someone he barely know, may mga listahan na kasi siya ng mga taong dapat lamang niya akong payagang samahan and sir Kevin isn't in the list..
I shook my head and smiled awkwardly.
"sorry sir i'm not done yet," sabi ko sa mahinang boses but to my surprised kinuha nia sa akin ang push cart at saka iyon tinulak and motioning me to follow him habang nagtititingin sa mga shelves na nadadaanan namin.
"i will help you so you can finish quickly then after this let's eat lunch together" sabi niyang nakangiti nang malapad sa akin..,wala na akong nagawa at lihim na lamang na naiiling iling akong sumunod sa kanya.., hindi rin naman nagtagal at nakuha na namin ang lahat nang nasa listahan.
Pagkatapos nga naming magbayad sa counter ay wala na akong nagawa nang nag aya na siyang kumain sa may malapit na french restaurant sa pinanggalingan naming supermarket.
Sinalubong kami ng unipormadong waiter at iginiya hanggang sa tuloyan na kaming makaupo sa aming lamesa.,inabot niya sa amin ang menu pagkatapos.
"I would like to have Creamy havarti cheese pasta and ice tea for my drink" imporma ko sa order ko at pagkatapos ay nagbaling na siya sa kasama kong nakangiting nakatunghay sa akin.,aminado akong naiilang ako sa kung paano niya ako titigan ngayon.
"same with mine" kapagdakay sabi niya sa waiter nang nasa akin parin ang mga mata..umiwas ako ng tingin at nakangiting nilingon ang waiter na nagawa pang magbow sa amin bago umalis.
Naiwan si Mark sa kotse dahil hindi pa naman daw siya nagugutom..,habang iginagala ko ang aking paningin sa kabuon ng restaurant ay nahagip ng aking mga mata ang lalaking masayang nakikipag usap sa gwapong kaharap.
Kumunot ang noo ko nang makitang umangat ang kanang kamay nito at pinunasan ang naiwang sauce sa labi ng kaharap gamit lamang ang daliri nito but what the hell, literal na nanlaki ang mga mata ko at umawang ang bibig ko dahil after nitong punasan ang labi nang kaharap ay isinubo nito ang daliri na siyang ginamit pampunas sa bibig ng kaharap.. what the fuck was that??
I can't take my eyes off of them, hindi ako makapaniwalang gagawin iyon ni Anton.,what the hell don't tell me nalihis narin siya ng landas ngayon? damn he's too perfect to be a gay..
"Hey is there something wrong? what are you looking at?" ang boses at ang mainit na kamay ni sir Kevin ang nagbawi ng tingin ko kila Anton at sa gwapong lalaking kasama nito.,dumapo ang mga mata ko na ngayon ay hawak na ni sir habang mariin akong tinitignan nang may pagtataka sa mga mata.,I pulled back my hand and then placed it on my lap, his forehead crook from what I did but I don't give a damn about it anymore, I had a different feeling of the emotions I saw in his eyes,his actions at aminado akong naiilang na ako.,kung sana siguro noon ko iyan nakita baka nga hindi ako tuloyang nalihis ng landas na baka tuloyan na akong naging straight but he's too far late now dahil ang puso at isip ko ay iisan na lamang ang sinisigaw..,i could see it in his eyes that he likes me, kitang kita ko iyan sa mga mata niya dahil ganyan na ganyan ako tignan noon ni Jasper, tinitignan niya ako na para bang ako ang mundo niya, na para bang ako lang ang nagmamatter sa paningin niya.
I took a deep breath and compose my self., i was about to open my mouth to speak but i was taken a back when the waiter who took our order earlier was now infront of us, nilalapag niya na ang mga order namin kaya naman muli ko na lamang itinikom ang bibig ko at sinimulan nang kumain.
Hindi ko maikakailang minsan ko narin pinangarap noon ang ganito, ang makasama si sir Kevin ng solo, iyong kakain kami sa labas na kami lang dalawa habang ang mga mata niya nakatutok lamang sa akin at ako lamang ang nakikita ng mga magaganda niyang berdeng mata but that was a long time ago,,noong mga panahong lalaki pa lamang ang nakakapagpaattract sa akin., noong mga panahong hindi pa nabaliw ang puso ko iisang tao.
Tapos na akong kumain nang tumikhim si sir kevin, marahan niyang inilapit ang kamay niya sa akin, he caresses my hand gently while his eyes staring at me with mix emotions at dahil sa dami noon ay hindi ko magawang mabasa ang mga nakarehistro roon, he smiled weakly and then heaved a heavy sigh.
