Chapter 2 - The C.E.O

π—£π—Ώπ—²π˜€π—²π—»π˜: 8 Years After

ISANG masayang araw ang naghihintay kay Arra para sa pagluwas n'ya sa Manila upang pumasok na sa unang trabahong tumanggap sa kanya .

Inihatid na s'ya ng kanyang magulang sa terminal ng Bus at doon na sila nagkaroon ng maramdaming pagpapaalam.

"Oh anak kapag sumahod ka na, unahin mong bumili ng sapatos ha.." paalala ng kanya ina.

Niyakap ni Arra ang nanay n'ya ng mahigpit upang mapanatag ito dahil alam n'yang kinakabahan lang ito sapagkat unang beses palang mapapalayo s'ya rito ng matagal.

"Anak, umiwas ka muna sa mga lalaking katrabaho mo ha? Baka ligawan ka nila.. Tandaan mo titira ka na sa Manila, maraming mga sira-ulong lalaki ang nadoon." pagpapaalala naman ng kanyang ama na nagiging praning sa tuwing may pupuntahan s'yang malayo, niyakap n'ya rin ito ng mahigpit.

"Ma,Pa..Ano ba kayo sa Manila lang ako pupunta hindi ako mangingibang-bansa.." Naiiyak n'yang paliwanag sa magulang.

Sumakay na ng bus si Arra, pangalawang beses n'ya palang makapunta ng Manila kaya nasasabik na s'ya dahil marami s'yang lugar na gustong puntahan sa Manila.

"Sa unang sahod ko, isasama ko dito sila mama at papa." nakangiti n'yang bulong sa sarili habang pinagmamasdan sa binta ang mga nadadaanan ng sinasakyang bus.

Nang makababa na ng Bus ay sumakay na s'ya ng tricycle papunta sa Condo na tutuluyan.

"Buti nalang at mabait ang boss ko, sa condominium pa talaga n'ya pinapatira ang mga empleyado n'yang walang tirahan dito sa manila...Yes!" naglulundag sa tuwa si Arra at iniisa-isa n'yang tingnan lahat ng gamit sa kanyang Condo, nililibot n'ya ang patingin n'ya sa bawat parte ng Condo kasabay ng pagkamangha.

Habang nililibot ni Arra ang magandang condo ay may narinig s'yang kalabog sa kanyng likuran.

Sa gulat n'ya ay napatigil s'ya sa pagmamasid at waring nanginginig sa takot, hinawakan n'ya ang shoulder bag n'ya at dahan-dahang lumingon.

"Ikaw pala ang ka room mate ko, ako nga pala si Jane." nakangiting bati ng isang babae pagkalingon ni Arra.

Nabigla si Arra sa nalaman dahil akala n'ya s'ya lang ang mag-isa sa kanyang condo, 'yun pala ay may iba s'yang kasama.

"A-akala ko ako lang mag-isa, may kasama pala ako" mahinang saad ni Arra.

"Ano?" narinig ng babae ang mahinang saad ni Arra.

"Ah, akala ko kasi ako lang mag-isa dito." nahihiyang tugon ng dalaga kay Jane.

Ngumiti lang si Jane kay Arra, mahahalata ang saya sa mukha ni Jane sa pagkakaroon ng room mate pero naiilang naman ang pakiramdam ni Arra dahil hindi s'ya sanay na may hindi kilalang kasama sa isang bahay.

"Kung hindi ka pa nag-almusal, mayroon pang natirang bacon sa ref." nakangiting suhestiyon ni Jane sa karoom-mate.

Naramdaman ni Arra na mabait naman pala si Jane kaya nakampante na s'ya. Nagkasundo agad ang dalawa.

"Nakita mo na ba ang boss natin?" habang kumakain ay nagtanong si Arra kay Jane tungkol sa boss nila.

"Oo naman, mag wa-1 year na akong nagtratrabaho sa Company n'ya eh" tugon ni Jane.

Umiling-iling si Arra at muling nagtanong.

"May pagka-istrikto ba s'ya? Gusto ko lang malaman para kung sakali na istrikto s'ya maihanda ko na ang sarili." aniya.

Nag-iisip pa si Jane kung paano ipapaliwanag sa katrabaho ang tungkol sa kanilang boss.

"Gwapo s'ya kaso may pagka strict, tawag nga namin sa kanya pagnakatalikod s'ya 'Lucifer' eh" natatawa ito.

