Chereads / Falling In-love With My First Love / Chapter 4 - Friend's Betrayal

Chapter 4 - Friend's Betrayal

HABANG nag-iisip si Arra ng paraan kung paano s'ya makakahanap ng pera para mailuwas sa Manila ang magulang ay biglang nagring ang cellphone n'ya.

"Hello Pa! Kumusta na po kayo ni Mama d'yan?" masiglang tanong Arra sa ama.

"Anak kailangang operahan sa puso ang mama mo, naka-confine s'ya dito sa Ospital."  malungkot ma tuno ng ama.

Hindi makagalaw sa pagkabalisa si Arra dahil sa narinig, nanginginig ang mga tuhod n'ya sa pag-aalala na baka may mangyaring masama sa ina kapag hindi ito naoperahan.

"Okay po Pa, magpapadala po ako agad ng pera d'yan..Magkano po ba ang kailangan?" hindi mapakali si Arra.

Unti-unting tumutulo na ang luha ni Arra dahil sa masamang kondisyon ng kanyang ina, gustuhin man n'yang umuwi sa kanila ay wala naman s'yang pera.

"Kakailanganin natin anak ng 1 million hindi pa dun kasama ang bill sa Ospital." naiiyak na tugon ng ama.

Hindi alam ni Arra kung saan s'ya kukuha ng ganoong halaga lalo na't tatlong buwan s'yang walang sasahurin dahilan para maiyak nalang s'ya.

"Sige po Papa, gagawan ko po ng paraan dito..tatawag nalang po ulit ako sa inyo."  pangako ng dalaga sa ama.

Hindi alam ni Arra ang gagawin lalo pa't natataranta na s'ya. Naisip ng dalaga na humiram nalang ng pera sa kaibigang si Jane kaya dali-dali s'yang umuwi ng  Condo.

"Yun si Arra?Hahahah...Ano ka ba hindi ko kaibigan 'yun, kayo lang ni Hera ang kaibigan ko..ang boring kaya nung kasama."  saad ni Jane sa kausap nito sa Cellphone.

Dinig na dinig ni Arra ang sinabi ni Jane habang nakadungaw s'ya sa kwarto nito. Naisip n'ya na hindi pala s'ya nito tinuring na tunay na kaibigan, dahil sa inis ay umalis na kaagad si Arra kahit malakas na ang ulan at hindi na tinuloy ang balak na pangungutang kay Jane.

***

Nagulat si Nathan ng may nag doorbell sa bahay n'ya habang nagsisipilyo s'ya, paulit-ulit na nagdodoorbell ang tao sa labas kaya tiningnan n'ya na ang doorbell monitor para makita kung sino ang taong pindot ng pindot ng Doorbell. Dito ay nakita n'ya si Arra na basang-basa na sa ulan kaya walang pagdadalawang-isip na pinapasok n'ya 'to kaagad.

Agad n'yang binigyan ng tuwalya si Arra at ipinahiram ang mga damit ng ate n'ya na minsan doon tumitira pagkagaling sa US.

"Anong dahilan at pumunta ka rito ng walang dalang payong? " Mahinahong tanong ni Nathan kasabay ng pagkuha ng cellphone.

"Tatawagan ko si Jane para sunduin kana..."

Tatawagan na sana ng binata si Jane pero biglang nagsalita si Arra.

"Tinatanggap ko na ang alok mo, makikipagdate na ako sayo.."  aniya ng dalaga.

Napahinto si Nathan sa narinig at biglang nagtaka.

"Akala ko ba ayaw mong masaktan ang kaibigan mo? Anong dahilan at nagchange of mind ka?"  seryosong tanong ng binata.

"Wala akong kaibigan, kailangan ko lang ng pera para sa Surgery ni mama."  maikling tugon ni Arra habang pinupunasan ang buhok n'ya.

Hindi pa rin makapaniwala si Nathan sa maging disesyon ng dalaga pero isa itong magandang pagkakataon sa kanya para umpisahan ang pagganti sa kanyang ex-girlfriend.

Pinahiram ni Nathan si Arra ng isang milyon at nangakong s'ya na rin ang bahala sa bill sa Hospital ng ina ni Arra.

