Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Falling In-love With My First Love

🇵🇭Sweety_Autumn
--
chs / week
--
NOT RATINGS
9.9k
Views
Synopsis
Do you believe in “First Love Never Die”? This love story will begin with a 17 years Old Arra, a Highschool Student. She is beautiful and smart, which is why almost all the boys in their school admire her. But even though he is beautiful and smart, he still doesn't make friends because of his sophistication. No one knows Arra's true nature because no one in their school dares to be his friend for fear that the bullies will be watching over them. ***** But everything will change in an instant when he meets Nat, Nat is the one who is always bullied at their school because he is bald and skinny. No one wants to be friends with Nat because they are also afraid of being bullied, but due to an incident, Nat and Arra will become best friends. But what if Nat suddenly fell in love with the girl, could she hope to reciprocate his feelings as well? Or will it cause them to avoid each other? Try reading the Complicated but Romantic Love Story by Nat who is a bald skinny and Arra who is a smart and beautiful girl that will surely thrill you. "Don't judge a book based solely on its cover." [This story consists only of the author's fictions, all characters, places, incidents, events in this story are only part of the author's creative imagination.] INFORMATIONS: Language: TAGALOG Author and Cover Designer: K.CATIVO Genre: OFFICE ROMANCE Started: DECEMBER 4,2021 Copyright © 2021 K.CATIVO No part of this book may be reproduced, distribute, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of publisher.
VIEW MORE

Chapter 1 - Highschool Friendship

𝗬𝗘𝗔𝗥 2013:

Maganda, maputi at matangkad, mga katangian ni Arra na talagang halos lahat ng lalaki sa kanyang paaralan ay may gusto sa kanya kahit 17 years old pa lamang s'ya at isang highschool student.

Mahirap lamang sila ngunit lumaki s'yang mabuti at matalinong dalaga. Masaya na s'ya sa maliit na bagay na naibibigay ng kanyang magulang sa kanya.

Kahit na kilala s'ya sa kanilang eskwelahan dahil sa kanyang kagandahan ay wala namang gustong makipagkaibigan sa kanya dahil hindi s'ya palakaibigan at may pagkasoplada sa kanila.

Nang pauwi na si Arra galing eskwelahan habang tirik na tirik ang araw ay may nadaanan s'yang binu-bully na kaklase.

Walang pagdadalawang-isip ay matapang s'yang pumunta sa harapan ng binu-bully kaya ng paambang ihahampas ng isang bully ang libro ay si Arra ang natamaan.

Kaagad na napahinto ang mga bully at nagsitakbuhan.

Nagulat ang lahat ng mga estudyante sa eskwelahan nila sa nasaksihan, wala lang kibo si Arra kahit halatang nasaktan ito.

Tumayo sa likuran n'ya ang kaklaseng binu-bully at agad nitong binigyan ng panyo si Arra dahil dumudugo ang ilong nito.

"May dugo sa ilong mo." aniya habang inaabot ang panyo kay Arra.

"Salamat ha,sorry din kasi ikaw ang natamaan imbes ako." dagdag pa n'ya.

Ngumiti lang si Arra at tinanggap ang panyo, agad n'yang pinunasan ang dumudugo n'yang ilong habang nakatingin sa kanila ang ilang estudyante.

Paalis na dapat si Arra habang iniinda ang sakit na natamo dahil sa pagkahampas sa kanya ng libro sa mukha.

"Ako si Nat!" sinigaw ng lalaki ang pangalan n'ya upang matandaan s'ya ni Arra at makatanaw s'ya ng utang na loob dito balang-araw.

Narinig 'yun ni Arra kaya huminto s'ya at lumingon kay Nat ng nakangiti.

"Magkaibigan na tayo!" tugon ng dalaga.

Nabigla ang ilang mga estudyante na nanonood sa kanilang dalawa, batid nilang hindi palakaibigan si Arra pero sa pagkakataong 'yun ay naging saksi sila sa pagkakaroon ng kaibigan ng dalaga.

Simula nun ay araw-araw nang sabay magrecess ang dalawa, sabay rin silang mag-aral sa silid-aklatan.

Namamasyal rin silang dalawa sa mga peryahan para sumakay ng feres wheel tuwing weekends at walang pasok.