Natawa nalang din si Arra sa sinabi ni Jane, dahil mukhang may sama ito ng loob sa boss nila.

Nang matapos na sa pagkain ay inilagay na ni Arra ang kinainan n'ya sa lababo, napaisip s'ya na kung ganun ang boss nila ay baka hindi s'ya magtagal sa trabaho.

"Gusto mong sumama sa akin sa Mall?" tanong ni Jane habang nag-aayos ng sarili.

"Wala pa akong pera pang Mall eh." tugon naman rito ni Arra.

Hinila ni Jane si Arra at pinipilit itong sumama sa kanya, natatawa nalang si Arra sa ginagawa ni Jane at wala ng magagawa.

"Hayaan mo na ililibre nalang kita, atsaka para may maganda ka namang damit bukas na isusuot." saad pa nito.

Sumakay na sa Taxi sila Jane at Arra papunta sa isang malaking Mall, nang makarating na silang dalawa sa mall ay agad bumaba si Jane at sumunod naman si Arra.

Nalula si Arra sa laki ng mall at talagang napanganga ito sa nakikita, unang beses n'ya palang makapasok sa isang malaking Mall kaya hindi rin s'ya masisisi sa reaksyon n'ya.

Nang makapasok na sila sa Mall ay lalo pang namangha si Arra sa mga bagay na makikita sa Mall, pinagmamasdan nalang s'ya ni Jane at natatawa sa probinsiyanang datingan nito.

"Hindi ka pa ba nakakapasok ng Mall?" tanong ni Jane.

Napangisi si Arra at halata sa mukha ang pagkahiya.

"Actually, lagi lang kasi ako sa perya nagpupunta eh" tugon n'ya rito.

Pumasok sa isang Store ng mga damit si Jane at sumunod sa kanya si Arra, namimili ng damit si Jane na babagay kay Arra hanggang sa may napili na s'yang isa.

Pinasukat ni Jane ang isang floral na bestida kay Arra, agad naman sinukat ito ni Arra dahil nagagandahan rin s'ya sa damit.

"Lalo kang gumanda tingnan!" saad ni Jane na namamangha sa karoom mate.

"Talaga ba?!" hindi inaasahan ni Arra na pupurihin s'ya.

Sa totoo lang ay maganda na talaga si Arra kaso simula ng mawala si Nat ay nagsimula na s'yang baguhin ang sarili n'ya para makahanap ng kaibigan upang maibsan ang pangungulila n'ya sa unang kaibigan.

Kung nang high school s'ya ay nakalugay lagi ang mahaba't straight n'yang buhok, lagi na itong naka pony tail nang tumuntong na s'ya sa College.

Naga-eye glasses na rin Arra dahil unti-unti na ring lumabo ang kanyang mata.

Pumunta na sila Jane at Arra sa Cashier para bayaran na ang damit. Pagkatapos magbayad ay iniwan muna saglit ni Jane si Arra para magbanyo, naiwan si Arra na naghihintay sa labas ng Clothing Store.

"Sandali lang Arra ha, kailangan ko munang mag CR, sandali lang talaga." pakiusap ng bagong kaibigan.

"Sige,sige.. maghihintay nalang ako dito" saad ni Arra, dali-dali namang tumungo na ang kaibigan n'ya sa CR.

Sa pag-aantay ni Arra, ay nabagot na s'ya kaya naman mas minabuti na n'ya na puntahan ang kaibigan, sa pagmamadali n'ya ay may nabunggo s'yang lalaki na may kausap sa cellphone.

Tumalsik ang cellphone ng lalaki dahil sa pagkabunggo.

"What are you doing?" galit na sabi ng lalaki habang tinatanggal nito ang shades at nakatingin ng masama kay Arra.

"S-sorry po Sir, hindi ko po sinasadya" nanginginig na tugon ng dalaga habang nagpapanic at susubuking pulutin ang nabasag na cellphone.

Tinapakan ng lalaki ang cellphone nang akmang pupulutin na ito ni Arra.

"Don't touch it, ayaw kong masugatan ka at ako pa ang sisihin mo." metikuloso nitong paalala.

Hindi alam ni Arra ang gagawin n'ya lalo't wala pa s'yang nalalaman sa ganoong lugar kaya tumayo nalang s'ya ng nakayuko ang ulo dahil sa hiya sa sarili.

