PATULOY parin sa pag-iyak si Jane kaya agad namang pinuntahan ni Arra ang kaibigan at sinabing nasaksihan n'ya ang buong pangyayari.
"Baka gusto mo ng kausap.." saad ni Arra sa kaibigang tumatangis.
Nag-usap sina Arra at Jane at doon ikinuwento ni Jane ang tungkol sa nakaraan nilang dalawa ng kanilang Boss.
"Sorry ha, sinundan kasi kita kaya hindi ko sinasadyang makita yung drama n'yong dalawa." paghingi ng tawad ni Arra sa kaibigan dahil sa hindi sinasadyang makita.
Ngumiti si Jane dahil sa palagay n'ya ay pwede n'yang ipagkatiwala kay Arra ang nakaraan n'ya.
"S'ya ang first love and boyfriend ko, nagkakilala kaming dalawa sa US dahil pareho kami ng School." kwento ni Jane.
"Alam kong nasaktan ko s'ya ng sobra, then I realize na mahal ko pa rin pala s'ya." dagdag pa ng dalaga habang tumutulo ang luha.
Naiintindihan na ni Arra ang nangyayari sa kaibigan.
"Kaya ba bumalik ka dito at nagtrabaho sa kompanya n'ya?" walang paligoy-ligoy na tanong ni Arra.
Tumango-tango lang si Jane at hindi direktang sinagot ang tanong sa kanya.
"Hindi ko alam ang gagawin pag nawala sa buhay ko si Nathan, mahal ko s'ya eh." ani ni Jane.
Matapos ang pag-uusap ay bumalik na sina Jane at Arra sa kani-kanilang mga trabaho sa takot na mahuli silang nagkukuwentuhan ni Nathan at masisante.
Samantala, naalala ni Nathan ang bago nilang employee na kaibigan ng ex n'ya. Parang pamilyar sa kanya si Arra.
"Teka, parang pamilyar ang babaeng 'yun....saan ko nga ba s'ya nakita?" bulong nito sa sarili habang pinipilit alalahanin kung bakit pamilyar sa kanya ang babaeng 'yun.
Dahil hindi n'ya pa rin maalala ay tinawag n'ya ang secretary n'ya para ipa-background check ang bago n'yang employee.
"Sir, Ano pong ipag-uutos n'yo?" kinakabahang tanong ng kanyang secretary.
Pinalapit n'ya ang kanyang secretary.
"Gusto kong ipa-background check yung bago nating empleyado na kasama ng Department Director kanina." pag-uutos nito.
Ibinigay ni Nathan ang litrato ni Arra sa kanyang secretary, laking gulat ng secretary ng makita ang litrato dahil iyon ang babaeng nakasira ng cellphone ng amo n'ya.
"Ang babaeng 'yan po ang nakasira ng cellphone n'yo Sir sa Mall." aniya ng secretary.
Tiningnan ni Nathan ang litrato at naalala nga n'ya ang babaeng nakasira ng cellphone n'ya.
"What?!" ang tanging nasabi ni Nathan.
May naiisip na s'yang magandang plano para makaganti kay Jane. Habang Launch Hour ay inutusan ni Nathan ang secretary n'ya na papuntahin si Arra sa opisina n'ya.
"Ms. Arra Gonzales?" pagkokonpirma ng secretary.
"Yes, ako nga...may problema po ba?" tugon ni Arra.
"Gusto kang kausapin ng C.E.O" Diretsong saad ng Secretary.
Kinakabahan pa rin si Arra dahil hindi n'ya alam ang kanyang gagawin at kung bakit ipinapatawag s'ya nito.
Nang dumating na si Arra sa opisina ng kanyang boss ay kinakabahan s'ya dahil baka patawan s'ya ng parusa dahil sa pagiging late sa unang araw n'ya sa trabaho.
"I'm sorry po kung nalate ako kanina, hindi na po mauulit 'yun." garabe ang kabang nararamdaman ni Arra habang humihingi ng tawad sa kanyang boss na nakatalikod.
Lalo pang tumindi ang kaba ni Arra ng humarap sa kanya si Nathan na may seryosong mukha.
"Naalala mo ba yung tungkol sa Mall kahapon?." nakakabiglang tanong ng binata.
Alam ni Arra ang tinutukoy ng boss n'ya kaya hindi s'ya makatingin ng tuwid dito, kung san-san s'ya tumitingin para maibsan ang kaba.
"Dideretsuhin na kita, gusto kong bayaran mo na ang cellphone ko, mahal din 'yun..." Unti-unting lumalapit si Nathan sa dalaga.
Medyo naging madumi ang isip ng dalaga lalo na't silang dalawa lang ang naroroon.