"Dito ka na rin matulog, may tatlo akong bakanteng kwarto dito..Doon ka muna sa isa magpalipas ngayong gabi."  suhestiyon ni Nathan kay Arra.

Walang nagawa si Arra kundi sundin ang inutos sa kanya ni Nathan. Pumunta na si Arra at sinamahan s'ya ni Nathan papunta sa isang bakanteng kwarto.

Malinis, maaliwalas at may nakakahalinang amoy ang kwarto, kumpleto rin ang kwarto sa mga gamit at tila para talaga ito sa babae. Agad na namangha si Arra sa nakikita at nililibot ang tingin sa buong silid.

"Pinagawa ko kasi ang bahay na 'to para samin ni Jane, surprise gift ko sa na 'to sa kanya kapag ikinasal na kami." aniya ng binata habang may mga naaalala.

Tahimik lang pimagmasdan ni Arra ang boss at nilibot ma ang paningin sa mga gamit.

"Okay na ako dito, pwede ka nang magpahinga." aniya ng dalaga.

Iniwan na ni Nathan si Arra para makapagpahinga na rin oto.

Agad na pinadala ni Arra ang pera sa Bank Account ng ama para matuloy na ang operasyon, tinawagan n'ya na rin ito at sinabi ng kanyang ama na masisimulan na daw ang operasyon.

Lubos ang saya ni Arra ng magawan ng paraan ang operasyon ng ina. Dahil sa magandang balita ay napanatag na rin ang kalooban n'ya.

Humiga sa kama si Arra at hinimas-himas ito, naalala n'ya ang napakinggan n'yang sinabi ni Jane dahil 'dun ay napagtanto n'ya na tama lang ang naging desisyon n'ya.

"Hindi n'ya naman ako tinuring na kaibigan, wala na rin akong pakialam sa kanya." mahinang wari mg dalaga.

Kinabukasan ay naging maganda ang gising ni Arra, pagmulat ng mga mata n'ya ay iniisip n'yang panaginip lang ang lahat ng nangyari kagabi pero namulat s'ya na totoo ang lahat ng 'yun dahil nakatulog s'ya sa ibang bahay.

Agad na bumaba sa hadanan si Arra at nagmamadaling umalis. Pagbukas ng gate ay nakita n'ya si Jane na may dalang mga dokumento at pipindot pa lang sana dapat ng Doorbell.

"Arra? A-anong ginagawa mo dito." nabiglang tanong nito.

Hindi makaimik si Arra at hindi n'ya rin alam ang kanyang gagawin.

"A-ano kasi, ah ano eh..." nauutal na tugon ni Arra rito.

Biglang lumabas si Nathan na humikab pa at nakatingin sa kanya si Jane. Nakita ni Nathan ang nangyayari sa dalawa kaya sumabat na s'ya sa usapan nito.

"Love, what are you doing there..maaga pa naman eh, sabay nalang tayo pumasok."  saad ni Nathan habang nagkokonwaring hindi alam na nandoon si Jane.

Nagulat si Arra sa mga sinasabi ng binata.

"Love?..Anong ibig-sabihin nito Arra?"  magkasunod na tanong ni Jane na halatang gulat na gulat.

Biglang sumagot si Arra sa dating kaibigan.

"Yeah, we are dating.."   walang pag-aalinlangang tugon ni Arra.

Biglang tumulo ang luha ni Jane at hindi makapaniwala sa mga nangyayari.

"Oh Jane, nadala mo na ba yung mga papers na papapermahan mo sa akin? I need it..."  tanong ng binata kay Jane habang inilalapat ang kanang braso n'ya sa kanang braso ni Arra. Naiilang man si Arra ay umarte na lang rin s'ya na inlove sa boss n'ya.

Nakatitig lang sa kanilang dalawa si Jane at pinipigilang tumulo ang luha.

"Ginogood time n'yo ba akong dalawa ha? Mag-iisang buwan pa lang kayo magkakilala...So kaya pala hindi ka umuwi kagabi kasi natulog ka kasama ni Nathan?.."  marahang tanong ni Jane na mukahang hinding naniniwala sa dalawa.