"Darwin, ipalinis mo ito sa mga staff para walang maaksidente." marahan nitong utos sa nakasunod nitong secretary habang nakakunot ang nuo.

Paalis na sana ang lalaki ng walang imik at halata parin dito ang inis subalit humarang sa dadaanan n'ya si Arra. Nagulat lahat ng staff doon dahil sa ikinilos ng dalaga.

"I'm so sorry talaga, babayaran ko nalang yung cellphone kapag sumahod ako." saad ng dalaga na para bang hindi n'ya alam ang kanyang ginagawa.

"Sir, We have to go, hinihintay na po kayo ni Chairman." saad ng secretary ng lalaki.

"Miss huwag po kayong humarang sa dadaanan ni Sir, tumabi po kayo." pinapaalis ng isang bodyguard ng lalaki si Arra.

Dahan-dahang namang tumabi ang dalaga at nababakas sa mukha nito ang kaba dahil sa nagawa.

Dumaan na ang lalaki ngunit huminto ito sa harapan ni Arra at nagsalita.

"Hindi ko kailangan ng pera mo." tugon nito at tahimik na naglakad habang pinagtitingnan sila ng mga tao.

Nainsulto si Arra sa sinabi ng lalaki ngunit wala s'yang magagawa rito dahil s'ya ang may atraso.

Nang makaalis na ang masungit na lalaki ay natulala si Arra habang nakatingin sa kanya ang mga tao na nakakita ng katangahan n'ya.

"Arra, bakit? Ano bang nangyari?" saad ni Jane nang makita n'ya na katayo si Arra at pinagtitinginan ng mga tao.

Humarap sa kanya si Arra na nagigiulty.

"Ang tagal mo kasi kaya nakabasag tuloy ako ng cellphone." mahinahong saad ng dalaga.

Agad namang sumagot si Jane.

"Punuan kasi sa banyo eh...A-ano? Nakabasag ka?" nabigla si Jane sa sinabi ng kaibigan at nakita ang nabasag na cellphone.

"Bes, ang mahal ng cellphone na 'to, ano bang nangyari at nabasag mo 'to" hindi pa rin makapaniwala si Jane sa kamalasang nagawa ng kaibigan habang tinitingnan ang cellphone.

Lumingon-lingon si Arra at napansing pinagtitingnan pala s'ya ng mga tao doon na lalong ikinahiya n'ya.

"Sa bahay ko nalang ipapaliwanag, umalis na muna tayo dito." mahinang tugon n'ya at kaagad namang sumang-ayon sa sinabi n'ya si Jane.

Nagmadali silang umalis at umuwi na sa kanilang condo.

Doon na ipinaliwanag ng dalaga ang kamalasang sinapit.

"Paano 'yan, anong gagawin ko?.." nag-aalalang tanong ni Arra habang kumukuha ng tubig.

"Wala! Hindi naman na n'ya sayo pinabayaran 'yun diba? Dedmahin mo nalang." sagot naman rito ni Jane.

Naisip ni Arra na tama ang sinabi ng kaibigan dahil mismong ang lalaki naman ang tumanggi sa bayad na inaalok n'ya.

Napanatag si Arra sa sinabi ng kanyang kaibigan kaya hindi n'ya na ito pinoproblema at nakatulog s'ya ng mahimbing.

"Arra, gising na malilate na tayo!" ginigising na ni Jane ang kaibigan dahil baka malate na sila.

Hirap pa rin sa paggising si Arra dahil sa himbing ng kanyang tulog kaya kiniliti nalang s'ya ni Jane para maggising, sa wakas ay naggising na rin ang dalaga at tiningnan ang oras sa cellphone n'ya.

Pahikab-hikab pa s'ya habang bamabangon sa kanyang kama.

Sabay nang kumain ang dalawa ng agahan habang pinagkukwentuhan ang kani-kanilang Highschool Life, nabanggit din ni Arra ang tungkol sa kaibigan n'ya nung highschool na naaksidente.

Kinuwento naman ni Jane ang Highschool Life n'ya sa US at ang tungkol sa first love n'ya.

Hindi nila namalayan na sa pagkukuwentuhan nila ay malapit na pala silang malate.

"Hala, mag-aalasais na!" natatarantang sigaw ni Jane ng makita ang oras sa relo n'ya.