Maraming mga kalalakihang estudyante ang naiinggit kay Nat, araw-araw nila itong gustong gulpihin pero kahit sa pag-uwi nito ay kasabay si Arra kaya wala silang pagkakataon para isagawa ang pinaplano.

Hindi batid ni Arra na may namumuong pagtingin na sa kanya si Nat at ayaw lang nitong ipagtapat sa kanya dahil natatakot itong masira ang pagkakaibigan nilang dalawa kung sakaling walang gusto sa kanya ang dalaga.

Isang araw habang nagbabasa ng libro si Arra ay lumapit ang dalawang babaeng kaklase n'ya na sina Loraine at Hera para kausapin s'ya.

Sina Loraine din ang may pasimuno ng kumakalat na tsismis sa kanilang campus na may lihim silang relasyon ni Nat, ginagawa nila ito para masira si Arra sa kanilang eskwelahan.

"Hi, Arra" pagbati ni Loraine kay Arra.

Hindi pinansin ni Arra ang dalawa at nagpatuloy lang s'ya sa pagbabasa ng libro sa ilalim ng puno sa tapat ng School Campus nila habang mahangin.

Umupo si Hera sa tabi ni Arra at kinuha ang notebook n'ya pagkatapos ay iniabot ito kay Arra.

"Tingnan mo kung ano ang nasa likuran n'yan." suhestiyon ni Hera.

Kinuha ni Arra ang notebook at tinignan ang nasa likuran nito, kumunot ang nuo ni Arra ng makita ang nasa likuran.

'FLAMES'

"Nagulat ako nang lumabas sa inyong dalawa ay 'Marriage'..Hahaha" hindi mapigilan ni Hera at Loraine ang matawa lalo na sa reaksyon ni Arra.

Hinagis ni Arra ang notebook ni Hera dulot ng inis n'ya sa dalawang kaklase, nilagay n'ya na rin ang libro n'ya sa kanyang bag upang lumayo sa kanilang dalawa.

Nadama ni Arra ang pagtatawanan ng dalawa nung s'yay nakatalikod, naririnig n'ya rin ang kansyaw sa kanya ng dalawa.

"Magkaibigan nga kami, pero hindi ibig-sabihin nun na magkakagusto ako sa kalbo at payatot na katulad n'ya kaya nga s'ya tinatawag na Nat kasi mukhang coconut ang ulo n'ya diba? ...kahit s'ya nalang ang maiiwang lalaki dito sa mundo,hindi ko pa rin s'ya papatulan." mataray n'yang paglilinaw sa dalawa n'yang kaklase na nagpapakalat na may relasyon sila ni Nat at pagkatapos nun ay umalis na s'ya.

Naiwang tulala ang dalawa dahil sa sinabing iyon ni Arra, pagkalipas ng ilang sandali ay umalis na rin ang mga ito.

Walang kamalay-malay si Arra na nasa likuran pala ng puno si Nat at balak sana s'yang bigyan ng dalawang white rose nang bigla lang dumating ang dalawa.

Narinig lahat ni Nat ang sinabi ni Arra na ikinadurog ng puso n'ya, labis s'yang nasaktan dahilan upang tumulo ang luha n'ya sa pagkabigo dulot ng mga salitang binitiwan ni Arra.

Hindi ring inaasahan na biglang umulan ng malakas at wala s'yang payong kaya naiwan n'ya na doon ang dalawang rosas at tumakbo na habang bumubuhos ang ulan.

Kinabukasan pagpasok ni Arra ay agad n'yang pinuntahan si Nat ng masaya dahil gusto n'ya sana ito yayain sa kabubukas lang na peryahan malapit sa kanila.

Hindi man lang kumibo si Nat at lumipat ng upuan upang iwasan si Arra, ngunit pilit pa rin s'yang sinusundan ng dalaga kaya sumagot na s'ya rito.

"Ayaw ko, magrereview pa ako." mahinahong tugon ng binata na halatang iniiwasan ang dalaga.

Bahagyang nanibago si Arra dahil hindi naman s'ya tinatanggihan ni Nat sa tuwing mamasyal silang dalawa.