"I know that i'm making it too fast Shanaia but I want you to know that I should have done this a long time ago, I love you shanaia, you were my student that's why I had to restrain myself because I am your profesor back then pero ngayong may chance na ulit ako, hindi ko na ito sasayangin, i've waited for fucking 4 years a-"
" sir" i cut him off..,literal na tumigil ang paligid ko sa aking narinig, tila ako nabingi at hindi kaagad nakagalaw dahil sa gulat..,i houldn't be stunned about his confession anymore dahil inaasahan ko naman na ito but the heck..,hindi kaagad nagproseso ang utak ko, nagulat talaga ako, i wanted to stopped him from talking sa umpisa palang but i got numb nang marinig ko ang kaytagal kong inasam mula sa kanya.
I love you shanaia siguro kung noon ko iyon narinig mula sa kanya baka sana hindi ako naging ganito but don't get me wrong hindi ako nagsisisi dahil mahal na ako ng mahal kovat kuntento na ako doon ngayon ,, may part lang siguro para sa akin ngayon ang naghihinayang.
Tumayo ako at dinampot na ang pouch at cellphone kong nakalapag sa mesa, i slowly smiled at him while iwas shaking my head..sobrang late na siya, ilang taon na siyang masiyadong huli para dito.
"sorry sir but i'm already inlove with someone, thank you po sa lunch...mauna na po ako" tumalikod na ako at akmang hahakbang na ako palayo sa kanya nang mabilis niyang nahuli ang pulsuhan ko at saka ako marahang kinabig palapit sa kanya, hindi ko namalayang nakatayo na din pala siya malapit sa akin kung kaya naman sa matigas niyang dibdib ako sumubsob., mabilis ang naging galaw niya dahil namalayan ko na lamang ang mahigpit niyang yakap sa akin at ang pagdampi ng mga labi niya sa aking sintindo..,nagtayuan ang mga balahibo ko., i tried to push him away from me but he was too strong and hugged me even tighter while shaking his head, i could feel his hands were shaking, even his body was trembling, damang dama ko iyon dahil sa dikit na dikit naming mga katawan..,nagpumiglas ako, kumabog nang mabilis ang dibdib ko, nanlamig ang mga kamay ko..,ilang beses ko pang sinubukang kumawala sa yakap niya ngunit bigo ako dahil bawat piglas ko ay siya namang paghigpit lalo ng mga braso niya sa katawan ko,.ang puso kobay tila nagwawala na sa loob ng dibdib ko.
"s-sir please let me go" i stuttered,, my tears rolled down my cheeks and my body trembled.i could feel that he doesn't want to let me go at natatakot na ako, natatakot na akong may makakita sa amin at makarating ito sa girlfriend ko, kung mayroon mang nakakaalam ang tungkol sa dati kong pagtingin sa lalaking ito ay sila iyon, ang mga kaibigan ko..
Napapikit ako ng mariin at akma na ulit siyang itutulak when two men helped me get out of his strong arms, nagtagumpay sila Anton at ang lalaking kasama niyang mailayo ako kay sir Kevin na ngayon ay may munti nang luha sa kanyang mga mata, umiling iling siya habang tila nagsisisi sa kanyang ginawa..,nanginginig ako at ang lihim kong pag iyak kanina ay nagkaroon na nang tunog, napahikbi na ako kung kayat nilapitan na ako ni Anton at marahang niyakap.
Somehow i felt safe and secured at Anton's arms, kumalma ang panginginig ko at ang takot na lumukob sa kaibuturan ko ngunit gayon na lamang din ang panlalamig ko nang makita ang lumuluhang mga mata ng babaeng pinakamamahal ko sa bungad ng pintuan habang nakatunghay sa akin at sa lalaking nakayakap sa akin..mabilis akong kumalas sa mga bisig ni Anton at saka umiling iling na nilapitan ang girlfriend ko ngunit natigil ako sa paghakbang nang bigla na lamang siyang ngumisi ng mapait at saka nanlisik ang mga matang nagbaling kay Anton na ngayon ay kunot na ang noong nakipagtitigan kay Kailey.
"baby " i called her but she just threw me a death glare at walang lingon lingong lumabas ng restaurant, i chase her pero tanging ang sasakyan niya nang papalayo na lamang ang naabutan ko..i was crying like a baby inside my car,she even brought Mark with her kaya kahit nanlalabo na ang mata ko ay wala akong choice kung hindi ang magmaneho pauwi, she didn't listen to me, ni hindi nga niya ako binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag basta na lamang siyang umalis nang walang naririnig na kahit ano sa paliwanag ko.. tinawatawagan ko rin ang phone niya but obviously she turned it off.. damn it, what have i done? i shouldn't let Anton touched me, i shouldn't let any man touched me, what the fuck have i done..
Dumiretso ako sa bahay niya ngunit hinarang lamang ako nila Mark at John, hindi nila ako pinayagang makalapit sa babaeng mahal ko., wala akong nagawa kung hindi umuwi na lamang na bagsak ang balikat at mugto ang mga mata..