Dali-daling nagbihis ang dalawa at nag-ayos ng sarili, sumakay nalang sila ng Taxi para maging tuloy-tuloy ang kanilang biyahe pero sa kasamaang palad ay nagkatrafic pa.

"Oh my God, lagot na tayo nito..." pag-aalala ni Arra.

Pinipilit naman ni Jane na maging kalmado

"Wag kang magworry about it, hindi naman tayo matatanggal agad" kalmado nitong tugon.

Nang sa wakas ay nakarating na rin silang dalawa sa Company. Napakagara at talaga namang masasabi mong mayaman talaga ang may-ari ng kompanyang kanilang pinapasukan.

Palingon-lingon si Arra sa paligid dahil sa sobrang pagkamangha.

Nakarating na rin silang dalawa sa Department kung saan sila naka-assign.

"Ganito pala ang mga empleyadong hinahire mo, ni kahit simpleng rules lang ng kompanya ko hindi man lang masunod?" Boses ng lalaki na nagmumula sa likuran nilang dalawa.

Lumingon silang dalawa sa kanilang likuran at nakita ni Arra ang isang maputi, matangkad at gwapong lalaki na nakasuot ng mamahaling Brown Suit.

Nakita rin ni Arra ang mukha ni Nat sa lalaking nasa harapan n'ya, at hindi lang din 'yun dahil ang lalaking nasa harapan n'ya ngayon ay ang nabunggo n'ya sa Mall na hindi n'ya alam na Boss n'ya pala!

Coincidence?

"I'm sorry pero kasi..." hindi natapos ang paliwanag ni Jane dahil nagsalita agad ang lalaki.

"Hindi ko kailangan ng rason n'yo, ikaw ang Department Director kaya dapat ikaw ang unang nagpapakita ng company manners sa mga empleyado." kunot-nuong pabulyaw ng Boss n'ya.

Hindi alam ni Arra ang sasabihin lalo na't ang kaibigan n'yang si Jane ay ang Department Director pala nila.

"At ikaw naman, ang balita ko bagong hire ka lang dito diba? So dapat alam mong ayaw ko sa mga late dahil siguradong sinabi na 'yan sayo ng Department Director mo.." pagsermon sa kanya ng kanilang boss.

Walang masabi si Arra dahil sa kaba.

"Don't shout her! Hindi ko pa sa kanya nasasabi ang tungkol sa Company Rules mo.." pagtatanggol ni Jane sa kaibigan.

Nakatingin ang ibang mga empleyado sa kanila kaya lumihis sa kanila ng tingin ang kanilang boss dahilan para ipagpatuloy nila ang kanilang trabaho.

Umalis nalang sa inis ang binata kasabay nun ang pagbuntong hininga ni Arra.

Lihim na pinipigilan ni Jane ang pagluha kaya pinagsimula n'ya nalang sa trabaho si Arra.

"Ayos ka lang ba?" marahang tanong ni Arra sa kaibigan.

Hindi s'ya pinansin ng kaibigan at umalis ito para kausapin ang boss nila. Habang naglalakad papunta sa opisina ang lalaki ay kinompronta s'ya ni Jane.

"Ano bang problema mo ha? Hindi ka naman ganyan dati.." lumuluhang tanong ni Jane habang naglalakad pa ang binata sa harapan n'ya.

Nang marinig ito ng lalaki ay huminto ito sa paglalakad at dahan-dahan humarap kay Jane.

"Hindi mo ba halata na nagkaganito ako dahil sa'yo? Ikaw ang gumawa nito sa'kin." mahinahong tugon nito sa pagharap n'ya sa dalaga.

Biglang tumulo ang luha ni Jane sa sinabi ng binata kaya niyakap n'ya nalang ito ng mahigpit.

Hindi alam ng binata ang dapat gawin dahil batid n'yang may nararamdaman pa rin s'ya para kay Jane ngunit sa halip na yakapin rin ito ng mahigpit ay itinulak n'ya ito dahilan para mawalan ng balanse ang dalaga at mapaupo sa sahig.

Matapos nun ay tinitigan n'ya muna si Jane na tila nagpipigil itong tulungan ang dalaga.

"Sorry..Sorry..I'm sorry" paghingi ng paumanhin ng dalaga na hindi mapigilang maluha.

Hindi pinansin ng binata ang pagmamakaawa ni Jane at umalis ito ng nagpipigil ng emosyon.

Wala silang kaalam-alam na nakita pala silang dalawa ni Arra.