"May problema ba Nat?" marahang tanong ni Arra sa kaibigang ayaw s'yang pansinin.

Hindi na sumagot si Nat dahil kahit labag sa kalooban n'yang ignorin ang dalaga ay alam n'ya naman na hindi talaga s'ya nito itinuturing na kaibigan.

Lalo pang umiwas si Nat kay Arra sapagkat maging sa pagbabasa ng libro sa library ay hindi na rin s'ya sumasabay sa dalaga, ganun din sa kanilang recess.

Dahil dito ay palihim nalang pinagmamasdan ni Arra ang kaibigan at simula nun ay naging malungkot na ang dalaga.

Sa mga sumunod na araw ay gumawa na ng maikling sulat si Arra para kay Nat at nakisuyo ito sa isa nilang kaklase upang ibigay kay Nat ang sulat, agad namang nabasa ng binata ang sulat para sa kanya.

"𝘼𝙖𝙣𝙩𝙖𝙮𝙞𝙣 𝙠𝙞𝙩𝙖 𝙨𝙖 𝙞𝙡𝙖𝙡𝙞𝙢 𝙣𝙜 𝙥𝙪𝙣𝙤." nakapaloob sa sulat na nais makipagkita ni Arra sa puno na nasa harapan ng kanilang campus kung saan ang tambayan nilang dalawa sa tuwing gumagawa sila ng assignments.

Naghintay sa ilalim ng puno si Arra at labis s'yang natuwa ng sumipot ang binata.

"Salamat at dumating ka." aniya.

Bakas sa mga mata ni Arra ang saya kabaligtaran naman ng kay Nat.

"Bakit ka nakikipagkita?" malamig na tugon ng binata. Napalitan ng lungkot ang mga mata ni Arra dahil sa tono ng pananalita ng binata sa kanya na dati ay punong-puno ng galak.

Inabot ni Arra kay Nat ang panyo nito na ibinigay sa kanya ng binata nang una silang magkakilala.

"Bakit mo binabalik 'yan?" maikling tanong ni Nat kay Arra.

"Hindi ko alam kung bakit iniiwasan mo ako, pero salamat sa sandaling naging kaibigan kita." Pinipigilan ni Arra ang pagtulo ng kanyang luha kung kaya't ngumiti na lang s'ya kahit halata sa mukha n'ya ang lungkot na nadarama.

Hindi kumibo si Nat sa sinabi ng dalaga bagkus ay walang pag-aalinlangang n'yang kinuha ang panyo na binabalik sa kanya at kasabay din nun ang pagpipigil n'yang maluha.

"Ano ba ang dahilan, bakit umiiwas ka sa'kin? Dahil ba 'to sa kumakalat na tsismis ha? Iniiwasan mo ba ako dahil dun?" magkakasunod na tanong ng dalaga dahil hindi pa rin n'ya alam ang dahilan ng paag-iwas sa kanya ng nag-iisa n'yang kaibigan.

"Wag kang umarte na nagwoworry ka sa pagkakaibigan natin." hindi direktang sinagot ng binata ang tanong sa kanya ni Arra at tumalikod na papalayo.

Naiwan si Arra na nagtataka at iniisip ang sinabi ng binata, malinaw na sa kanya na ayaw nang makipagkaibigan sa kanya ni Nat pero naguguluhan pa rin s'ya kung bakit 'yun nagkaganun.

Kinabukasan ay walang Nat ang pumasok sa klase nila, hindi pa ni minsan umabsent ang binata kaya naisip ni Arra na baka ayaw lang s'ya nun makita.

Dumating ang Adviser Teacher nila at sinabing nasagasaan daw ang isa nilang kaklase, at iyon ay si Nat.

Nabigla ang lahat ng kanilang kaklase ng malaman ang sinapit ni Nat.

Nalungkot naman ng labis si Arra nang malaman na naaksidente ang kanyang kaibigan kaya nang matapos ang kanilang klase ay dumiretso s'ya sa bahay nito para magtanong sana sa lola ng binata kung ano na ang kalagayan nito.

Pagdating doon ni Arra ay wala s'yang naabutan dahil umalis na daw dun ang matanda para iluwas na sa Manila ang kanyang kaibigan at doon na ipagpatuloy ang operasyon nito.