Unti-unting pinapanindigan na ni Arra ang pag-arte dahil sa galit n'ya kay Jane.

"And mag-iisang linggo palang din kami nagdidate ni Nathan."  tugon ni Arra.

Nangsasagot pa sana si Jane ay biglang kinuha na ni Nathan ang mga hawak na papeles ng dalaga.

"Pwede ka nang umalis, pipirmahan ko na 'to..sige na magbebreakfast pa kami."  biglang pinagsarhan ng gate si Jane.

Wala namng nagawa si Jane kundi ang umiyak at tulala.

Nang makaalis na si Jane ay nag-usap naman si Arra at Nathan.

"Hindi ko alam na magaling ka pala magsinungaling ah." hindi ito makatingin ng diretsahan sa dalaga dahil sa pagkamangha n'ya rito.

Tahimik namang napangiti si Arra.

"Salamat nga pala sa pagpapahiram mo ng pera, kundi dahil dun hindi matutuloy ang operasyon ni mama, thank you." mahihiyang aniya ng dalaga.

Diretsong napatitig si Nathan sa kanya at napabuntong hininga.

"Tumupad ka naman sa napagkasunduan natin eh, basta ipagpatuloy mo lang 'yan wala tayong magiging problema."  aniya ng binata.

Nag-aalala naman si Arra kung paano s'ya makikisama kay Jane lalo pa't na sa iisang Condo lang sila nakatira.

"Paano 'yan, hindi ko kayang makasama si Jane sa condo."  saad ng dalaga sa boss na sinamahan pa ng pagpapacute.

Natatawa nalang sa kanya si Nathan.

"Oh sige, ihihiwalay kita ng Condominium."  natatawa nitong tugon dahil hindi n'ya pa nakikita ang dalaga na nagpacute ng ganun.

Bakas sa mukha ng dalaga ang pagkatuwa nito ngunit bigla itong nagtaka

"Wag mong sabihing sayo din yung Condominium Building, ang dali lang kasi sayong patirahin 'dun yung iba mong empleyado eh.."  tanong ng dalaga habang nakataas ang isang kilay.

Lalo pa s'yang nagulat sa isinagot sa kanya ng binata.

"Hmm..Anak rin ako ng Chairman at may-ari ng mall kung saan tayo nagkabangga." tugon ng binata habang inihahanda ang breakfast nila.

Naalala rin ni Arra ang naging asta ng Boss ng kamuntikan n'yang pulutin ang cellphone nito.

"Kailangan natin malaman ang tungkol sa isa't-isa, for sure magdududa sa'tin si Jane."  dagdag pa ni Nathan.

Sumang-ayon naman sa kanya si Arra kaya pinag-aralan nila ang isa't-isa, tungkol sa Allergens, sa ex, Schools at ang mga paborito nilang kulay at pagkain.

Ang buong araw na 'yun ay inilaan lang nila sa kanilang plano, nagtungo rin silang dalawa sa mall para bilhan ng bagong damit ang dalaga.

"Isukat mo lahat ng damit na magugustuhan mo rito."  utos ng binata kay Arra.

Nanlumo ang dalaga sa iniutos sa kanya ng kanyang boss. Napakaraming magagandang damit ang mga pagpipilian n'ya. Pinapili rin s'ya ng mga bagong sapatos at lahat ng 'yun ay binili ng binata.

"Bakit nandito tayo?" tanong ng dalaga ng dalhin s'ya ng kanyang boss sa isang sikat na salon.

Hinatak ng binata si Arra papasok sa Salon. Lahat ng Staffs ay nagsiyuko para bumati sa kanilang dalawa.

"Gusto kung ayusan n'yo ang girlfriend ko, I want her to be perfect."  utos n'ya sa mga staffs.

Bahagyang kinilig at nahiya si Arra ng ipakilala s'ya ng boss n'ya bilang girlfriend nito. Hindi makapaniwala ang mga staff sa pinakilala ng bigatin nilang kleyente.

Umupo muna sa sofa ang kanyang boss at nagbasa ng magazine habang hinihintay matapos ang make-over sa kanyang fake girlfriend.