"S-sir..Diba sabi mo kahapon hindi mo na pababayaran 'yung cellphone?.." nanginginig nitong saad habang Unti-unting umaatras.
Sa kakaatras ni Arra ay napasandal na s'ya sa pinto at huminto naman sa paglapit si Nathan sa kanya.
"Alam kong nabanggit na sa'yo ni Jane ang tungkol sa amin." ani ng binata na seryoso sa mga sinasabi.
Naging seryoso bigla si Arra ng marinig ang sinabi ng binata dahil mukhang madadamay s'ya sa sigalot ng boss at kaibigan n'ya.
"W-wala naman akong kinalaman sa inyong dalawa eh, aalis na ako kasi marami pa po akong tatapusin na papeles." naiilang nitong pagpapaalam.
Nang palabas na s'ya ay biglang nagsalita ang boss n'ya.
"Ang sinabi ko lang ay huwag mong bayaran ang cellphone gamit ang pera." aniya ng binata habang nakapamulsa.
Napalingon si Arra sa binata dahil sa sinabi nito.
"Ano namang gusto mong pambayad dun?" naiilang na tanong ng dalaga at wari'y natatakot sa isasagot ng binata sa kanya.
Lumapit sa kanya ang binata.
"Gusto kong magdate tayo." diretsahang tugon ni Nathan sa dalaga.
Sa panggigil ni Arra sa narinig ay hindi na s'ya nakapag-isip pa kaya bigla n'yang nasampal si Nathan ng malakas. Nabigla ang binata sa ginawang 'yun ng dalaga.
Halata ang pamumula sa pisngi ng binata dahil sa maputi nitong balat.
"Babayaran ko ang cellphone mo kapag sumahod na ako pero hindi ko kayang saktan si Jane dahil lang sa'yo." Nanggagalaiti sa galit ang dalaga at nagmadali na ito sa pag-alis dahil sa inis.
Nang makabalik na si Arra sa kanilang opisina ay bigla s'yang humanga sa sarili at tiningnan ang kanang kamay na pinangsampal n'ya sa kanyang amo.
Samantala, hindi naman makakibo sa inis si Nathan dahil sinampal s'ya ng isa sa mga empleyado n'ya. Unang beses palang na may gumanun sa kanya kaya hindi s'ya makapaniwala.
"What kind of girl she is?" napatanong s'ya sa sarili.
Nang umuwi na sina Arra at Jane sa kanilang condo ay nagkwentuhan sila tungkol sa naging araw nila, nagtawanan at nagbibiruan. Napagtanto ni Arra na hindi n'ya gustong masaktan ang kanyang kaibigan.
Paulit-ulit inisip ni Arra ang tungkol sa alok ni Nathan pero hindi n'ya kayang ipagpalit ang pagkakaibigan nila ni Jane para lang sa nabasag na cellphone.
Dumating na ang araw ng sahod na pinakahihintay ni Arra upang makauwi na sa kanilang probinsya at maisama na ang kanyang mga magulang sa Manila para mamasyal.
"Excited na ako, Yes! Makakasama ko na sila mama at papa." masayang bulong ni Arra sa kanyang sarili.
Habang nagsasaya s'ya ay biglang may nakita s'yang note na nakadikit sa isang papeles.
"3 𝘔𝘰𝘯𝘵𝘩𝘴 𝘰𝘧 𝘗𝘢𝘺𝘪𝘯𝘨."
Naguguluhan si Arra sa nabasa n'yang note at bigla n'yang tinanong ang isang katrabaho.
"May pumasok na ba sa bank account mo?" tanong n'ya.
"Kanina pa." tugon ng katrabaho.
Alam na ni Arra ang nangyayari kaya nagmamadali s'yang tumungo sa opisina ni Nathan.
"Anong ibig-sabihin ng Note na ito?" kunot nuong tanong ni Arra sa boss.
"Wala, pinaalala ko lang sa'yo ang sinabi mo sa akin." pilosopong namang tugon ng binata.
Napangisi nalang si Arra sa sagot nito.
"Sige, kunin mo lahat ng sahod ko sa tatlong buwan na 'yun pero hindi pa rin naman ako susunod sa gusto mong mangyari eh." nang-aasar ang dalaga.
Napakagat nalang ng labi si Nathan sa inis.
Lumabas na agad si Arra sa Opisina ni Nathan ng nakangiti pero iniisip n'ya pa rin kung saan s'ya kukuha ng pera.
"Tingnan natin kung hanggang saan ang pagmamatigas mo..." seryosong bulong sa sarili ng binata ng makaalis na si Arra.