Sinimulan ng ayusan si Arra, tinanggal na ang salamin nito sa mata at sa halip ay pinalitan ito ng contact lens. Inayos din ng mga Hair Stylist ang buhok ng dalaga at minake-apan na rin ito.

Napatulala si Nathan ng makita ang Fake Girlfriend nito na tila ba naging dyosa sa ganda, namangha din ang mga Staff.

Nahihiya naman si Arra dahil sa pagtitig sa kanya ng kanyang boss na talagang gandang-ganda ito sa kanya.

"Ayos na 'yang ayos mo ngayon..medyo nagkaroon ka na ng itsura."   hindi makatingin ang binata ng diretso sa dalaga at halatang naiilang ito.

"G-gumanda na ba ako?"  marahang tanong ng dalaga na hindi mapakali sa pagkailang.

"Aba! dapat lang, ang mahal na ng ginastos ko sa'yo atsaka hindi dapat mukhang hipon ang girlfriend ng C.E.O.."  pabirong tugon ni Nathan sa dalaga.

Napangiti naman sa kanya si Arra at halata na ang confidence nito sa sarili.

Pagkatapos ng mahabang pag-ikot sa Mall ay inihatid na ni Nathan si Arra sa bago nitong Condominium.

"D'yan ka na muna titira, kinompleto ko na ang gamit dito..Wag ka ng pumunta kay Jane para kuhain ang mga iba mo pang gamit, pinakuha ko na kanina sa mga tauhan ko."  paliwanag ni Nathan.

Tahimik na pinagmasdan ni Arra ang bago n'yang condo at bigla na itong lumingon sa binata.

"Thank you ulit.."  matipid na tugon n'ya sa kanyang boss.

Paalis na sana si Nathan ng makitang papunta sa condo ni Arra si Jane.

"Anong ginagawa mo rito?"  tanong ng binata.

"Because I want to know if she's only pretending as your girlfriend to revenge against me."  seryosong sagot ni Jane.

"Ano namang dahilan para gumanti s'ya sayo?"  katwiran naman ni Nathan sa kanyang Ex.

"Nakita ko s'ya sa CCTV na narinig n'ya ang usapan namin nila Hera." Diretsahang tugon ng dalaga.

Napaisip si Nathan na baka 'yun and dahilan kaya pumayag si Arra sa inaalok n'ya, pero kahit ano pa man ang dahilan nito ay matutulungan pa rin s'ya ng dalaga sa pagganti kay Jane.

"We have same feelings for each other kaya kami nagdidate, at walang kinalaman dun ang mga narinig n'ya."  pagtatanggol ng binata sa kanyang fake girlfriend.

Tumulo ang luha ni Jane dahil sa sinabi ng dating kasintahan. Hindi s'ya makapaniwala na kaya na s'ya nito balewalain.

Umalis na kaagad ang binata na tila ba walang pakialam sa nararamdaman ng ex-girlfriend.

Nang sumakay na si Nathan sa kanyang kotse ay biglang tumawag ang secretary ng Daddy n'ya at ipinatatawag s'ya nito.

"Ano na naman 'tong nabalitaan ko na nakikipagdate ka sa isa mong empleyado?"  seryosong tanong ng Daddy n'ya habang umiinom ng kape.

Agad naman itong sinagot ni Nathan.

"Because I love her."  simpleng tugon ng binata sa kanyang ama na tila ba namimilosopo.

Napahinto sa pag-inom ng kape ang daddy n'ya ng marinig ang katwiran ng kanyang anak.

"Hiwalayan mo na ang babaeng  'yan bago pa tayo maiskandalo...Aayusin ko na rin ang kasal mo kay Jane."  galit na saad ng Chairman.

Kumunot ang nuo ni Nathan dahil sa sinabi ng ama.

"Kaya n'yo ba s'ya inappoint na Department Director sa Company para mapalapit ulit ako sa kanya? She's cheating on me, so why you let that girl to be my wife?"  nanggigil na tugon n'ya sa ama na gusto s'yang ipakasal sa dating kasintahan.

Hindi makaimik ang Chairman kaya dali-dali namang umalis si Nathan bago pa sila magkasagutan ng matindi ng kanyang ama.